Kaligtasan sa epidemya: Sa papanaw ng negosyante

0
739
A closed business due to covid 19 pandemic
A closed business due to covid 19 pandemic
A closed business establishment due to imposed mandatory lockdown, during the coivd-19 pandemic.

Masyadong maalaki at lumalaki pa ang epekto ng epidemya sa mga negosyo. Non-revenue to losses ang nararanasan ng mga negosyante ngayon. 

Tuloy tuloy ang expenses for security, maintenance, electricity , water bills, phone at internet service kahit halos walang kinikita. Bukod pa dito ang reporting/updating of government records BIR, Philhealth, SSS at iba pa.

Hindi maiwasang magbawas ng empleyado sa mga negosyong restaurants, resorts, spas, beauty salon, gyms, hotels at iba pang hanapbuhay na binabantayan ng AITF.

Tuwing mag aanunsyo ang AITF na pwede ng mag operate, papasok ang mga empleyado at mamumuhunan sa mga pangangailangan ang mga negosyante. Pagka ilang araw ay muling mag aanunsyo ng pagsasara dahil tumaas na naman ang cases. Dahil dito, lalong lumalaki ang pagkalugi dahil paulit ulit na naglalabas ng kapital na hindi naman nababawi.

Hindi pa masabi kung hanggang kailan tatagal ang epidemya.  Sa ngayon ay marami ng naghihingalong negosyo.  Marami na rin ang tuluyan ng nagsara. Ramdam natin ang negative na epekto nito sa lokal na ekonomiya.  May epekto din ito sa local tax sapagkat mababawasan ang bilang ng mga negosyanteng magbabayad ng lokal na buwis.

Bilang tulong o ayuda ng local at national government sa krisis na ito, maaari sigurong babaan muna ang singil sa business permit sa mga negosyong lubhang apektado ng Covid-19. Pwede ring babaan ang singil sa land tax, tourism tax at BIR taxes.

Tahimik lang ang mga negosyante sa ating komunidad ngunit lahat sila ay nakakaranas ng matinding krisis.  

Panawagan natin ito sa mga lokal na mambabatas na bigyan nila ng kaunting pansin ang pagbubuo ng batas na makakapagpagaan sa kalbaryong dinaranas ng mga negosyante ngayon.

Baka sakaling sa tulong nila ay maisalba pa ang maraming hanabuhay na malaki ang posibilidad na magsara na.

Featured Photo by Anastasiia Chepinska on Unsplash

Author profile
myrone zabat Jr
Marius Myrone S Zabat Jr

Si Marius Myrone S Zabat ay naging presidente ng San Pablo Amateur Radio Club (1996-1997), JCI San Pablo (1997-1998), at San Pablo Jaycees Senate (2001-2003). General Manager din siya ng  Milmar Distillery at Tierra De Oro Resort-Hotel.