Friday, July 31, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 699

Palasyo: Fake news na non-working holiday ang Agosto 9

Pinabulaanan ng Malacañang kanina at sinabi na fake news kumakalat na balita na idiniklarang special non-working holiday bilang parangal sa yumaong dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Agosto 9.

Kumalat ang maling inpormasyon sa social media noong linggo.

“There’s no announcement or proclamation released by the Office of the President and Executive Secretary declaring August 9, 2022 as a special non-working holiday nationwide in honor of former President Fidel V. Ramos,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa post sa kanynag official Facebook page.

“Hindi po ito totoo at walang inilalabas na anunsyo o proklamasyon tungkol dito. Maging mapanuri tayo sa mga nababasa at nakikita na social media,” dagdag niya.

Nauna dito, idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Hulyo 31 hanggang Agosto 9, 2022 bilang pambansang araw ng pagluluksa para sa yumaong pangulo.

Inilabas ng Office of the President ang Proclamation No. 33 bilang parangal kay Ramos sa loob ng 10 araw.

Ang pagkamakabansa ni Osias, dating pangulo ng Senado, ay pandaigdigan pa rin ang pakay

0

Maligayang Buwan ng Wika sa lahat. Sa larangan ng administrasyon sa edukasyon, may magandang turo ang manunulat, pulitiko, dating pangulo ng isang pamantasan, at dating pangulo ng Senado, si Camilo Osias (kinilala siya sa US House of Representatives website kaya, para hindi kayo maiwan, kilalanin ninyo rin siya sa  https://history.house.gov/People/Detail/19211). Ang turo niya sa “mga tagapagturo, guro, at pinuno ng edukasyon: tatlong gabay na prinsipyo.” (Osias, 1922)

Isang daang taon ang nakalipas, heto ang bahagi ng pahayag ni Osias sa pagtanggap sa isang tungkulin:

THREE MORE SPECIFIC GUIDING PRINCIPLES

“While it is true that the aim of education is the one great broad guiding principle in educational administration, it is necessary that more specific principles be formulated. Three specific principles I shall here mention as great guiding principles in educational administration. These are the principles of nationalism, the principle of democracy. and the principle of internationalism. I shall now briefly discuss these principles.

THE PRINCIPLE OF NATIONALISM 

“In my labors in the field of education extending over a decade, I have steadfastly espoused the principle that our education contributes in full measure to the training of the youth of this country for a free, happy, and efficient citizenship in a self-governing Philippine state. I have at all times sought to deprecate whatever tended toward the denationalization of the people of these Islands and I have also consistently sought to foster whatever contributed to the strengthening of our national solidarity. I shall now seek to widen the scope of application of this principle and shall continue to combat men and institutions that alienate our boys and girls, our young men and women, from the noble traditions and sacred ideals of the Filipino people, for I believe in the principle of nationalism as a guide in educational administration. 

“Educational institutions, public and private, must consecrate themselves to the principle of nationalism. Sane, disciplined, humanized patriotism will ever and always be a virtue. The modern conception of patriotism is contrary to the narrow, bigoted sectional feeling, on the one hand, and supra-nationalism, on the other. Time and again I have voiced the conviction that altho (sic) this is an age of internationalism, there is no concerted movement — there should be none — to eradicate or to weaken the feeling of nationality. The fact is that in every civilized country, people more than ever before are engaged in the intensification of their national spirit not only for the purpose of strengthening their national existence but for the purpose of laying a foundation upon which the superstructure of a new humanity shall rest. 

“The people of this country clamor, and rightly, for the teaching of dynamic Filipinism and for more things Philippine thru the agency of our educational and educative institutions. The people expect, and justly, that Filipino children imbibe in their youth the spirit that moved our historic martyrs and heroes. Leaders exact educational results which shall safeguard our national welfare, further our prosperity, and increase our happiness. Forward looking men and women desire administrators to utilize education for the cultivation of a deeper sense of civic responsibility and a more intelligent and tolerant patriotism.

“The nationalization of our education is by no means an anti-foreign movement. It is not an expression of antagonism for anything that is not indigenous in the country. It is not an exclusivist tendency. It does not mean a discarding of subject matter and method of education which is not distinctly local. It is not an ungovernable tendency on the part of the Filipinos to seek office or post regardless of merit. And certainly, it does not mean a sacrifice of efficiency at the altar of narrow and superficial nationalism.

“Proper nationalization means intellectual charity toward the universal. It is increased knowledge of, and love for, the Philippines and for things Philippine without prejudice against the good that is foreign. Sane Filipinization seeks the best that is foreign and grafts it on the best that is Philippine. This principle applied to education seeks a re-definition of Filipino character and analysis of it in terms of our virtues and our weaknesses.” (The National Forum, Vol. 1, No. 1, July 1922, pp. 10-11)

Itutuloy ko ang sumunod na bahagi ng ekspertong opinyon ni Osias sa susunod na Miyerkules, ngunit nais ko ngayong idiin ang nabanggit batay sa aking pagkakaunawa. Mahalagang balansehin ng mga Pilipino — gayundin ang lahat ng tao sa mundo — ang pagmamahal sa Pilipinas at pakikipagkaisa sa lahat ng mga bansa. Tayo ba’y hindi pa nagiging makasarili sa ating mga mithiin sa bansa kung may kapalit na paghamak sa mga mamamayan ng ibang bansa? Habang sinusubukan nating hanapan ng sagot ang tanong na iyan, patuloy tayo sa pagpapaaral sa ating mga anak at apo na hindi naman din ganoong kadali dahil sa mga hamon ng pagkabansa at alitan ng mga bansa.

Noon pa man, marami nang mga bansa ang nag-aral ng ating sistema sa edukasyon na hindi na rin lingid sa kaalaman ng matalinong Pilipinong si Osias at sinaliksik din niya ang mga iyon. Noon, ngayon, at bukas, mahalagang sikapin ng sektor ng edukasyon sa Pilipinas ang pagpapalabas ng kahulugan o makabagong kahulugan ng katangian ng lahi nila Jose Rizal, Andres Bonifacio, Ninoy Aquino, atbp. Maraming kahinaan, ngunit may pag-asang titindig sa katwiran kung bakit dapat manatili tayong umiibig sa bansa at habang ginagawa natin ito, kung paano rin natin dapat harapin ang mga hamon sa labas ng bansa.

Edible ferns, libre at masustansyang pagkain para sa lahat

Mahal ngayon bilihin ngunit tayong mga nasa probinsya ay malabong magutom. Kailangan lang nating maging madiskarte. Maraming tayong halaman na tumutubo lang sa mga likod-bahay o tabing bakod na pwedeng maging pagkain. Hindi lang nakakabusog kundi marami pang sustansyang makukuha. 

Isa sa mga pagkaing masustansya na madaling hanapin ang edible fern. Sa paligid ng bahay natin ay maraming tumutubong fern pero may isang particular fern na ang simpleng tawag ng mga taga bukid ay “Pako.” Ordinaryong pagkain ito ng mga ninuno natin. Ang Pako sa panahon ngayon ay inihahain na din sa mga mamahaling fine dining restaurants – bilang main ingredient ng salad na tatampukan ng kamatis at itlog na pula na tunay namang masarap at babalik balikan. Mayroon ding Pako pizza na naiiba ngunit malasa. Karaniwan ay ginagataan ang pako na may lahok na inihaw na isda gaya ng tilapya. 

Ang ng edible fern ay libre at madaling makukuha sa paligid ligid lang kung masipag at masinop tayo. 

Sa pag aaral ko, hindi lahat ng variety ng pako ay pwedeng kainin. Ang iba ay nakalalason. Sa mga buntis hindi din ipinapayo ang sobrang pagkain nito.

Ang mga fern na hindi edible ay ginagamit lamang sa mga landscaping at pang dekorasyon sa mga events place dahil sa kakaibang gandang taglay ng halamang ito. 

Ang edible fern ay maaaring hindi na masyadong pinapansin ng mga kabataan ngayon dahil sa dami ng mga pagkain pwedeng pagpilian sa mercado. Pero kung atin iisa isahin, ang sustansyang makukuha dito, hindi tayo magdadalawang isip na ito ay maging regular sa ating mga putahe. 

Nutritionally speaking, ang pananaliksik sa edible fern ay kalat na sa internet. Ang ilang mga website ay nag-postulate na “mataas ito sa Omega-3 at 6,” habang ang iba ay nagsasabing, “mataas sa iron at fiber,” at maraming antioxidant.

Ang pagkain ng mga dahon nito ay  makakatulong para sa maayos at malinaw na paningin. Sinasabi rin sa pag aaral na mahusay ito sa puso dahil ang dahon ng pako ay puno ng potassium. Alam naman natin na ang potassium ay isang uri ng electrolyte. Ang isa sa benepisyo ng potassium ay pagbabawas sa presyon ng dugo dahil inaalis nito ang sodium sa daloy ng dugo. Batid din natin kapag kontrolado natin ang presyon ng dugo ay makakaiwas tayo ang stroke. 

Importate na sariwa ang pako kapag kinakain o niluluto dahil ang dami ng protina, bitamina A, calcium, magnesium at potassium ay nababawasan kapag na frozen ito. Ang dahon ng pako ay nagtataglay din ng Vitamin A.

Isa ang pako sa mga gulay na nagtataglay ng maraming sustansya na kailangan ng ating katawan. Ilingap lang natin ang ating mga mata sa paligid ay makakakita na tayo ng mga biyaya ng lupa na kaloob ng Diyos at pakikinabangan nang ating pamilya upang magkaroon ng malusog na katawan.

Pinagbubuti ng CALAX ang customer experience sa tulong ng technology 

0

Ibinalita ng MPCALA Holdings Inc. (MHI), ang concessionaire sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX), ang patuloy nilang pagpapahusay, hindi lamang sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya, kundi maging sa customer service experience ng mga motorista.

Bukod sa pagtiyak ng kaginhawaan sa pagmamaneho at pagbiyahe, inuuna din ng CALAX ang kaligtasan ng mga motorista. Patuloy na itinataguyod ng toll road company ang mga programang may kinalaman sa road safety at paghahatid ng karagdagang roadside assistance services. Layun nitong itatag ang CALAX bilang isa sa mga pinaka ‘motorist-friendly’ na expressway sa bansa. Simula ng magbukas ito noong Oktubre 2019, wala pang naitalang kaso ng malalang aksidente sa naturang high speed road network.

Sa bahagi ng roadside assistance, higit na pinadali ang pakikipag-ugnayan sa traffic control room sa pamamagitan lamang ng pag-pindot sa isang buton gamit ang emergency call boxes na nakatayo sa kahabaan ng CALAX. Ang mga ito ay may built-in loudspeaker, camera, at hearing aid na idinisenyo para sa mga hearing impaired.

“Habang patuloy ang aming paninigurado sa kalidad ng aming daanan at sa kahandaan namin sa pagtulong, may mga vehicular breakdown talaga na hindi natin maku-kontrol bagkus ay kaya natin itong maiwasan. Palagi kaming nagpapaalala ang aming mga motorista na suriin ang BLOWBAGETS sa kanilang sasakyan bago bumiyahe at maging aming katuwang sa pagsulong ng road safety,” ayon kay Mr. Raul L. Ignacio, President and General Manager of MPCALA Holdings Inc.

Ang BLOWBAGETS, isang kilalang mnemonic na pinasikat ng PNP-Highway Patrol Group, ay checklist ng mga dapat suriin sa isang sasakyan bago ito paandarin para maiwasan ang vehicular accident at breakdown. Kabilang dito ang battery, lights, oil, water, brakes, air pressure, gas, engine, tires, at self.

Ang CALAX ay isang 45-kilometer high speed road network na nagdurugtong sa mga probinsya ng Cavite at Laguna. Target nitong pagsilbihan ang aabot sa 45,000 na motorista sa sandaling matapos ang pagkukumpuni nito. Sa ngayon, Ang CALAX ay operational mula Binan, Laguna hanggang sa East ng Silang, Cavite. Target na makumpleto ang CALAX project sa 2023.

Ang MPCALA Holdings Inc. ay isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang pinakamalaking toll road developer at operator sa bansa. Bukod sa CALAX, kabilang sa domestic portfolio ng MPTC ang mga concessions para sa Manila-Cavite Expressway.

Dr. Solante: Hindi STD ang monkeypox

Kahit sino ay nasa panganib na magkaroon ng monkeypox viral disease, kahit na hindi nakikibahagi sa mga sekswal na aktibidad, ayon kay infectious disease expert Dr. Rontgene Solante kahapon.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Solante na sa kabila ng pagtutok sa mga risk group na binubuo ng mga bakla, bisexual, at mga lalaki na nakikipagtalik sa parehong kasarian, hindi sila dapat maging biktima ng diskriminasyon o ma-stigmatize.

“For one, monkeypox is not considered a sexually transmitted infection. It’s just that the current mode of transmission is through close intimate contact. Kapag sinabing close intimate contact, kasama na diyan iyong matagal ang pagsama sa isang room. Pangalawa, iyong puwedeng naghalikan or puwedeng nagtalik. Pero hindi siya considered as sexually transmitted infection,” ayon kay Solante.

Ang pinaka karaniwang paraan ng pagkahawa ng monkeypox, ayon kay Solante, ay sa pamamagitan ng respiratory droplets na maaaring mailipat habang nakikipag-usap sa isang taong may impeksyon.

Maaari ring makuha ng isang tao ang sakit sa pamamagitan ng paghawak sa mga sugat sa balat ng taong may monkeypox.

Sinabi niya na ang isa pang paraan ng paghahatid ay sa pamamagitan ng damit o anumang pag-aari ng isang pasyente na may monkeypox, tulad ng mga bedding, kung saan ang virus ay maaaring mabuhay at maipasa sa pamamagitan ng paghawak sa nahawaang bagay at pagkatapos ay paghawak sa mga mata, bibig, o anumang bukas na sugat.

Kapag hinahawakan ang mga bagay na ginagamit ng pasyente ng monkeypox, mahalagang magsuot ng guwantes, at agad na hugasan ang mga kamay.

Ang virus ay mamamatay kung ang mga bagay o mga kamay ay lubusang hinugasan o nadidisimpekta.

Tiniyak niya na habang ang monkeypox ay hindi nakamamatay sa karamihan ng mga kaso at maaaring kusang gumaling, maaaring may mga bihirang komplikasyon na posibleng humantong sa kamatayan.

Ang ilan sa mga pambihirang komplikasyon ay encephalitis o impeksyon sa utak; pneumonia lalo na para sa immunocompromised na mga indibidwal; superimposed skin bacterial infection; at pagkabulag.

GCash swindler arestado; kasabwat pinaghahanap pa

0

Calamba City, Laguna. Arestado ang isang suspek ng panloloko sa online Cash Transfer  matapos makapang biktima sa lungsod na ito kahapon.

Kinilala ni Acting Provincial Director, Laguna, Police Colonel Cecilio R Ison Jr, ang mga suspek na si Edmon G Catubigan, male, 43 anyos na naninirahan sa Purok-3 Arevallo Compound Cupang, Muntinlupa City, NCR, at ang isa pang pinaghahanap na suspek na si alyas “VERGIE”.

Ayon sa report mula sa Calamba City Police Station, naganap ang krimen kahapon sa Gcash outlet B51 L29 Palao, Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna. Habang may kausap sa cellphone ang nabanggit na suspek, nilapitan nito ang biktima na si Maria Angelique L. Po, 23 anyos na residente ng Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna at humingi ng tulong kung paano mag-transfer ng cash sa pamamagitan ng Gcash account number. Ibinigay ang kanyang cellphone sa nabanggit na biktima at kinausap ang nasa kabilang linya na napag alamang isang kasabwat na si alyas “Vergie.”

Nagpakilala si alyas “Virgie” sa biktima at tinanong ang buong pangalan ng biktima pati na rin ang mga charges sa bawat transaksyon. 

Ibinigay ng biktima ang kanyang personal na impormasyon, Gcash account number at one time password (OTP). Makalipas ang ilang sandali, nagulat ang biktima ng makatanggap siya ng transaksyon sa kanyang Gcash account na nag abiso na nailipat ng halagang PHP 48,000.21 sa ibang Gcash account.

Agad na umalis ang suspek na si Edmon matapos ang nasabing transaksyon ngunit tinawag ng biktima ang kanyang ama at hinabol ang suspek. Nahuli ito at dinala sa Calamba CPS sa tulong  ng mga Barangay tanod. Narekober sa suspek ang isang (1) unit ng Vivo cellphone na ginamit para makausap ng biktima ang kasabwat na si alyas Vrigie.

Ang tunay na pagkakakilanlan kay alyas Vergie na nangongolekta ng pera sa pamamagitan ng mapanlinlang na online na transaksyon ay patuloy na inaalam at iniimbistigahan ng Calamba CPS.

Nakakulong ang suspek na si Edmon sa Calamba CPS at nahaharap sa kasong Swindling Estafa of Art. 315 of RPC in relation to Sec. 6 of RA 10175 Anti-Cybercrime Law.

“Ito ay isang uri ng modus na ginagawa sa pamamagitan ng online transaksyon, maging alerto, wag ibigay ang personal na impormasyon at wag magpaloko. Umaapela naman ako sa ating mamamayan ng kung may ganitong uri pa ng modus ay agad ipaalam sa pinakamalapit sa istasyon ng pulisya para sa agarang aksyon,” ayon sa pahayag ni Ison.

Preserve and protect the environment

The “preservation of the environment means the preservation of life”. This is one line among many that caught my attention in the first State of the Nation Address (SONA) of our President Bongbong Marcos (PBBM) last Monday, July 25, 2022. I totally agree and I believe all environment-loving citizens of this country do the same. Our environment which comprises the air we breathe, the water we drink, the land we live in and the forests that shelter wild flora and fauna are treasures we need to protect not only for us living today but for the future generations after us. 

In my beloved San Pablo City where I grew up, I can say that I am one of the living witnesses of how beautiful and pristine our city was – clean rivers, forested lands, unspoiled springs and canopied trees along barrio (now barangay) roads. My heart bleeds every time I see century-old trees being cut to give way to progress. I cringe at the sight of water tributaries and canals being used as dumping places for domestic garbage and as receptacles for animal manure by those engaged in piggery and poultry. I often asked myself, is the profit they get from their businesses worth the destruction of our environment?

Looking back, I can still vividly recall how our barangay (Sta. Monica) looked like seventy (70) years ago. While there was no electricity yet and the road was rough – dusty during summer and muddy during rainy days, life was easy.  Food was not a problem because the river traversing from San Rafael down to Sta. Veronica and neighboring areas were rich with fresh-water fishes, clams, edible snails and shrimps. The banks of the river were dense with edible ferns, water spinach and root crops like taro and yam. Firewood for cooking was not also a problem because you can gather it free from the woods and coconut plantation.  

Today is totally different.  Everything, even banana leaves and fallen coconuts are for sale. The once forested areas and rice fields were destroyed to give way to housing projects and shopping malls. Rivers were neglected and left to poultry and hog raisers to pollute without costs.  Look at our rivers now. Progress is not bad, as long as it does not destroy the environment. Remember that song “Kapaligiran” by the band ‘Asin’? It was a perfect reminder for us to take good care of our environment.

The call of our President to preserve the environment must be taken seriously by everybody in the community.  It must be taught to schoolchildren and must be made the subject of seminars among government workers and barangay officials. A concerted and continued effort among the people in the community with the help of NGOs and civic organizations would surely yield positive results. This is the only country we have.  We must preserve and protect it.

Online Radio Station ni Dr. Jeffrey M. Sumague, nagsimula ng umere

Welcome po ang lahat sa Online Radio Station ni Dr. Jeffrey M. Sumague –  ang mga taga San Pablo City at karatig Bayan. Binuksan po ito ng inyong lingkod noong July 20, 2022sa isang ribbon cutting kasama sina San Pablo City Councilor Carmela Acebedo, SM City San Pablo PR Manager Niña Wong, Marielle Tolosa ng Princewill Production, Wilbert Tolosa ng WilSAFE at Jeiro Lazareo. 

Sumuporta din  si Dr. Jay Jumuad, ang station manager ng J101.5Fm Big Radio, Venus Peñaflor ng Tutubi News Magazine, Team Positive Philippines at ng Trio Saya Sabado.

Layunin ng Online Radio Station ni Dr. Jeffrey M. Sumague ang maghatid ng mga public information kagaya ng mga announcements. Nakahanda rin po itong tumulong sa mga nagsisimula ng negosyo. Misyon din nito ang magsulong ng mga advocacies sa health at ng mga usapin tungkol sa batas.

Bukod dito, mayroon ding One on One with Doc Jeff kung saan ay iniimbitahan ang mga leaders ng iba’t ibang organisasyon at mga ahensya ng gobyerno  upang talakayin ang kanilang mga proyekto at prgrama. 

Nananagawan din po ako sa mga aspiring DJ at broadcaster na gustong mag apply at umupo bilang mga block timer sa pinakabagong Online Radio Station ni Dr. Jeffrey M. Sumague.

Sa mga nais mag advertise, mababang halaga lamang po ang offer ng online radio na ito para sa mga negosyante ng San Pablo City, sa buong bansa at sa buong mundo. Ang Doc Jeff Sumague TV FB page Live, youtube channel ay mapapanood sa apat na sulok ng mundo at mapapakinggan sa Zeno App Radio. 

Nagpasalamat din  ako sa mga sponsor kagaya ng Suki Alfresco Bar, Acebedo Optical, Memengs Lugaw at Sm City San Pablo. 

Muli, taos puso akong nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa Online Radio Station ni Dr. Jeffrey M. Sumague. Mabuhay po tayong lahat!

Panoorin po natin ang ang Live Vlog at tingnan ang mga larawan sa naganap na ribbon cutting.

Hinihimok ng PBBM ang mga Pilipino na isulong ang pambansang wika ng may karangalan, pagmamahal

Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahapon sa mga Pilipino na ipagpatuloy ang pag-angat ng paggamit ng wikang Filipino, na sinasabing mahalaga ito sa paglinang ng kultura ng bansa.

Sinabi ni Marcos na ang pambansang wika ng Pilipinas ay hindi lamang limitado sa Tagalog, ngunit iba’t ibang katutubong wika na naglalayong magkaisa ang mga Pilipino tungo sa pagsulong ng isang mas maunlad at nagkakaisang bansa.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapalakas ng paggamit ng wikang Filipino sa paghubog ng kultura at pagkakakilanlan ng mga tao.

Hinikayat din ni Marcos ang publiko na itaguyod ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino, na nagpapaalala sa kanila na ang pagsasalita ng wikang banyaga ay hindi sukatan ng katalinuhan o tagumpay.

Nagpahayag siya ng kumpiyansa na ang kinabukasan ng bansa ay “pagyayamanin, mapapasigla, at maliliwanagan” kung itataguyod ng mga Pilipino ang kanilang wikang pambansa ng may “karangalan at pagmamahal.”

Ang Buwan ng Wikang Pambansa o Buwan ng Wikang Pambansa ay ipinagdiriwang tuwing Agosto alinsunod sa Proklamasyon 1041 na nilagdaan ng yumaong dating pangulong Fidel V. Ramos noong Hulyo 15, 1997.

Ang pagdiriwang ay kasabay ng buwan ng kapanganakan ng yumaong dating pangulong Manuel Quezon, ang ama ng pambansang wika ng Pilipinas na ipinanganak noong Agosto 19, 1878.

Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”.

MWP sa kasong panghahalay ng menor de edad arestado sa manhunt ops ng Bay MPS

0

Bay, Laguna. Arestado ang isang most wanted person na akusadong rapist sa bayang ito sa ilalim ng manhunt operations na ikinasa ng Bay Municipal Police Station (MPS)

Kinilala ni Acting Provincial Laguna Police Office Director Police Colonel Cecilio R. Ison Jr, ang akusado sa panggagahasa sa isang menor de edad na si Melvin R Alejo, 23 anyos na construction worker at naninirahan sa Sitio Marian Purok 1, Brgy. Puypuy, Bay , Laguna.

Ayon sa ulat ng Bay MPS, naaresto ang akusado kahapon sa Brgy. Villa Sta Rosa Sta Rosa, Laguna sa ilalim ng ikinasang manhunt operation ng mga operatiba ng Bay MPS.

Pansamantalang nasa kustodiya ng Bay MPS ang nadakip na akusado at nakatakdaqng humarap sa kasong rae na isinampa laban sa kanya.

“Ang mga biktima ay makakaasa na ang Laguna Pulis ay seryoso sa pagpapatupad sa aming mga sinumpaang tungkulin, at sa tulong ng ating mga mamamayan, sama-sama natin itong mapapagtagumpayan,” ayon kay Ison.

Samantala sinabi naman ni PBGen Antonio C Yarra, Regional Director, Police Regional Office CALABARZON na ang nabanggit na operasyong ay “patunay na hindi titigil ang kapulisan sa pagsawata sa mga taong may pananagutan sa batas upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.”