Monday, May 25, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 655

Kilabot na rapist, arestado sa Laguna

0

Victoria, Laguna. Arestado ang wanted at kilabot na rapist sa isang joint manhunt operations na isinagawa ng Victoria Municipal Police Station (MPS) at Highway Patrol Group ng Laguna kahapon.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge, Laguna Prpvincial Police Office ang akusado na si Baltazar De Leon y Espiritu, 59 anyos na construction worker at residente ng Brgy. San Benito, Victoria, Laguna.

Ayon sa ulat ng Victoria MPS, inaresto ang akusado kahapon sa Brgy. Nanhaya, sa nabanggit na bayan sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Mary Jean Tibo CajandabRegional Trial Court, 4th Judicial Region, Branch 26 sa Sta. Cruz, Laguna.

 noong September 8, 2021 na pinaguutos ng saligang batas na arestohin ang nasabing akusado para panagutin sa paglabag sa umiiral na batas.

Nakakulong ngayon ang akusado sa custodial facility ng Victoria MPS at nakatakdang  humarap sa kasong Rape (Rpc Art. 266-A); Acts Of Lasciviousness (Rpc Art. 336); Special Protection Of Children Against Child  Abuse, Exploitation And Discrimination Act (Anti-Child Abuse Law) (Lascivious Conduct Under Sec. 5(B) Of Ra 7610).

“Isang pagmamalaki sa kapulisan ng Laguna sa walang sawang pagganap sa kanilang mga sinumpaang tungkulin,” ayon sa mensahe ni Silvio.

Sleeping with the enemy

The privileged speech of Sen. Loren Legarda in the Senate last week defending the CPP-NPA-NDF and asking for the review of the Anti-Terror Law because she did not sign it, draw negative reactions from netizens, vloggers and anti-terror groups.  They were dismayed and saddened by the categorical statements of Legarda that she worked with these groups and believed in their cause. She proudly aired in the august hall of the Senate that “If we see and study what they actually believe and want, it is social justice.  It is uplifting our people from poverty for decades without bearing arms.”

From her statements, it appears as if she is not aware of all the atrocities committed by the CPP-NPA-NDF which is highly impossible considering that she was also a journalist and a lawmaker.  Besides, said groups were already declared terrorists by the United States, European Union, Canada, Australia and other countries. What enters her mind when she said they only want social justice and uplifting the people from poverty when they are burning government vehicles and heavy equipment, bombing government installations and killing mercilessly innocent civilians?  Legarda must be out of her mind!

Had she shown her true color prior to election, or had she not joined the UNITEAM, she would not have won.  Good I did not vote for her because I see her as a whimsical chameleon who changes color depending on her need.  I still remember that day when she bragged about her being a Sampablenya because her alleged grandmother is a Cabrera. After the election, she vanished in the air.  Then when she was campaigning in Batangas, she used the family name Leviste to garner votes from Batanguenos. During this last election, I heard her in one of the televised sorties of the Uniteam in Ilocos region that her yaya is an Ilocana whom she allegedly considers her second mother. Ang galing!

Legarda’s statement defending the enemies of the state is an affront to the sanity of the Filipino people and an outright insult to their intelligence. She is a public officer whose duty is to look after the welfare of the people and not to allow any terrorist group to destroy them.  According to Eric Celis, a former NPA Cadre, the four documents mentioned by Legarda in her speech are CPP-NPA-NDF documents where it Is allegedly written therein their ultimate purpose to overthrow the government by armed struggle. Celis even joked in one of his radio programs that Legarda sounded very much like Jose Ma. Sison as if his spirit entered her body. I guess that’s what she learned from sleeping with the enemies. 

At this point in time in our history as a nation, let us all be wary not to be cajoled by those pretending to be for the people. Let us pray for all peace-loving citizens, our AFP, the PNP to have the strength and courage to put an end to terrorism.

Akusadong rapist at rank 2 MWP sa Laguna, arestado

0

Sta. Cruz, Laguna. Arestado ang Rank no. 2 Most Wanted Person sa Provincial Level sa isang manhunt operation na ikinasa ng Santa Cruz Municipal Police Station (MPS) kahapon.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge, Laguna Provincial Police Office ang akusado na si Edmar Bacaling, 26 anyos na panadero at nakatira sa Brgy. Sto. Angel Central, bayang ito.

Sa isinagawang manhunt operation ng Santa Cruz MPS noong Septyembre 6, 2022 sa ganap na 9:27 ng gabi ay naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Santa Cruz MPS ang akusado at nakatakdang humarap sa kasong Lascivious Conduct Under Sec. 5 (B) of R.A. 7610 Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act (2 Counts) na isinampa noong Agosto 23, 2022 sa  Regional Trial Court, Branch 101, Santa Rosa City, Laguna. 

“Ito ang patunay na ang Laguna PNP ay hindi tumitigil sa paggawa ng manhunt operation sa pagsawata sa mga nagtatago sa batas upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima,” ayo kay Silvio.

Pangarap ni Reina Mae Nasino at pag-alala kay Baby River

0

Sa edad na 23 taon, ang isang ina’y dapat panigan ng batas na magpasuso ng kanyang bagong silang na anak. Kung nakakulong ang ina sa wala pang hatol na kaso, dapat siyang panigan ng korte na pansamantalang palayain upang arugain niya nang husto ang bata. Hindi dapat patagalin ang kanilang paghihiwalay. Kung may sinasabing “justice delayed is justice denied”, mas masaklap naman sa kaso ng mag-ina ang “just..tiis hanggang gatas ay mapanis.”

Pinakamasaklap ito para sa sanggol. Kung isa lamang siyang kalikasan, tiyak na makakukuha ito ng pabor na writ of kalikasan mula sa korte. Ngunit para bang mayroon lubhang nakahahawang COVID-19 ang mga pulitiko at umabot ang paghawa nila sa hudikatura dahil sa kawalang common sense nito.

Libo libong persons deprived of liberty ang pansamantalang pinalaya ng Korte Suprema sa kalagitnaan ng 2020 dahil sa COVID-19 pandemic na nananalasa sa labas at loob ng mga kulungan. Kung bakit hindi kasama ang ina ni baby River noong isang araw pa lamang siya? O noong isang linggo pa lamang siya? O noong isang buwan pa lamang siya? O noong dalawang buwan pa lamang siya kahit nagiging sakitin na sa pangungulila sa magpapasuso sa kanya na walang iba kundi ang kanyang inang pwede namang pansamantalang palayain? Wala pa rin bang magaganap na pagpabor sa kaawa-awang sanggol kung pansamantalang palitan ang ina niya sa pangalang Imelda Marcos?

Baka sa ikatlong buwan ni River, may pag-asa na kayang mapalaya ang ina niya? Pero nabale-wala ang lahat ng pagpupunyagi ng abugada ng ina. Nabale-wala ang mga panawagan ng pagsuporta sa mag-ina.

Namatay na si River. Ang kanyang pamamalagi sa mundo: Hulyo 1, 2020 – Oktubre 9, 2020. Napakaiksing panahon!

Kung at kung mayroong disorder o may sira ang ulo ang isang tao, maigi pa ngang huwag na siyang makabasa at makabalita pa ng ganitong kawalang katarungan, patayan, at katiwalian ng mga pinuno ng pamahalaan. Ngunit paano naman ang mga kabataang nasa husto at maayos na pag-iisip? Binubuhay din ni River ang natutulog na kamalayan ng mga dapat sana’y mas mapaparaan at mas mabibilis na kabataang palagamit ng social media at internet.

Bagamat mayroon silang kinakaharap na kalituhan sa magkahalong masigabong palakpakan at sigalot ng palawak na palawak na naratibo ng mga nagkakampihan sa pulitika, ang mga kabataa’y unti-unting naniniwalang mayroon pa ring natitirang pag-asa ng tunay na pagbabago sa lipunan kung ang kalayaan sa asembliya na sinisikil ng pandemiya ay nauuwi naman sa mga online rally. Tama lamang pakaisiping hindi na mapakali ang physical self ng isang mag-aaral kaya bumabawi na siya sa kanyang digital self. At maaaring mas tama ring ipagpalagay na nakapagpapataas ng antas ng pagkatuto ang paggamit niya ng social media, ayon sa mga pananaliksik. Samakatuwid papataas ang tiwala niya sa sarili kung pagbabatayan din ang iba pang mga pag-aaral.

Kung tinatahak naman ng estudyante ang larangan ng komunikasyon, walang dudang sa panahon ngayon, mas mapapagamit siya ng social media kung saan marami at mabilis ang interaksyon.

Ginagawa na ng bawat mag-aaral sa kolehiyo ang lahat upang maging kapaki-kapakinabang ang digital self niya alang-alang sa mga teorya at praktis na nakapaloob sa Pag-unawa sa Sarili na isang kursong obligadong tapusin at ipasa ng mga nagkokolehiyo sa Pilipinas. Salamat sa napanis mong gatas, River. Gayunpaman, tuloy ang laban ng iyong inang si Reina Mae Nasino. Edad 23 siya noong iluwal ka niya sa kanyang sinapupunan at 25 na siya ngayon, samantalang dalawang kandila na sana ang nakaturok sa birthday cake mo ngayong taon. 

Hindi natutulog ang Diyos. Pumapabor na ngayon ang korte sa ilan sa mga laban ng mag-ina (o ng batang inang si Reina Mae man lamang) katulad nitong pagpapawalang-bisa ng mga search warrant kaya naaresto siya (at dalawa pang kasamahan) noong buntis pa lamang siya kay Baby River: “Search Warrants Nos. 5944 (19) and 5945 (19) are declared VOID for failure to meet the standards of a valid search warrant, and all evidence procured by virtue thereof are deemed inadmissible,” ayon kina Associate Justices Emily San Gaspar-Gito, Eduardo B. Peralta Jr. at Walter S. Ong ng Court of Appeals 12th Division sa kanilang hatol sa Case Number SP-166170 (August 31, 2022). Ang hirap maliitin ng kapalpakang ginawa o nagawa ng dalawang mababang hukuman sa Quezon City at Maynila sa batang inang may pangarap, ngunit kasalukuyang nasa kulungan.

Matatandaang naaresto si Reina Mae at dalawang kapwa aktibista sa Tondo noong Nobyembre 5, 2019, dahilan para makulong (hanggang ngayon) sa Manila City Jail sa kasong illegal possession of firearms and explosives. Walang piyansa.

Binabantayan ng DTI-Laguna Consumer Protection Division ang presyo at supply ng asukal

0

Victoria, Laguna. Sinimulan ng Department of Trade and Industry (DTI) Laguna Provincial Office, sa pamamagitan ng Consumer Protection Division (CPD), ang pagsasagawa ng pagsubaybay sa presyo at supply ng asukal upang matiyak ang makatwirang presyo at pagkakaroon ng suplay ng asukal sa lalawigan ng Laguna.

Ang pagsisikap na ito ay bilang pagsunod sa memorandum na inilabas ni DTI Secretary Alfredo E. Pascual noong Agosto 19, 2022, na isama sa regular na monitoring activities ang katayuan ng pagsunod ng mga business establishments sa kasunduan na ginawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang mga may-ari ng Robinsons Supermarket, SM Supermarket, Puregold Supermarket, at S&R Membership Shopping upang itakda ang retail na presyo na Php70.00 kada kilo para sa refined white at/o washed sugar hanggang sa tumagal ang kanilang mga supply. Gayundin, sinuri ng CPD ang limitasyon sa pagbili sa pinong puti at/o washed sugar sa 1 kilo bawat consumer.

Kasabay ng pagsubaybay na ito sa presyo at supply ng asukal, ang DTI-Laguna ay patuloy sa pag-validate ng pagsunod sa mga business establishments na itinakda para sa Safety Seal Certification. Bukod dito, nagsasagawa rin sila ng regular na pagsubaybay sa mga pangunahing pangangailangan at pangunahing bilihin sa lalawigan.

Sinabi nila na paiigtingin ng DTI-Laguna ang mga pagsisikap sa pagsubaybay upang matiyak ang mas mahusay na proteksyon ng mga mamimili sa Laguna. 

(DTI Laguna).

Bangkay ng senior citizen natagpuang naaagnas sa bahay sa Quezon

0

Babala: May detalye sa balitang ito na maaaring hindi angkop sa lahat ng magbabasa.

Atimonan, Quezon. Hinihinalang pinasok at pinagnakawan at saka pinatay ng hindi pa nakilalang akyat-bahay ang isang senior citizen na natagpuang naaagnas na sa loob ng kanyang tahanan sa Brgy. Malusak, sa bayang ito noong Biyernes ng umaga.

Batay sa report ng Atimonan Municipal Police Station, nasa early state of decomposition na ang ng madiskubre ang bangkay ni Venancio Erne Fajardo, 76, na nasa sahig ng kanyang bahay at may takip na foam.

Nadiskubre ito matapos magreklamo ang mga kapitbahay dahil sa masangsang na amoy na nagmumula sa bahay ng matanda.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakita ang mga bakas ng dugo sa sahig at nagkalat din ang mga kagamitan sa loob, indikasyon na hinalughog ang bahay.

Bukas din ang pinto sa likod ng bahay at winasak ang steel grills nito.

Napag-alamang mag-isang naninirahan sa kanyang bahay ang biktima.

Ayon sa mga kapitbahay, huli itong nakitang buhay noong Miyerkules pa ng gabi habang nakikipanood ng TV sa isa sa mga kapitbahay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya at isinailalim na rin sa pagsusuri ng PNP crime laboratory ang biktima upang malaman ang sanhi ng pagkamatay nito.

CIDG: Ang paghatol kay ‘Poblacion Girl’ ay triumph of justice

0

Pinuri ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kahapon ang paghatol kay Gwyneth Chua na kilala rin bilang “Poblacion Girl,” na lumabag sa mga protocol ng quarantine noong Disyembre ng nakaraang taon sa gitna ng coronavirus pandemic.

“We are elated over the release of the court’s decision in the case involving Gwyneth Chua. This proves the strong partnership and commitment of our law enforcement agencies and our courts to maintaining justice, law, and order for everyone. Likewise, we continue to call on the public to follow the enforced health and safety rules during this pandemic and the CIDG is ready to hold accountable anyone who violates this,” ayon kay CIDG chief, Brig. Gen. Ronald Lee, sa isang statement.

Hinatulang guilty ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 128 si Chua sa paglabag sa Section 9 (d) ng Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at inutusan siyang magbayad ng multang PHP20, 000.

Inilabas ni Judge Maureen Rubio-Marquez ang hatol matapos umamin ng guilty si Chua sa mga kaso sa arraignment noong Lunes.

Si Chua, isang returning overseas Filipino (ROF) mula sa United States ay nakatakas mula sa mandatory quarantine sa Berjaya Hotel at nakitang kumakain kasama ang ilang mga kakilala sa isang restaurant sa Makati City.

Ang reklamo laban kay Chua ay inihain ng CIDG National Capital Region noong Enero 4, matapos makumpleto ang kanilang imbestigasyon at maitatag ang probable cause para ihain ang reklamo.

Noong Abril, kinasuhan ng Makati City prosecutors si Chua sa mga kasong paglabag sa RA 11332 kasama si Esteban Gatbonton, isang security guard ng hotel, dahil sa diumano ay pagtulong sa kanya na lumaktaw sa quarantine.

Isang pre-trial conference ang ginanap para sa hiwalay na kasong kriminal laban kay Gatbonton. (PNA)

Konsehal ng barangay, patay sa pamamaril

0

Catanauan, Quezon. Dead on the spot ang isang konsehal ng barangay matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Brgy. Ajos ng bayang ito, bandang 6:30 kagabi.

Batay sa paunang pagsisiyasat ng pulisya, kinilala ang biktima na si Ramil Advincula, 55 taong gulang na residente ng nabanggit na lugar.

 Ayon kay Police Major Lindley Sales Tibuc, chief of police ng Catanauan Municipal Police Station (MPS), nag aayos ng mga paninda sa kaniyang tindahan si Advincula ng dumating ang isang lalaki at umorder ng biscuit at soft drink.

Sa pahayag ng anak na babae ng biktima, narinig pa umano nito ang pag uusap ng kanyang ama at ng suspect na ayon dito ay nakasuot ng jacket at asul na s-baseball cap.

Habang iniaabot ng biktima sa suspect ang soft drink, bumunot ng baril ang gunman at sunod- sunod na pinaputukan si Advincula, ayon sa ulat ng pulisya..

Batay sa mga salaysay ng mga nakasaksi sa krimen, mabilis na sumakay ang suspect sa motorsiklo kasama ng isa pang lalaki na nagsilbing lookout sa pangyayari.

Kasalukuyang nagsasagawa ng manhunt operations ang mga tauhan ng Catanauan MPS upang dakipin ang suspek at alamin ang motibo sa pagpatay.

Ratagnon-Mangyan beneficiaries binigyan ng kasanayan sa upland rice prod

Magsaysay, Occidental Mindoro. Nagsagawa ng upland rice production training ang Department of Agriculture Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) kasama ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng Magsaysay para sa 30 Indigenous Ratagnon-Mangyan farmers sa Sitio Bamban, Brgy. Alibog. Layunin ng proyekto na palakasin ang ani at igiit ang wastong kultural na kasanayan sa upland rice farming.

Pinangunahan ng MAO Senior Agriculturist na si Florence C. Limos ang interactive na pagsasanay na sumasaklaw sa kultural na pamamahala ng produksyon ng upland rice. Kabilang dito ang paghahanda ng lupa, paglalagay ng pataba, pamamahala ng peste, pag-aani, at mga gawi pagkatapos ng pag-aani. Ang mga kalahok ay miyembro ng Samahan ng mga Magsasaka ng Talayob Mangyan.

Tinalakay ni Limos ang paraan ng paghahanda ng lupa ng mga magsasaka na kinabibilangan ng kaingin o slash and burn agriculture– isang proseso kung saan ang ligaw o kagubatan na lupa ay malinaw na pinutol at sinusunog ang anumang natitirang mga halaman.

Ang nagreresultang layer ng abo ay nagbibigay sa bagong-clear na lupa ng isang sustansyang layer na mayaman upang makatulong sa pagpapataba ng mga pananim. Gayunpaman, ang pamamaraang ito ay maaaring magresulta sa makabuluhang pagguho ng lupa at dagdagan ang mga panganib ng pagguho ng lupa sa lugar, dahil walang mga puno, halaman at root system, ang lupa ay naanod sa panahon ng malakas na pag-ulan, habang tinatangay ng hangin sa panahon ng tagtuyot.

Pinaalalahanan ni Limos ang mga magsasaka na palitan ang mga pinutol na puno sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga bago upang maiwasan ang masamang epekto ng kaingin farming at pangalagaan ang kagubatan dahil nagbibigay ito ng kabuhayan sa mga magsasaka.

Bukod dito, nagbigay din ng payo si Limos kung paano mapakinabangan ng mga magsasaka ang kanilang ani sa pamamagitan ng pagsasagawa ng tamang espasyo ng mga pananim, tamang pagpili ng mga materyales sa pagtatanim, masusing paglilinang ng lupa para sa tamang aeration, paggamit ng organikong pataba, at paggamit ng rat baiting upang makontrol ang matinding infestation.

Ang mga miyembro ng Talayob Mangyan Farmers Association ay naging SAAD livelihood recipient ng Upland Rice Production Project FY 2020-2021, na nakinabang sa mga input tulad ng traditional rice seeds, two-wheel tractor, collapsible dryer, hermetic storage cocoon, carabao, at farm implements na nagkakahalaga ng P1,019,500. .

Sa kasalukuyan, ang grupo ay may nakatayong pananim ng tradisyonal na palay sa tinatayang 30 ektarya na inaasahang aanihin sa Oktubre. Nakapag-produce ang grupo ng 1,500 cavans ng palay noong nakaraang panahon ng pagtatanim na ginamit sa pagkain.

Ang SAAD Program ay nakikipagtulungan sa mga kasosyo nito tulad ng MAO hindi lamang upang magbigay ng espesyal na pagsasanay para sa mga benepisyaryo nito alinsunod sa kanilang proyektong pangkabuhayan upang mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa pagsasaka at sa gayon ay mapataas ang produksyon ng pagkain, ngunit upang matiyak na ang mga magsasaka ay nagsasagawa ng mahusay na pagsasaka mga paraan upang pangalagaan din ang kapaligiran.

Non-permanent employees sa San Pablo City LGU itinaas ang sahod

0

San Pablo City, Laguna. Ipinahayag ni Mayor Vicente B.Amante ng lungsod na ito ang pagtataas ng sahod ng 1,107 na casual at job order employees sa ginanap na flag raising ceremony noong Lunes.

Ayon kay Amante, magsisimula ang  September 1, 2022 ang mas mataas na sahod na P400.00 kada araw para sa casual at job order employees mula sa dating P200.00.

Kaugnay nito, lubos ang pasasalamat ng 854 casual at job order employees ng executive branch at 253 empleyado ng legislative branch .

Sinabi rin ni Amante na upang mabigyang daan ang pagtataas ng sweldo ay hindi na inaprubahan ang renewal ng appointment ng ilang executive assistants.

“Kabilang sa programa ang pamahalaang panlungsod ang pagtitipid upang bigyang daan ang pagtataas ng sweldo ng mga non-permanent employees upang matulungan sila na makatawid sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at ng bilihin,” ayon sa kanya.

Samantala, nanawagan din si Amante sa Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Vice-Mayor Justin Colago na magsagawa din ng mga programa sa pagtitipid para sa karagdagang pagtataas ng sweldo ng mga nasabing kawani.