Hinihikayat ang mga Pinay na mag-apply sa UK scholarship sa STEM

0
234

Inaanyayahan ang mga kababaihan mula sa Pilipinas at iba pang bahagi ng Southeast Asia na mag-apply para sa isang scholarship program na naglalayong magbigay ng pagkakataon para sa master’s degree sa mga larangang may kinalaman sa STEM (Science, Technology, Engineering, at Mathematics). Ang programang ito ay inilunsad ng United Kingdom kamakailan lamang.

Ang ASEAN-UK SAGE Women in STEM Scholarships, na may layuning”address gender disparities in STEM education and employment within ASEAN countries and Timor-Leste,” ayon sa pahayag ng British Council, ay magbibigay ng pagkakataon sa 11 matagumpay na aplikante mula sa 10 ASEAN member states at Timor-Leste na mag-aral ng one-year master’s degree sa University of Warwick o Imperial College London.

Ang scholarship na ito ay sumasaklaw sa stipends, tfravel exenpes, visas, at coverage para sa kalusugan bukod pa sa tuition fee.

“We take pride in taking the lead in implementing the ASEAN-UK SAGE Women in STEM Scholarships, aligning with the UK’s priority to support women, girls and marginalized communities. We hope that this program opens more doors that would lead to meaningful impact, empowering women and advancing diversity and excellence,” pahayag ni British Council Philippines Director Lotus Postrado.

Bukod dito, susuportahan din ng proyekto ang mga inspirational advocates at role models para sa mga kababaihan sa larangan ng STEM.

Ang aplikasyon para sa ASEAN-UK SAGE Women in STEM Scholarships at British Council Scholarships for Women in STEM ay bukas hanggang kalagitnaan ng Abril ng kasalukuyang taon.

“We invite Filipino women to seize this opportunity and play a leading role in driving forward innovation, shaping our shared future, sabi ni UK Ambassador to the Philippines Laure Beaufils.

Para karagdagang inpormasyon, bumisita sa: https://m.en.freshnewsasia.com/index.php/en/localnews/46295-2024-02-22-08-42-52.html

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.