Heightened Covid-19 vaccination program, sisimulan ni MVBA

0
288

San Pablo City, Laguna. Pag-iibayuhin ang Covid-19 Mass Vaccination Program sa lungsod na ito, ayon kay San Pablo City Mayor Vicente B. Amante (VBA) at Concurrent San Pablo City General Hospital (SPCGH) Director and City Health Officer Dr. James Lee Ho, sang-ayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pamamagitan ng Department of Health (DOH).

ay napagalamang muling magsasagawa ng Mass Vaccination program laban sa Covid-19 ang lungsod na ito.

Sa isang panayam ng Tutubi News Magazine, exclusive interview ng Seven Lakes Press Corps  kina 

Partikular na babakunahan ay yaong mga kababayang fully vaccinated subalit wala pang booster shot at mga kabataang may edad 5 hanggang 17 taon.

“Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos at ng DOH  na may layuning mabakunahan at mabigyan ng booster dose ang 50% ng populasyon ng bawat bayan sa loob ng unang 100 araw ng kanyang administrasyon,” ayon kay Amante.

Sinabi ni Lee Ho na 106% ng target na populasyon ng San Pablo ay fully vaccinated ngunit kakaunti pa sa mga ito ang nakakakuha ng booster shot upang mapagtibay ang herd immunity na nakamit na ng lungsod at higit pang maproteksyunan a ng mamamaya laban sa Covid-19.

Matatandaan na ang San Pablo City ay nanguna sa buong Laguna sa isinagawang mass vaccination program noong nakaraang taon na naging daan upang kilalanin ng national at provincial government ang matagumpay na pagbabakuna nito.

Samantala, may bahagyang pagtaas ng mga bagong kaso ng covid dahil sa pagiging kampante ng mga mamamayan, maluwag na paggalaw sa level 1 status, hindi pagsunod sa minimum health protocol, banta ng mga sub-variants ng omicron virus at humihinang efficacy ng vaccine sa mga fully vaccinated individuals. 

Ipinag utos ni Amante sa City Health Office  ang epektibong pakikipag ugnayan sa mga barangay at pribadong sektor upang mabilis na maisakatuparan ang pinag ibayong mass vaccination program at ayon sa kanya ay personal niyang tututukan ang implementasyon nito.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.