Sunday, May 24, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 687

2 akusadong murderers, arestado sa Laguna

0

Calauan, Laguna. Inaresto ng mga tauhan ng Municipal Police Station (MPS) sa magkahiwalay na manhunt operations sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Philip Toquero Aguilar, Chief of Police, sina Aron Joseph Sarmiento, 34 anyos, truck driver at Kim Carlo Reyes, 28 anyos, waiter, kapwa nakatira sa Purok 5 Brgy. Sta Maria, Sto Tomas City, Batangas sa bisa ng Order of Arrest na inisyu ni Hon Rene D Natividad, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 107, Calamba City, Laguna for the offense of Murder (RPC Art. 248) na walang inirekomendang piyansa .

Ang arestadong akusado na si Sarmiento ay rank 2 sa municipal level ng Calauan at provincial level ng Batangas Police Provincial Office.

Batay sa mga ulat, ang dinakip na sina Sarmiento at Reyes ay sangkot sa insidente ng pamamaril noong Disyembre 28, 2020 sa kahabaan ng National Road Brgy Lamot 2, Calauan, Laguna kung saan ang mga biktima ay sina Rolando Dela Cruz at Marry Ann Malinao, kapwa residente ng Brgy. San Francisco, Victoria, Laguna.

Nasa custodial facility ng Calauan MPS ang mga akusadong murderers abang inaabishan korte hinggil sa pagkakadakip sa kanila.

“Laguna PNP continue to conduct manhunt operations to hold  accountable those wanted persons who violated our laws. They can run but they can never hide,” ayon kay Police Colonel Ison.

Ipinagmamalaking mga produkto ng Laguna, itininda sa Laguna OTOP hybrid expo 2022

Mandaluyong City. Ipinatupad ng Department of Trade and Industry-Laguna Provincial Office (DTI Laguna), sa pamamagitan ng One Town, One Product Next Generation (OTOP Next Gen) Program at katuwang ang SM Megamall, ang LAGUNA OTOP HYBRID EXPO 2022 sa Mega Fashion Hall ng SM Megamall noong Hunyo 8 hanggang 12, 2022.

May kabuuang limampung (50) exhibitors na tinulungan sa ilalim ng OTOP Next Gen ang nakilahok sa ginanap limang 5-araw na showcase ng OTOP pride at pinakamahuhusay na produkto ng Laguna.

Ang trade exposition na ito ay ang una sa Laguna samantala ay ginanap din ito sa www.otoplaguna.com.ph. Ang website ng OTOP Laguna, na nilikha sa pakikipagtulungan sa Topyugo Digital Incorporated (TDI), na inilunsad kasabay ng programa ng expo. Ang website ng OTOP Laguna ay nagpapakita ng pinakamahusay sa pinakamahusay na mga produkto sa Laguna, na nagbibigay-diin sa mga pamanang mga produkto tulad ng pagbuburda, taka o paper-mâché, mga katutubong delicacy, at mga makabagong produkto.

Ginanap din ang business consultancy at mentoring sa franchising at financial planning kasabay ng expo.

Dumalo sa expo ang mga Business Counsellor ng DTI Laguna Negosyo Center at nagbigay ng business consultation sa mga walk-in clients at mall goers. Dumating din ang mga adviser mula sa Association of Filipino Franchisers, Inc. (AFFI) na nag-alok din ng libreng mentoring at coaching tungkol sa franchising.

Dumalo din dito ang DTI Key Officials na sina Christian Mathay, AVP for Operations ng SM Premier 2, , ay tinanggap ang lahat ng mga panauhin at kalahok sa SM Megamall. Gayundin, malugod na tinanggap ni DTI Laguna Provincial Director Clarke Nebrao na nagpasalamat sa SM Supermalls sa kanilang kabutihang-loob pagho-host at pagbibigay ng mga trade fair venues sa iba’t ibang SM Malls sa NCR at Laguna. Nagpasalamat din siya sa DTI Regional Operations Group (ROG) at DTI Region 4A sa pagsuporta sa event.

Ang Laguna OTOP Hybrid Expo 2022 ay nakapagbigay ng kabuuang Php 1.6M na benta at nag-promote ng kabuuang mahigit na 30 MSME sa website ng OTOP Laguna.

Engkwentro ng AFP at NPA sa Quezon; isang sundalo sugatan

0

Infanta, Quezon. Sugatan ang isang miyembro ng Philippine Army matapos ang isang engkwentro laban mga rebeldeng grupo sa bayang ito.

Kinilala ang nasugatan na si Staff Sergeant Alex Ayupan, 43-anyos, naka-assign sa 1IB 2ID Brgy. Tongohin, Infanta, Quezon.

Ayon sa ulat mula sa Quezon Police Provincial Office, nakatanggap ng impormasyon ang mga sundalo tungkol sa apat na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na may dalang sako na may lamang mga baril.

Ayon kay Col. Dennis, Caña, Public Information Officer ng Southern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines, nilapitan ng mga sundalo ng Philippine Army na sina SSg. Charnelo Valor at PFC Rapol ang apat na hindi pa nakikilala at hinihinalang miyembro ng NPA na may dalang sako at tinanong ngunit narindi ang mga ito kung kaya at  nagsitakbo ang tatlo at nagpaputok ng baril ang isa pa at tinamaan ni Ayupan sa kaliwang dibdib. Matapos ito ay nagpalitan ng putok ang magkabilang panig.

Naiwan ng mga suspek ang bitbit na sako at nakita na naglalaman ito ng mga personal na bagay kagaya ng bag, cellphone at food supplies. Hinihinala ang apat ay miyembro ng finance group ng New People’s Army na nakakaalam ng paniningil ng ‘revolutionay tax.’ Nakita din sa sako ang isang internal hard drive na isasailalim sa pagsisiyasat, ayon kay Caña.

Dinala sa ospital ang nasugatang sundalo habang patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa insidente.

Photo credits: PIO Southern Luzon Command AFP

Bongbong Marcos, pansamantalang mamumuno sa DA

Pansamantalang pamumunuan ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) dahil sa mga napipintong krisis sa pagkain sa bansa na nangangailangan ng mabilis na tugon, ayon sa kanya sa isang press conference sa Manadaluyong City kahapon.

“As to agriculture, I think that the problem is severe enough that I have decided to take on the portfolio of Secretary of Agriculture, at least for now,” ayon kay Marcos.

Ang mismong pamumuno ng DA ay magpapakita na inuuna ng gobyerno ang agrikultura. Papayagan din nito na maisagawa ng mas mabilis ang mga hakbang, ayon sa kanya.

Sinabi ni Marcos na ang pinakamabigat na problema na kailangang tugunan sa sektor ng agrikultura ay ang pagpapataas ng produksyon ng bigas at ang muling pag-aayos sa DA at mga kaakibat nitong ahensya.

Binigyang-diin niya ang pangangailangan sa pagpapabuti ng industriya ng bigas sa bansa dahil ang Thailand at Vietnam ay nagbabalak na bumuo ng rice export cartel upang mabawasan ang pagtaas ng gastos sa produksyon.

Inilarawan niya ang agrikultura bilang isang “critical and foundational part” ng post-pandemic na pag-unlad ng ekonomiya at “pagbabago” ng bansa.

Tungkol naman sa agarang hakbang upang matulungan ang mga sektor na lubhang naapektuhan ng nagbabantang krisis sa pagkain, ipinunto ni Marcos ang pangangailangan sa pagpapabilis ng pag-iisyu ng mga national identification (ID) card upang matiyak ang mas mabilis na pamamahagi ng tulong. (PNA)

Suspek na kasama sa drug watchlist arestado: PHP197,000 illegal drugs nakumpiska

0

Sta. Cruz, Laguna. Arestado sa isang buy-bust operations ng Laguna PNP ang isang suspek na kasama sa watchlist Street Level Individual (SLI) at nasamsam sa kanya ang PHP197,000 na halaga ng illegal drugs.

Ayon sa ulat ni Acting Provincial Director, Police Colonel Cecilio R. Ison Jr. kay CALABARZON Regional Director, Police Brigadier General Antonio C. Yarra, ikinasa kahapon ng Santa Cruz Municipal Police Station (MPS) ang isang drug buy-bust operations sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Paterno L. Domondon Jr, Chief of Police at nadakip si Eric Delos Santos, 41 anyos, na residente ng Brgy. Sto. Angel Sur sa nabanggit na bayan, sa aktong nagbebenta ng iligal na droga sa pulis na nagsilbing poseur buyer kapalit ng 1,000 pesos.

Nakumpiska sa kanya ang siyam na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 29 gramo na may street value na humigit kumulang na PHP197,200.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa custodial facility ng Santa Cruz MPS at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

PHP170,000 na halaga ng shabu nakumpiska sa joint buy-bust ops ng Taytay MPS at PDEA 4A

0

Taytay, Rizal. Arestado sa bayang ito ang isang hinihinalang drug trader at nakumpiska sa kanya ang PHP170,000 na halaga ng pinaniniwalaang shabu.

Kinilala ni Regional Director ng Police Regional Office 4A, Police Brigadier General Antonio C. Yarra ang suspek na si Arnel Dela Ramana nadakip kamakalawa sa kahabaan ng C6 Road, Lupang Arenda, Brgy. Sta. Ana, sa nabanggit na bayan sa ilalim ng joint buy-bust operations na ikinasa ng Taytay Municipal Police Station at ng PDEA 4A.

Nakuha ng mga pulis sa kanya ang humigit kulang na 25 gramo na may Dangerous Drugs Board standard value na PHP170,000.00;

Nakatakdang kasuhan ang suspek ng paglabag sa Sec 5 at 11 ng Republic Act 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Samantala, dinala sa Rizal Provincial Forensic Unit ang mga nasabat na droga upang isailalim sa mga kaukulang laboratory examinations.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Sec 5 at 11 ng Republic Act 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Dinala sa Rizal Provincial Forensic Unit ang mga nasabat na droga para sa kaukulang laboratory examinations.

“I want you to know that our police here in CALABARZON are relentless in performing their jobs 24/7 just to suppress and end this menace drug problem,” ayon kay Director PBGen. Yarra.

2 ‘red fighters’ sumuko sa PNP Calabarzon

0

Los Baños, Laguna. Sumuko sa  Camp Heneral Macario Sakay sa bayang ito ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) na na-tag sa serye ng karahasan na naganap sa Southern Tagalog at Central Luzon, ayon sa pulisya kahapon.

Ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group ay kasapi ng Komiteng Rehiyon-Timog Katagalugan o Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC), ayon sa report.

Kinilala ni Regional Mobile Force Battalion 4A Police Colonel Ledon D. Monte, Force Commander ang mga sumukong rebelde na sina “Ka Onel”, miyembro ng Platon 2, GF Narciso ng Sub-Regional Military Area (SRMA) 4A na kumikilos sa mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Laguna at Northern Quezon at “Ka Notrick”, isang miyembro ng Platon Silangan sa ilalim ng Eduardo Dagli Command ng SRM4C na kumikilos sa mga lalawigan ng Batangas at Cavite.

Ang pagsuko ay pinadali ng magkasanib na mga yunit ng PNP at AFP. Ang dalawang ay boluntaryong nagharap kay Monte at kay Police Captain Karl Axcel Sta Clara ng RMFB4A at nagpahiwatig ng kanilang intensyon na tumalikod na sa communist terrorist group (CTG) at magbalik-loob sa batas.

Ang nabanggit na pagsuko ay pinaniniwalaang bunga ng pinaigting na mga tactical operations at community affairs at development activities ng RMFB4A bilang suporta sa Executive Order No. 70 o ELCAC upang kumbinsihin ang mga miyembro ng CTG sa rehiyon na isuko ang kanilang mga armas at mamuhay ng mapayapa.

Kaugnay nito, nasa proseso na ng dokumentasyon ang pagpapatala ng dalawang sumuko sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP upang mapakinabangan ang mga insentibo ng gobyerno at tulungan silang magsimulang muli.

PNPA cadet namatay sa heat stroke

0

Silang, Cavite. Namatay sa heat stroke ang isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) nitong nadaang weekend.

Ayon sa pahayag kanina ni Maj. Gen. Alexander Sampag, direktor ng PNPA, namatay noong Hunyo 18 si Cadet Rafael Sakkam, tubong Sinunuc, Zamboanga City at miyembro ng Class of 2026.

Dalawang linggo bago siya namatay, si Sakkam ay isinugod siya sa Qualimed Hospital sa Sta. Rosa City, Laguna noong Hunyo 7 matapos mawalan ng malay habang nagsasagawa ng panghapong road run.

Sinabi rin ni Sampaga na dahil sa naganap na insidente, ang akademya ay nagpatupad ng mahigpit na mga hakbang at interbensyon upang matiyak ang sapat na hydration ng mga kadete sa panahon ng summer training.

“We would like to reassure the public that the PNPA Administration will never cease working to establish effective yet proactive approaches to our cadets’ training and development, with top priority given to their health, safety, and well-being,” ayon kay Sampaga.

Kaugnay nito, tiniyak ng akademya na bibigyan ng tulong ang pamilya ni Sakkam. (PNA)

LDB Laguna Corporate Center binuksan sa Sta. Cruz

Sta. Cruz, Laguna. Pinasinayaan ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK) ang tatlong palapag na corporate center sa bayang ito upang magsilbing one-stop shop para sa pagbabangko at iba pang pangangailangan sa pagpopondo ng mga lokal na stakeholder at customer.

Ang bagong corporate center ay alinsunod sa pangako ng LDP na makapagbigay ng maginhawa at madaling ma-access na mga serbisyo.

Matatagpuan ang LANDBANK Laguna Corporate Center sa Brgy. Bubukal sa Sta. Cruz. Mayroon itong mga pangunahing touchpoint ng Bangko at mga lokal na tanggapan upang magbigay ng maginhawang access sa isang malawak na linya ng mga serbisyo.

Pinangunahan ni LANDBANK President at CEO Cecilia C. Borromeo, Sta. Cruz Mayor Edgar S. San Luis, at Provincial Government of Laguna Administrator Atty. Dulce H. Rebanal ang inauguration rites para sa bagong gusali kamakailan kasama nila sina incoming Cavinti Mayor Arrantlee R. Arroyo, incoming Paete Mayor Ronald B. Cosico, at LANDBANK Director Nancy D. Irlanda.

Dumalo rin sa inagurasyon sina LANDBANK Executive Vice Presidents Julio D. Climaco, Jr., Alex A. Lorayes, Liduvino S. Geron at Alan V. Bornas, kasama sina Senior Vice Presidents Randolph L. Montesa, Althon C. Ferolino at Lucila E .Tesorero.

“With the LANDBANK Laguna Corporate Center, we are looking forward to stepping up our support to the whole Province of Laguna. We hope that this will serve as a landmark for various economic activities and a catalyst to expand areas for collaboration in support of the Province’s key sectors,” ayon kay Borromeo.

Pilipinong abogado binaril sa Philadelphia

0

Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang salarin ang Filipino lawyer na si John Albert “Jal” Laylo at ang kanyang ina habang nakasakay sa isang Uber vehicle sa Philadelphia, Pennsylvania habang hinahabol ang kanilang flight patungong  Chicago.

Isa sa anim na bala ang tumama sa ulo ni Laylo, 36, na naging sanhi ng agad niyang pagkamatay. Idinagdag siya  sa listahan ng mga biktima ng pamamaril sa Estados Unidos.

Nagtamo ng kaunting pinsala ang kanyang ina dahil sa talsik ng mga pira-pirasong salamin.

Iniulat ng Fox 29 na hindi bababa sa pitong pamamaril ang naganap noong Sabado ng umaga (oras sa US) sa Philadelphia kung saan ay  lima ang nasugatan at dalawa ang patay, kabilang ang “isang 36-anyos matapos tadtarin ng bala, ayon sa report pulisya. 

Ang insidente ay iniulat ni incoming Department of Migrant Workers secretary Susan Ople kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr.

Sa kanyang tweet noong Linggo ng umaga, sinabi ni Locsin na “si Laylo ay binaril sa ulo” at inatasan ang mga opisyal ng embahada na iuwi ang bangkay at ang ina ni Laylo.

Ayon sa Facebook account ni Laylo, nagtapos siya sa Makati Science High School, University of the Philippines Diliman (Political Science), De La Salle University (Law), at Central European University sa Budapest, Hungary (International Business Law). (PNA)