Hinihimok ng PHILPost ang mga estudyante na sumali sa UPU letter writing contest

0
331

Nag iimbita ang Philippine Post Office (PHLPost) at ang Universal Postal Union (UPU), sa pamamagitan ng International Bureau, ng mga kabataan na may edad 9 hanggang 15 taong gulang na lumahok sa kanilang 51st International Letter Writing Competition para sa mga Kabataan, upang palakasin ang literacy sa pamamagitan ng sining ng pagsulat ng liham.

“The contest is designed to develop the young people’s skills in composition and the ability to express their thoughts clearly, to foster their enjoyment of letter-writing and to help strengthen the bonds of international friendship – one of the basic missions of the UPU,” ayon sa Post Office sa isang statement noong Miyerkules.

Suportado ito ng Department of Education (DepEd). Ang mga kalahok mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa, ang mga kalahok ay kailangang magsulat ng liham sa isang “maimpluwensyang tao kung bakit at paano gagawa ng aksyon ukol sa climate change”.

Ang mga entry sa kumpetisyon ay dapat nakasulat sa Ingles at kailangan ay sulat-kamay na walang mga bura.

Ang mga entry ay hindi dapat lumampas sa 800 na salita at dapat maglaman ng mga pangunahing elemento ng isang liham – pamagat, pagbati, katawan ng liham, komplimentaryong pagsasara at lagda.

Pinaalalahanan ng Post Office ang mga kalahok na ipahiwatig sa isang hiwalay na papel ang sumusunod na impormasyon: bilang ng mga salita ng komposisyon ng liham, kumpletong pangalan ng kalahok at direksyon ng tirahan, kasarian ng kalahok, edad at petsa ng kapanganakan, colored na larawan ng kalahok (300 dpi minimum), pangalan at address ng paaralan kabilang ang taon o antas ng grado ng kalahok, at contact number ng paaralan at ng kalahok.

Ang mga entry ay dapat ilagay sa isang brown envelope at isumite lamang sa pamamagitan lamang ng Domestic Express Mail Service (DEMS) – UPU 51st International Letter Writing Competition for Young People (2022), Post Shop, Philately and Museum Division, Philippine Postal Corporation, 3/F Manila Central Post Office Building, Magallanes Drive Liwasang Bonifacio, Barangay 659-A, Ermita 1000 Manila. Ang mga entry na ipinadala sa pamamagitan ng mga pribadong courier ay awtomatikong madi-disqualify.

Ang judging ay ibabatay sa kaugnayan sa tema ng komposisyon (30 porsyento), imahinasyon at orihinalidad ng mga nilalaman (20 porsyento), nagpapakita ng magandang istilo ng pagsulat at komunikasyon (20 porsyento), nagpapakita ng malawak na bokabularyo (20 porsyento), at youthfulness ng tono (10 porsyento).

Ang mga entry ay tatanggapin hanggang Abril 25 at ang final winner ay ipapahayag sa Mayo 2, 2022.

Ang unang gantimpala para sa patimpalak ay PHP25,000 cash na may medalya at presentation frame, ang pangalawang gantimpala ay tatanggap ng PHP15,000 na may medalya at presentation frame, at ikatlong gantimpala ay tatanggap ng PHP10,000 na may medalya at presentation frame.

Ang mga interesadong kalahok ay maaaring tumawag kay Ms. Joy Edralin-Cacho sa Tel. 8527-01-32 o bisitahin ang opisyal na website ng Philippine Postal Corporation sa phlpost.gov.ph, Facebook pages @PHLpost at @Pilipinas Philately, o twitter account @phlpostofficial para sa updates sa letter-writing competition.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.