Hindi ako magre-resign, ayon kay Pangulong Marcos

0
39

MAYNILA. Tinuldukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga panawagang magbitiw siya sa puwesto, matapos ipag-utos ang pagsusumite ng courtesy resignations ng kanyang mga Cabinet members

Sa isang pahayag, mariing sinabi ng Pangulo, “I will resign? Bakit ko gagawin ‘yun? Wala sa ugali ko ang tinatakbuhan ang problema.” Idinagdag niya na wala ring magandang maidudulot ang kanyang pagbibitiw sa kasalukuyang sitwasyon.

Aniya, ang layunin ng courtesy resignation ay para ma-recalibrate ang administrasyon matapos ang midterm elections, at hindi ito simpleng pagpapakita lamang ng itsura o “optics.” Binibigyang-diin din niya na masusing sinusuri ang performance ng bawat miyembro ng gabinete bilang bahagi ng prosesong ito.

Matatandaan na inihayag noon ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez na nararapat lang na magbitiw si Pangulong Marcos dahil siya raw mismo ang problema, isang pahayag na mariing tinutulan ng Pangulo.

Patuloy ang administrasyon sa pagsusulong ng mga reporma at pagtutok sa mga mahahalagang isyu ng bansa.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.