Wednesday, May 27, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 599

Oil price hike bukas: P0.40 sa gasolina, P1.50 sa diesel

Matapos ipatupad ang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo noong nakaraang linggo, muling babawi ang mga oil company sa bansa sapagkat muling magpapatupad ang mga ito ng oil price hike bukas, Martes.

Ayon sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P0.40 sa kada litro ng gasolina, P1.50 sa kada litro ng diesel, at P1.25 sa kada litro naman ng kerosene epektibo alas 6 bukas ng umaga.

May dagdag presyo din sa mga produktong petrolyo sa pareho ding halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na magiging epektibo alas-12:01 ng madaling araw at CleanFuel na magiging epektibo naman alas 4:01 bukas ng hapon.

Ang ipapatupad na dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay itinulak ng patuloy na paggalaw ng presyo nito sa world market.

Matatandaan na noon lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng bawas sa mga presyo ng produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na P0.70 sa kada litro ng gasolina, P1.30 sa kada litro ng diesel, at P1.80 sa kada litro naman ng kerosene.

Lucena group hindi sasali sa one week transport strike

0

Lucena City, Quezon.  Hindi sila sasama sa transport strike laban sa jeepney modernization program mula ngayong araw ng Lunes, ayon Freddie Bravo, pansamantalang presidente ng Lucena City Transport Cooperative (LCTC), kahapon.

Binanggit niya ang kanilang pagkabahala para sa commuting public bilang pangunahing dahilan kung bakit nagpasya sila na huwag lumahok sa tigil pasada mula Marso 6 hanggang 12.

Sinabi ni Bravo na nagsumite na ng Letter of Intent ang kanilang grupo kay Elmer Francisco ng Francisco Motors na siyang gumagawa ng electric jeepney na papalit sa mga iconic na traditional jeeps.

“The jeepney modernization scheme is already mandated in 2017 and we accepted that. That’s the reason why we enlisted our group as a cooperative in 2018 to cope up with the modernization plan,” ayon kay Bravo sa isang panayam kahapon.

Aniya, nakapag-order na ang kanilang kooperatiba ng 712 units ng electric type jeep at inaasahan ang pagdating ng unang 15 units sa Hulyo ng taong ito.

Magiging kamukha pa rin ng tradisyunal na jeepney ang e-jeep na may ilang pagbabago kabilang ang air conditioner, GPS (global positioning system) at Wi-Fi connection, ayon kay Bravo.

Ang 23-seater model ay gagamit ng kuryente at hindi diesel fuel, dahil ginawa  itong mas environment friendly, dagdag niya.

Ang bawat unit ng e-jeepney ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang PHP1.8 hanggang PHP2 milyon.

Sinabi ni Bravo na kapag nagsimula na silang gumamit ng mga modernong jeepney, ang mga driver ay tatanggap ng fixed income at hindi sa pamamagitan ng “boundary system.”

Bibigyan din ng benepisyo ang mga driver, kabilang ang PhilHealth, Pag-IBIG, Social Security System at 13th-month pay.

Isang “beep card” system ang gagamitin ng mga commuters, na magbibigay-daan sa kooperatiba na masubaybayan ang buwanang kita ng bawat unit.

Sinabi ni Bravo na ang nabanggit na pamamaraan ay makapawi sana sa pag aatubili ng kanilang mga miyembro at maging kasangkapan sa sa modernisasyon.

Colorum buster, ikinasa sa Biñan City

0

Biñan City, Laguna. Madaling araw kaninang umaga, may ilang shuttle service na umiikot sa lungsod na ito, at nag aalok ng libreng sakay sa mga pasahero. 

Bagamat may bumabyahe pa rin na ilang jeep, minabuti ng lokal na pamahalaan ng Biñan na maghatid ng libreng sakay sa kanilang mga nasasakupan.

Nakipag-ugnayan din ang Public Order and Safety Office (POSO) ng Biñan LGU sa JODAI Federation at nangakong magbibigay ng biyahe kung kinakailangan para sa mga apektado ng tigil pasada.

Inaasahan din ng POSO ang biglang pagsulpot ng mga colorum na tricycle na magsasamantala at maniningil ng biglang taas na pasahe kaya naman nagsasagawa sila ng anti-colorum campaign ngayong araw kasama ang Biñan Tricycle Franchising and Regulatory Board (BTFRB) sa lahat ng pangunahing kalsada ng lungsod.

Nananawagan rin sila sa publiko na sumakay lamang sa mga lehitimong TODA.

Gem Castillo is AmerAsia’s 2023 outstanding humanitrain service awardee

0

Gem Castillo Amante was chosen as 2023 AmerAsia’s Most Outstanding Filipino in Humanitarian Services awardee.

Gem is set to receive the award on April 22 at the Celebrity Center International Pavilion, Franklin Avenue, Hollywood, California.

“Thank you very much AmerAsia International for this award. I am happy that you see me as a valuable member of my community. Thank you for this recognition, it motivates me to continue to work hard,” according to Gem in an interview.

Mayora Gem, as she is fondly called by her constituents, is a San Pableña philantrophist who has received many awards and nominations including Gawad Dangal Awards, Asia’s World Class Filipino Awards, 3rd Southeast Asia Achievement Awards, Most Outstanding Woman Philanthropist and Builder Master Award Philanthropist of the Year.

“To my husband, best friend and anchor Mayor Vicente Amante who has been my cheerleader and patient listener, thank you for your extraordinary love and support as I evolved in this field over the past years. To all the charitable individuals – donors and clients, whom I had the extraordinary privilege to interact with, thank you for your compassion, optimism and inspiration; for sharing your sense of true abundance with others and for positively impacting countless lives. I share this award with all of you and to those of you who recently decided to enter this field of practice,” she commented.

She is active in sustainable livelihood projects generating income among poor households to reduce poverty and inequality.  Her program’s objective is to transition households from poverty through creating self- and wage employment.

Gem has donated several mini “sari-sari” store tricycles to families living in extreme poverty to attain a better standard of living. She is also active in providing school supplies and food assistance to children in disadvantaged public schools.

“Tinutulungan natin ang mga nagsisikap pero kahit anong sipag ay hindi pa rin makaahon sa kahirapan na magkaroon sila ng hanapbuhay sa pamamagitan ng mga long term projects kagaya ng tricycle sari sari store o candy stand para sa mga pulubi,” explained Gem.

The AmerAsia awards honors an individual, business, and youth who have exhibited significant charitable giving, insightful leadership and volunteerism, and who encourage others to contribute by example.

Laguna leaders naghahanda na sa tigil-pasada bukas

0

Sta. Cruz, Laguna. Suspendido ang face-to-face classes sa Laguna bilang hakbang sa transport strike ng mga pampublikong sasakyan sa buong bansa, ayon sa Executive Order No. 2 Series of 2023 ni Laguna Governor Ramil Hernandez.

Handa na ang mga government vehicle ng pamahalaang panlalawigan upang magbigay ng libreng sakay, ayon kay Hernandez.

Kaugnay nito, hinihikayat ng gobernador ang mga local government units na magbigay din ng libreng sakay.

Kaugnay nito, inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kanina na aalisin ang number coding scheme bukas, Lunes, Marso 6, dahil sa isang linggong transport strike.

Negros Oriental Gov. Degamo, 5 pa pinagbabaril, patay!

Isa na namang pag-atake sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan ang naganap sa Negros Oriental kahapon ng umaga.

Patay si Negros Oriental Governor Roel Degamo at limang iba pa matapos pagbabarilin sa kanyang bahay habang namimigay ng ayuda sa bayan ng Pamplona, Negros Oriental kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ni Police Regional Office (PRO) 7 Director Jerry Bearis, nangyari ang insidente bandang alas-9:36 ng umaga sa may gate ng tahanan ni Gov. Degamo sa Brgy. San Isidro, Sto. Nueve, Pamplona habang kausap umano ni Degamo ang mga benepisyaryo ng 4Ps.

Bigla na lamang sumulpot sa lugar ang anim na armadong lalaki na nakasuot ng “pixelized uniform at naka-full battle gear” at agad pinagbabaril ang Gobernador kung saan ay tinamaan din ang ilang mga sibilyang nasa lugar.

Ayon kay P/Lt. Col. Gerard Ace Pelare, ipinahayag ng mga testigo na ang mga suspect ay lulan ng dalawang SUVs na mabilis na nagsitakas matapos ang pamamaril.

Si Degamo at dalawang police escort ng Gobernador na kinilala lamang sa mga apelyidong Pfc Malunes at Pfc Sayon ay isinugod sa Siliman University Medical Hospital at Polymedic Hospital gayundin ang ilang sibilyang nadamay sa insidente.

Sa isang FB live ay kinumpirma naman ni Pamplona Mayor Janice Degamo, misis ni Gov. Degamo na dakong alas-11:41 ng umaga kahapon ay binawian ng buhay ang kanyang mister at lima pang biktima kabilang ang mga staff ng gobernador na katulong nito sa pamamahagi ng 4Ps.

Lumilitaw rin sa imbestigasyon na tatlo ang getaway vehicles na ginamit ng mga suspect na kinabibilangan ng Mitsubishi Pajero (NQZ 735), Izuzu pickup (GRY 162) at Mitsubishi Montero (YAP 163) na inabandona sa Brgy. Kansumalig, Bayawan City, Negros Oriental. Nasa 10 armadong suspect ang nakitang tumakas sa lugar kabilang ang mga lookout.

Noong Pebrero 17 ay sugatan sa ambush si Lanao del Sur Gov. Mamintal Alonto Adiong Jr., habang apat na escort nito ang nasawi.

Dalawang araw matapos ito ay napatay sa ambush si Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at limang iba pa sa Bagabag , Nueva Ecija.

Nangyari ang pag-atake kay Degamo dalawang linggo matapos pagtibayin ng Korte Suprema ang resolusyon ng Comelec na kinilala at itinanghal si Degamo bilang opisyal na nagwagi sa nakalipas na gubernatorial race sa Negros Oriental noong Mayo 2022.

Napag alaman na ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng tinanggal sa pwesto na si dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves laban sa poll body sa alitan sa pwesto na nagresulta sa standoff sa pagitan ng mga supporters ng una at ni Degamo sa provincial capitol sa Dumaguete City noong Oktubre 2022.

5 hepe ng pulis sa Laguna, kinilala ni Semornia

0

Calamba City, Laguna. Pinangunahan ni Deputy Chief PNP for Administration, PLTGEN Rhodel O. Sermonia ang Validation of Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program noong March 3, 2023, sa PRO4A Covered Court, Camp BGen Vicente P Lim, sa lungsod na ito sa Laguna.

Sinamahan si PLTGEN Sermonia ni PRO4A Regional Director, PBGEN Jose Melencio C Nartatez Jr. at nag abot ng Certificates of Recognition sa City at Municipal Police Stations na may pinakamaraming bilang ng Drug Cleared Barangays.

Ang mga awardees ay ang mga sumusunod:

  • San Pablo City Police Station na natanggap ni PLTCOL Joewie B Lucas, Chief of Police
  • Santo Tomas City Police Station na natanggap ni PLTCOL John Eric B Antonio, Chief of Police
  • Calamba City Police Station na tinanggap ni PLTCOL Milany E Martirez, Chief of Police
  • Balayan Municipal Police Station na tinanggap ni PMAJ Domingo D Ballesteros, Chief of Police
  • Mataas Na Kahoy Municipal Police Station na tinanggap ni PCPT Julius M Ocampo, Chief of Police.

Si Sermonia at si Nartatez at ang mga miyembro ng Command ay nagpulong sa MPC para sa tamang BIDA validation kung saan ang mga miyembro ng PRO4A quad staff ay naglahad ng kanilang mga nagawa sa Anti-drug operations, High Value Individual/Street Level Individual Database, Monitored Drug Cases, at accomplishments on BIDA and KASIMBAYANAN Program.

Sa kanyang mensahe ay pinuri at binati ni Sermonia ang lahat ng City at Municipal Police Stations na naunang ginawaran ng papuri gayundin ang buong PRO4A Command. Hinihikayat din niya ang bawat pulis na magkaroon ng malasakit, at bumuo ng isang matibay na ugnayan at magandang relasyon sa publiko. “Dahil kung may malasakit tayo lalong lalo na sa ating mga kababayan. Mas magiging madali para sa atin na i-engage sila, mas madali nating hikayatin silang suportahan ang lahat ng mga programa ng ating organisasyon, at natural, ang kalalabasan kung mayroon tayong ganitong malasakit, kaayusan, kapayapaan ay katumbas ng kaunlaran, pag-unlad at pag-unlad,” ayon sa kanya.

Nakipagpulong din ang Deputy Chief PNP for Administration sa mga pulis ng PRO CALABARZON sa “Talk to Men” kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapatupad ng KASIMBAYANAN Program o “Kapulisan, Simbahan at Pamayanan” isang synergized na programa. ng PNP, ng pangkalahatang publiko, mga organisasyong nakabatay sa pananampalataya, at mga pangunahing stakeholder tungo sa mapayapa, ligtas, at protektadong mga komunidad na naka angkla sa Hepe, PNP’s “MKK = K o Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran Peace and Order Framework.

Comelec: BSKE premature campaigning, parurusahan

0

Nagpa alala ang Commission on Elections (Comelec) kahapon sa mga aspirante sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na ipinagbabawal ang maagang pangangampanya mula Hulyo 8 hanggang Oktubre 18, at nagbabala ito na ang mga lalabag ay mahaharap sa matinding parusa.

“We will charge you and will surely disqualify you since you have already filed your Certificate of Candidacy (COC) and are engaging in premature campaigning, which is prohibited,” ayon kay Comelec chairman George Garcia.

Ayon kay Garcia, kapag naghain na ng COC ay maikokonsidera ng kandidato kaya aniya ilalapat nila ng buong pwersa ng batas, ang Section 18 ng Omnibus Election Code (OEC) kung saan hindi maaaring mag-ikot, mangampanya, magbigay ng anumang bagay.

Itinakda ang apat na araw na paghahain ng COC mula Hulyo 3 hanggang 7,2023.

Binanggit ni Garcia na ang pagtatakda ng maagang paghahain ng COC ay magbibigay-daan sa poll body na managot sa mga sangkot sa iligal na pangangampanya.

“This would be better as they have already filed their COC and are considered as candidates. Therefore, we can already file cases against them. We will disqualify you and file election offense cases against you,” sabi ni Garcia.

Nauna dito ay itinakda ng Comelec ang campaign period para sa botohan sa Oktubre 30 mula Oktubre 19 hanggang 28, habang ang election period ay mula Hulyo 3 hanggang Nob. 14.

Sa ilalim ng OEC, labag sa batas na makilahok sa election campaign o partisan political activity maliban sa panahon ng kampanya.

Person of interest sa hazing death, nagbigti

Isa sa mga persons of interest na na-tag sa pagkamatay ng biktima ng hazing na si John Matthew Salilig ay kumpirmadong nagpakamatay noong Pebrero 28, nang araw din na natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ni Salilig sa isang mababaw na libingan sa Imus, Cavite, ayon kay Laguna Provincial Police Office Director Col. Randy Glen Silvio kahapon.

“Reported na patay na yung isang person of interest by hanging,” ayon kay Silvio.

Sinabi ni Silvio na ang person of interest ay namatay noong Pebrero 28, sa araw ding natagpuan ang bangkay ni Salilig kasabay ng pagputok ng mga balita sa mga media outlet.

Kinumpirma din ni Biñan City Police Station (CPS) acting chief Lt. Col. Virgilio M. Jopia na ang  28 anyos na namatay na person of interest ay miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity ngunit hindi ito estudyante.

Sinabi ni Jopia, na natagpuang patay ang fratman na kinilalang si alyas Sakmal sa isang lugar sa Taguig City noong Pebrero 28.

Siyam pang persons of interest, pinangalanan ni Nartatez

Samantala, pinangalanan ng tanggapan ni PRO CALABARZON Regional Director General Jose Melencio Nartatez ang siyam na iba pang miyembro ng Tau Gamma Fraternity na sangkot sa pagkamatay ni Salilig.

panayam kay General Nartatez kahapon ng umaga sa Police regional office sa kampong ito, Matapos sumuko ang isa pang suspect na si Daniel de los Reyes Perry, 23 anyos kay Cavite Governor Jonvic Remulla, inilabas ng pulisya ang pangalan ng iba pang responsable sa kaso.

Kinilala ng mga imbestigador ang mga suspects na sina Lalan Hernandez, Christian Cruz, Earl Miguel Queano Ursolino, Ralph Tan, Ryan Ray Camangyan, Carlos Miguel Rovillos, Aron James Cruz, Lester John de lara Sus, at Arjay Bryle Arao.

Ang mga nabanggit na persons of interests ayon kay General Nartatez ay pawang at large pa at kasalukuyang pinaghanap ng pulisya.

Kaugnay nito ay nanawagan si Nartatez sa publiko lalo’t higit sa may mga may impormasyon hinggil sa krimen na makipag tulungan sa isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para sa ikalulutas ng kaso 

Nagpalabas din ng panawagan ang Police Regional office sa mga nagtatagong persons of interest na sumuko na upang hindi na maging kumplikado ang kanilang kalagayan sakaling lumabas na ang warrant of arrest laban sa kanila.

24,000 ektarya ng coral reef nanganganib sa Mindoro oil spill

0

Sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Biyernes na mahigit 2,000 ektarya ng coral reef, mangroves, at seagrass ang posibleng maapektuhan sa lumubog na motor tanker MT Princess Empress na may dalang 800,000 litro ng industrial fuel oil sa Naujan, Oriental Mindoro.

Batay sa paunang pag aaral, sinabi ng DENR na tinatayang 591 ektarya ng coral reef, 1,626 ektarya ng bakawan at 362 ektarya ng seagrass o seaweeds ang posibleng maapektuhan.

Sinabi rin ng DENR na mayroong 21 locally managed marine protected areas na matatagpuan sa Oriental Mindoro.

Nasa panganib din ang Verde Island Passage—ang bantos sa buong mundo na sentro ng marine shore fish biodiversity—ayon sa mapa ng potensyal na epekto ng DENR batay sa huling lokasyon ng MT Princess Empress.

Sa ngayon, ang pinaka-apektadong lugar ay ang bayan ng Pola, na nagdeklara na ng state of calamity dahil umitim na ang tubig dagat at dalampasigan doon habang iba’t ibang uri ng isda ang napaulat na nagsilutang at namatay.

Samantala, ang University of the Philippines- Diliman College of Science Marine Science Institute (UPD-CS MSI) ay naglabas ng pahayag na nagsasabing ang oil spill ay maaaring makaapekto sa 24,000 ektarya ng coral reef —isa at kalahating beses ng lawak ng Quezon City.

Noong Biyernes, iniutos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang paglikha ng task force na susubaybay sa epekto ng oil spill.

Kabilang sa mga miyembro ng task force ang opisina ng DENR Mimaropa, DILG, DSWD, Department of Health, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, PCG-Southern Tagalog District, Armed Forces of the Philippines Southern Luzon Command at mga local government units ng Mimaropa.

Sa ngayon, ang mga pagtatasa sa baybayin at pagpigil sa spill ay ginagawa ng mga PCG team.

Ang spill ay umabot sa coastal areas ng mga munisipyo ng Pola, Pinamalayan, Naujan, at Bongabong sa Oriental Mindoro, ayon sa pinakahuling ulat.