Tuesday, May 26, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 642

Pinag iingat ang mga Pilipino sa Italy matapos pumutok ang Mt. Stromboli

0

Pinapayuhan ang mga Pilipino sa Italya na maingat na sumubaybay sa mga lokal na balita habang ang gobyerno ng Italya ay nagbigay na ng mga babala kasunod ng pagsabog ng Mt. Stromboli kanina.

Sinabi ng Philippine Embassy sa Italy noong Biyernes na itinaas ng Italian civil protection authorities ang alert level mula dilaw sa orange habang patuloy ang “situation of enhanced volcano imbalance persists.”

“While the Italian Department of Civil Protection  (IDCP) indicated that monitoring parameters are ‘normal with a persistent activity of the Strombolian type and ordinary intensity’, all Filipinos in the affected areas and nearby areas are advised to continuously monitor the news,” ayon sa statement ng IDCP.

Sa kaso ng emergency, hinihimok ang mga Pilipino sa Italy na makipag-ugnayan sa Embassy sa (+39) 334 658 2118, sa Konsulado ng Pilipinas sa Reggio Calabria sa (39) 651 870 750, o sa Italian national emergency hotline sa 112.

Ang Stromboli Volcano, isa sa mga pinaka aktibong bulkan sa mundo, ay sumabog kaninang umaga lokal na oras, at naglabas ng malalaking usok at lava flow na bumubuhos sa dagat.

Ayon sa mga lokal na ulat, sinabi ng Italian National Institute of Geophysics and Volcanology, na isang unang malaking pagsabog ang naitala noong Setyembre 29. Walang naiulat na nasawi o nasaktan sa pinakabagong pagsabog. (PNA)

Calamba – Lucena – Calamba line, muling inilunsad ng PNR

0

Muling binuksan ng Philippine National Railways (PNR) nitong Huwebes, Oktubre 6, ang linyang Calamba – Lucena – Calamba na dadaan sa mga lalawigan ng Laguna at Quezon.

Ang unang biyahe ng muling inilunsad na rutang Calamba – Lucena ay umalis sa Calamba Station dakong 6:30 PM, ilang oras matapos masaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglagda sa apat na North – South Commuter Railway (NSCR) projects.

Ang muling binuksang linyang ito ay handa na ngayong magsilbi sa mga commuter mula sa Calamba, San Pablo, at Lucena.

Bukod sa kaginhawaan na maibibigay nito sa mga commuters, ang nabanggit na linya ay inaasahang magkakaroon ng mas maikling oras ng paglalakbay mula Lucena, San Pablo, at Calamba, at pabalik.

Ang byahe sa umaga mula sa Lucena station ay aalis ng 4:50 AM, habang ang huling biyahe mula sa Calamba ay sa 6:30 PM.

Ang haba oras ng pagtakbo mula Lucena hanggang Calamba ay dalawang oras at 33 minuto. Habang ang oras ng pagtakbo mula Lucena hanggang San Pablo ay isang oras at 32 minuto.

Ang minimum na pamasahe mula Lucena hanggang San Pablo ay nagkakahalaga ng PhP 15.00, habang ang minimum na pamasahe mula Lucena hanggang Calamba ay nasa PhP 20.00.

Ang muling binuksang linya ay mag-aalok ng siyam na flag makeshift stops sa kahabaan ng Pansol, Masili, Los Banos, College, IRRI, Tiaong (Lalig), Candelaria, Lutucan, at Sariaya. Samantala, ang mga pangunahing istasyon ay matatagpuan sa Lucena, San Pablo, at Calamba.

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista na ang proyektong ito ay hindi lamang magbibigay ng oportunidad para sa turismo, kundi maging sa mas mabilis na travel time options para sa mga pasahero sa pagitan ng mga lalawigan.

Nilagdaan ni Marcos ang batas na naglipat ng barangay, SK polls sa Oktubre 2023

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas na naglilipat sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre 2023.

Ang Republic Act No. 11935 ay inaprubahan noong Oktubre 10, gaya ng ipinapakita sa dokumentong inilathala sa Official Gazette.

Unang nakatakda sa Disyembre ngayong taon, ang barangay at SK polls ay gaganapin sa huling Lunes ng Oktubre 2023 at bawat tatlong taon pagkatapos nito.

Ang bagong panukala ay nagpapahintulot din sa mga kasalukuyang opisyal na panatilihin ang kanilang mga posisyon sa isang holdover na kapasidad maliban kung sila ay sinuspinde o tinanggal sa puwesto.

Sa kabila ng pagpapaliban ng botohan, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na magpapatuloy ito sa kanilang paghahanda, kasama ang voters’ registration, “upang matiyak ang mas malaking partisipasyon ng mamamayan.”

Ang isang na-update na kalendaryo ng mga aktibidad ay ilalabas din sa lalong madaling panahon, dagdag nito.

“We hope that hopefuls for barangay and SK positions and the voting public would also take this time to prepare and reflect on their rights and duties which they will exercise through their ballots and eventual offices,” ayon kay Garcia.

USAID gives awards to four outstanding marine protected areas in Palawan

0

Manila. The U.S. government, through the United States Agency for International Development (USAID), and the Provincial Government of Palawan recognized four of the province’s best marine protected areas (MPAs) at the second annual Palawan MPA Summit held on September 20 in Puerto Princesa City.  

USAID Philippines Deputy Mission Director Rebekah Eubanks and Palawan Governor Victorino Dennis Socrates presented the “Palawan MPAs Empowered through Awards and Recognition to Enrich Marine Life” (PEARL) Award to four USAID-supported MPAs located in Coron, Calamian Islands.  The Siete Pecados Marine Park was named Best Managed MPA while the San Jose MPA was named Best Emerging MPA.  The Balisungan MPA and the Bulalaco MPA were also recognized as Best Community Managed MPA and as Best Locally Managed MPA, respectively.  The Calamianes MPA Network—an inter-LGU alliance between Busuanga, Coron, Culion, and Linapacan—also received a special award. 

MPAs help protect the Philippines from threats such as illegal, unreported, and unregulated (IUU) fishing that endanger the livelihoods and well-being of coastal communities. 

“Since 2018, USAID Fish Right has supported local governments and communities in the Calamian archipelago to address biodiversity threats, improve marine ecosystem governance, advance sustainable fisheries management, and increase fish biomass,” said Deputy Mission Director Eubanks. 

During the summit, USAID led discussions on environmental law enforcement, the promotion of livelihood and biodiversity-friendly enterprises in MPAs, and community engagement to rehabilitate MPAs affected by Super Typhoon Odette last year. 

USAID Deputy Mission Director Eubanks also met with government officials and stakeholders from the Kalayaan Island Group to discuss IUU fishing threats in their area of the West Philippine Sea.  During a visit to the Puerto Princesa Subterranean River National Park, she was able to exchange ideas with members of the local community who were able to start an environmental fund for conservation activities within the national park by participating in community-managed savings and credit associations supported by USAID.  She also met several civil society organizations working on conservation in Palawan. 

For more than 60 years, USAID has worked with the Philippine government and local organizations to achieve shared development goals, investing more than Php 247.5 billion ($5.1 billion) to support the Philippines since 1961.

Palawan Governor Socrates, USAID Deputy Mission Director Eubanks, Palawan Provincial Agriculturist Dr. Romeo Cabungcal, and Provincial Board Member Ariston Arzaga highlight the importance of protecting biodiversity and improving maritime ecosystem governance at the second Palawan MPA Summit. (Photo credits: Blue Motus/USAID SIBOL)

PRC Service Center magbubukas na sa Sta. Cruz, Laguna

Licensure Exams para sa teachers, gaganapin sa Laguna sa Marso 2023

Binisita ni Laguna Vice Governor Karen Agapay si Regional Director Rey Cristobal ng Professional Regulation Commission (PRC) Regional Office sa Lucena City, kanina at tinalakay mga kahilingan na magkaroon ng PRC Service Center sa Santa Cruz, Laguna.

Matatandaan na sa pamamagitan ng Resolution No. 778 at No. 779 ay inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang kahilingan sa Service Center PRC kabilang ang kahilingan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na gawing 5 years ang validity ng PRC Licenses, sa halip na 3 years lamang.

Ayon kay Cristobal, ang nabanggit na kahilingan na magkaroon ng PRC Service Center sa Santa Cruz ay ikinalulugod nila sapagkat mas mailalapit nito ang kanilang serbisyo sa mga professionals sa Laguna at mga kalapit na lalawigan.

Nakatakdang mag ocular inspection at lumagda sa Memorandum of Agreement ang PRC sa Metro Central Mall, bago matapos ang kasalukuyang buwan ng Oktubre.

Target ng PRC na simulan ang kanilang services sa Santa Cruz sa Nobyembre. Ilan sa mga services nila ay ang renewal of PRC Licenses, initial registration of new passers, certification and authentication of PRC documents, application for exams, at request for duplication of ID’s.

Nakatakdang ganapin sa Laguna ang unang Licensure Exams para mga Teachers sa March 2023, sa kahilingan din ni Agapay.

Magkapatid nasunog ng buhay sa Quezon

0

Plaridel, Quezon. Nasunog ng buhay ang magkapatid na batang lalaki matapos masunog ang kanilang bahay kubo dahil sa pinaglaruang lighter sa bayang ito kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Reynan Ezquibel, 4 anyos at kapatid nitong si Lorenzon, isang taong gulang, pawang  nakatira sa bulubunduking bahagi ng Sitio Libis, Brgy. Tanauan, Plaridel, Quezon.

Ayon sa report ng Plaridel Municipal Police Station, bandang alas-4 ng hapon ng matagpuan ang sunog na bangkay ng magkapatid sa nabanggit na lugar.

Ayon sa salaysay ng ng ina, iniwan lamang niya sandali ang mga anak upang manguha ng gulay na kanilang kakainin sa hapunan.

Pagbalik ng ina ay natagpuan niya ang sunog na katawan ng kanyang mga anak sa mga abo nasunog ng kubo.

Sinabi ng ina na mahilig daw maglaro ng cigarette lighter ang kanyang panganay na anak at posibleng pinaglaruan niya na ito na naging sanhi ng sunog.

Ayon sa pulisya, yari lamang sa light materials ang bahay kaya mabilis itong natupok at wala silang mga kapitbahay.

Groundbreaking ceremony para sa Bay Municipal Hall

0

Bay, Laguna. Naisakatuparan ang pangarap ng bayan ng Bay na magkaroon ng bagong munisipyo matapos maisagawa ang makasaysayang groundbreaking ceremony na pagtatayuan nito sa Brgy. Puypuy, sa bayang ito, noong ika-11 ng Oktubre 2022.

Pinangunahan ni Laguna Governor Ramil Hernandez ang groundbreaking kasama sina Congresswoman Ruth Hernandez, Bise Gobernador Atty. Karen Agapay, Board Members (2nd District) Peewee Perez, at Tito Fortunato Caringal II, Bay Mayor Jose Padrid, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga kawani ng pamahalaang lokal ng Bay at Department of Public Works and Highways.

Aabot sa kabuuang 8,657 square meters ang lupa at 4,387.5 square meters naman ang floor area nito.  Ang pondo para dito ay magmumula sa pamahalaang panlalawigan, sa tanggapan ni Congresswoman Ruth Hernandez, at sa pamahalaang lokal ng Bay.

Enemies of the State

The recent squabble in the social media between opposing parties brought about by the (in)famous decision rendered by Manila RTC Judge Marlo Malagar in a petition by the Department of Justice to declare the CPP-NPA-NDF as terrorist caught my attention. Since I haven’t read the decision, I simply listened to comments of legal luminaries in the social media like former President PRRD, DOJ Secretary Crispin Remulla, Atty. Ferdie Topacio and other known personalities like NTF-ELCAC Usec. Lorraine Badoy, former NPA Cadre Eric Celis, and Pastor Apollo Quiboloy of the Kingdom of Jesus Christ.

From what I gathered from them, there is no need to declare the CPP and its armed wing and democratic fronts as terrorists because they have been declared and considered as such by the United States, European Union, Canada, United Kingdom, Australia and New Zealand and by the Republic of the Philippines (RA No. 10168).  According to former Senator Panfilo Lacson and PRRD, the CPP-NPA-NDF are “enemies of the state whose end game is to destroy the government and install another one”. They are terrorists because they have been and still are, sowing terror like killing of innocent civilians, burning of government establishments, bombing of mosques, recruiting student activists in state colleges and universities and training them to become part of their armed struggle against the government.

Those are the reasons why DepEd Secretary/VP Sara Duterte was asking for intelligence funds to finance surveillance and intelligence gatherings to avert any attempt to recruit students in colleges and universities. She is very vocal about it because she wanted to put a stop to recruitment of learners in terrorism and other illegal activities – a legitimate desire that must be supported by the people in the community. The fight against terrorism is not her sole responsibility and concern.  It is also ours.  We need to work together as a nation to preserve peace and order and to protect the welfare of the young who shall rule this country in the years to come.

I have no particular comment(s) about the controversial decision of Judge Malagar but I stand with those who fight against terrorism and extremism and I pray that their continuing struggle against the CPP-NPA-NDF using the whole of nation approach shall succeed. In a country of people with opposing philosophies, one must learn how to listen and respect other’s ideas to avoid unwarranted conflicts.  Always bear in mind that in a civilized society, there is no better substitute for peace and order.

Ekonomiyang pulitikal ng citizen journalism sa Pilipinas: Nasaan ang pagkukulang?

0

Parating nababanggit ng mga eksperto sa sosyal, pulitikal at pang-ekonomiyang usapin ang hiram na kapangyarihan. Halimbawa nito ang mandato ng mga nananalong kandidato mula sa paghalal ng mga malalayang botante. Hihiramin nila ang kapangyarihang mamuno sa panahon ng kanilang termino at matapos nito, kailangan na naman ng panibagong mandato para sa susunod na termino kung ihahalal pa rin sila ng mas nakararami. Kung merong hiram na kapangyarihan, maaari rin bang mahiram ang kredibilidad?

Maaari. Nangyayari at mangyayari pa ang hiram na kredibilidad kung gugustuhin ng mga tao. Sa Pilipinas, tila lugi ang bansa sa hiram na kredibilidad. Bago iyan, ano muna ang nangyayari sa labas ng bansa ukol diyan? Kasi gagayanin natin ang tama, at kung mali, may matutunan tayo sa kanilang mali.

Sa isang masusing pananaliksik na nilathala ng Public Library of Science sa PLOS One sa Estados Unidos, heto ang isa sa kanilang buod: “Our findings imply that dictators can actually ‘borrow credibility’ from their citizen journalists and even nondemocratic leaders can make themselves more trustworthy to potential dissenters through citizen journalism. Allowing information flow from non-official sources can be a practical measure for governments to address the problem of a credibility deficit during a pandemic.” (https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC8654212/)

 Ang hiram na kredibilidad na tinutukoy sa pag-aaral na isinagawa nila Sheen, Tung at Wu (2021) ay sa konteksto ng isang insidente ng pampublikong kalusugan. Maaari ba sa ating iyon? Ayon sa tatlong mananaliksik, ang pagbibigay ng kalayaan sa pananalita sa mga mamamayan ay mas nakapagdaragdag ng kredibilidad, sa halip daw na nakababawas. Dagdag pa nila, dahil sa nakakagawian ng mga kritikal na mamamayan na mas maging “responsive” o alerto sa mga ulat na ginagawa ng mga citizen journalists, ibig sabihin daw nito’y maging ang mga ganitong klaseng pinuno ng mga bansa ay mas magiging katiwa-tiwala sa mga potensyal na matitinding pagpuna sa pamamagitan ng citizen journalism.

Hindi lang sa impormasyong pang-COVID-19 nasalang ang mga lumahok sa makabuluhang pag-aaral kundi maging sa aktwal na patakaran na nakaaapekto sa ugali ng mga tao tuwing gagamitin nila ito sa kanilang kalagayan.

May mga pag-aaral pala na ang tiwala sa mga mahihigpit na lider sa labas ng bansa ay napalalakas ng mga pag-endorso mula sa mga source na may mga sariling pamamahala’t patakaran. Gaano pa kayang kapakinabangan ang maibibigay ng citizen journalism sa Pilipinas na isang demokratiko at republikang estado kung saan ang lahat ng kapangyarihan sa pamahalaan ay nagmumula sa mga tao? Maraming kapakinabang dapat. Pero ang kulang sa makabagong Juan at Juana para makuha ang ibayong pakinabang ng citizen journalism ay kritikal na pag-iisip. Sa maraming pagkakataon sa pag-usbong ng social media, kung sino pa ang kritikal na kalimitan nama’y matatagpuan sa tri-media (telebisyon, radyo, at dyaryo), sila pa ang binabalewala na halos gusto nang burahin sa lipunan. Maaaring namamanipula ng mga mapepera at makakapangyarihang propagandista ang ugali ng mga nagbababad sa social media, pero ang operative word ay critical. Kritikal ba sila sa mga patakarang taliwas sa dikta ng sentido kumon? Kritikal ba sila sa mga pamamahalang mapang-api? Nakikita ba nila ang kanilang mga sarili na hindi napag-iiwanan, kumpara sa iilang taong nakikinabang sa pagdikit-dikit sa mga maykapangyarihan? Kritikal ba sila sa masamang pamumulitika o suportado pa nila ito?

Palawakin man natin ang depenisyon ng citizen journalism, mananatiling “facts first” at “back to basics” ang ekonomiyang pulitikal na makapag-aayos ng kalagayan ng ating mga kababayan. Bumalik tayo sa tamang pamantayan kung bakit tayo nagpapahiram ng kapangyarihan. Ang kredibilidad ay awtomatiko, lantad, at nadarama sa malayang lipunan. Baka nasasanay na tayong magpahiram na lamang nito.

Gem Castillo will be honored as philanthropists of the year

0

San Pablo City, Laguna. Gem Castillo, the spouse of San Pablo city Mayor Vicente B. Amante will receive the “Honorary Philanthropist of The Year” award at the Nation Builders and World Most Sustainable and Livable MOSLIV Awards 2022 for devoting genuine concern for protection and welfare of the children and elderly in her community, at the the Grand Ballroom, Okada Manila on November 25, 2022.

The award recognizes her outstanding and proven record of exceptional financial generosity and her demonstrated civic extraordinary and charitable responsibility and generosity that inspires others to take philanthropic action.

The Nation Builders and Mosliv Awards 2021 celebrates and honors the changemakers, and leaders in sustainability across the Philippines. It gives honor to exemplary accomplishments of leaders, initiatives, and organizations who have made sustainability an integral part of their business practice and for working to reduce the impact of their business on our environment.

“You don’t need millions of pesos to be a philanthropist. You can simply donate “time, talent or treasure” toward doing good, but you can increase the impact of your giving by thinking strategically. Educational resources like Adopt a School provides a program where a private entity agrees to extend assistance to a public school in a particular aspect/s of its educational program. These tools can help us decide what is important to us and then create an action plan that maximizes our resources,” Castillo expressed.

“Today we pledge to continue to adapt and improve to work toward a more sustainable city with healthier people and to make sure that every San Pableño would pursue his or her dream here in Laguna,” Castillo ended.