Wednesday, April 29, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 715

PRRD muling nanawagan na ibasura ang party-list system

Inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang kanyang panawagan para sa pag-aamyenda o pagtatanggal ng probisyon sa party-list system sa 1987 Constitution at sinasabi na ginagamit lamang ito bilang electoral vehicle ng mayayaman at makapangyarihan.

“Sa totoo lang, kailangan natin baguhin na ang Constitution. Eh nasa sa inyo ‘yan,” ayon kay Duterte sa kanyang talumpati sa  Batangas.

Ang pagmumungkahi ng mga pagbabago sa Konstitusyon ay maaaring gawin sa pamamagitan ng constituent assembly (Con-ass) o constitutional convention (Con-con), ayon sa kanya.

“The Constitution is not really a perfect one. I would not say it is the worst Constitution, but we have copied that from America word-for-word halos when we established the Republic in 1947, naging Republic of the Philippines tayo,” dagdag niya.

Inulit din niya na noong administrasyon ng yumaong Pangulong Corazon “Cory” Aquino ang party-list system ay ginamit bilang backdoor para mahalal sa Kongreso.

“Panahon ni Cory ‘yang Constitution nila eh. Iyan lang party-list sana para — it was an enabling something law or in the Constitution itself na magkaroon ‘yung representation ‘yung mga tao, kanya-kanyang ano — exactly like for the common tao at sa mga mahirap…” ayon pa rin sa pangulo.

Sinabi ni Duterte na ginagamit na ito ngayon ng mayayaman para itatag ang sarili sa Kongreso.

“Lahat ng mga mayaman, buong Pilipinas, lahat ng mga milyonaryo may party-list, agawan sila ng party-list. Iyong ibang walang party-list, binibili nila,” dagdag pa niya.

Inamin niya na may mga party-list na talagang kumakatawan sa mga marginalized na sektor, ngunit binanggit na may mga “oportunista” na sinasamantala ang kanilang yaman at kapangyarihan.

“Iyong iba naman eh talagang straight. Ang problema iyong mga oportunista. Iyon ang payo ko sa inyo,” ang kanyang  pagtatapos.

Año: Vote buying na kunwari ay ayuda, mahigpit na binabantayan

Nagbabala si  Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na mahaharap sa legal na aksyon ang mga kandidatong nagbibigay ng pera sa kanilang mga nasasakupan na kunwari ay tulong pinansyal.

“Wala na tayong ayuda ngayon, ano. Pinagbawal na natin yung mga pagbibigay ng ayuda except yung program ng DSWD (Department of Social Welfare and Development) na pinayagan ng Comelec (Commission on Elections),’’ ayon kay Año.

Binalaan din niya ang mga opisyal ng local government unit (LGUs) laban sa paggamit ng kanilang resources tulad ng mga sasakyan ng gobyerno sa pagdadala ng mga tagasuporta sa anumang campaign sorties ng mga political aspirants.

“We already gave a warning and issued an advisory and memorandum to all LGUs that their resources and equipment cannot be used for campaigning. That is prohibited so we teamed up with the Comelec that they will be in charge for Omnibus Election Code violations while the DILG will deal with the administrative case,’’ dagdag niya.

Inihayag din ng DILG chief na nakatanggap ang Comelec ng mga ulat tungkol sa mga lokal na opisyal sa probinsiya na gumagamit ng public resources para mag-print ng campaign materials tulad ng mga tarpaulin na ipinapakita sa social media.

“Meron namang ginagawang kaukulang aksyon ‘yung ating Comelec at ang ating law enforcement authorities natin ano. Patuloy nating babantayan yung mga ganyang incidents at hinihiling din natin sa ating kababayan na anumang makikita natin o observation na election violation, ipagbigay alam kaagad sa pinakamalapit na authorities,’’ ayon kay Año.

Sinabi ni Año na ang bawat lokalidad ay mayroong election campaign committee hanggang sa municipal level para sa mabilis na pagpapadala ng mga reklamong may kinalaman sa halalan sa mga awtoridad.

Suspek na umagaw ng baril at pumatay sa pulis ng Pangil, arestado na

0

Paete, Laguna. Arestado sa isang hot pursuit operations ang suspek na nang agaw ng baril na nagsanhi ng pagkamatay ni Police Chief Master Sergeant (PCMS) Gilbert Briz ng Pangil Municipal Police Station.

Nauna dito, ang Pangil Municipal Police Station, ay nagsagawa ng anti-illegal gambling operation at nag raid ng mga tupadahan noong umaga ng Abril 3, 2022 sa Brgy Sulib, Pangil Laguna at inaresto si Ronilo Oliveros Ruben alyas Babap, 33 anyos na welder at dalawang iba pang nahuli sa aktong nagtutupada.

Sa nabanggit na raid ay nanlaban ang suspek na si Ruben at inagaw nito ang service firearm arresting officer at binaril si PCMS Briz na nagresulta sa ang agad nitong pagkamatay. Tumakas ang suspek patungo sa hindi malamang direksyon matapos ang insidente.

Agad naman iniutos ni Ison sa mga Chief of Police ng Pangil, Siniloan, Paete at Mabitac Municipal Police Stations na magsagawa ng follow-up at hot pursuit operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek noong Abril 3, 2022, sa Brgy 4 Quinale, Paete, Laguna, ayon sa report ni Laguna Police Acting Provincial Director, Police Colonel Cecilio Ramos Ison Jr kay CALABARZON Regional Director, Police Brigadier General Antonio Candido Yarra.

Narekober sa possession ng suspek ang service firearm ng biktima.

Samantala, malakas na kinokondena ng buong pamunuan ng Laguna Police Provincial Office at ng buong PNP ang nabanggit na pagkakapatay sa naturang arresting officer.

“Laguna PNP extend our deepest condolences to the family of PCMS Briz, rest assured that we will immediately provide the needed financial support and other social benefits for his family,” ayon sa mensahe ni Ison.

Nadakip sa Paete, Laguna si Ronilo Oliveros Ruben, ang suspek na umagaw ng baril at pumatay kay Police Chief Master Sergeant (PCMS) Gilbert Briz ng Pangil Municipal Police Station sa ilalim ng isang hot pursuit operations. Photo credits: Laguna PPO

Chief PNP Carlos: Bilisan ang dismissal ng pulis na kinasuhan matapos magumon sa e-sabong

0

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos kanina na pabilisin ang dismissal proceedings laban sa pulis na nahaharap sa mga kriminal at administratibong reklamo dahil sa kanyang pagkagumon sa ‘e-sabong’ (online cockfighting).

Sinabi ni Carlos na ang summary dismissal proceedings ay isinasagawa laban kay Lt. John Kevin Menes, 24, na nakatalaga sa PNP Drug Enforcement Group – Special Operations Unit – 4 (DEG– SOU4) ng Police Regional Office 4A (Calabarzon), na nahaharap ngayon sa mga kaso ng estafa at iligal na sugal.

“His activity inside a gambling establishment is in violation of a specific directive issued by the National Headquarters which constitutes Grave Misconduct under PNP Rules,” ayon kay  Carlos sa isang press conference sa Camp Crame.

Kasama si Menes sa pito pang tauhan ng PNP na pinarusahan para sa magkakatulad na paglabag sa pagsusugal mula noong Pebrero 2017 ng simulan ng PNP ng internal crackdown laban sa mga tauhan na sangkot sa iba’t ibang anyo ng pagsusugal kung kailan ay hinimok ni Carlos ang lahat ng unit commander na siyasatin ang mga gadget ng kanilang mga nasasakupan upang matukoy ang mga nahuhuli sa e-sabong.

“We are protecting our personnel from becoming addicted or addicted to that kind of gaming and will continue to inspect the cellphone of our personnel if they have such an app. If not, look at the trash bin and maybe just erase it. If you really want more, let’s go for forensic, digital forensic for not following the specific instruction. Again we don’t do it for ourselves to help the police because no one admits that he is addicted to gambling. They never realize that it’s too late in the day but we would like to help them, that’s why we are doing this inspection,” ang pagbibigay diin ni Carlos.

Nauna dito, inilay sa protective custody ang suspek sa quarters sa loob ng Camp Vicente Lim, Calamba, Laguna dahil sa reklamong administratibo na may kinalaman sa operational funds ng kanyang unit.

Kalaunan ay nakatakas siya at inaresto ng Manila police sa loob ng isang betting station sa Sta. Mesa noong Marso 30 matapos siyang hawakan ng mga empleyado ng establisyimento dahil sa hindi nababayarang utang na nagkakahalaga ng PHP15,000.

Paghahanap sa mga nawawalang ‘sabungeros’

Sa kaugnay na developments, sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director Maj. Gen. Eliseo Cruz na nagsampa sila ng mga kasong kriminal laban sa walong tao na na-tag sa pagkidnap ng hindi bababa sa anim na sabungero sa Manila Arena na nananatiling nawawala hanggang sa isinusulat ang balitang ito.

“Out of the eight cases of missing sabungeros being handled by CIDG involving 34 persons missing, we were able to clear one that is the incident that happened at the Manila Arena wherein we were able to file cases against eight suspects who were believed to be responsible in this case,” ayon kay Cruz sa mga reporters.

Sinabi ni Cruz na naghahanda na rin sila ngayon ng isa pang kaso para sa mga natukoy na tao sa likod ng pagkidnap sa online sabong (cockfighting) financier sa Laguna.

“We are about to file another case of kidnapping and serious illegal detention against identified suspects that happened in San Pablo City wherein a certain victim, Mr. (Ricardo) Lasco, was abducted by at least five suspects who were identified out of the more than 10 armed suspects who abducted the victim, Mr. Lasco,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Cruz na ginagawa na rin nila ang ikatlong kaso na kinasasangkutan ng mga nawawalang sabong afficionados sa Meycauayan, Bulacan.

“We are still gathering the testimonies or the cooperation of possible witnesses here and we are in the process of securing documentary and physical evidence for us to be able to file the appropriate cases before the prosecutor’s office,” ayon kay Cruz.

Sa imbestigasyon ng Senado, isang Patrolman Roy Navarrete ang tinukoy na isa sa mga armadong lalaki na kumuha kay Lasco. Nagdulot ito ng mga haka-haka na may kinalaman ang mga pulis sa ilang kaso.

Ang espekulasyon na ito ay lalong pinasigla matapos na positibong kinilala ang dalawa pang pulis.

Ang lahat ng nawawalang sabungero ay nananatiling nawawala.

Ayon sa mga ulat, ang kanilang pagdukot ay bahagi umano ng crackdown ng mga online cockfighting operator laban sa mga sangkot sa game-fixing.

Mass graves; katibayan ng torture, war crimes: Matapos umalis ang mga hukbong Ruso sa Bucha

0

Bucha, Ukraine. Tumitindi ang galit ng maraming bansa dahil sa mganakitang ebidensya ng posibleng pagbitay at iba pang kalupitan ng mga sundalo ng Russia sa Ukraine.

Kamakailan ay umatras ang mga tropang Ruso mula sa mga lugar sa palibot ng Kyiv upang ituon ang mga pagsisikap sa ibang bahagi ng bansa, gayunpaman, ang mga diumano ay ebidensya ng mga mass grave, torture, panggagahasa at maraming war crimes ay nagbunsod sa mga opisyal ng Ukrainian at European na tumawag para sa mga international investigations.

Matapos umatras ang pwersa ng Russia mula sa Bucha, nakita ng mga sundalong Ukrainian ang nagkalat na bangkay ng mga sibilyan sa mga kalye. “Ang mga lansangan ng bayan na lubhang nawasak ay puno ng mga bangkay. Lahat ng mga taong ito ay pinatay at binaril sa likod ng ulo,” ayon kay Mayor Anatoly Fedoruk, 

Sinabi niya na ang mga biktima ay mga lalaki at babae, at nakakita rin siya ng isang 14-anyos na batang lalaki sa mga patay.

Kinumpirma din ng alkalde na hindi bababa sa 22 ang nagkalat na bangkay sa mga lansangan ng Bucha. Sinabi rin niya na hindi pa posibleng kunin ang mga bangkay dahil sa pangamba na na-booby-trap ang mga ito.

“There are murdered men whose bodies bear signs of torture. Their hands were tied and they were killed by shots to the back of the head,” ayon kay Oleksiy Arestovych sa Ukrainian television.

Sinabi ng isang aide ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy noong Linggo na natagpuan ng mga sundalong Ukrainian ang mga bangkay ng mga babae na ginahasa at sinunog gayundin ang mga katawan ng mga lokal na opisyal at mga bata.

Batay sa salaysay ng isang nakasaksi, habang paalis ng Bucha ang mga sundalong Ruso ay tinarget ng mga ito ang mga taong naglakakad at nagbibisikleta. Ang ibang bangkay ay may dala pang supot ng biniling pagkain.

Samantala, limampu’t pitong sibilyan ang inilibing sa isang mass grave sa likod ng isang simbahan sa Bucha, isang bayan sa labas ng Kyiv. 

“Dito sa mahabang libingan na ito, 57 katao ang inilibing,” ayon kay Serhii Kaplychnyi, na nagpakilalang pinuno ng rescue services sa Bucha, na nag-iintindi ng pagkuha at pagkilala sa mga bangkay.

Nauna dito, itinanggi ng Russia ang pag-target sa mga sibilyan at tinanggihan ang mga paratang ng mga krimen sa digmaan sa tinatawag nitong “special military operations” sa Ukraine.

Ang Kremlin at ang Russian defense ministry ay hindi tumugon sa mga kahilingan para sa komento noong tanungin sila noong Sabado tungkol sa mga bangkay na natagpuan sa Bucha. Hindi rin sumagot ang defense ministry nang muling tanungin noong Linggo.

Kinarga ng mga communal workers sa isang van ng mga bag ng katawan ng mga nagkalat na bangkay na diumano ay pinagbabaril ng mga sundalong Russian sa bayan ng Bucha noong Abril 3.
Mass grave sa likod ng isang simbahan sa sentro ng Bucha kung saan nakita ang 57 na bangkay ng mga sibilyan. Photo credits: Ukrainian official | Deccan Herald

Hepe ng Comelec pahihintulutang magdeklara ng mga lugar sa ilalim ng kanilang ‘kontrol’

Tinitingnan ng Commission on Elections (Comelec) sa pagbibigay ng pahintulot sa hepe nitong si Saidamen Pangarungan na i-classify ang mga lugar sa ilalim ng “Comelec control” para mabilis na masubaybayan ang paghahanda nito sa loob ng natitirang isang buwan bago sumapit ang botohan sa Mayo 9.

Sinabi ni Commissioner George Erwin Garcia, sa isang Laging Handa briefing noong Lunes, na ang usapin ay haharapin ng Comelec en banc.

Dagdag pa niya, kung bibigyan ng awtoridad si Pangarungan na magdesisyon sa usapin, mapapabilis nito ang proseso sa pamamagitan ng pag-aalis ng prerequisite ng Comelec en banc resolution.

Sa kasalukuyan, tanging ang poll body en banc lamang ang may awtoridad na ilagay sa ilalim ng kontrol ng Comelec ang ilang lugar sa bansa.

“If we wait for the weekly Comelec en banc meeting, there may be delays in the necessary actions to prevent violence or the heightening of tension in the concerned area,” ayon kay Garcia.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10757, anumang political division, subdivision, unit, o area ay maaaring isailalim sa Comelec Control kapag ang peace and order situation sa lugar ay maaaring makaapekto sa pagsasagawa ng halalan.

Upang maideklarang sakop ng Comelec ang mga lugar, dapat itong may kasaysayan o kasalukuyang matinding tunggalian sa pagitan ng mga magkakalabang partido; mga lugar na dati nang idineklara sa ilalim ng Comelec control, o insidente ng politically-motivated violence na kinasasangkutan ng mga aspirants/kandidato at/o kanilang mga tagasuporta.

Ang iba pang salik na maaaring mag-udyok sa paglalagay ng isang lugar sa ilalim ng kontrol ng Comelec ay ang pagkakaroon ng karahasan na maaaring isagawa ng mga pribadong armadong grupo (PAGs); at ang pagkakaroon ng mga seryosong armadong banta na dulot ng communist terrorist group (CTG) at/o iba pang mga banta na grupo kabilang ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), ang Abu Sayyaf Group (ASG), ang Maute Group, at iba pang kahalintulad na mga grupo ng pagbabanta.

Ang deklarasyon ng Comelec Control ay maaaring simulan sa pamamagitan ng motu proprio; sa pamamagitan ng paghaharap ng kahilingan; o sa pamamagitan ng paghahain ng direktang petisyon/liham.

Ilang pagsasalin mula sa 2nd Presidential Debate ng Comelec

Ginanap kagabi, araw ng Linggo, Abril 3, 2022 ang pangalawa sa tatlong serye ng presidential debate na pinasimulan ng Comelec bago ang halalan sa Mayo 2022.

Basahin ang ilan sa mga highlight sa idinaos na The Turning Point: 2nd Presidential Debate na ginanap sa Sofitel Plaza sa Pasay City.

Leni Robredo

Isang full disclosure policy ang unang executive order Vice President Leni Robredo upang maisulong ang higit na transparency sa serbisyo publiko, sakaling siya ay mahalal bilang pangulo, ayon sa kanya sa PiliPinas Debates 2022 ng Commission on Elections.

Sinabi ni Robredo na ang kanyang unang EO ay ipasusunod sa lahat ng mga tanggapan at instrumento ng gobyerno na isapubliko ang lahat ng kanilang mga transaksyon at kontrata “kahit walang humihiling nito mula sa sinuman”.

Ipinunto niya na ang transparency ay isa sa mga pangunahing elemento upang labanan ang katiwalian, na ayon sa kanya ay resulta ng parehong mga kahinaan ng institusyon at ngindibidwal. Ang iba pang mga elemento ay pananagutan at pagbibigay-kapangyarihan sa mga tao.

“Merong tatlong pangangailangan para siguraduhin natin na napipilitan, ‘yung sistema napipilitan niya ang public officials para maging matino at mahusay. ‘Yung number one, accountability. Gaya nung sinabi ni Senator Manny, dapat ‘yung nagkakasala napaparusahan. Pero equally important and even more important ‘yung transparency at people empowerment kasi eto ‘yung magp-prevent for public officials na gumawa ng mali ‘pag very transparent ang ating processes,” ayon sa kanya.

Binigyang-diin din niya ang iba pang mga instrumento para sa transparency, tulad ng paglikha ng charter ng isang mamamayan at pag-digitize ng mga serbisyo at proseso ng gobyerno upang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo publiko.

Ping Lacson

Kailangan ang mga institusyong anti-korapsyon sa bansa na magkaroon ng matibay na pamumuno para maisakatuparan nila ang kanilang mandato, ayon kay independent presidential candidate Senator Panfilo “Ping” Lacson kagabi second installment ng Comelec PiliPinas presidential debate.

“Di mahina ang sistema. Marami tayong batas at institution na tumatakbo. Kahinaan po ng tao. Kahinaan ng tao sa gobyerno. Ang aking natutunan sa aking pag-aaral sa PMA (Philippine Military Academy) one of the leadership principles napakaimportante, leadership by example,” ayon sa kanya.

Sinabi ni Lacson na ang mga pagsisikap na ito ay hindi magtatagumpay kung ang isang pinuno ay hindi kayang magsagawa ng mga utos sa mga nasasakupan.

Dagdag pa niya, mayroon ng sapat na mga institusyon at hakbang ang gobyerno para tugunan ang mga sangkot sa graft and corruption.

Isko MorenoDomagoso

Binigyang-diin ni Aksyon Demokratiko presidential bet Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pangangailangan ng bansa na lumipat sa two-party system para sa smooth-sailing na pamamahala.

Ayon sa kanya ay mas gusto niya ang halalan na may dalawang senador bawat rehiyon at sinusuportahan ang party-list system ngunit dapat ay may dagdag itong mga pananggalang.

“Napapanahon na, hinog na, na tayo’y bumalik sa two-party system. We elect the president. At the same time, ‘pag nanalo ‘yung presidente, para walang away ‘yung presidente’t bise presidente, sabay silang mananalo,” ayon kay Domagoso.

Ikinalungkot niya, ayon sa kanya na ginagamit ang party-list system para pagsamantalahan ang mahihirap at palawigin ang political dynasties. Ang mga kinatawan ng party-list ay dapat iboto ayon sa rehiyon upang matiyak ang tamang representasyon mula sa mga sektor na kulang sa kinatawan, kabilang ang mga magsasaka, mangingisda, maralitang lungsod at kanayunan, at mga katutubo na naninirahan sa malalayong probinsiya, ayon sa papaalis na alkalde ng Maynila.

Manny Pacquiao

Aalisin ang impunity sa paghahabol sa katiwalian sa gobyerno, at tinitiyak na ang mga bilangguan ay mapupuno ng mga tiwaling opisyal, ayon kay presidential aspirant Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao sakaling mahalal.

“Subukan lang nila ako ng anim na taon. Makikita nila na ‘yung ipapagawa kong mega prison mapupuno ‘yun. Tama na ang paghihirap na ang sambayanang Pilipino. Tama na paghihirap ng mga kasama ko kung saan ako nanggaling,” ayon kay Pacquiao kagabi sa PiliPinas Debates 2022: The Turning Point.

Bilang tugon sa isang katanungan kung ang pinagmulan ng katiwalian ay dapat tingnan bilang sistematiko o batay sa mga personal na pagkukulang, unang sinagot ni Pacquiao na gugustuhin niya ang isang ganap na automation ng burukrasya upang alisin ang mga fixer at iba pang go-between ngunit hindi na siya nagdetalye pa.

Ang pamumuno at political will, aniya, ay kailangan upang maalis ang katiwalian, at idinagdag na ang pagpaparusa sa mga tiwaling opisyal ay magiging isang epektibong pagpigil dito.

Nawawalang kura paroko, nakitang buhay sa Silang, Cavite

0

Rosario, Cavite. Natagpuang buhay ngunit nakagapos sa loob ng kanyang sasakyan ang isang kura paroko sa Cavite na nauna dito ay inireport na dalawang araw ng nawawala.

Nakitang walang malay ang parish priest ng Most Holy Rosary na si Reverend Father Leoben Peregrino sa loob ng kanyang sasakyan na nakaparada sa Silang, Cavite.

Dinala siya sa isang ospital sa Laguna ngunit hindi pa makausap upang makunan ng salaysay, ayon sa mga awtoridad.

Ayon sa pamilya ni Peregrino, bibiyahe sana ang pari sa Imus noong Biyernes ng umaga para bumili ng kandila.

Batay sa paunang report ni Rosario Municipal Police chief Police Colonel Ruther Saquilayan, binabalikan nila ang mga CCTV footage na dinaanan ng pari ngunit ang nakukuha pa lamang nila ay hanggang Dasmariñas na siya lamang ang sakay.

Hindi pa makausap si Father Peregrino dahil na-trauma sa pangyayari, ayon kay Saquilayan ngunit sinabi niya na hindi sila titigil hangga’t hindi natutukoy ang mga salarin, dagdag pa niya.

Nauna dito, nanawagan ang pamilya ni Father Peregrino sa publiko at humingi ng tulong matapos siyang hindi makabalik sa kumbento pagkatapos ng 48 oras.

6 ang patay, 15 ang nasugatan sa mass shooting sa downtown Sacramento; hindi nahuli ang suspek

0

Sacramento, California. Patay ang anim na biktima at hindi bababa sa siyam ang nasugatan sa mass shooting sa downtown Sacramento na nangyari kahapon ng umaga, ayon sa tweet ng Sacramento Police.

Hindi nagbigay ng anumang karagdagang detalye at hindi rin sinabi ng mga pulis kung naaresto na ang suspek sa pamamaril.

Sa video na naka-post sa Twitter ay makikita ang mga taong nagtatakbuhan sa kalye habang ang tunog ng sunod sunod na putok ay maririnig sa background. Ipinakita sa video na maraming ambulansya ang dumarating sa lugar na pinangyarihan.

Ang pulisya ay nagbigay ng ilang mga detalye tungkol sa insidente ng pamamaril ngunit sinabi sa isang tweet na isang “ang mananatili sa lugar ang maraming pulis at ang eksena ay nananatiling aktibo.” 

Hiniling sa mga residente na iwasan ang lugar, na puno ng mga restaurant at bar na patungo sa Golden One Center, kung saan naglalaro ng basketball ang Sacramento Kings.

Naglalakad ang mga emergency workers sa downtown Sacramento, Calif., pagkatapos ng isang mass shooting kahapon ngumaga, noong Linggo, Abril 3, 2022. Photo credits: The Sacramento Bee

2nd presidential debate ng Comelec isinagawa kagabi

Natapos kagabi ang ikalawang round ng Presidential Debate 2022 na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec) kung saan inilahad ng mga presidential aspirants ang kanilang plano para sa Pilipino.

Siyam sa sampung kandidato sa pagkapangulo ngayong 2022 ang dumalo sa ikalawang debate sa pagkapangulo sa Sofitel Philippine Plaza Manila kagabi kabilang sa mga dualo at nakipagtalakayan sina Ernesto Abella, Leody de Guzman, Norberto Gonzales, Panfilo Lacson, Faisal Mangondato, Jose Montemayor, Isko Moreno, Manny Pacquiao at Leni Robredo.

Inilalahad ng mga presidential hopeful ang kanilang mga plano para sa mga Pilipino.

Para sa debateng ito, tinatalakay ng 2022 presidential hopefuls ang ugnayang panlabas, pananagutan ng gobyerno, at kaligtasan at seguridad. Host ng nabanggit na pangalawang Presidential Debate ang award-winning broadcast journalist na si Ces Oreña-Drilon.

Narito ang ilang buod ng ginanap na talakayan kagabi:

BUOD: Paano mo itutulak ang ‘renewable sources’ ng enerhiya?

Nagdadalamhati si Leody de Guzman sa kawalan ng political will dahil mas kumikita ang fossil fuel. Idinagdag niya na ang Pilipinas ay maaaring sumali sa pandaigdigang kampanya laban sa climate change kung ang bansa ay ganap na magbawas ng mga coal plants at sa halip ay gumamit ng renewable energy. Nagbabala rin ang labor leader na vulnerable ang bansa dahil ito ay itinuturing na “expressway” para sa mga bagyo, na lumalakas dahil sa global warming.

Pinaalalahanan ni Leni Robredo ang publiko na may obligasyon ang Pilipinas sa UN Climate Change Conference (COP26) na maging carbon neutral pagdating ng taong 2050. Gayunpaman, walang malinaw na roadmap ang bansa kung paano ito makakamit. Binanggit ng bise presidente kung paano bumaba ang renewable energy sa pinaghalong enerhiya ng bansa mula 34% ilang taon na ang nakalipas hanggang 20% ​​ngayon. Inirerekomenda din niya na dapat magtrabaho ang gobyerno sa mga service contract para sa liquified natural gas dahil malapit nang maubos ang Malampaya gas field.

Sang-ayon si Ernie Abella kay Robredo sa kahalagahan ng pagkakaroon ng roadmap. Sinabi ni Abelal na ang pangunahing programa ng kanyang administrasyon ay gagawing isang malaking industriya ang agrikultura, na magsasama ng paglipat mula sa fossil fuels patungo sa renewable energy.

BUOD: Mahalaga ba ang karapatang pantao?

Mahalagang bawasan ang demand at supply ng narcotics, ayon kay Ernesto Abella, na nagtanggol sa war on drugs ng gobyerno bilang dating tagapagsalita ni Pangulong Duterte.

Pinuna ni Leody De Guzman ang tinawag niyang “Kill, Kill, Kill” ng administrasyong Duterte at ang mapanganib na pagsasagawa ng red-tagging na mga kritiko. Binago rin niya ang kanyang panawagan para sa abolisyon ng Anti-Terror Law, na inakda ni Panfilo Lacson sa Senado.

Sinabi ni Leni Robredo na ang karapatang pantao ay likas at hindi maiaalis. Sa digmaan laban sa droga, binibigyang-diin ni Robredo ang pangangailangang igalang ang karapatang pantao.

Si Lacson, sa kanyang bahagi, ay binatikos si De Guzman, na nagsasabing ang Anti-Terror Law ay maaaring hindi sikat ngunit mayroon itong mga pananggalang.

BUOD: Paano mo malalaman ang katotohanan sa likod ng mga extrajudicial killings na nauugnay sa ‘digmaan laban sa droga’?

Sinabi ni Manny Pacquiao na ang extrajudicial killings ay dapat imbestigahan ng maigi. Habang binabanggit ang mga naiulat na paglabag sa karapatang pantao na nauugnay sa war on drugs, sinabi ni Pacquiao na hindi niya ititigil ang kampanya. Dagdag pa ng senador, hindi niya papatayin ang lahat ng gumagamit kundi “papatayin” niya ang lahat ng mga nagdadala ng droga sa bansa.

Faisal Mangondato na ang mga taong sangkot sa iligal na droga ay dapat parusahan batay sa kanilang krimen at hindi dapat patayin.

Sinabi ni Jose Montemayor na ito ay kitang kita na at hindi na kailangan ng karagdagang imbestigasyon.

Screencap na larawan mula sa live streaming ng Comelec.