Wednesday, May 27, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 613

Davao Occi, niyanig ng magnitude 7.3 na lindol malapit sa Indonesia

Isang malakas na 7.3 magnitude na lindol ang yumanig malapit sa Indonesia at bandang Mindanao at maaaring magdulot ito ng “pinsala at aftershocks” sa Pilipinas, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)

Nadama ang magnitude 7.3 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental kanina, bandang alas-2:06 ng hapon, Miyerkules, Enero 18.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang sentro ng lindol ay naitala 325 kilometro silangan ng Sarangani, Davao Occidental. May lalim itong 64 kilometro ayon sa PHIVOLCS.

Mas malapit ang pinangyarihan nito sa bansang Indonesia kaysa sa Pilipinas.

Samantala, naitala naman ang mga sumusunod na instrumental intensities:

Intensity II – Don Marcelino, Davao Occidental; Nabunturan, Davao de Oro; Glan at Kiamba, Sarangani; General Santos City, Tupi, Santo Niño, Koronadal City, at T’Boli, South Cotabato

Intensity I – Kidapawan City, Cotabato; Maitum at Maasim, Sarangani; Tantangan, Lake Sebu, Tampakan, Suralla, at Norala, South Cotabato; Zamboanga City, Zamboanga del Sur.

Inaasahan ang pinsala at aftershock sa nangyaring pagyanig.

Pinapasok ng DA ang paunang 5.7K MT ng imported na sibuyas

Nasa 5,775 metriko tonelada lamang ng inaprubahang 21,060 metriko tonelada (MT) ng sariwang imported na sibuyas ang unang na-clear para makapasok sa bansa bago sumapit ang peak harvest season, ayon sa Department of Agriculture (DA) kahapon.

Nailabas lamang ang 142 sanitary at phytosanitary import clearances para sa importasyon mula Enero 9 hanggang 13, ayon kay DA Undersecretary Mercedita Sombilla sa hybrid hearing ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform.

“We are hoping po sana, kasi kung 5,000 (metric tons) lang ‘yung darating, makakababa siya ng mga PHP200 to PHP220,” ayon sa kanya

Only 5,775 metric tons of the approved 21,060 metric tons (MT) of fresh imported onions have been initially cleared to enter the country before the peak harvest season, according to the Department of Agriculture (DA) on Monday.

Only 142 sanitary and phytosanitary import clearances for importation were issued from Jan. 9 to 13, DA Undersecretary Mercedita Sombilla said in the hybrid hearing of the Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform

“We are hoping po sana, kasi kung 5,000 (metric tons) lang ‘yung darating, makakababa siya ng mga PHP200 to PHP220 (because if only 5,000 metric tons [of onions] will arrive, it will help drop the prices to around PHP200-PHP250 [per kilo]),” she said.

Iginigiit ng mga lokal na producer ng sibuyas na ang 22,000 metrikong tonelada na orihinal na iminungkahi para sa pag-aangkat ay makakasama sa mga magsasaka.

“Sana ‘yung plano ng Department of Agriculture na mag-issue na naman ng importation permit para sa 22,000 metric tons, alam niyo po bang ‘yan ang papatay sa amin pong mga magsasaka?,” San Jose Occidental Mindoro Municipal Agriculturist Romel Calingasan told the senators.

Bukod sa dami ng import, nagpahayag si Calingasan ng pagkadismaya sa “wrong timing” ng pag-iisyu ng import order.

Binawasan ng DA ang iminungkahi na 22,000 import volume sa 21,060 para “protektahan ang mga lokal na magsasaka”.

Inaasahang papasok sa ilang pier ang sariwang pulang sibuyas: 4,525 MT ang i, 3,875 metriko tonelada sa Maynila; 400 MT sa Davao; at 250 MT sa Subic.

Aabot din sa 1,250 metriko tonelada ng sariwang dilaw na sibuyas ang darating sa Maynila (1,075 MT), Subic at Davao (75 MT bawat isa), at Cagayan de Oro (25 MT).

Nitong Biyernes, ang presyo ng mga lokal na pulang sibuyas sa Metro Manila ay mula PHP350 hanggang PHP550 kada kilo.

Filipino citizen na si Brownlee

Wala pang 24 na oras matapos pangunahan ang Barangay Ginebra sa Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup title sa kanyang huling laban bilang import, nanumpa si Justin Brownlee ng kanyang katapatan sa bansang Pilipinas noong Lunes.

Bilang isang naturalized Filipino, ang 34-anyos na si Brownlee ay maaari nang lumahok sa pambansang koponan, mula sa sixth window ng FIBA ​​World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero.

Kwalipikado na ang Pilipinas para sa final phase ng World Cup sa Agosto bilang isa sa tatlong co-host, ang iba ay ang Japan at Indonesia.

Nanguna si Senator Francis Tolentino, Committee on Justice chair, sa oath-taking.

Ang Republic Act 11937, na nilagdaan ni Pangulong R. Ferdinand Marcos Jr. noong Enero 12, ay nagbigay ng Filipino citizenship kay Brownlee.

Pinangunahan ni Brownlee ang Ginebra at tinalo ang Bay Area Dragons, 114-99, sa winner-take-all finals bago ang record ng liga na 54,589 fans sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan noong Linggo ng gabi.

Umiskor siya ng 34 puntos sa 14-of-22 shooting at humakot ng walong rebounds sa 12 assists, isang steal at tatlong blocks.

Sinabi ni Brownlee na ang kanyang pananatili sa Pilipinas mula noong 2016 ay “hindi kapani-paniwala” at nagpapasalamat siya sa suporta ng mga tagahanga at sa Kongreso.

Ang tatlong beses na PBA Best Import awardee ay magsasanay at magpapatala rin bilang Philippine Army Reserve Officer.

“As a citizen, I will try my best to make the Filipino people proud. I want to keep making you guys proud and to do whatever I can to help the national team,” ayon sa six-foot-five na si  Brownlee sa isang interview.

Iniharap nina Senators JV Ejercito at Christopher Go kay Brownlee ang kopya ng batas.

300 distressed OFWs sa Kuwait ang nakatakdang i-repatriation

0

Target ng Department of Migrant Workers (DMW) na maiuwi ang hindi bababa sa 300 sa 421 distressed overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait ngayong buwan.

Nasa Kuwait si DMW Undersecretary for Foreign Employment and Welfare Services Hans Cacdac, Overseas Workers Welfare Administrator Arnell Ignacio at Social Welfare Attaché Bernard Bonino upang suriin ang mga OFW na nananatili sa bahay na pinapatakbo ng gobyerno na Bahay Kalinga shelter.

“Of the 421, we are looking at the possibility of repatriating about 300 at the most in the next two weeks,” ayon kay Cacdac sa isang online press briefing.

Ang paunang 100 bumalik ay uuwi kasama ang DMW team sa Martes ng hapon.

Sinabi ni Cacdac na tinitingnan din nila ang posibilidad ng isang pansamantalang pangalawang silungan upang maremedyuhan ang pagsisikip ng Bahay Kalinga habang nagpaplano para sa isang mas malaking site.

Ang Bahay Kalinga ay kayang tumanggap ng 250 hanggang 300.

“Admittedly, marami ngayon ang naninirahan sa shelter kaya nga agad nating binibigyan ng solusyon sa paghanap ng temporary shelter. Temporary na paglilipatan at permanenteng shelter,” ayo kay Cacdac.

Sinabi ni Cacdac na tiniyak ng mga awtoridad ng Kuwait, na kanilang nakaharap noong Linggo, ang mabilis na pagproseso ng mga clearance.

Napag-usapan din ng mga opisyal ng DMW at ng mga awtoridad ng imigrasyon noong Lunes ang pagpapalabas ng mga exit visa.

Dahil ang focus ng DMW ay nasa kapakanan at proteksyon ng mga OFW, sinabi ni Cacdac na tinitingnan nila ang ilang legal na aksyon na maaaring isampa laban sa mga abusadong employer, tulad ng mga kaso ng hindi pagbabayad ng sweldo o hindi kumpletong sahod.

“We will definitely endorse legal actions in certain situations,” ayon sa kanya. (PNA)

Bumaba sa 3.7% ang Covid-19 positivity rate sa ilang region

0

Bumaba pa sa 3.7 posyento ang positivity rate o ang bilang ng mga taong nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa National Capital Region (NCR) noong Enero 14.

Ang positivity rate ng rehiyon noong nakaraang linggo, noong Enero 7, ay 5.8 porsyento.

“Low positivity rates are also observed in ten other provinces in Luzon,” ayon kay OCTA Research Group fellow Dr. Guido David sa Twitter kanina.

Kabilang sa mga lalawigang ito ang Batangas, mula 4.9 porsyento sa 3.2 porsyento; Benguet mula 5.3 porsyento sa 3.6 porsyento; Bulacan mula 3.5 porsyento sa 2.3 porsyento; Cagayan mula 7 porsyento sa 3.9 porsiyento; Cavite mula 5.5 porsyento sa 3.2 porsyento; Ilocos Norte mula 4.3 porsyento sa 3.9 porsiyento; Laguna mula 7.3 porsyento sa 4.4 porsyento; Pampanga, 5.5 percent sa 2.6 percent; Pangasinan mula 4.3 porsyento sa 3.9 percent at Zambales mula 8.4 porsyento sa 4.1 porsyento.

Ang positivity rate ng Isabela ay tumaas mula 35.1 percent sa 50.2 percent na itinuturing na “very high”.

Noong Enero 15, ang nangungunang limang lugar na may pinakamaraming kaso ay kinabibilangan ng NCR na may 96 na kaso at ang mga lalawigan ng Rizal na may 16; Bohol na may 10; Cavite na may 10; Davao del Sur na may 10; at Tarlac na may 9. (DOH)

Gen. Azurin bumisita sa PRO CALABARZON, naglalatag ng policies and guidelines

0

“Kung hindi ko sisimulan ang paglilinis na ito, sino ang gagawa, matagal kong pinagisipan ang hakbang na ito at naniniwala ako na magbubunga ito ng ikakabuti ng ating organisasyon. Dapat lamang na maging magandang halimbawa tayong mga matataas na opisyal sa ating mga subordinates upang tayo ang pamarisan nila. Bago ako magretiro sisikapin kong malinis ang imahe ng ating organisasyon upang matapos na o kung hindi man ay mabawasan ang droga sa ating bansa,” ayon sa mensahe ni PNP ChiePolice General Rodolfo S. Azurin Jr. sa Bigkis-lahi Event Center, Camp BGen Vicente P Lim sa Calamba City kamakailan.

Sinalubong ng arrival honor ang Chief PNP, kasama si PRO 4A Regional Director PBGen Jose Melencio C Nartatez Jr., sa kanyang pagdating at agad na tumuloy sa Bigkis-lahi event center at nakipag-usap sa lahat ng tauhan ng PRO 4A kabilang ang third level police, mga opisyal, Provincial Director, Chiefs of Police, at Regional Support Units.

“Kaya ako nagpunta sa inyo ay upang pasalamatan kayo ng personal dahil sa inyong supporta sa aking panukalang courtesy resignation sa mga 3rd level na mga officer. May mga tumalima na sa panawagan ng ating secretary ng DILG. Nais kong ipaunawa na ang ating hakbangin ito ay hindi para pahirapan o ibaba ang moral ng bawat isa, alam kong ang iba ay nalungkot at naguluhan ngunit ito ay para sa ikakabuti ng ating organisasyon.” ayon kay Azurin.

Kasaby nito, ipinahayag ni PGen Azurin ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mabuting pakikitungo ng mga miyembro ng PRO CALABARZON. Sa kanyang talumpati, inulit niya ang pagpapanatili ng moral ascendancy at magandang imahe ng PNP sa lipunan.

PhP 102K halaga ng shabu nakumpiska sa joint drug buy-bust operation ng Laguna PNP

0

Pagsanjan, Laguna. Nakumpiska sa joint drug buy-bust operation sa Pagsanjan, Laguna ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PhP 105, 000.00.

Kinilala ni Police Colonel (PCol) Randy Glenn Silvio ang suspek na si alyas Jayvee, walang trabaho, at residente ng Lumban, Laguna.

Sa ulat ni Police Major Edison Batoctoy Ouano, hepe ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Laguna Police Provincial Office (PPO), nagsagawa ng drug buy-bust operation ang pulisya ng PDEU at Pagsanjan Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Sabang, Pagsanjan, Laguna, at nahuli ang isang suspek matapos itong magbenta ng isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

Nakumpiska sa suspek ang siyam na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 15 gramo at nagkakahalaga ng PHP 102,000.00.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Pagsanjan MPS ang suspek at nakatakdang humarap sa kasong pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga.

WHO welcomes data on COVID-19 in China, meeting with Minister 

0

Earlier today, WHO Director-General Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus spoke with Minister Ma Xiaowei, director of China’s National Health Commission, about the COVID-19 situation in the country. WHO appreciates this meeting, as well as the public release of information on the overall situation.  

Chinese officials provided information to WHO and in a press conference on a range of topics, including outpatient clinics, hospitalizations, patients requiring emergency treatment and critical care, and hospital deaths related to COVID-19 infection.   

WHO is analyzing this information, which covers early December 2022 to 12 January 2023, and allows for a better understanding of the epidemiological situation and the impact of this wave in China.  WHO requested that this type of detailed information continue to be shared with us and the public.  WHO notes the efforts by Chinese authorities to scale up clinical care for its population at all levels, including in critical care. 

The overall epidemiology—reflecting a rapid and intense wave of disease caused by known sub-variants of Omicron with higher clinical impact on older people and those with underlying conditions—is similar to waves of infection experienced by other countries, as is the increased pressure on health services. The reported data indicate a decline in case numbers, hospitalizations, and those requiring critical care. WHO has requested a more detailed breakdown of data by province over time.

While the Chinese Center for Disease Control and Prevention has earlier reported that Omicron sublineages BA.5.2 and BF.7 are currently circulating, WHO continues to ask that further sequences be shared with open access databases such as GISAID for deeper phylogenetic analyses, and for continued collaboration with technical groups working on virus evolution, clinical care, and beyond.   

WHO will continue to work with China, providing technical advice and support, and engaging in analyzing the situation. On the call today, Dr. Tedros also reiterated the importance of China’s deeper cooperation and transparency on understanding the origins of the COVID-19 pandemic, and in carrying out the recommendations detailed in the report of the Strategic Advisory Group for the Origins of Novel Pathogens. (WHO)

DA ‘aalisin ang middleman’ para mapababa ang presyo ng sibuyas

0

Upang pababain ang presyo ng tingi ng sibuyas, sinabi ng Department of Agriculture nitong Sabado na nakatutok ito sa pag-aalis ng maraming layer ng mga mangangalakal na nagdudulot ng mataas na halaga ng mga bilihin.

“Right now, what we are doing is to eliminate certain layers of traders because that will help bring down the price. As we all know, retail price includes the cost of biyahero (trader) and the cost of the retailer,” ayo kay Agriculture Assistant Secretary and spokesperson Kristine Evangelista sa isang news forum sa Dapo Restobar sa Quezon City.

Inanunsyo ng opisyal ng DA na ang mga retail na presyo ng sibuyas sa mga wet market ay nananatiling mahigit na PHP400–PHP 550 kada kilo.

Bukod sa pagpapalakas ng market linkage sa pagitan ng mga producer at consumer, idinagdag ni Evangelista na tinitingnan din ng DA kung may iba pang bottlenecks sa supply chain, at binibigyang kakayahan din ang mga kooperatiba ng mga magsasaka na gampanan ang papel ng middlemen.

Hinggil sa pag-aangkat ng sibuyas, tiniyak ng DA na hindi makakaapekto sa mga magsasaka ang mga inaangkat na produkto.

Ngayong linggo ay inaprubahan ng DA ang pag-aangkat ng 21,060 metrikong tonelada ng sibuyas, at nagtakda ng deadline sa Enero 27 para sa lahat ng eligible importers para sa ipasok ang kanilang mga shipment.

Ang pag-aangkat ng sibuyas ay ginawa upang mapigil ang mga pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa mga lokal na pamilihan bago ang peak season ng ani na inaasahan sa kalagitnaan ng Pebrero.

Inaasahan ng mga lokal na nagtatanim ng sibuyas ang pag-aani sa Pebrero hanggang Abril.

Para sa mga pangmatagalang hakbang, sinabi ni Evangelista na ang DA ay magpapatupad ng mga interbensyon upang mapababa ang gastos ng produksyon at kasabay nito ay mapataas ang ani.

Sinabi niya na tinitingnan din nila ang mga posibleng lugar para sa lokasyon ng mga cold-storage facility na itatayo ng DA upang mag-imbak ng labis na ani.

“The Bureau of Plant Industry has a list of accredited cold-storage facilities, but we need to put up additional facilities. That is included in the DA budget this year. These facilities are meant to be strategically-located in production areas,” ayon kay Evangelista.

Nasamsam ng BOC ang P240M halaga ng smuggled na asukal sa Batangas

Batangas City. Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang 4,000 metric tons ng refined sugar mula sa Thailand na nagkakahalaga ng PHP240 milyon sa Batangas port noong Biyernes.

Sa isang pahayag na inilabas kahapon, sinabi ng BOC na ang isang composite team ay agad na nagsagawa ng operasyon kasunod ng isang tip na ang VOI MV SUNWARD ay may dalang hindi idineklara na kargamento na dumaong sa pier noong Huwebes nang notice of arrival na inihain sa BOC.

Ang nakumpiskang kargamento ng white refined sugar (brand ng Sun) na may kabuuang timbang na 50 kilo bawat bag ay ipinadala sa Stone Int’l. Co. Ltd. mula sa shipper na Thai Sugar Trading Corp.

Naglabas na ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) si Batangas Port District Collector Rhea Gregorio laban sa shipment at sugar shipment.

Samantala, ikinalulungkot naman ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang patuloy na pagtatangka ng mga smuggler na ipasok ang mga hindi deklaradong produkto sa bansa.

“We are appalled at the audacity of these groups to continue with their activities despite the BOC’s intensified efforts lately to apprehend them. But thankfully, our team is just as relentless and tenacious too, once and for all, end such reprehensible acts,” ayon sa kanya.