Monday, May 25, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 647

Simbang Gabi, idadaos sa Paseo de San Pablo

0

San Pablo City, Laguna. Ipagdiriwang ang simbang gabi sa Paseo de San Pablo mula Disyembre 16 hanggang 24 sa ganap na 5:00 hanggang 6:00 ng hapon.

Ang “Misa del Gallo sa Paseo” ay binigyan ng pahintulot ni Bishop  Buenaventura M. Famadico, ang obispo ng San Pablo diocese.

Officiating priest ng banal na simbang gabi si Father Rizaldy Urgena, Parish Priest ng St. Francis of Assisi Parish San Pablo City.

Inaanyayahan ni Mayora Gem Castillo, may ari ng nabanggit na arcade, ang mga mananampalataya ng Diyosesis na ipagdiwang sa Paseo de San Pablo ang Simbang Gabi.

Ang Paseo de San Pablo ay isang pasyalan sa Brgy. San Jose, San Palo City na dinarayo ng marami dahil sa magagandang ilaw, mga palamuting pamasko at tutugin. Mabibili din dito ang sari saring pagkain at inumin na abot kaya ng bulsa. Bukas din ang bazaar nito kung saan ay mabibili ang mga damit at gamit sa murang halaga.

Ang Paseo de San Pablo ay isang “one stop center for fun” para sa buong pamilya at tropa.

NDRRMC: Halos 40K na pamilya ang naapektuhan ni Karding

0

Umakyat na sa 39,893 o katumbas ng 157,023 katao ang mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Karding na naninirahan sa 1,318 barangay sa pitong rehiyon sa bansa.

Sa update kanina, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang apektadong populasyon ay mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Nasa 574 na evacuation centers ang kasalukuyang kumupkop sa 8,825 pamilya o 37,135 indibidwal na ang natitira ay tinutulungan ng mga kamag-anak at kaibigan.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-validate at pagkumpirma ng NDRRMC sa ulat ng 10 nasawi at walong nawawala.

Kabilang sa mga namatay ang anim mula sa Bulacan, dalawa mula sa Zambales, isa mula sa Burdeos, Quezon province at isa mula sa Tanay, Rizal habang ang mga nawawala ay kinabibilangan ng dalawa mula sa Antipolo, Rizal, isa mula sa Patnanungan, Quezon at lima mula sa Mercedes, Camarines Norte.

Nasa 3,068 na bahay din ang iniulat na nasira ng “Karding” sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at Cordillera.

Sa bilang na ito, 2,437 ang inuri bilang partially damaged at 631 bilang totally damaged.

Ang pinsala sa agrikultura ay tinatayang nasa PHP108,837,409 at ang mga ito ay natamo sa mga rehiyon ng Ilocos, Calabarzon, Bicol, at CAR.

Ang pinsala sa irigasyon ay tinatayang nasa PHP1.3 milyon sa Bicol Region habang ang pinsala sa imprastraktura ay inilagay sa PHP23 milyon sa Ilocos Region, Mimaropa at Cordillera. (PNA)

PhP 7.8M nasabat sa joint drug bust sa Cavite

0

Bacoor, Cavite. Hinarang ng pinagsanib na elemento ng PDEA Region 3 (Lead Unit), PDEA Clark Inter Agency Drug Interdiction Task Group, Bureau of Customs , Port of Clark at Bacoor Station Drug Enforcement Unit Php7.7M halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang controlled delivery operations noong Martes, Setyembre 27 sa lungsod na ito sa lalawigan ng Cavite.

Ang suspek na kinilalang si Noelle Denise Azul ay inaresto ng mga drug operatives dahil sa pag-iingat ng humigit-kumulang 1.140 kilo ng shabu na nakatago sa loob ng mga stuff toys.

Ang pangkat ni Azul na kinilalang si Octavia Dela Cruz ay nakatakas sa panahon ng operasyon.

Nakumpiska ng mga law operatives mula sa suspek ang isang pakete na naglalaman ng stuffed toys kung saan ay nakapaloob sa bawat laruan ang 3 asul na plastic bag na naglalaman ng kabuuang 1,140 gramo ng shabu, 3 Identification Card, at isang cellular phone.

“This is another milestone in our efforts to curb the proliferation of illegal drugs in our communities. With the cooperation of other agencies of the government, we are gaining remarkable success with the ‘whole of government approach’; thus, I commend everyone for a job well-done,” ayon kay PRO 4A Regional Director, PBGEN Jose Melencio C Nartatez, Jr.

Suspek sa pagpatay na sangkot sa serye ng pagnanakaw, arestado

0

Silang, Cavite. Arestado sa isang raid sa lungsod na ito ang isang suspek sa pagpatay na sangkot din sa serye ng pagnanakaw sa mga Seven Eleven stores at nambiktima ng mahigit 20 Indian national.

Hindi nanlaban ang security guard na si Victorious Baylosis, 29 anyos, alyas Victor, ng arestuhin matapos makorner ng elemento ng Regional Mobile Force Battalion 4a sa kanyang tirahan sa Brgy. Yakal, Silang, Cavite, ayon sa report ni Lt. Col Agosto Asuncion, RMFB4A commander, kahapon.

Nasakote ang suspek sa ilalim ng operasyon na pinamunuan ni Executive Master Sergeant Paquito Chan Jr. armado sa bisa ng ng warrant of arrest para sa robbery with violence against or intimidation of person. 

Sinabi ni Chan na ang suspek ay may nakabinbin na kasong pagpatay na isinampa sa Office of the Provincial Prosecutor sa Imus City at may iskedyul para sa isang preliminary hearing sa Oktubre 6, 2022.

Ang akusado ay ni-raid sa isa sa kanyang tirahan noong Sept 22 ng Cavite Intelligence Unit ngunit nakatakas.

“The suspect was among the armed men robbed the 7/11 convenient store not only in Silang but also nearby towns and more or less 20 Indian national engaged in lending money known as 5-6 scheme were victims of intimidation or threat,” ayon kay Chan.

Nasa kustodiya ng pulisya sa Silang ang akusado para sa profiling at pagbabalik ng warrant sa court of origin para sa tamang disposisyon.

Ang akusado ang number 6 most wanted persons sa ilalim ng provincial level sa lalawigan ng Cavite, ayon pa rin kay Chan.

The welfare of the people is the supreme law

Since I retired from government service following the outbreak of the COVID 19 pandemic, I lost track of what is happening in and out of the City Capitol of San Pablo. I merely rely on the information being fed to me by our President Sandy Belarmino and some Maritess on the loose.  Now that one of our reliable columnists Boyet ‘Talbos Tubo’ Marcelo is back from the USA hopefully for good, you can be assured of juicy information affecting the city whether positively or negatively.  He is a no-nonsense writer always open to debates with candor and understanding of what he wrote. Just like me and the rest of our group, we avoid barking at the wrong tree.

I miss the good old days when all of us were still young and physically fit to roam around and look for spicy inside stories that would arouse the interest of the reading public. I miss the colorful ‘Sabukot’ who would tweet funny, sweet and sometimes nasty activities of shameless characters in the various offices of the city hall. I miss those hilarious moments we shared together beneath the historical Balete tree during our regular brainstorming while one of us was playing the part of a devil’s advocate.

For the past two years, the pandemic has prevented us from doing what we are supposed to do as journalists, hence, the ‘termites’ in the local government had their unabated scheme to feed their purses with the use of whatever means. I heard someone from the so-called Big Five has allegedly amassed millions for personal gains along with the rest of the SOBs. This put the interest of the people in peril.  Now that the pandemic is almost waning if not over, we can at least call the attention of the power that be to stop them.

Salus populi est suprema lex. The welfare of the people is the supreme law and it behooves upon us to expose the malfeasance, nonfeasance and misfeasance of those who are tasked to serve the people after all, they are receiving salaries from the taxpayers’ money. The people, regardless of their station in life, must be served with kindness and understanding and should not be treated like a burden or in rare cases, like a beggar. Even the poorest of the poor have dignity and pride that need to be respected. These coming days, you will see many of us in the local media together again beneath the Balete tree to observe what’s going on around the capitol site and to report what we have seen and observed.  This way, we can at least assist the local government in calibrating the greed of those who are using their position for personal interests. We will once again open the dormant space of “Sabukot” and every Pabluy is invited to share their not-so-good personal experience subject of course to the keen screening of the Editor.  See ya!

LPA sa northeast ng Luzon ngayon ay Tropical Depression Luis na

0

Ang low pressure area sa silangan ng extreme northern Luzon ay naging tropical depression at pinangalanang, “Luis,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa kanilang 11 a.m. bulletin kanina, Miyerkules.

Taglay ni “Luis” ang maximum sustained winds na 55 kph malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 70 kph. Ito ay huling nasubaybayan sa 1,100 km. silangan ng extreme northern Luzon, kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 25 kph.

Walang tropical cyclone wind signal ang nakataas sa alinmang bahagi ng bansa.

Sinabi ng PAGASA na malabong direktang maapektuhan ni “Luis” ang lagay ng panahon sa bansa.

Ang habagat ay magdudulot ng pag-ulan sa western section ng Southern Luzon, Eastern at Western Visayas, at silangang bahagi ng Mindanao sa susunod na 24 na oras.

Samantala, sinabi rin ng PAGASA na malabong direktang maapektuhan ni “Luis” ang kondisyon ng laot sa mga baybaying dagat ng bansa.

Si “Luis” ay tinatayang magiging tropikal na bagyo sa susunod na 24 na oras, ngunit inaasahang lalabas ng Philippine Area of ​​Responsibility sa Huwebes. (PNA)

Sala sa init, sala sa lamig: Isang pagsipat sa mga mali pero hayag

0

Maling mali pero hayag na hayag dahil baliktad na ang mundo nila. Merong taong siya na ang mali, siya pa ang may ganang magpaliwanag. Bandang huli kapag nako-corner na sa maling prinsipyo o maling batayan, maglalahong parang bula; ang mahalaga, makaloko siya ng kapwa na makikiayon na rin sa kanya. Iresponsableng pananalita ang nagawa ng isang Badoy at salamat naman sa aksyong motu propio ng Korte Suprema. Nung mabasa ko iyon, muli kong napagtanto na sumobra na talaga ang mga tao sa propaganda at kasabay nito, kulang naman sa pagtatanggol sa katotohananan at katwiran maliban sa mangilan-ngilang adbokasiya sa social media at pagsasampa ng kaso o pagrereklamo ng kalabisan. Aling kalabisan? Heto:

“If I kill this judge and I do so out of my political belief that all allies of the CPP NPA NDF must be killed because there is no difference in my mind between a member of the CPP NPA NDF and their friends, then please be lenient with me.” Bahagi ito ng naisulat ng dating tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Nagdesisyon lang naman ang isang mahusay na Judge Magdoza-Malagar ng pagkakaiba ng terorismo at rebelyon, kasabay ang patas na pagtingin na ang mga kinuwestiyong kasamaan ay walang mga elemento ng terorismo.

Ano ang nag udyok sa mga kagaya ni Badoy na magsalita nang ganoong kalala? Kasiyahan ba nila ang mapatay o madala sa bingit ng alanganin ang mga mapi-prinsipyong tao katulad ng huwes at asawa niyang lawyer-educator mula sa UP Cebu? Kaya sa tingin ko, ang mga katulad ni Badoy ay pakawala ng isa tao o grupo ng mga propagandista na malalim na ang nakuhang pakinabang para sa kanilang mga sarili kahit ito’y labag sa udyok ng katwiran at pakinabang ng mas nakararami. Mabuti naman at may pamatay-sunog ang Kataas-taasang Hukuman. Press briefer ng SC kahapon:

“Today, the Supreme Court En Banc tackled motu proprio possible actions in A.M. No. 22-09-16-SC (Re: Judge Marlo A. Magdoza-Malagar) regarding statements made by a certain Lorraine Badoy containing threats against Judge Marlo A. Magdoza-Malagar of the Manila Regional Trial Court, Branch 19.

“In   the   meantime,   the   Court   issued   the   following statement:

“‘The Court STERNLY WARNS those who continue to incite violence through social media and other means which endanger the lives of judges and their families, and that this SHALL LIKEWISE BE CONSIDERED A CONTEMPT OF THIS COURT and will be dealt with accordingly.’”

Matapos ang kalabisan, dumako naman tayo sa halimbawa ng kakulangan. Maraming pinauunlakang panayam ang pangulo ng Amerika na si Joe Biden. Kamakailan, parang wala nang katapusan ang mga tanong ng media na sinasagot naman ni Biden nang klaro, may paninindigan, may tapang ngunit kalkulado ang mga binibitawang salita – mga salitang responsable at madiplomasya sa mga isyung kinakaharap ng Amerika, NATO, at UN. Matatandaan natin ang kabaligtaran nito sa Pilipinas: Kulang na kulang ang pagpapahalaga ng winning presidential candidate Marcos Jr. sa mga lehitimong katanungan ng mga kagawad ng media sa kanya. Sa obserbasyon ng mga eksperto, nananatili ang kakulangan sa mga pagkakataong mapaunlakan ang mga mamamahayag na magtanong ng mga dapat itanong sa ngayo’y pangulo na ng Pilipinas at aktwal nang kumatawan sa mga Pilipino sa labas ng bansa. Sa kapangyarihan niya bilang punong ehekutibo, wala na siyang dapat ikatakot kung sakali mang magkamali siya sa mga itutugon niya sa mga tanong ng media.

Ang nangyayari tuloy, hindi masyadong natutugunan ang mga pangangailangan ng news-consuming public na dapat sana’y Palasyo ng Malacañang ang unang-unang magpupuno ng mga kakulangan sa impormasyon at paglilinaw. Sa madaling sabi, sala sa lamig sa media!

Kaya naman patuloy akong nagbibigay ng espasyo sa mga paksang pangkabataan sa kolum na ito dahil kritikal ang kanilang pag-uusisa o ang kawalan nito. Lagi kong nilalahad na marami silang pwedeng itanong tungkol sa golden era ng korupsyon, madugong rehimen, at dapang-dapang ekonomiya ng Pilipinas. Sila ang may sariwang kaisipan. Sila ang may kritikal na pag-iisip at may pagdadalawang-isip, huwag lang maisahan ng mga abusado sa pwesto. Dadaigin nila sa fact-checking skills ang mga matatanda sa pangkalahatan at ang kailangan lang ng mga matatanda ay maging sport sa bagay na ito para makatulong.

Kapag nagtanong tayo sa mga kabataan kung nag-aaral ba sila nang mabuti, ikasiya nawa natin ang sagot nilang tuwiran at hindi direkta kung meron din silang mga tanong sa gobyerno sapagkat nasa panahon na ng populism ang mundo. May naghahari-harian, may sumisira ng mga demokratikong institusyon, at may mga galamay para manatili sa pwesto, para tuloy ang pagpapakasasa, para malito at malinlang ang publiko sa tamang usapin. Mas kakaunti ang edukado, mas papabor ito sa mga mapagsamantala.

May kapaguran na rin ang mga matatanda na talakayin ang populism, samantalang laman naman ng mga usapin ng mga kabataan ang phenomenon na ito sa mga pormal na pagtitipon at pananaliksik. Dumarami ang populist leaders na gumagamit ng mga propagandang bumibighani ng mga emosyon, ng galit, o mga sentimientong pambayan pero umaatake ng mga lehitimong kapangyarihan ng mga institusyon. Pagwawatak-watakin nila ang mga mamamayan sa paggamit ng conspiracy at sobrang pang-iintriga kabilang ang paghahanap ng mga kaaway kahit na wala namang kaaway, at pagbabansag ng kung ano-ano sa mga hindi pumapanig sa kanila.

Mag-init sa mali, at huwag manlamig sa katwiran at katotohanan o paghahanap nito.

Nakumpiska sa 5 suspek ang halos P13-M shabu sa Cavite at Rizal

0

Calamba City, Laguna. Nasamsam ng mga anti-narcotics operatives ng Police Regional Office 4A ang halos PHP13 milyong halaga ng shabu mula sa limang drug suspect sa magkahiwalay na buy-bust sa mga lalawigan ng Rizal at Cavite noong Lunes.

Sa isang pahayag kanina, sinabi ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin na si Diadema Bababsa, 56 anyos, isang high-value target; at Betty Babasa 45 anyos, ay inaresto ng mga miyembro ng San Mateo Municipal Police Station kasama ang mga miyembro ng Rizal Provincial Intelligence Unit (PIU).

Nakuha sa mga suspek ang mahigit isang kilo ng shabu na tinatayang nasa P6.9 milyon ang street value.

Samantala, naaresto naman ng Cavite police sina Dexter Santos, 25 anyos; Arlene Navarro, 41 anyos; at Ruffa Maie Gervacio, 22 anyos sa Dasmariñas City.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 850 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng PHP5.78 milyon.

“I enjoin our personnel for this intensive campaign against illegal drugs. Tulong-tulong tayo sa paglaban sa negosyo sa ilegal na droga. They have no place to continue their illegal act. We keep watch and we vow to run after these criminals,” ayon kay Azurin.

Nakatakdang kasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022. 

Coast guard officer pinagbabaril sa balkonahe ng biyenan

0

Indang, Cavite. Patay agad ang isang Philippine navy matapos pagbabarilin habang nasa balkonahe ng bahay ng kanyang biyenan sa bayang ito sa lalawigan ng Cavite kahapon ng hapon.

Ayon sa report ni Col. Christopher Olazo, director ng Cavite Provincial Police Office, kinilala ang biktima na si  Philippine Coast Guard (PCG)  officer Randolph Val Siega.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, sinabi ni Olazo na si Siega ay nasa terrace ng bahay ng biyenan nitong si Fernando Panganiban Sr. sa Brgy. Banaba Cercana ng paputukan ito ng baril na tumama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima. 

Kinilala naman ang suspek na si Razon Creus alyas Jerry, 55 anyos, na ayon kay Olazo ay kamag anak ng asawa ni Siega.

Agad na naaresto ang suspek sa ikinasang hot pursuit operation ng Indang Municipal Police Station (MPS) habang patakas ito sa lugar.           

“The quick response of the tracker operatives we’re able to capture the suspect who was prepa­ring for his escape,” ayon kay Olazo.

Narekober mula sa suspek ang murder weapon na isang baril na kalibre 38, mga bala at Armscor m200 revolver. 

Samantala, iniutos ni Olazo sa Indang MPS na bumuo ng special investigation team upang tumutok sa imbestigasyon sa nabanggit na insidente. 

Napili si Beda Epres bilang CHR commissioner

0

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang abogadong si Beda Epres bilang bagong commissioner ng Commission on Human Rights (CHR), ayon sa kumpirmasyon ng ng Malacañang kanina.

Inilabas ng Office of the Press Secretary (OPS) ang kopya ng appointment paper ni Epres na pinirmahan ni Marcos noong Setyembre 15.

Pinalitan ni Epres si dating CHR commissioner Roberto Eugenio Cadiz na natapos na ang pitong taong termino noong Mayo 5.

Batay sa kanyang appointment paper, magsisilbi si Epres bilang CHR commissioner hanggang Mayo 5, 2029.

Si Epres ang una sa limang inaasahang miyembro ng ika anim na batch ng CHR en banc.

Bago ang kanyang appointment sa CHR, nagtrabaho si Epres bilang Director IV sa Office of the Ombudsman’s General Investigation Bureau.

Nagtapos ng abogasya si Epres sa Arellano University School of Law at na-admit sa Bar noong 1995.

Sa unang bahagi ng kanyang karera, siya rin ay isang opisyal sa National Power Corporation at isang part-time na lecturer sa Far Eastern University, ang kanyang alma mater.

Si Epres ay bahagi ng Office of the Ombudsman mula noong 1997, nagsimula siya bilang Graft Investigation and Prosecution Officer I sa Military and Other Law Enforcement Offices.

Nang maglaon, pinamunuan niya ang monitoring team ng Ombudsman’s Field Investigation Office (FIO) noong 2008 at na-promote bilang pinuno at pinuno ng pangkat ng Intelligence Bureau ng FIO noong 2009.

Umupo si Epress ang posisyon ng acting director ng Ombudsman’s Intelligence Bureau-FIO II noong 2010 at kasunod nito ay hinirang bilang direktor ng nabanggit ding tanggapan noong 2011. Lumipat siya sa Office of the Special Prosecutor at nanatili doon hanggang 2016.

Sa isang pahayag, tinanggap ng CHR ang pagtatalaga kay Epres at nagpahayag ng pag-asa na ang bagong komisyoner ay mag aambag sa paggawa ng komisyon na isang “steadfast and formidable institution that caters to all people, especially the weak, vulnerable, and marginalized, and in responding to the present and emerging human rights challenges of our time.”

Ang CHR ay isang independent national institution ng karapatang pantao na nilikha sa ilalim ng 1987 Constitution at itinatag noong Mayo 5, 1987 sa bisa ng Executive Order (EO) 163.

Sa ilalim ng EO 163 na nilagdaan noong 1987, ang CHR ay bubuuin ng isang tagapangulo at apat na komisyoner na hinirang ng Pangulo.

Ang mga miyembro ng komisyon ay maglilingkod sa loob ng pitong taon at hindi na muling mahihirang.

Inutusan ang CHR na imbestigahan ang lahat ng anyo ng mga paglabag sa karapatang pantao na may kaugnayan sa mga karapatang sibil at pampulitika.

Ang constitutional body ay binibigyan ng kapangyarihan na magsagawa ng motu proprio na mga pagsisiyasat o tumugon sa mga reklamo mula sa mga partido na maaaring nilabag ang mga karapatang pantao.