Hinatulan ng Sandiganbayan ang dating mayor sa Palawan dahil sa hindi pagsasauli ng mga riple

0
161

Kinondena ng Sandiganbayan nitong Biyernes ang isang dating alkalde ng Puerto Princesa sa Palawan dahil sa malversation matapos hindi maibalik ang labing-apat na assault rifle sa kahalili niya sa puwesto.

Sa 48-pahinang desisyon na may petsang Hunyo 30 na isinulat ni Associate Justice Ronald B. Moreno, hinatulan ng anti-graft court ang dating alkalde ng Puerto Princesa na si Edward Hagedorn na makulong ng hanggang pitong taon at pinagbawalan ng habambuhay sa paghawak ng pampublikong tungkulin. Bukod pa rito, pinatawan din siya ng multang PHP490,000.

Ang reklamo laban kay Hagedorn ay isinampa ng kanyang kahaliling alkalde na si Mayor Lucio R. Bayron, na nag-akusa na hindi isinauli ni Hagedorn ang labing-apat sa dalawampung assault rifle na pag-aari ng lokal na pamahalaan matapos ang kanyang termino bilang alkalde noong 2013.

Sinabi ng korte na ang mga baril na ibinalik ni Hagedorn ay may mga sinalaulang serial number at hindi ito ang mga orihinal na ipinagkaloob sa kanya.

“(T)he prosecution was able to prove by moral certainty that the accused Hagedorn misappropriated the subject firearms. Aside from the fact that he was able to gain possession, custody, or control of the said firearms, the prosecution was able to prove that one of the subject firearms remains unaccounted for and nine have tampered serial numbers,” ayon sa  korte.

“(T)he court finds that not all of the subject firearms were turned over by accused Hagedorn,” dagdag pa nito.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.