Hindi na kailangan ng RT-PCR test para sa mga fully vaxxed na travelers

0
275

Hindi na kailangang magpakita ng negative reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test (RT-PCR) test ang mga Filipino at dayuhan na ganap na nabakunahan na papasok sa Pilipinas simula Mayo 30.

Sa isang online press briefing, sinabi ni acting Deputy Presidential Spokesperson and Communications Undersecretary Michel Kristian Ablan na nakapaloob ang bagong protocol sa resolusyon na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) noong Huwebes.

Sa ilalim ng IATF-EID Resolution 168, ang mga papasok na pasahero ay hindi kailangang magpakita ng RT-PCR test, sa mga kondisyong sila ay 18 taong gulang pataas, at may kahit isang booster shot laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Exempted din sa pre-departure RT-PCR requirement ang mga may edad na 12 hanggang 17 na nakatanggap ng dalawang bakuna laban sa Covid-19, gayundin ang mga may edad pababa sa 12 na sinamahan ng fully vaccinated o boostered na mga magulang o tagapag-alaga. (PNA)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo