Hinahabol ng Turkey ang mga kontratista; mahigit na sa 33,000 ang mga namatay sa lindol

0
260

Tinatarget ngayin ng mga awtoridad ng Turkey ang mga kontratista na pinaniniwalaang sangkot sa mga gusaling gumuho sa dalawang malalakas na lindol noong Pebrero 6 na ikinamatay ng mahigit 33,000 tao.

Ang bilang ng mga namatay mula sa magnitude 7.8 at 7.5 na lindol na tumama ng siyam na oras pagitan pagitan sa timog-silangan ng Turkey at hilagang Syria ay tumaas sa 33,185 at tiyak na tataas pa habang ang mga search team ay naghahanap pa ng mga bangkay.

Habang ang kawalan ng pag-asa ay nauwi sa galit dahil sa napakabagal na rescue operations, ang focus ay nabaling sa sisihan.

Sinabi ni Turkish Justice Minister Bekir Bozdag na 131 katao ang nasa ilalim ng imbestigasyon para sa diumano ay responsibilidad nila sa pagtatayo ng mga gusaling nabigong makayanan ang mga lindol. Bagama’t malakas ang mga lindol, sinisisi ng marami sa Turkey ang maling konstruksyon kung kaya at maraming gusali ang nawasak at bumagsak.

Ang mga construction codes ng Turkey ay nakakatugon sa earthquake-engineering standards, sa papel, ngunit bihirang ipinapatupad ang mga ito, na sinasabing dahilan kung bakit libu-libong mga gusali ang bumagsak.

Kabilang sa mga iniimbestigahan ngayon ay ang dalawang tao na inaresto sa lalawigan ng Gaziantep dahil sa hinala na pinutol nila ang mga haligi upang gumawa ng karagdagang silid sa isang gusali na gumuho, ayon sa state-run na Anadolu Agency. Sinabi ng justice ministry na tatlong tao ang inaresto, pitong iba pa ang nakakulong at pito pa ang pinagbawalan na lumabas sa Turkey.

Dalawang kontratista na may pananagutan sa bumagsak na mga gusali sa Adiyaman ay inaresto noong Linggo sa Istanbul Airport habang sinusubukang umalis ng bansa, ayon sa ulat ng pribadong DHA news agency at iba pang media. (AP)

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.