Hiniling ng DOH sa COVAX na palitan expiring na Covid-19 jabs

0
365

Nagpasa ang Department of Health (DOH) ng demand forecast na 34 milyong dosis ng bakuna laban sa Covid-19 sa COVAX Facility at tiniyak na papalitan nito ang mga malapit nang mag-expire na bakuna na ibinigay nito at ang mga binili ng national government, local government units at ng private sector.

Sa isang public briefing sa telebisyon kahapon, sinabi ng hepe ng National Vaccination Operations Center, Dr. Myrna Cabotaje, na ang demand forecast na isinumite noong Mayo 4 ay ang pagtatantya lamang ng bilang ng mga bakuna na inaasahang hihingin ng bansa sa loob ng isang sa hinaharap.

Nauna dito, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na papalitan lang ng COVAX mga malapit na expire na jab na donasyon nila.

Ang COVAX ay isang pandaigdigang inisyatiba na naglalayong magkaroon ng patas na pag-access ang lahat ng bansa sa mga bakunang Covid-19. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.