Hindi tataas ang presyo ng essential goods hanggang katapusan ng 2025

0
350

MAYNILA — Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Trade and Industry (DTI) na panatilihin ang price freeze o pagpigil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at prime commodities hanggang sa pagtatapos ng 2025.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bago bumiyahe ang Pangulo patungong Kuala Lumpur para dumalo sa ASEAN Summit, ipinag-utos niya sa DTI na mahigpit na ipatupad at imonitor ang maximum suggested retail prices, lalo na sa imported rice at iba pang produktong pagkain.

Saklaw ng price freeze ang mga de-latang sardinas at karne, lahat ng uri ng gatas, kape, bottled water, instant noodles, tinapay, asin, toyo, patis, suka, kandila, at iba pang pangunahing manufactured goods.

Inatasan din ni Marcos ang DTI na makipag-ugnayan sa mga manufacturer upang mapanatili ang kasalukuyang presyo at maiwasan ang hindi kinakailangang pagtaas ngayong holiday season.

Sinabi ni Castro na nakikipagtulungan ang lahat ng stakeholders sa hakbang na ito upang matiyak na mananatiling abot-kaya ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan sa mga pamilihan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.