Hindi bawal ang magsauli ng kagandahang loob

0
856

Sa sambahayang Kristyano ang pagpapadama at pagsasabi ng pagmamahal sa  pamilya ay  matingkad na pagpapakita ng pagpapahalaga.

Napakadaling isagawa ang pagmamano at paghingi ng  basbas mula sa ama’t ina. Ang pagsasabi ng ‘I love you, Dad’ o ‘mahal na mahal kita, Inay’ kahit sa text and call ay masarap iparating bilang bahagi ng panghabang buhay na pagtanaw ng utang na loob sa nagbigay ng buhay at nag aruga upang maabot ang kinatatayuan.

Naaantig ang  damdamin sa nabasa kong mga comments sa FB hinggil sa mga post ng mga artikulo at larawan ni dating Punong Lungsod at ngayon ay si San Pablo City Admin Vic Belen Amante (VBA).

Hayag, lantad at lampasan kung magpahatid ng pagtanaw ng utang na loob ang maraming natulungan ni VBA, noon at ngayon. Itinuturing nila na sia ay isang tunay na haligi ng lungsod. Hindi sila nangangamba na baka sa kanilang pagpapakita at pagpapadama ng pag-ibig kay VBA ay masaling ang damdamin ng ibang kasamahan na may pang personal at pampulitikang hangarin.

Ngunit may ilan din na matapos makinabang at maitalaga sa isang regular na posisyon sa pamahalaan agad nang isasa isip na ‘he/she deserved it’. Na sariling kakayahan ang nagluklok sa trabahong ginagampanan. Marahil kung sa pribadong organisasyon ay masasabing ganoon nga. Subalit laking pagkakaiba sa sistema ng paglilingkuran sa pamahalaan?

Ganon pa man ay tanggap na ang ganitong mga pangyayari. Maging ang mga alituntunin at batas ng Serbisyo Sibil ay nag-uutos at nagtatagubilin na  ‘mamamayan muna’ bago ang pansariling kapakinabangan. 

Subalit hindi maaaring ipagbawal ang ipadama ang pagpapahalaga at pagbabalik ng kagandahang loob sa isang pinunong tulad ni VBA. 

Photo credit: primer.com.ph
Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.