Hindi pa makapag desisyon kung uuwi o hindi ang mga Pinay na may asawang Ukranian

0
165

Hindi makapag desisyon ang mga Filipina sa Ukraine na may asawang Ukranian kung aalis sila o hindi, ayon kay Philippine Ambassador to Poland Leah Basinag-Ruiz.

Ang mga lalaking Ukranian na may edad 18 hanggang 60 ay hindi pinapayagang umalis dahil kailangan nilang sumali sa Army upang tumulong sa pagtatanggol sa kanilang bansa laban sa mga puwersa ng Russia.

Sa isang pulong sa bulwagan ng OFW (overseas Filipino worker) na pinasimulan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ipinalabas online noong Lunes, sinabi ni Ruiz na nagawa na nila ang lahat ng pagsisikap na tulungan ang mga natitirang Pilipino sa Ukraine.

“The Ukrainian wives have no problem and we were able to issue them visas but when the Ukrainian males were prevented to leave, that’s when the dilemma started,” ayon kay Ruiz.

Gayunpaman, hinihimok ng Philippine Embassy sa Warsaw, Poland ang lahat ng mga Pilipinong nasa Ukraine na magdesisyon kaagad upang sila ay matulungan sa lalong madaling panahon.

“The priority right now is to ensure that Filipinos are brought out of harm’s way,” dagdag pa ni Ruiz.

Sinabi ni DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola na anim na Pilipino na ang nakauwi noong nakaraang linggo habang 13 ang lumikas sa Poland.

Ang 13 ay sinalubong sa Rava-Ruska-Hrebenne Border Crossing Station noong Linggo sa pamamagitan ng isang bus, kasama si DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., pagkatapos ng limang oras na paghihintay.

Idinagdag niya na anim na Pilipinong evacuees ang nasa Moldova, walong seafarer ang nailigtas mula sa bulk carrier MV S Breeze sa bukana ng hangganan ng Moldova, apat ang nasa Romania, at walo pa ang nasa Hungary.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.