Hindi kailangang maging ‘arogante’ para maituring na lalaki

0
686

“Umatras ka na,” sabi ni Isko Moreno Domagoso kay VP Leni Robredo. “Be a hero,” ang patolonges na sabi pa niya.

Hindi ko makita ang heroism sa pag atras – kahit saang laban. At kung tunay na kabayanihan nga ang inaalok niya, bakit kaya hindi siya ang umatras?

Bully bait ba ang padahak na yon o bully talaga ang mayor na tumakbong presidente at narindi.

Hindi viable ang hamon na magpa atras dahil hindi naman siya kasali sa mga frontrunners. 

Babae ba si Leni kaya minemenos ni Isko? Dahil ang pagmumungkahi ng resignation ay isang uri ng pang mamaliit. “Wala kang laban, Ineng kaya umuwi ka na,” parang ganyan.

Nauunawaan ko kung bakit naging sexy actor siya nung siya ay artista pa. Pero hindi na katanggap tanggap ang isa pang sexist at maangas na pangulo.

Ang pagturing sa mga babae bilang mababang nilikha—mabuti ba iyon para sa bansa at sa mundo? Hindi nga ba’t sinabi din niya na “Baka ma-offend, babae eh. Ayaw namin. Alam mo, there was a time nasa debate kami ni Senator Ping. Gusto na namin mag–[argue], kaya lang nahiya kami kasi babae.” 

Hindi dapat mangimi sa babae. Subukan mong pumarehas. Nakikita mo ito sa lahat ng mga hayop – ang babaeng species ay mas nakamamatay kaysa sa lalaki. Huwag kang maawa dahil kayang gawin ng mga babae ang anumang magagawa ng mga lalaki na may suot  na 5 inch heels.

May mga nagsasabi pa rin talaga na ang babae ay para lang sa kusina. Gamit ang parehong lohika, ang mga lalaking kagaya ni Isko ay nabibilang lang sa gubat.

Sa isang banda, itinatwa ng ibang presidential candidates, kasama na ang sarili niyang bise na si Doc Willie Ong ang nakakahiyang panawagan na umatras na si Leni. Nag backlash ang gender discriminating strategy ni Yorme. Hindi na kasi uso ang dogmatic na tao.

Sa kabila pang banda, mabuting nakikita ng kababaihan ang mga ganitong eksena. Makakatulong ito sa pagpili natin ng susunod na boarder sa Palasyo.

Women, rock the vote!

Nieves Fernandez: Ang Kilabot na Guro ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Isa sa ilang babaeng pinunong gerilya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Kapitan Nieves Fernandez na nagkataong guro rin sa kanyang bayang sinilangan na Tacloban, Leyte ay naging commander sa isang grupo ng mga gerilyang Pilipino laban sa pananakop sa mga puwersang Hapones noong panahon ng digmaan.

Gamit ang karamihan sa mga magaspang na armas tulad ng mga homemade shotgun (“paltiks”) at kung ano pa man ang maaari nilang makuha mula sa kaaway, ginawang impyerno ni Nieves at ng kanyang grupo ang buhay na para sa mga Hapon. Nakapatay ang grupo ng 200 na Hapon sa panahon ng labanan. Galit na galit ang mga Hapon at naglagay ng 10,000-pisong pabuya sa kanyang ulo.

Gayunpaman, ang matipunong si Fernandez ay nakaligtas sa digmaan ng walang iba kundi isang galos mula sa daplis ng bala sa kanyang kanang bisig. Ang retrato ay nagpapakita ng kanyang paglalarawan sa isang Amerikanong sundalo kung paano niya papatayin ang mga bantay ng Hapon gamit lamang ang isang bolo.
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.