Sunday, May 24, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 689

Babaeng druggie, pasok sa kalaboso; Php 500K na shabu nakumpiska

0

Binangonan, Rizal. Diresto sa kulungan ang isang babae matapos mahulog sa isinagawang buy bust operations sa kahabaan ng Ynares Street, Brgy. Macamot, bayang noong gabi ng Hunyo 14, 2022.

Kinilala ni Rizal Police Provincial Director PCOL Dominic L. Baccay ang suspek na si Jacquilyn Ingal alyas Jacqui na nahulihan ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng  Php 403,920.00.

Ang nabanggit na buy-bust operations ay ikinasa ng Binangonan Municipal Police Station (MPS) sa pinangunahan ni PLT PLT Geraldo M. Justo sa direksyon ni PLTCOL Vicente Gil Palma, OIC chief ng Binangonan MPS.

Kasalukuyang nasa Rizal Custodial facility si Ingal habang sumasailalim sa forensic examinations ang mga ebidensya ng nakuha sa kanya.

Matuto tayo sa mga sakit ng 2021 at wakasan natin ang pandemya  ngayon 2022

Kabilang ang Sm City San Pablo sa mga vaccination sites  San Pablo City dahil accessible ito sa maraming kababayan. Alas siyete pa lamang ng umaga noong June 8, 2022 ay naghahanda na ang vaccination team at mga volunteers para sa pagbabakuna. Maraming nagpabakuna na mga batang 5 years old pataas, mga defaulter o ung mga nakaligtaan ang schedule ng kanilang 2nd dose at vulnerable group para sa second dose ng booster. 

Ayon kay Eric Aquino isang nurse na kilala bilang Ka Pabloy sa youtube at member ng vaccinator team, pwede ang walk in. Kailangan lamang ay dala ang vaccination card, identification card o i.d at walang sintomas na nararamdaman gaya ng lagnat sipon at ubo upang mabakunahan. 

Kailangan ang booster para sa dagdag na proteksyon laban sa covid-19.  Bukod dito, ang updated na vaccination card na ang hihingin ng mga establishment, ayon kay Ka Pabloy.

Priority ng second dose booster ang mga eligible group kagaya ng frontliners, senior citizen at person with comorbidity. Ang 12-17 years old ay pwede ring bakunahan dito sa Sm City San Pablo. Pwede ring magsadya sa Liceo de San Pablo kung saan ay apat na Sabado ang schedule ng bakunahan ngayong buwan ng Hunyo sa pangunguna San Pablo City City Health Office (CHO). 

Nagkwento naman si Mike Angelo Cardoza , ang cold chain officer ng San Pablo City na patuloy pa rin nilang pinaiigting ang pagpapakalat ng impormasyon sa publiko upang masugpo na ang pandemya partikular ang magulang na may anak na 5 years old pataas na papasok sa mga eskwelahan ngayong pasukan. At ang maganda, sinabi niya na ang mga mamamayan sa karatig bayan at lalawigan ay maaari na ding magpabakuna sa lungsod ng San Pablo. 

Nananawagan naman ni San Pablo City Health Officer Dr. James Lee Ho, na chief officer din ng San Pablo General Hospital na kumuha na ng bakuna ang lahat dahil kailangan natin ang bakuna at booster upang labanan Covid-19 at upang makamit natin ang herd immunity ng sa wakas ay tuluyan na nating mapagtagumpayan ang laban kontra Covid-19. 

Nagpasalamat ang mga mamamayan ng San Pablo at ang mga taga karatig bayan sa mga sakripisyong ibinibigay ng ating vaccination team at mga volunteers sa pagsisikap nilangmaibalik na ang normal nating pamumuhay. 

Panoorin ang vlog na ito ni Doc Jeff Sumague TV sa Sm City San Pablo.

Bawas positibo sa dami ng negatibo? Positibong pananaw pa rin dapat

0

Sa kasagsagan ng pandemiya, umusbong ang mas malawakang bolunterismo. Kinalaunan, sa panahon ng kampanya sa eleksyon, dumami rin ang nagpahayag ng pinagandang pamantayan sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa kasabay rin ng mas de kalidad na bolunterismo ng mga taga suporta ng mga kandidato. Ilan ito sa mga positibong kaganapan mula 2020 hanggang taong kasalukuyan. Iyon nga lamang, wala bang negatibo? Marami.

Bago natin tunguhin ang pambansang kaunlaran, tanawin natin ang pandaigdigang pag-unlad: sa isang mamamayan ng isang bansa na nakaahon sa kahirapan limang taon ang nakalilipas, meron namang 0.5 na katao ang inasahang makatatakas din sa kahirapan makalipas ang dalawang taon. Iyon ang taon ng 2019. Hindi ganoong kaganda ang takbo ng pagpapabawas ng kahirapan. May kabagalan. Maganda sana kung dalawang tao ang sasagana matapos ang dalawang taon, sa halip na 0.5. Pero ganun talaga.

Sumama ang pagtayang ito nang makaranas ng pandemiyang COVID-19 ang mundo, sa kagagawan ng (no thanks to) Wuhan, Hubei sa malaking bansa ng mga Intsik.

Para bang nakakataas ng karangalan ng mga pesimista ang pangyayari dahil sila nama’y hindi naniniwala sa umpisa pa lamang na masu-sustain ang mga gawain sa pagpapaunlad sa iba’t ibang bansa. On target sila kahit hindi nila akalaing parating ang pandemiya na maka pagpapatibay pang lalo ng kanilang pananaw – negatibong pananaw. Nakakasakit ng damdamin ito, lalo sa Africa. Hirap na hirap na ang mga mamamayan sa kontinenteng ito, sasamahan pa ng ganitong negatibong pagtanaw sa kanilang lugmok na ekonomiya ng kanilang mga bansa.

Para sa mga pesimista, nakakagaan naman sa sitwasyon – at talagang nakakadagdag sa positibong pangyayari at pananaw – ang mga imprastraktura, dagdag-buwis sa mga kumpanyang multinasyunal, at dagdag-tulong sa mga mahihirap na bansa. Sa kalusugan, edukasyon, agrikultura, proteksyon sa kalamidad, sistemang pang-enerhiya, transportasyon, tubig, patubig, at ayuda, malaki ang porsyento ng maidaragdag dito sa kabuuang kita ng bawat bansa. Idagdag pa natin sa mga positibo ang mga repormang pang katarungan at pangkapayapaan. Kaya hindi rin masamang ipagdiwang ang mga progreso sa mga natukoy na sektor.

Balik tayo sa Pilipinas. USD 361.5 billion (2020) ang ating gross domestic product (GDP) na nasa average na USD 93.65 billion mula 1960 hanggang 2020, kabilang na ang all-time high nating USD 376.70 billion noong 2019. Sa papel, lumago pa rin tayo nang bahagya sa kabila ng pandemiya (lugmok noong umpisa nito at hindi nawala ang korupsyon). Huwag nating kalimutang merong 16 na industriya at 12 expenditure components ang GDP natin sa ngayon. Paano kung ayaw mong itratong kabahagi ng industriya o salik ng produksyon ang isang bagay? Diyan lumalabas ang argumento na maaaring hindi ramdam ang pag-unlad na nairereport sa papel ng pamahalan. O kaya nama’y ayaw mong pasakop sa kung paano sinusukat ang pag-unlad natin. Kunsabagay, sa paglipas ng panahon, pabago-bago rin naman ang sukatan kaso napagdedebatehan at napagkakasunduan.

Kaya naman ang pananaw natin – kung pananaw lang – hindi dapat naaapektuhan ng mga negatibong pangyayari. Patuloy ang mga positibong pangyayari. Walang patutunguhan ang negatibong pag-iisip kundi pagkadismaya, sa halip na pagkamangha sa kung papaano tayo nabibigyan ng pagkakataon ng Diyos na magpaunlad ng ating mga sarili at bansa. Walang mararating ang mga negatibong pananaw sa ekonomiya kung hindi natin ikokondisyon ang ating kaisipan na meron tayong dapat gawin sa mga negatibong bagay. Hindi lang iniisip ang mga iyan. Gagamit at gagamit din tayo ng kalsada kahit na may putik iyan. Nasa taas man tayo, bababa pa rin tayo sa paliparan. Maglayag man tayo, hindi tayo mananatili sa tubig dahil dadaong at dadaong tayo. May alon. May putik. Ang mahalaga: May daan.

6 na benepisyo ng camping: Bakit mabuti para kalusugan ang camping?

Tag-araw na at bakasyon na ang mga eskwela. Magandang panahon ito para planuhin ang susunod na camping trip.

Ang page-explore sa magagandang lugar at pakikipag-ugnayan sa kalikasan ay nagdudulot din ng ilang benepisyo sa kalusugan:

  1. Kapayapaan at katahimikan. Tanggalin sa saksakan ang mga gadgets at tamasahin ang pagiging simple ng kalikasan. Kalimutang i-charge ang iyong mga smartphone, tablet at gaming console, at sa halip ay i-recharge ang sarili mong mga baterya. Ang iyong katawan at isip ay magpapasalamat sa iyo para dito at ikaw ay babalik sa trabaho na refreshed at energised. I-off ang internet, ang mga email at maging ang balita. Ang kailangan mo lang ay isang naka-charge na telepono para sa mga emergency na naka-off.
  2. Dagdag na exercise. Nangangailangan ang camping ng mas maraming pisikal na ehersisyo upang magtipon, maghanda at mag-imbak ng pagkain, maglibot sa isang campsite at pamahalaan ang iyong tent. Dagdag pa ang paglalakad na mainam para sa cardiovascular at pagsunog ng calorie.
  3. Bawas sa stress. Ang isa sa mga mahalagang benepisyo sa kalusugan ng kamping ay na binabawasan nito ang stress sa pamamagitan ng pag-alis ng mga karaniwang pag-trigger tulad ng pressure sa trabaho, trapiko at mabilis na takbo ng buhay sa lungsod. Papalitan ito ng katahimikan, huni ng ibon, tunog ng mga dahon na naghahampasan at lawiswis ng kawayan. Ito ang mga tunay na bagay ay higit na nakakagaling kaysa sa anumang makikita mo sa iyong MP3.
  4. Mas maayos na relasyon. Nararamdaman mo ba kung minsan na hindi ka nakikipag-usap sa iyong pamilya at kapag tumingin ka sa paligid mo, lahat ay nakatutok sa kanya kanyang device? Ang pagsasama sama ng pamilya o mga kaibigan ng hindi lamang sa pamamagitan ng social media ay maaaring magbigay-daan sa mga pag uusap na mas direkta dahil ito ay may eye contact. Ang pagtutulungan sa paghahanda ng pagkain at pag-aalaga sa iyong campsite ay lumilikha ng pakikipagkaibigan, sense of community at shared purpose na mabuti para sa wellbeing.
  5. Mas matalas na memorya. Kapag nasa labas ka ng camping at napapalibutan ng mga puno at sariwang hangin, ang iyong katawan ay naglalabas ng mas mataas na level ng serotonin, isang naturally-produced neurotransmitter na tumutulong na ayusin ang iyong mood, gana, at pagtulog. Ang Serotonin ay nagpapabuti din ng cognitive functions tulad ng memorya at pag-aaral.
  6. Mas mahimbing na tulog. Ang Melatonin ay isang natural na hormone na tumutulong sa pagkontrol ng mga cycle ng pagtulog at paggising. Kapag na-stuck ka sa opisina ng matagal, nagtatrabaho sa artipisyal na liwanag, ang levels ng melatonin ay maaaring pigilan ng  blue light ng artificial sources gaya ng incandescent bulb. Sa outdoor camping ay nakalantad tayo sa melatonin-friendly ng dilaw na natural na ilaw, na makakatulong upang makamit ang mas natural na pagkakahanay ng sleep-wake cycle sa pagsikat at paglubog ng araw.

Magkamping tayo ngayong tag-araw. Bisitahin ang Facebook Page Forest Wood Garden https://tinyurl.com/2p8skp3k upang magtanong tungkol ng campsite na nababagay sa inyo.

OIC PNP Chief Danao bumisita sa PRO 4A

0

Calamba City, Laguna. Bumisita si  PLTGEN Vicente D Danao Jr., OIC, PNP sa Police Regional Office CALABARZON kahapon sa Bigkis-Lahi Event Center sa Camp BGen Vicente P Lim, lungsod na ito.

Naging highlight ng aktibidad ang pasinaya ng PRO 4A Special Projects na Walk of Honor, PRO 4A Landmark, at Rider’s Kiosk na iniharap ni PBGEN Antonio C Yarra, Regional Director. 

Ginawaran din ng mga parangal ni Danao ang mga karapat-dapat na tauhan ng PRO4A na tumupad sa kanilang pangako sa serbisyo ng pulisya.

Ang mga awardees ng Medalya ng Kadakilaan ay ang mga sumusunod: PCOL Ledon D. Monte; RMFB 4A, PCPT Karl Axcel S. Sta. Clara, PSMS Joeven J. Dacayanan, PCpl Allan Jay V. Gasmin, PCOL Noel D. Nuñez; Regional Intelligence Division, PSSg Raymund M Dimacutac. PCOL Arnold E. Abad; Cavite Police Provincial Office, PLT Raul L. Alcantara, PCpl Sherwin Glenn C. Dela Marges, PMAJ Joel J. Custodio; Rizal Police Provincial Office, PEMS Edwin C. Caimoso.

Tumanggap ng Medalya ng Kagalingan ang sumusunod na pulis: PMAJ Silver S. Cabanillas; Laguna Police Provincial Office, PSSg Bernard Peter A. Calagui, PMAJ Francisco J. Luceña lV; Batangas Police Provincial Office, PSSg Wilson L. Palmas, PCOL Joel A. Villanueva; Quezon Police Provincial Office, PSSg Nelson D. Ritual Jr.

Ginawaran naman ng Medalya ng Papuri ang mga sumusunod: PLT Umar M. Aduca; Rizal PPO at PCpl Ronald Allan C. Sta. Isabel

Sa kanyang mensahe, pinuri ni Danao ang CALABARZON Pulis sa mahusay na trabaho lalo na sa anti-illegal drugs at anti-terrorism. “Ang inyong mga nagawa ay sumisimbolo kung anong uri ng pinuno ang mayroon ka. Kitang-kita naman in just merely 4 months, marami na tayong nakitang improvement sa PRO 4A. Ang inyong Regional Director, PBGen Yarra, ay maliwanag na nagpakita ng magandang halimbawa bilang ama ng tanggapang pangrehiyon na ito. Nawa’y maging inspirasyon ito sa lahat ng mga opisyal na magsumikap at gumawa ng higit pa hindi lamang para sa ikabubuti ng PRO 4A kundi para na rin sa bayan.

Pinuri at binati rin ng OIC, PNP ang set ng mga awardees. Hinimok niya ang mga ito na ipagpatuloy ang mabuting gawain na kanilang nasimulan at lalo pang mag-udyok sa iba na gumanap nang maayos. Dagdag pa nito, nanawagan siya sa publiko na tulungan at suportahan ang ating bansa sa pagbangon mula sa pandemya. Inulit din niya ang mahigpit na pagsusuot ng face mask hindi lamang para protektahan ang ating sarili kundi para maprotektahan din ang iba sa pagkakaroon ng virus. Pinaalalahanan niya ang lahat na ang COVID-19 ay nasa paligid pa rin kaya hindi tayo dapat magpahinga sa ating mga tagumpay at patuloy na isagawa ang minimum na pamantayan sa kalusugan ng publiko.

Sa programa, binigkas ng mga kalalakihan at kababaihan ng PRO 4A ang Pledge of Commitment to 4As ng PRO4A sa pangunguna ni PCOL Edwin A Quilates, DRDO. Ang layunin nito ay itanim sa puso at isipan ng CALABARZON Pulis ang mga prinsipyo ng serbisyo ng 4As na kung saan ay paunlarin ang Aptitude, panatilihin ang tamang Attitude, maging maagap sa paggawa ng mga Aksyon, at harapin ang Pananagutan. Nanumpa silang makikipagtulungan nang maayos kasama ang lahat ng iba pang miyembro ng PRO4A, kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, at kasama ang komunidad, tungo sa paggawa ng rehiyon ng CALABARZON, isang mas ligtas na lugar upang manirahan, magtrabaho at magnegosyo.

Ipinakita rin ang audio-visual presentation ng PRO 4A SINAGTALA na nagpapakita ng mga nagawa ng mga rehiyon sa anti-terorismo at ELCAC.

Sa mensahe ni PLTGen Danao, pinuri niya ang CALABARZON Pulis sa mahusay na trabaho lalo na sa anti-illegal drugs at anti-terrorism. “Your accomplishments symbolize what kind of leader you have. Kitang-kita naman in just merely 4 months, we have seen a lot of improvement in PRO 4A. Your Regional Director, PBGen Yarra, evidently, set a good example as the father of this regional office. May this inspire all officers to work hard and do more not only for the good of PRO 4A but also for the people, ayon sa kanya.

Tourism and San Pablo City

Our beloved San Pablo City is a perfect venue for tourism if only the roads leading to the barrios (now barangays) are well-maintained and drivable for all kinds of vehicles, big and small. The problem is, most of the roads are apparently neglected making it look like a moon surface from a distance – dusty during summer and muddy during rainy season. It’s a fact that needs to be addressed ASAP if we want local and foreign tourists to visit and enjoy their stay here.

Promoting the beauty of the city is easy if we can show the world that visitors would have an easy access to the place(s) they want to see which can be found in the barrio like caves, falls, springs, rivers, rice fields, coconut fields, flower farms and many more.  If the roads are in bad condition, visitors would surely hesitate to come and instead look for another place more comfortable to stay.

Tourism, as explained by the incoming President Bongbong Marcos in his FB page last campaign season, would create many jobs that will help boost the Philippine economy. I definitely agree because once a particular place is developed for tourism, small and medium enterprises will also be created like sari-sari stores, souvenir items stores, eateries, massage parlors, beauty salons, rent-a-bike shops, etc.  Others will be employed as dishwashers, cooks, security guards, house cleaners and tour guides.  There will be a long line of jobs that will help an ordinary person earn a living for his/her family.

San Pablo is a very rich city in terms of natural resources, there’s no doubt about it.  It is a crossroad to the provinces of Quezon, Batangas and the nearby towns of Laguna which are all tourist attractions in itself.  But let us admit that there are still a lot more things to do to make it at par with other places. We need more disciplined and courteous trike drivers like the one I saw in Palawan who do not charge more than what is allowed by their local ordinance.  We need to clear the sides of our roads with unnecessary obstructions like parked vehicles, small tiendas, repair shops, uncollected garbage, etc.

Expensive seminars on tourism are not bad per se if all that has been discussed will be implemented for the benefit of the city. Sad to say, the people only see superficial improvements on the existing sites not enough to radically change the image of our city that will make tourists troop together to visit our place without second thoughts.  

Anyway, I believe that upon the assumption of Mayor Vic B. Amante to office this coming month of July, he will do everything within his political power to put our beloved San Pablo City to the tourist map of the Philippines, after all, he is the known architect of all the improvements we see in the city – San Pablo City Hospital, Pamantasan ng Lunsod ng San Pablo, SPC Convention Center, Paseo de San Pablo, rural high schools, among many others.

Let us all pray for the success of the city in all aspects.

Mohikap Lake. Mohikap (sometimes spelled Mojicap) lake is relatively still in its pristine condition. It is about 5.0 kilometers from the City proper with a depth of 30 meters and a surface area of 28.5 hectares. It is located in Barangay San Buenaventura.

TRB Inspects Soon to Open CAVITEX C5 Link Flyover Extension

0

Toll Regulatory Board (TRB) Executive Director Atty Alvin Carullo together with the TRB technical team, the grantor of the Manila-Cavite Toll Expressway Project (MCTEP), recently inspected the ongoing construction of the CAVITEX C5 Link Flyover extension (Segment 3A2: Merville to E. Rodriguez Ave.) of Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) and its joint venture partner, Philippine Reclamation Authority (PRA).

Last week, the TRB’s inspection team together with CIC representatives checked on the progress of the 1.6km flyover extension that will soon connect to the operational 2.2km Cavitex C5 Link flyover, providing convenient access for motorists bound to SLEX/C5 from Merville and vice versa. As of today, the segment has reached more than 95% completion.

Also discussed during the inspection is the traffic management plan for the area once the extension opens. This entails transferring of the Merville entry and exit ramp to in front of Shell C5 Southlink for better traffic flow. Traffic signalization and signages will be installed in coordination with the local authorities to help manage traffic for motorists bound to the expressway, and those that will use the service road.

“We are pleased to see the progress of the CAVITEX C5 Link. We look forward to it serving an estimated 15,000 motorists, helping lessen their travel time from SLEX to Pasay, Taguig and Paranaque, thereby helping decongest some of our local roads” said TRB Executive Director Atty. Alvin A. Carullo.

Meanwhile, construction for its other segment, Segment 2 (CAVITEX R1 Expressway to Sucat Interchange) also continues in full swing, now reaching more than 30% completion. Once this segment connects CAVITEX to its Sucat Interchange, motorist travel time between the two areas will be reduced by as much as thirty minutes, bypassing traffic from Sucat Road and Quirino Avenue.

“With CAVITEX C5 Link flyover extension opening soon, we urge our motorists to have an Easytrip RFID installed and use it when traveling through our expressways, such as CAVITEX and CAVITEX C5 Link for seamless travel, and avoiding long queues at the cash lanes”, appealed CIC President and General Manager, Mr. Raul L. Ignacio.

To further encourage motorists to avail of its RFID services, free RFID installation and reloading services are made available at CAVITEX C5 Link Customer Service Center. Other installations and reloading sites outside of the expressways are also made available for motorists. Full list may be found here: https://www.easytrip.ph/subscription/rfid-onsite/.

Once the entire CAVITEX C5 Link project is completed in 2023, the 7.7km expressway will benefit more than 50,000 motorists. It will reduce travel time from CAVITEX to Makati, Taguig, and Pasay in under forty-five minutes while helping decongest EDSA, MIA Road., Roxas Boulevard and other major thoroughfares.

Pahayag ng Malacañang sa pagsusuot ng face mask

Ang wastong pagsusuot ng face mask ay dapat patuloy na sundin sa gitna ng coronavirus disease Covid-19 pandemic, ayon sa Malacañang sa publiko kahapon.

Sa isang press statement, pinaalalahanan ni acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar ang publiko na walang direktiba mula kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na alisin ang mandatoryong paggamit ng face mask.

“We reiterate and support the legal opinion of the Justice Secretary that the Inter-Agency Task Force (IATF) resolution on the mandatory wearing of face masks shall prevail over the executive orders by local government units, including the one issued by the provincial government of Cebu.”

Malinaw ang direktiba ng pangulo, ayon kay Andanar. “The Chief Executive’s directive is clear: Continue wearing face masks; and the Department of the Interior and Local Government has instructed the Philippine National Police to implement the existing IATF resolution on wearing of face masks accordingly.” (PIA)

Patay ang 2 kidnapper, pulis sugatan sa engkwentro sa Rizal

0

Pililla, Rizal. Dalawang hinihinalang kidnapper ang napatay sa pakikipag engkwentro sa mga anti-kidnapping operatives ng Philippine National Police (PNP) sa Pililla, Rizal noong Martes ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG), kinilala ni officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. ang mga suspek na napatay sa engkwentro na sina Rolly Castillo at Jerameel Ventura.

Ang mga suspek ang nasa likod ng pagdukot sa isang 21-anyos na estudyante at sa pinsan nito at isa pang 34-anyos na negosyante, na nailigtas sa ibang lokasyon ilang oras bago naganap ang engkwentro.

Sinabi ni Danao na ang mga biktima ay dinukot sa Tondo, Maynila noong Hunyo 4 kung saan ang mga kidnapper ay unang humingi ng PHP100-million ransom kapalit ng pagpapalaya sa kanila.

ayon sa anya, nagkaroon ng breakthrough sa imbestigasyon noong sumang-ayon ang mga kidnapper sa counteroffer na ginawa ng pamilya ng mga biktima.

Isang ransom pay-off ang itinakda sa Calamba City, Laguna noong Lunes ng gabi ngunit kalaunan ay inilipat sa Pakil, Laguna kung saan natanggap ng mga kidnapper ang ransom habang ang mga biktima ay pinalaya sa bayan ng Famy, ayon kay Danao.

Natunton ng mga operatiba ng PNP-AKG ang getaway vehicle ng mga kidnapper sa isang lugar sa Pililia kung saan nagkaroon ng armadong engkwentro na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang suspek at pagkasugat ng isang miyembro ng AKG.

Narekober sa encounter site ang isang Honda CRV, isang .45 caliber pistol, isang caliber 9mm Taurus pistol, isang Ingram machine pistol, ilang live ammunition, ilang identification card, dalawang posas, dalawang cellular phone, at ilang mga gamot.

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP Forensic Group ang mga nakuhang ebidensya upang sumailalim sa pagsusuri. (Camp Crame)

Nagpasalamat si Lorenzana kay incoming Manila mayor sa ‘lucky catch’

Pinasalamatan ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana si Manila Mayor-elect Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na sumambot sa kanya matapos siyang himatayin sa selebrasyon ng 124th Independence Day flag-raising rites sa Rizal Park noong Linggo.

“Do you believe in miracles? I do. Last Sunday, Mayor-elect Dra. Honey Lacuna of Manila saved me from a possible life-altering injury when I fainted due to the heat and exhaustion. Thank you again, Mayor Honey, for being at the right place, at the right time!” ayon kay Lorenzana sa kanyang Facebook kahapon.

Sa bukod na post noong Lunes ng hapon, pinasalamatan din ni Lorenzana ang lahat ng mga taong nagpahayag ng kanilang mga alalahanin at nanalangin para sa kanyang kapakanan pagkatapos ng insidente.

Nauna dito ay iniugnay ni Lorenzana ang kanyang pagkahimatay sa kawalan ng pahinga at tulog mula sa kanyang kamakailang sunud-sunod na international security engagements, na kinabibilangan ng speaking engagement sa International Institute for Strategic Studies Shangri-La Dialogue (IISS) sa Singapore mula Hunyo 10 hanggang 11.

Sinabi ni Lorenzana na dumating siya ng madaling araw ng Linggo sa Maynila upang dumalo sa seremonya ng Araw ng Kalayaan.

Maaaring nagresulta sa pagod sa hectic schedule ng DND chief nitong mga nakaraang linggo dagdag pa ang sobrang init ng panahon sa Luneta, dagdg pa ni DND spokesperson Arsenio Andolong. (PNA)