High rank official ng NPA sumuko sa AFP Quezon

0
240

Lucena City, Quezon. Sumuko ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) na nakabase sa Southern Tagalog sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines Southern Command sa Camp Guillermo Nakar kahapon matapos ang limang araw na negosasyon sa pagitan ng militar at ng surrenderee.

Ayon sa pahayag ni BGeneral Arman Arevalo, SFP Southern command chief, kinilala ang sumuko na si Jonel B.Soriano, alias ” Ka Nel” , 42, at isang intel officer ng NPA sa Calabarzon.

Ang nababnggit na pagsuko ayon kay Arevalo ay bunga ng programa ng pamahalaan na bigyan ng panibagong buhay at pagkakataon ang mga kapwa Pilipino na minsan naging biktima ng maling pagtuturo at doktrina ng mga rebelde.

 Sinabi rin ni Arevalo na laging bukas ang pinto ng pagkakaisa ng pamahalaan upang wakasan na ang ilang dekada ng pakikipaglaban ng mga rebelde na nagiging dahilan lamang ng pagka kalayo layo ng mga pamilya.

Ayon naman kay Soriano,”naniniwala siya sa programang Balik- loob ng pamahalaan na naglalayong muling buuin ang mga pamilya at sumunod sa mga alituntunin ng batas at pamahalaan.”

Ang AFP ay magbibigay ng tulong pangkabuhayan sa pamilya ni Soriano gayundin sa pag aaral ng kanyang mga anak.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.