Mapalad ang mga batang lumaki sa probinsya kaysa sa mga nasa siyudad dahil kahit mga munti pa sila ay alam nila kung saan galing ang mga gulay at mga prutas na kinakain nila sa araw araw.
Isa sa gustong gusto kong balikan na naalala ay ang bulaklak ng Himbabao o Alukong na hindi kilala ng marami. Madami nito sa Batangas at Quezon. Pero sa Northern Luzon ay kilalang kilala ito at may kanya kanyang katawagan sa bawat bayan.
Dito sa ating sa katagalugan ay tinatawag natin itong himbabao. Sa Ilocos, ang tawag dito ay Bungon, o Alukon at mas kilala sa tawag na Ba-eg. Sa Isabela ay Alibabag, babayan sa Bataan, sa Aurora ay Ba-og, Aplit sa Kapangpangan at maraming iba pang tawag dito.
Kung gaano kadami ang tawag dito ay ganoon din karami ang lutong pwedeng gawin sa Himbabao o Alukon. Isinasangkap ito sa pinakbet at dinengdeng na may Bagoong na halubaybay o Buridibod.Inilalagay din ito sa Munggo. May mga nagsasabi na masarap din itog ilahok sa sinigang na isda or ginisa sa kamatis na may sinangag na dilis. Sa katagalugan ay napakasarap nito sa bulanglang na may puso ng saging, papaya, dilis,kamatis at kaunting luya. Naku, panalo na pag ito ang ulam. Pwede rin itong lutuin sa may oyster sauce at tufo. Ok din sa inamatisan na ka may kasamang dilis,
Ang himbabao or alucon ay itinuturing na wild food plants. Ang kakaibang gulay na ito ay may scientific name na tinatawag na Broussonetia luzonica. Kilala ito sa ibang bansa na Birch flowers. Tumataas ang puno nito ng hanggang 15 meters a,t tumataba ang puno ng hanggang 30 centimeters. Namumulaklak ito kahit maliit pa ang puno. Mahaba at matutulis na parang pancit ang korte ng bunga nito. Sa aking karanasan isang beses isang taon lang ito namumulaklak at kada summer lang.
May lalaki at babaeng himbabao. Ang babaeng puno ay bilog ang bulaklak na may buto. Kalimitan ay may parang kaliskis na kulay berde na pahaba na tinatawag ng mga Ilokano na mild spinach. Samantalang ang male flowers na tinatawag na catkins ay twisted at curved tubes na yellowish white na green din pero kalimitan ang haba ay 10 centimeters lamang.
Pinararami ito sa pamamagitan ng cuttings, o ng marcotting. Pwede din ang air layering and inarching.
Subukan nating magtanim ng Himbabao o Alukon sa ating bakuran dahil hindi lang sustansyang ang benepisyo nito kundi puno na nagbibigay ng malinis na hangin at sapat na oxygen na kailangan ng mga tao. Ang puno nito ay may mahalagang tungkulin sa agro-ecosystem dahil ang makapal na mga dahon nito ay epektibong humaharang sa araw kaya ginagawa itong magandang lilim ng mga halaman para sa abaca at iba pang katulad na pananim.
Joel Frago
Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor. Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming. Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018. Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.