Thursday, April 30, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 713

Ina, anak at pamangkin natagpuang patay sa kanilang apartment sa Rizal

0

Cainta, Rizal. Isang babae, anak nitong babae at pitong taong gulang na pamangkin ang natagpuang patay na sa loob ng inuupahang apartment sa Barangay San Juan, Cainta, Rizal.

Ayon kay Lt. Col. Orlando Carag, hepe ng Cainta Municipal Police Station, ang mga bangkay ni Angelica Manaloto, 24, anak nitong si Nica Mangi, 4, at isang pamangkin na si Renz Orly Trinidad, 7, ay natuklasan ng isang Erickson Manaloto, 26, kapatid ni Angelica , at ng kanilang mga kapitbahay sa loob ng studio type apartment sa Rizal St, San Francisco, noong Miyerkules ng umaga.

Sinabi ni Erickson, isang saksi, sa imbestigador na dumating siya sa apartment ng Manaloto at sumigaw sa harap ng gate upang tawagan ang atensyon ng kanyang mga pamangkin.

Idinagdag pa ng saksi na sarado ang main entrance ng gusali habang siya ay patuloy na sumisigaw at tinatawag ang ang kanyang pamangkin ngunit walang sumasagot mula sa mga nakatira kahit ang pinto ng apartment ay bukas.

Humingi ng tulong ang saksi sa kapitbahay ng biktima na agad namang nirespondehan at binuksan ang main gate at madiskubre ang wala nang buhay na katawan ng mga biktima.

Sinabi ni Carag na hinihintay pa nila ang resulta ng isinagawang pagsusuri ng crime lab upang alamin ang sanhi ng pagkamatay ng mga biktima.

Ayon sa pulisya, sinusuri nila ngayon ang mga video footage ng CCTV camera na naka-install mula sa iba’t ibang lugar malapit sa crime site.

Sinabi ni Carag na isang tao ang ikinokonsidera bilang person of interest sa pagpatay sa mga biktima.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa krimen at posibleng matukoy ang salarin, ayon kay Carag.

“Yung mga biktima ay natagpuang patay sa higaan na puno ng dugo sa paligid. Hindi pa natin alam kung nagtamo ng saksak ang mga biktima dahil walang narekober na bala sa crime site,” ayon kay Carag.

Hinihimok ng PHILPost ang mga estudyante na sumali sa UPU letter writing contest

Nag iimbita ang Philippine Post Office (PHLPost) at ang Universal Postal Union (UPU), sa pamamagitan ng International Bureau, ng mga kabataan na may edad 9 hanggang 15 taong gulang na lumahok sa kanilang 51st International Letter Writing Competition para sa mga Kabataan, upang palakasin ang literacy sa pamamagitan ng sining ng pagsulat ng liham.

“The contest is designed to develop the young people’s skills in composition and the ability to express their thoughts clearly, to foster their enjoyment of letter-writing and to help strengthen the bonds of international friendship – one of the basic missions of the UPU,” ayon sa Post Office sa isang statement noong Miyerkules.

Suportado ito ng Department of Education (DepEd). Ang mga kalahok mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa, ang mga kalahok ay kailangang magsulat ng liham sa isang “maimpluwensyang tao kung bakit at paano gagawa ng aksyon ukol sa climate change”.

Ang mga entry sa kumpetisyon ay dapat nakasulat sa Ingles at kailangan ay sulat-kamay na walang mga bura.

Ang mga entry ay hindi dapat lumampas sa 800 na salita at dapat maglaman ng mga pangunahing elemento ng isang liham – pamagat, pagbati, katawan ng liham, komplimentaryong pagsasara at lagda.

Pinaalalahanan ng Post Office ang mga kalahok na ipahiwatig sa isang hiwalay na papel ang sumusunod na impormasyon: bilang ng mga salita ng komposisyon ng liham, kumpletong pangalan ng kalahok at direksyon ng tirahan, kasarian ng kalahok, edad at petsa ng kapanganakan, colored na larawan ng kalahok (300 dpi minimum), pangalan at address ng paaralan kabilang ang taon o antas ng grado ng kalahok, at contact number ng paaralan at ng kalahok.

Ang mga entry ay dapat ilagay sa isang brown envelope at isumite lamang sa pamamagitan lamang ng Domestic Express Mail Service (DEMS) – UPU 51st International Letter Writing Competition for Young People (2022), Post Shop, Philately and Museum Division, Philippine Postal Corporation, 3/F Manila Central Post Office Building, Magallanes Drive Liwasang Bonifacio, Barangay 659-A, Ermita 1000 Manila. Ang mga entry na ipinadala sa pamamagitan ng mga pribadong courier ay awtomatikong madi-disqualify.

Ang judging ay ibabatay sa kaugnayan sa tema ng komposisyon (30 porsyento), imahinasyon at orihinalidad ng mga nilalaman (20 porsyento), nagpapakita ng magandang istilo ng pagsulat at komunikasyon (20 porsyento), nagpapakita ng malawak na bokabularyo (20 porsyento), at youthfulness ng tono (10 porsyento).

Ang mga entry ay tatanggapin hanggang Abril 25 at ang final winner ay ipapahayag sa Mayo 2, 2022.

Ang unang gantimpala para sa patimpalak ay PHP25,000 cash na may medalya at presentation frame, ang pangalawang gantimpala ay tatanggap ng PHP15,000 na may medalya at presentation frame, at ikatlong gantimpala ay tatanggap ng PHP10,000 na may medalya at presentation frame.

Ang mga interesadong kalahok ay maaaring tumawag kay Ms. Joy Edralin-Cacho sa Tel. 8527-01-32 o bisitahin ang opisyal na website ng Philippine Postal Corporation sa phlpost.gov.ph, Facebook pages @PHLpost at @Pilipinas Philately, o twitter account @phlpostofficial para sa updates sa letter-writing competition.

2 motorista, patay sa Rizal checkpoint shootout

0

Calamba City, Laguna. Patay ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint sa boundary ng bayan ng Angono at Binangonan sa Rizal kahapon ng madaling araw.

Ayon sa report ng pulisya, ang dalawang lalaking hindi pa nakikilala ay hindi huminto noong parahin sa checkpoint dahil sa hindi pagsusuot ng helmet.

Sa halip na huminto ay sumibat ang mga ito patungo sa direksyon ng Binangonan kung kaya at pinaputukan sila ng mga pulis.

Ayon sa paunang imbestigasyon, ang motorsiklo na ginamit ng mga suspek ay iniulat na nawawala ng may-ari nitong si Julian Khyle de Leon noong Martes.

Naghihintay ang LTFRB sa Comelec reso sa fuel subsidy exemption

Hindi pa natatanggap ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang opisyal na kopya ng resolusyon ng Commission on Elections (Comelec) na nagpapahintulot sa pagpapatuloy ng fuel subsidy program.

Sa mensahe sa Viber para sa mga mamamahayag kahapon, sinabi ni LTFRB Executive Director Maria “Tina” Cassion na “panalo” ang desisyon ng Comelec para sa mga driver at operator ng public utility vehicles (PUV) sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang bilihin.

“Since wala pang official copy ng decision, hindi rin namin alam po kung ano ‘yung mga sinasabi na conditions. So, we have to first receive the decision for us to be able to respond accordingly,” ayon kay Cassion.

Nagpahayag ng pasasalamat si Cassion sa Comelec para sa “paborableng desisyon.”  Ang isang advanced na kopya ng resolusyon ay maaaring ilabas maaga sa susunod na linggo, ayon sa kanya.

Ipinahayag naman ni Comelec Commissioner George Garcia kahapon na ang fuel subsidy program ng LTFRB na pansamantalang itinigil noong Marso 25 ay exempted sa cash disbursement ban sa panahon ng halalan.

Gayon pa man, binanggit niya na kailangang hintayin ng LTFRB na ilabas ng Comelec ang resolusyon dahil naglalaman ito ng mga kondisyon na kailangang sundin ng LTFRB.

Ang anunsyo, aniya, ay ginawa upang bigyan ng panahon ang LTFRB na magplano kung paano “ipapatupad nang maayos” ang programa at ihanda ang listahan ng mga benepisyaryo nito.

DepEd: Bibigyan ng mas mataas na poll honoraria, allowances ang mga guro

Bibigyan ng mas mataas na honoraria at karagdagang allowance ang mga guro na magsisilbing poll worker sa Mayo 9 sa pambansa at lokal na botohan, ayon sa Department of Education (DepEd) kahapon.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na mahigpit silang nakipag-ugnayan sa Commission on Elections (Comelec) at Department of Budget and Management (DBM) para matiyak ang pagtaas ng allowance para sa mga guro.

“More than a year na kaming nag-negotiate para rito dahil talagang deserving naman ang ating teachers ng suporta, hindi naman in exchange, dahil sila ay nagsisilbi sa bayan,” ayon sa kanya.

Sinabi ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla na ang board chairman ay tatanggap na ngayon ng PHP7,000 o mas mataas ng PHP1,000 kumpara sa 2019 mid-term elections, habang ang board members ay makakakuha ng PHP6,000, supervising official ay PHP5,000, at support staff ay PHP3, 000.

Maliban sa itinaas na honoraria, bibigyan din ang mga guro ng iba’t ibang allowance kabilang ang PHP2,000 transportation allowance; PHP1,500 na stipend sa komunikasyon; PHP500 anti-Covid-19 allowance; at mga medical at accident insurance.

Sa ngayon, nasa 320,000 guro na ang kasali bilang miyembro ng election board para sa darating na halalan.

Sinabi ni DepEd Undersecretary Alain Pascua na hindi na-amyendahan ng mga mambabatas ang mga probisyon sa kabila ng kanilang panawagan na gawing tax-free ang pinataas na allowances, kahit na sa suportado ito ng Comelec.

“Kahit nga ang BIR ay uma-agree rin sa ating layunin, subalit may batas na kinakailangang i-amend bago ang exemption at ‘yan pong amendment sa batas ay hindi po nagawa ng kongreso. Kaya hanggang ngayon po ang ating honoraria at saka ang allowances, ay hindi sila tax-exempted,” ayon sa kanya.

Maaaring suspindihin ng Comelec ang overseas voting sa 7 bansa

Posibleng suspindihin ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdaraos ng overseas voting sa pitong bansa sa apat na post ng Pilipinas na mayroong 127 rehistradong botante.

Sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na ang Commission en banc ay maaaring magpasya na huwag magsagawa ng overseas voting sa mga pwesto sa Baghdad para sa Iraq; Tripoli na sumasaklaw sa Algeria, Chad, Tunisia, at Libya; Afghanistan para sa Islamabad, at Ukraine para sa Warsaw.

“I think we will be declaring a suspension of election in certain areas,” ayon kay Casquejo, ang Commissioner-in-Charge for the Office for Overseas Voting (OFOV), sa isang press conference kahapon.

Sinabi ni Casquejo na ang pagboto sa Islamabad at Warsaw ay malamang na masuspinde dahil sa kasalukuyang ipinag-uutos na repatriation doon.

Sinabi niya na ang pagboto ay inaasahan na hindi rin gaganapin sa Baghdad at Tripoli dahil sa kasalukuyang ay walang kakayahan doon sa overseas voting.

“The OFOV is still waiting for formal confirmation from the DFA-OVS (Department of Foreign Affairs-Overseas Voting Secretariat) as to the Posts’ capacity to conduct overseas voting for the active registered overseas voters,” dagdag niya.

Sinabi ni Casquejo na pansamantalang sususpindihin ang botohan sa Shanghai, China, pagkatapos ng ipataw doon ang lockdown dahil sa pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease. Mayroong mahigit 1,600 rehistradong botante sa nabanggit na bansa.

“Once the lockdown is lifted, then we will proceed with the voting in Shanghai,” dagdag niya.

Magsisimula ang overseas voting sa Abril 10 at tatakbo hanggang sa araw ng halalan sa Mayo 9 sa Pilipinas. Iboboto nila ang mga pambansang kandidato lamang o ang mga tumatakbo para sa mga posisyon ng presidente, bise-presidente, senador, at mga party-list na grupo.

Samantala, sinabi ni Casquejo na nagpasa ang Comelec en Banc ng isang resolusyon na magbibigay-daan sa mga Filipino sa ibang bansa ay pinapayagan lamang na bumoto sa mga post sa Pilipinas kung saan sila ay kasalukuyang nakarehistro.

Aniya, ang mga botante sa ibang bansa, na lumipat ng bansa pagkatapos ng pagsasara ng registration period ay maaaring bumoto kung ang nasabing post ay nagpapatupad ng personal na pagboto. Ang botante ay maaaring maghain ng Manifestation of Intent to Vote in Another Post (MIVAP) upang makalahok sa mga botohan.

Sinabi rin ng opisyal ng Comelec na ipatutupad nila ang two-way postage system para sa mga boboto gamit ang postal service.

Idinagdag niya na ang mga gagamit ng nabanggit na sistema ay makakapagpadala ng kanilang mga balota pagkatapos nilang bumoto.

“Now, the postage for the return of the official ballots is included,” dagdag ni Casquejo.

Batay sa datos ng Comelec, mayroong 1.7 milyong overseas absentee voters, kabilang ang 450,282 sa Asia Pacific.

Bus terminals ilalagay sa ‘heightened alert’ para sa Semana Santa exodus

Ilalagay sa “heightened alert” ang mga terminal ng bus sa buong bansa mula Biyernes hanggang Abril 16 bilang bahagi ng paghahanda ng gobyerno sa pag uwi ng mga deboto at bakasyunista sa Semana Santa at summer vacation.

Sa isang pahayag kahapon, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang kanilang central office at regional directors ay inutusan ng makipagtulungan sa iba pang ahensya ng gobyerno sa pagtiyak ng seguridad ng mga commuter at tamang pagsunod sa mga protocol sa lahat ng mga bus terminal.

“Inaasahan ang matinding pagdagsa ng mga pasahero dahil sa Semana Santa (We are expecting a massive influx of passengers because of the Holy Week),” ayon sa LTFRB.

Sa ilalim ng programang tinawag na “Oplan Biyaheng Ayos: Summer Vacation 2022” ng Department of Transportation (DOTr), magsasagawa ang LTFRB ng random inspections sa mga bus upang matiyak ang roadworthiness at kaligtasan ng mga pasahero.

Pinapayuhan ang mga commuter sa NCR at mga kalapit na lungsod na gamitin ang apat na pangunahing land terminal, ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), ang Santa Rosa Integrated Terminal (SRIT), at ang North Luzon Expressway Terminal (NLET), at ang Araneta Center Terminal.

Maglalagay ng Malasakit Help Desks sa integrated terminals at sa mga lugar na malapit sa private terminals para magbigay ng impormasyon sa mga commuters.

Ang mga pribadong terminal sa NCR ay pinapayagan lamang na mag-operate mula 10 p.m. hanggang alas-5 ng umaga alinsunod sa “window scheme” na ipinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority, ayon pa rin sa LTFRB.

Tinanggap ng US Peace Corps, PH partners ang mga bagong volunteers

0

Tinapos ng United States Peace Corps kamakailan ang isang linggong kickoff program para sa mga boluntaryong Amerikano na magbibigay ng virtual technical assistance sa tatlong Filipino partners na humihiling nito sa susunod na anim na buwan.

Ang mga Amerikanong boluntaryong ito ay dating nanirahan at nagtrabaho sa Pilipinas bilang mga volunteer ng Peace Corps at “bumabalik” sa bansa upang suportahan ang mga Filipino host organization na may mga prayoridad na proyekto bilang bahagi ng makabagong Virtual Service Program ng US Peace Corps, na ipinakilala dahil sa pandemya.

Ang tatlong Filipino partners ay ang lokal na pamahalaan ng Ivisan sa Capiz, ang Bataan Peninsula State University, at ang Philippine Science High School.

Makikipagtulungan sa mga nabanggit na partners ang mga volunteers na Amerikano sa environmental program sustainability, agro and ecotourism program development, and information at communications technology.

“The US Peace Corps is pleased to support partners in meeting their priority technical assistance needs here in the Philippines, and we plan to continue this unique, highly demanded program even after the pandemic is fully behind us and we have volunteers here in person early next year,” ayon kay US Peace Corps Philippines Country Director Jenner Edelman.

Ito ang ikalawang pagkakataon sa nakaraang taon na ang mga dating boluntaryo ng American Peace Corps ay nakipag-ugnayan at muling humiling sa mga kasosyong organisasyon sa pamamagitan ng virtual na serbisyo, kasama ang mga bagong kasosyo sa Peace Corps.

Ang mga kalahok na Amerikano ay mga pribadong mamamayan na nagbabahagi ng kanilang propesyonal na kadalubhasaan at naglalaan ng lima hanggang 15 oras bawat linggo upang maglingkod kasama ng kanilang mga katapat na Pilipino.

Ang US Peace Corps ay ang nangungunang organisasyon ng boluntaryong serbisyo ng gobyerno ng US na itinatag ni dating US President John F. Kennedy noong 1961.

Mula noon hanggang ngayon, mahigit na 240,000 Amerikano ang naglingkod sa mahigit 140 bansa sa buong mundo, kabilang ang mahigit na 9,300 boluntaryo sa Pilipinas.

Ang mga volunteers ng US Peace Corps sa virtual na pakikipagkita sa mga kawani ng Peace Corps at mga kasosyong Pilipino. Contributed photo.

VG Karen Agapay, a jewel in the crown of Laguna

When I saw for the first time how retired Comelec Commissioner Rowena Guanzon spoke her piece in a political rally, I cannot help but compare her to our very own Laguna Vice Governor Atty. Karen C. Agapay. Guanzon’s demeanor on the stage is something not worthy of emulation considering that she is a lawyer with further studies abroad and a former commissioner of a constitutional body.  The words that came out of her mouth were totally unbecoming of an educated woman.  

The sad part was, while Guanzon growled like wild animal on the loose and spewing wicked words, the crowd was cheering in hysterics comparable to the crowd inside the Roman Coliseum of the olden days while gladiators were killing each other.  As a supposedly dignified lawyer, she could have delivered her speech in a more subtle and respectable manner that would convince the still undecided voters to vote for her candidate. What she did was totally opposed to the expectations of many, especially those who are merely relying on social media for information.

I understand that cheering, shouting and screaming are part of political rallies but it can be done with taste and without malicious innuendoes or baseless accusations purposely to destroy a person.  You may argue that that is really how politics works – mudslinging, spreading lies, giving deceitful information, etc.  but it should not be the case for the sake of the younger generation. Remember the saying, any wrongdoing becomes right in the eyes of a child if done by the elderly. Take note that all political aspirants, national and local, are replete with promises to work for the good of their constituents but at the end of the day, what do we find? What do we see?

 Contrary to Guanzon’s demeanor, VG Atty. Karen C. Agapay is soft-spoken, tactful, prim and proper thus showing her authentic beauty inside and out. Knowing her since she was chairperson of Kabataang Barangay, I have never heard her utter scurrilous language, neither utter defamatory remarks against someone, nor insult a person on account of personal appearance or station in life. Unlike Guanzon, she never bragged about her educational attainment, academic achievements and material wealth. As a matter of fact, she remains simple, down-to-earth and courteous when talking to people.

Being a public servant half of her life, Atty. Karen maintains the propriety and decorum worthy of respect seldom seen on traditional politicians.  She is not perfect but I can vouch that she is a morally upright politician and college professor who does her job well – no record of corruption, no scandal, no abuse of power and discretion.  With her legal acumen and dedication to her works as public servant, she is no doubt a jewel in the crown of her birthplace San Pablo City and her province Laguna, a clear contrast with Guanzon.

Ipaglaban ang katapatan sa paglilingkod kahit paunti-unti basta umuusad

0

Ipinagpapalagay nating gumagawa ng kabutihan ang mga taong gobyerno.  Sa kaso ng Pilipinas, mas mataas na antas ng pagtitiyaga ang kailangan ng mga kawani ng pamahalaan, kumpara sa tiyaga ng mga nasa pribadong kumpanya at organisasyon. Napabayaan ang mga pampublikong pagamutan at paaralan, at halos huli na nang maaksyunan ang malalang sitwasyon sa mga ito. Dalawang salik ng kahirapan sa bansa ang kahinaan ng kalusugan at kamangmangan na agad mapapatunayan sa mahal na gamutan at matrikula sa mga pribadong ospital at eskwelahan. Gayunpaman, mapa nasa katungkulan sa pamahalaan o ordinaryong mamamayan, pinahahalagahan ang tiwala.

Ang makita mong umuunlad ang pinaglilingkuran at ang lipunan ay sapat na. Kung ipagmamalaki ang pagtulong, ito’y pagkontra sa malalim na pagtingin sa pananagutan at pagsalungat sa kabuuan ng pagkatao mapa ika’y lingkod-bayan o kapwa tao. Pribilehiyo ang makatulong sa kapwa. Walang bilangan ng tulong, walang bilangan ng natulungan. Hayaan na nating gawin iyon para sa angkop na dokumentasyon lamang, at hindi para makapanlamang o ipagmalaki ang sarili samantalang masisira naman ang “hindi nakakatulong”.

Ibahin natin ang may kapakumbabaan sa walang galang. Hindi tayo dapat magpaloko sa mga abusado. Patuloy silang manloloko kung merong magpapaloko. Hindi magbabago ang mga abusado kung alam nilang hindi rin nagbabago ang trato sa kanila. Iba’t ibang anyo ng kalayaan ang ipinaglaban at napagtagumpayan ng ating mga ninuno. Panahon naman natin ang ibayong pagpapaunlad ng sarili, ng lipunan, at maging pagtulong natin sa ibang bansang nangangailangan sa pagdating ng panahon na meron na tayong ganoong kapasidad. Sa kababaang-loob, naroon ang pagtanaw sa mga responsibilidad ng mga institusyon at mga indibidwal. Responsable tayo sa pagpapa-angat ng ating sarili. Responsibilidad din nating mag-angat ng responsibilidad. Walang hanggan ang pagpapaunlad. Walang hanggan ang pagpapakumbaba sa pagpapaunlad.

Nagpang-abot at parehas na-pressure si Ferdinand E. Marcos at Lee Kuan Yew sa pulitikal, sosyal, at pang-ekonomiyang pagpapaunlad ng Pilipinas at Singapore sa kanilang kapanahunan. Kung magsasaliksik lang ang bawat pilosopong Juan at Juana, makatutulong sa Pilipinas ang karunungan mula sa pinagdaanang karanasan ng Singapore at ng mga mamamayan nito na ipaglaban ang gobyernong walang pangungurakot kundi pagpapaunlad, walang pagnanakaw ng tulong pinansyal ng mga bansa kundi paglalaan ng serbisyong may katapatan at kapakumbabaan.

Kaya ang presumption sa binabanggit natin sa umpisa – na gumagawa ng kabutihan ang mga taong gobyerno – ay hindi nangangahulugang mas mataas iyon sa presumption of innocence o pagturing na walang-sala hanggang hindi napatunayang nagkasala ang sinumang akusado sa anumang kriminal na pag-uusig. May Saligang Batas na naglalahad ng mga karapatan at hierarchy ng mga ito batay na rin sa mga napagdesisyunang mga kaso sa Mataas na Hukuman. Kahit sinong heneral o hari (sa halip na Hari ng mga hari, ibig sabihin ay Diyos), pwedeng makapang-abuso sa kapangyarihan kaya hindi laging tama ang kanilang ginagawa, bagama’t naroroon ang presumption sa umpisa.

Kahihiyan ang mang-abuso sa kapangyarihan, pero mas kahiya-hiya at kaawa-awa ang bansa kung magluluklok ng mga tao sa posisyon ng paglilingkod na salat sa kakayahan at minsan nang naka pang-abuso sa kapangyarihan.