Herd immunity sa Imus, inaasahang maaabot na sa katapusan ng Nobyembre

0
248

IMUS CITY, Cavite. Inaasahang maaabot na sa lungsod na ito ang herd immunity sa katapusan ng Nobyembre.

Ayon sa report ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi, ang kasalukuyang distribusyon ng bakuna sa nabanggit na lungsod ay lampas sa pang araw araw na target na 3,700 Covid-19 jabs sa ilalim ng lokal na programang Bida ang may Bakuna.

“In fact, we are able to distribute 5,000 hanggang 6,500 jabs every day,” ayon kay Maliksi.

Batay sa pinakahuling report, ang nabanggit na lungsod ay nakapagbigay na ng 369,269 doses sa mga residente na kabilang sa priority groups at 168,630 na may kumpletong doses. Dahil dito ang Imus ang una sa buong Cavite sa dami ng nabakunahan.

Mula sa 2,600 active Covi-19 cases na naitala dito noong Setyembre, bumaba na ito sa 589 ngayogn Oktubre, ayon sa report.

Patuloy ang pagbabakuna sa lungsod na ito sa vaccination site sa Robinson’s Place sa Imus. Sa kalagitnaan ng Nobyembre, ayon kay Maliksi, ay tatangap na sila ng mga taga ibang bayan o lungsod na nais magpabakuna.

Drive-thru Covid-19 vaccination sa Robinsons Place sa Emilio Aguinaldo Highway sa Imus City. Apat na tao kada sasakyan ang maaaring magpabakuna. Kailangan ay magparehistro muna at maghintay ng abiso bago pumila sa nabanggit na drive-thru vaccination site.
Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.