Hinimatay si Lorenzana sa seremonyas ng Araw ng Kalayaan

0
308

Hinimatay si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa seremonya ng Araw ng Kalayaan sa Rizal Park sa Maynila kanina.

Ayon kay Defense Head Executive Assistant Peter Paul Galvez sa mga mamamahayag, si Lorenzana ay kasalukuyang nasa ospital at ngayon ay “nasa estable ng kundisyon.”

Sinabi ni Lorenzana na ang kawalan ng pahinga at tulog ay nagdulot ng pinsala sa kanyang katawan.

Ayon sa Department of National Defense, kararating lang ni Lorenzana mula sa sunud-sunod na biyahe sa ibang bansa at maaaring ito ang naging dahilan ng kanyang pagkapagod dagdag pa ang init ng panahon sa Rizal Park.

“The Secretary of National Defense just arrived from Singapore early this morning after attending the IISS Shangri-La Dialogue and meeting with his foreign counterparts. The Secretary also traveled recently to South Korea and other parts of the Philippines, while overseeing the defense operations of the country and transition to a new administration,” ayon kay Defense Spokesperson Arsenio Andolong.

Samantala nag-update defense secretary sa Facebook at ibinalita na maayos na ang kanyang kalagayan.

“Hello, everyone! My lack of rest and sleep from my recent successive international security engagements may have taken its toll on me. Late na kami nakabalik from Singapore, tapos napakainit pa sa Luneta kanina. But as the saying goes, a true soldier always gets up quickly after a fall.

I’m fine now. Just resting since the results of the tests conducted earlier are okay.

I’m deeply moved by your concern and well wishes. Thank you and God bless us all,” ayon sa Facebook post ni Lorenzana kaninang tanghali. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.