Hepe ng Comelec pahihintulutang magdeklara ng mga lugar sa ilalim ng kanilang ‘kontrol’

0
363

Tinitingnan ng Commission on Elections (Comelec) sa pagbibigay ng pahintulot sa hepe nitong si Saidamen Pangarungan na i-classify ang mga lugar sa ilalim ng “Comelec control” para mabilis na masubaybayan ang paghahanda nito sa loob ng natitirang isang buwan bago sumapit ang botohan sa Mayo 9.

Sinabi ni Commissioner George Erwin Garcia, sa isang Laging Handa briefing noong Lunes, na ang usapin ay haharapin ng Comelec en banc.

Dagdag pa niya, kung bibigyan ng awtoridad si Pangarungan na magdesisyon sa usapin, mapapabilis nito ang proseso sa pamamagitan ng pag-aalis ng prerequisite ng Comelec en banc resolution.

Sa kasalukuyan, tanging ang poll body en banc lamang ang may awtoridad na ilagay sa ilalim ng kontrol ng Comelec ang ilang lugar sa bansa.

“If we wait for the weekly Comelec en banc meeting, there may be delays in the necessary actions to prevent violence or the heightening of tension in the concerned area,” ayon kay Garcia.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10757, anumang political division, subdivision, unit, o area ay maaaring isailalim sa Comelec Control kapag ang peace and order situation sa lugar ay maaaring makaapekto sa pagsasagawa ng halalan.

Upang maideklarang sakop ng Comelec ang mga lugar, dapat itong may kasaysayan o kasalukuyang matinding tunggalian sa pagitan ng mga magkakalabang partido; mga lugar na dati nang idineklara sa ilalim ng Comelec control, o insidente ng politically-motivated violence na kinasasangkutan ng mga aspirants/kandidato at/o kanilang mga tagasuporta.

Ang iba pang salik na maaaring mag-udyok sa paglalagay ng isang lugar sa ilalim ng kontrol ng Comelec ay ang pagkakaroon ng karahasan na maaaring isagawa ng mga pribadong armadong grupo (PAGs); at ang pagkakaroon ng mga seryosong armadong banta na dulot ng communist terrorist group (CTG) at/o iba pang mga banta na grupo kabilang ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), ang Abu Sayyaf Group (ASG), ang Maute Group, at iba pang kahalintulad na mga grupo ng pagbabanta.

Ang deklarasyon ng Comelec Control ay maaaring simulan sa pamamagitan ng motu proprio; sa pamamagitan ng paghaharap ng kahilingan; o sa pamamagitan ng paghahain ng direktang petisyon/liham.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo