Help and Food Bank at Rektang Bayanihan, inilunsad ng PRO Calabarzon

0
308

CALAMBA CITY, Laguna. Inilunsad ni PBGEN Carlito M. Gaces, Police Regional Office Calabarzon Regional Director, ang PNP Help and Food Bank na may temang “Food Bank: Rektang Bayanihan TATAK-PNP – “Tugon sa Agarang-Tulong at Ayuda sa Kalamidad sa mga Pamayanan ng Pilipinas.”

Ginanap ang launching sa PRO4A Covered Court, Camp Vicente P Lim, Calamba City.

Ang PNP bilang pangunahing tagapagtaguyod ng proyektong ito, sa pamamagitan ng Joint Industrial Peace Concern Office, ay nagtutulungan kasama ang mga ahensya ng gobyerno, ang Federation of Philippine Industries (FPI), mga kumpanya sa mga Ecozone, mga kumpanya sa buong bansa, at iba pang mga stakeholder na nagtataguyod ng pagtugon sa mga kalamidad, upang palakasin ang pamamahagi ng donasyon ng pagkain.

Sa nasabing aktibidad, ang Department of Social Welfare and Development 4A, na kinatawan ni Director Barry R. Chua at iniharap ni Mr. Ricky Bunao, Chief ng Admin Division, ay nag-turnover ng mga donasyon sa PRO4A na tinanggap ni Gaces.

Kabilang sa mga donasyong pagkain ang 94 sako ng 25 kilo na bigas, 21 sako ng 50 kilo na bigas, 60 kahon ng instant pancit canton, 45 kahon ng sardinas, 5 kahon ng hygiene kit, 6 kahon ng bottled water, at 10 kahon ng Alaska Powdered Milk.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.