Papayagan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang walk-in para sa mga overseas Filipino worker, kabilang ang mga indibidwal na kwalipikado para sa courtesy lane ng passport nito simula Marso 14.
Sinabi ng DFA noong Miyerkules na ang mga OFW na mag-a-avail ng kanilang walk-in consular services ay kailangang mga aktibong OFW at kailangang magpakita ng kasalukuyan at valid na kontrata sa pagtatrabaho.
Ang patakaran ay ibinaba kasunod ng mga ulat na may ilang indibidwal na nagbebenta ng mga passport appointment slot sa social media, na dapat ay walang bayad.
Sinabi ni DFA Undersecretary Brigido Dulay na tinitingnan ng ahensya ang bagay na ito at hiniling sa Facebook na tanggalin ang mga concerned page.
Aniya, tinapik na rin ng ahensya ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation para imbestigahan at hulihin ang mga nagbebenta ng slot.
Noong Martes, nag-utos din si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na itigil ang paglalaan ng passport appointment slots sa mga recruiters.
“Recruiters will no longer be given passport slots. They will have to go online like everyone else. This won’t affect OFWs. From March 14, OFWs will be able to walk in with supporting docs. This should make passport appointments easier and as it should be, absolutely free for all,” dagdag pa niya.
Nasapol ng mga airstrike ng Russia ang tatlong ospital sa Ukraine kahapon, kabilang ang dalawa sa kanluran ng kabisera at isang maternity hospital sa kinubkob na port city ng Mariupol. Nasugatan dito 17 katao sa tinuran ng mga opisyal ng Ukrainian na “war crime” at isang “kabangisan.”
Ayon sa report, ang mga bomba ng Russia ay bumabaon sa lupa ng dalawang palapag ang lalim.
Ang mga pag-atake ay nangyari sa gitna ng pag-asa para sa malawakang paglikas ng mga sibilyan mula sa ilang napapaligirang na lungsod ng Ukraine, kabilang ang Mariupol, na ilang araw nang walang tubig, pagkain at kuryente at nagsimula ng maglibing ng mga bangkay sa isang mass grave dahil puno na ang mga morge dito.
Kaugnay nito, inakusahan ng Russia ang Ukraine na may chemical weapons labs. Sinabi naman ng secretary ng White House na si Jen Psaki na ang bintang ng Russia na “kakatwa” at sinabing ito ay maaaring bahagi ng isang pagtatangka ng Russia na maglatag ng batayan para sa paggamit ng mga mismong armas ng malawakang pagsira laban sa Ukraine.
Ngayong buwan ng Marso ay ipinagdidiwang natin ang International Women’s Day. Mahalaga talaga na mabigyan ng pagkilala ang ambag at kahalagahan ng kababaihan sa ating henerasyon. Ang sabi nga ay it’s time for women to step into the spotlight and claim their true power. Ang lakas at kakayahan ng kababaihan ay hindi pwedeng tawaran.
Noong 2019, nakilala namin ni Myrna si Ms. Julieta Bariuan Rashid, isang Pilipina na may kabiyak na Pakistani. Taga Maynila si Ms Juliet at may bukid sa Cagayan.
Naging bisita namin ang pamilya nya sa farm. Isang karangalan na nakilala namin siya.Sa aming mga kwentuhan, nasambit nya na walang hindi kayang gawin ang lalaki na hindi kayang gawin ng babae.
Si Juliet ay dumaan sa isang matinding depression dahil sa pagpanaw ng kanyang 10 years old na anak. Sa impluwensya at inspirasyon ng isang babaeng kaibigan ay nakagiliwan niya ang pagtatanim para maibsan ang matinding kalungkutan. Hanggang sa nakita nya na pwedeng maging additional na income ang farming.
Noong 2017 noong magdesisyon siya na bumili ng 10 ektaryang lupa sa Cagayan valley, bukod sa kanyang minana. Ito ay pinamahalaan niyang mag isa. Mula sa Maynila ay 10 oras siyang nagmamaneho para marating ang kanyang bukid. Kaha nga hanga talaga ang kanyang determinasyon, dedikasyon at tatag.
Nakita niya ang potensyal ng corn plantation. Nagpatanim siya ng 10 hectarya ng Yellow corn upang gawin ingredient ng animal feeds. Ito yung mais na ginigiling na kung tawagin ay crack corn para sa feeds. Hindi ito yung mais na nabibili natin sa palengke na kinakain ng tao.
Sa pagtatanim ng corn, sadyang mainam na pumili ng mahusay na binhi. Pioneer ang brand ng binhi na kaynag ginamit dahil ito ay matibay ito sa baha o sa tagtuyo.
Nagsisimula sa tag-ulan ang panahon ng pagtatanim ng mais. Mula June hanggang July basta umuulan na. Apat na buwan o 120 days bago umani. Sa isang puno ng mais ay may 2 bunga. Pagkatapos ng ani ng Agosto ay, pwede na uling magtanim sa Nobyembre o Disyembre. Napakaganda dahil sa loob ng isang taon ay dalawang beses mag aani.
Sa isang ektarya ay 2 bags na may timbang na 22 kilos na binhi ang kailangan. Pagkatapos maitanim ay bibilang ng 15 araw bago simulan ang pag aabono. Sa sampung ektarya ay humigit kumulang na 50 sako ang kinakailangang abono.
Ayon kay Ms. Julieta sa isang ektaryang maisan ay kumikita sya ng humigit kumulang na 25K hanggang 35K. Kung maganda ang presyo, sa sampung ektarya ay maaaring kumikita ng kalahating milyong piso sa loob ng 4 na buwan.
Bagyo ang karaniwang problema sa maisan. Pero ang sabi niya ay normal naman sa magsasaka ang aapektuhan ng bagyo.Tama nga naman dahil ang pagsama o pagbuti ng panahon ay bahagi na ng buhay ng farmers. At ito naman nakasanayan na nating paghandaan.
Ibinahagi ni din Ms Julieta na kagaya ng anumang negosyo, hindi dapat ipagkatiwala sa ibang tao ang farm. Mas mabuti, sabi niya kung personal at hands on tayo sa pamamahala.
Kahanga hangang babae si Ms. Julieta dahil nakaya niyang pangasiwaan at naging matagumpay ang kanyang maisan. Kaya naman ngayong Women’s Month ay nais ko siyang batiin at parangalan, saluduhan at papurihan. At nawa ay maging inspirasyon siya ng mga kababaihan sa lakas ng loob, sipag at katatagan bilang isang babaing magsasaka.
Handa na ba ang kababaihan sa pagbubukid? Tara! na samahan nyo kami!
San Mateo, Rizal. Nadakip sa ilalim ng isang police sting ang isang babaeng pangatlo sa listahan ng Most Wanted sa Calabarzon na sangkot sa kidnapping .
Si Maria Cecilia Tuazon 58 anyos na residente ng Brgy. Rizal sa nabanggit na bayan ay inaresto ng mga tauhan ng San Mateo Police Station sa kanyang hideout sa Brgy Guitnang Bayan 1, bayang ito sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 75, San Mateo, Rizal para kasong 27 counts ng Kidnapping and Serious Illegal Detention.
Si Tuazon ay dinala sa San Mateo Municipal Police Station custodial facility, habang ang kopya ng warrant of arrest ay ibabalik sa court of origin para sa pagpapalabas ng commitment order.
May nag trending na paksa ng child abuse offender sa Twitter. Tungkol ito sa isang lalaking teacher sa isang Catholic school sa San Pablo City na “pasimpleng nanghihipo ng mga babaeng estudyante, naninilip ng mga estudyanteng kahit naka-uniform naman ng maayos, nagchachat ng mga bagay na hindi angkop sa tamang pakikipag usap ng teacher sa estudyante.” Ito ang eksaktong paglalarawan sa tinurang pedophile sa Twitter na may hashtag na #kulayPOSASangbukas
Twenty six na bata ang nabiktima ni Sir, ayon pa rin sa mga social media platforms na tanging naging sumbungan ng mga nagrerebeldeng kalooban ng mga apektadong netizens.
Nagpapa-install ng Team Viewer ang teacher sa mga estudyante dahil gagamitin daw sa klase. Ang Team Viewer ay isang comprehensive, remote access, remote control and remote support solution. Pwedeng buksan ang camera ng device ng bata gamit ang app na ito ng hindi niya alam.
Ang nakakalungkot, hindi naibsan ang sakit ng kalooban ng mga biktima at kanilang ang mga magulang sa naging hakbang ng eskwelahan laban sa teacher. Dinismis lang daw ito sa pagtuturo. Magpatawad daw dahil na-hack lang ang account nito. Kung ganon, dapat isangguni sa PNP Anti-cyber crime group ang kaso para matiyak kung totoo ngang hacked ang account na ginamit sa pambabastos sa mga bata. Forgiveness is a process.
Once a sex offender, always a sex offender ito ang paniniwala ng mga pulis sa buong mundo batay sa kanilang mga karanasan. Kung makakalipat ng trabaho sa pagtuturo sa ibang lugar ang subject, posibleng gawin niya uli ang krimen. Sayang naman ang kabanalan kung makakaya nilang kunsintihin ito.
Nag iiwan ng malalim na pisikal o emosyonal na peklat sa isang menor de edad ang pangmomolestya. Matagal ang healing process nito at madalas ay hindi na gumagaling. Dahilan upang hindi dapat binabalewala alang alang sa imahen ng eskwelahan o anumang institusyon.
Higit sa lahat, kapag ang isang mag-aaral ay nakakuha ng lakas ng loob na magsumbong na siya ay inabuso, ang kaso ay dapat suriing mabuti, at ang bata ay dapat bigyan ng lahat ng posibleng suporta at pangangalaga.
Anumang half-baked investigation, o pagpapakita ng pag-aatubili na ituloy ang kaso, ay mag-iiwan lamang ng sugat at peklat sa biktima sa mahabang panahon, kung hindi man permanente.
May malaking role ang mga paaralan sa pagprotekta sa mga bata? Ang mga nangangasiwa at nagtatrabaho sa mga setting ng edukasyon ay may tungkulin na magbigay ng environment na sumusuporta at nagtataguyod ng dignidad, pag-unlad at proteksyon ng mga bata. Ang mga guro at iba pang kawani ay may obligasyon na protektahan ang mga bata na kanilang pinangangasiwaan. Ang tungkuling ito ay inilarawan sa Artikulo 19 ng Convention on the Rights of the Child (United Nations, 1989), na pinagtibay ng halos lahat ng bansa. Ang sabi dito: 2 Introduction 3 State Parties shall take all appropriate legislative, administrative, social and educational measures to protect the child from all forms of physical or mental violence, injury or abuse, neglect or negligent treatment, maltreatment or exploitation, including sexual abuse, while in the care of parent(s), legal guardian(s) or any other person who has the care of the child.
Paanong maipoporma ng eskwelahan ang puso ng bata kung eskwelahan mismo ang nag aalangan na ipaglaban ang proteksyon nila?
Sinasaluduhan ko ang mga magulang, estudyante at supporters ng #kulayPOSASangbukas dahil nakapagsimula sila ng public awareness tungkol sa reyalidad ng sex offenders sa San Pablo City. Ito ay isang hudyat para sa buong lipunan upang palalimin ang pampublikong talakayan. Mahalaga ito upang makapagtaguyod tayo ng ligtas na San Pablo.
Mahigit isang daang Filipino nationals ang nakaalis napeligro ng patuloy na digmaang Ukraine-Russia, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.
Sa isang briefing ng Laging Handa, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola na 63 Pilipino na ang naiuwi at higit pa ang inaasahang darating sa Marso 9 at sa mga susunod na araw.
Hindi bababa sa 136 ang naghihintay para sa kanilang pagpapauwi mula sa iba’t ibang bansa sa Europa pagkatapos tumawid sa mga border ng Ukraine.
Bago nakauwi ang unang batch ng mga repatriate ng DFA, tinatayang nasa 380 Pilipino pa ang naninirahan at nagtatrabaho sa Ukraine.
“A little over a hundred” land-based overseas Filipinos are still inside the war-torn country and are reluctant to go home,” ayon kay Arriola.
Para naman sa mga marino, nakikipag-ugnayan ang DFA sa kanilang mga local manning agencies at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para mapadali ang kanilang paglikas.
Samantala, pinayuhan sila ni Arriola na humiga at magtago, lalo na kapag matindi ang bombahan at hindi na posible ang paglikas.
“If that is the case, we have been advised by our security sector that you have to hunker down and take cover and wait until the firing subsides. You should not take the risk and leave your ships,” ang bilin niya sa mga Filipino.
Sinabi ni Arriola na karamihan sa mga land-based na Filipino sa Ukraine ay nasa Lviv at Kyiv habang ang mga seafarer ay nasa Black Sea sakay ng kanilang mga merchant ship.
Noong Martes, ligtas na nakarating sa Pilipinas ang 21 Filipino crew members ng MV S Breeze matapos ang isang rescue sa Odessa, Ukraine patungong Moldova noong unang bahagi ng buwan. Kasama rin sa 63 repatriates ang mga seafarer mula sa MV Joseph Schulte.
“As for seafarers, we are closely monitoring with POEA. We are receiving several calls for evacuation and we are helping them… We’re expecting more to arrive today and the following days,” dagdag pa ni Arriola.
Inatasan ng Malacañang ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa pagkawala ng 31 “sabungero.”
Nakasaad ito sa March 8 memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea at naka-address kay Interior Secretary Eduardo Año, Justice Secretary Menardo Guevarra, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) chairperson at Chief Executive Officer (CEO) Andrea Domingo.
Inatasan ni Medialdea ang PNP at NBI na “isumite ang mga natuklasan sa tanggapan ng Pangulo at sa Department of Justice (DOJ) sa loob ng 30 araw mula sa paglabas ng kautusang ito.”
Inatasan din niya ang Pagcor na magsagawa ng imbestigasyon para sa anumang paglabag ng mga e-sabong licensee nito sa ilalim ng kanilang umiiral na mga tuntunin ng kasunduan at upang matiyak ang pagsunod sa mga kinakailangan sa seguridad at surveillance sa ilalim ng regulatory framework nito para sa e-sabong off-cockpit betting stations, partikular ang installation. ng mga CCTV system sa e-sabong gaming sites at iba pa.
Sinabi ni Medialdea na maaaring magpatuloy ang operasyon ng mga e-sabong licensee na hindi iniimbestigahan.
“Unless otherwise directed, the operations of e-sabong licensees must remain unaffected, pending the result of the investigations,”ayon sa memo.
Ang nabanggit na memorandum ng Palasyo ay bilang tugon sa Senate Resolution 996 na humihimok na suspindihin ang operasyon at lisensya ng e-sabong (online cockfighting) hangga’t hindi nareresolba ang mga kaso ng 31 na nawawalang sabungero.
Samantala, hindi sumunod ang Pagcorsa utos suspindihin ang mga operasyon ng e-sabong sapagkat ayon dito ay maaaring managot sila kung gagawin ito nang walang legal na batayan.
Ang panel ng Senado ay kasalukuyang nagsasagawa ng serye ng mga pagdinig sa walong insidente ng pagdukot na kinasasangkutan ng 31 katao na naganap sa pagitan ng Abril 2021 at Enero ngayong taon. Ang mga pagdukot ay nauugnay umano sa pagkakasangkot ng mga biktima sa e-sabong.
Ilan sa mga nawawalang tao ay dumalo sa mga sabungan na pinamamahalaan ng negosyante at dating gaming consultant na si Charlie “Atong” Ang.
Kay sarap balikan ng kasaysayan. Sina Adan at Eba. Ang mabubuti at masasamang hari at lider ng mga bansa. Mga pag-aaklas at rebolusyon. Mga hamon sa digmaan, kalamidad, at pandemiya. Mga pagtuklas. Mapait man ang kasaysayan, mahalaga pa rin ang pagkamulat. Walang pagkamulat kung walang magsasabi sa katotohanan ng kasaysayan. Kung kalaban ka ng kasaysayan, babaguhin mo ang kasaysayan at kakampi mo na ang mga sinungaling. Habang binabago mo ang kasaysayan, nalilito mo ang mga tao, maliban sa mga ayaw magpaloko. May tsansang maniwala sa kasinungalingan mo ang ilan.
Mas malaking tsansa kung may pera kang pansuhol sa kasinungalingan mo at meron kang binabayarang PR firms na silang bahala para pabanguhin ang pangalan mo at siraan ang mga naninira sa iyo. Sa gayon, hindi halata na naninira ka ng tao. Kaninong formula ito? Sa ilang yumaong lider ng mga bansa. Minsang nagamit ito ni Donald Trump bukod pa sa siya mismo’y nakapaghasik ng fake news, pero nagapi rin naman siya ng katotohanan dahil sadyang merong tagapaghatid o tagasuporta ng facts, at nabigong pagtiwalaan pa rin siya ng mas nakararaming botanteng Amerikano sa pagtakbo niyang muli sa pagkapangulo. Nakagawa tuloy si Trump ng makabagong kasaysayan doon: nakaupong pangulo pero talo sa re-election.
Sa Pilipinas, talamak din ang fake news. Mahirap patunayan ang masasamang gawi sa industriya ng PR sapagkat, una, mahirap din namang lahatin; marami pa ring matitinong PR firms and practitioners. Lehitimo ang paggawa nila ng positive publicity, saka merong sinusunod ding etika para rito.
Makatutulong talaga sa pagdedesisyon ng botante kung meron silang pinanghahawakang kasaysayan dahil, gaya nga ng naituro ni Edward Augustus Freeman (1880) at nailathala sa kanyang Lectures to American Audiences (1882), ito’y dating pulitika at ang pulitika ay kasalukuyang kasaysayan. (Orihinal na pahayag: “Now the position for which I have always striven is this, that history is past politics, that politics are present history.”) Nakilala si Freeman bilang tagapagtaguyod ng kasaysayan ng England na nagbigay ng tamang diin sa pagkakaisa ng kasaysayan, at nagturo ng kahalagahan at tamang paggamit ng primary sources o mga pangunahing sanggunian. Kung merong pag-iingat ang tao sa katotohanan, maipakikita niya ito sa salita, hindi lang sa gawa. Napatunayan ito ni Freeman, samantalang sa makabagong takbo ng pulitika sa Pilipinas, napatunayan naman ni Luke Espiritu ang kahangalan ng mga pulitiko.
Ayon kay Atty. Espiritu na isa sa pinakatumatak sa isipan ng mga nakapanood ng debate niya sa kapwa senatorial candidates, meron siyang nalalamang kasaysayan. Sabi niya sa dating presidential spokesman: “I know your history. You were anti-Marcos before. You were for human rights before. You spent your life against the Marcoses. You worked for human rights, and now that you were given a Senate spot under the party of Bongbong Marcos, you cry hallelujah and praise Marcos.”
Tumugon man nang maayos ang kanyang katunggali, napabilib naman ni Atty. Espiritu ang mga manonood sa pagbangga niya sa batikang abogado/propesor sa debate. Isa pang abogado pero suspendido ang binara ni Espiritu sang-ayon sa pagtingin niya sa kung ano ang mahalagang maituro sa mga kabataan. Biglang dami ng tagasubaybay ngayon ni Atty. Espiritu sa social media. Kaya nga, sa tingin ko, mahalaga ang kasaysayan para hindi maloko sa kasalukuyan at hinaharap. Magpakita man ng suporta ang dating defense minister noong diktaduryang Marcos sa kanyang Jr, wala itong saysay. Nailalagay pa nga sa bingit ng alanganin ang reputasyon ng matanda dahil, anumang pagbabaligtad ang sabihin niya sa panayam sa kanya ni Marcos Jr, ang nagawa na ay nagawa na. Bahagi na ng kasaysayan ang aksyon at pananalita ng pagtalikod ng defense minister habang may pinag-uutos sa kanya ang matagal nang pangulo ngunit malapit nang mapatalsik ng taumbayan sa kasagsagan ng EDSA 1986. Katunayan, sabi ng Minister, “We are no longer afraid to die because enough is enough. Mr. President, I think you know that your time is up.” Napag-aralan sana ni Marcos Jr ito, maliban na lang kung talagang handa siyang makipagbolahan dito, makakuha lang ng dagdag-suporta sa kandidatura niya ngayong Mayo.
Isang pagpapatibay (validation) sa kasaysayan ng paglilingkod ang isang endorsement na may maliwanag na pagpapaliwanag para sa naghahangad na maging lider ng bansa.
Ang endorsements na natatanggap ni VP Leni Robredo ay puro malalaman. Bawat paliwanag ng endorso sa kanya ay kumakain ng dalawang pahina. Maiksi ang nagugol na oras ni Robredo sa pagiging pulitiko, pero ang kailangan lang tingnan ng endorsers ay kasaysayan ng kanyang paglilingkod sa publiko. Nakatataba ng puso ang bawat endorso sa kanya kung ikaw ang babae o isa ka sa mga babaeng anak ni 2000 Ramon Magsaysay Government Service Awardee Jesse Robredo. Ewan ko na lang kung meron ding ganoong positibong epekto ang mga natanggap na endorsement ng kalaban ng nangungunang katunggali ni VP Leni. Masyado kasing salat sa paliwanag ang pagkakaendorso o pahayag ng suporta sa kandidatura ni Marcos Jr mula sa mga pulitiko at ilang grupo na maaari na namang mauwi sa pagbaba niya sa pwesto sa surveys ilang buwan bago mag-eleksyon. Kasaysayan din ang makapagtuturo sa kanya: parang panalo pero talo noong 1995 at 2016.
During one of the seminar-workshops back then sponsored by John Hopkins University and San Miguel Corporation in Sta. Rosa, Laguna, keynote speaker Ms. Shiela Coronel encouraged the local media practitioners to always write about children – their health, their education, their plight in dealing with their family and with the community etc. She emphasized the importance of caring for the children because they will be the ones to rule our country in the future.
In all the televised fora, interviews and debates involving political aspirants that I’ve watched so far, it’s quite noticeable that none asked about the children except Dr. Eleonor Cardona during the recent SMNI Senatorial debate held at Okada Manila on March 2, 2022. She wanted to know how the senatorial aspirants would uplift and/or solve the problems of children found in conflict with the law. This subject must be tackled and resolved because children are found being used by syndicates in their unlawful activities knowing that they cannot be held criminally liable.
The senatorial aspirants gave varied views about the issue but it appears that all of them agreed that no child was born with a criminal mind. That if ever the child does something in conflict with the law, he must have been neglected by the people in charge of nurturing him. The welfare of the children is a significant issue that must be given utmost attention by everyone in the community. One great Asian said that “it is the social being that determines the consciousness of a man and not the other way around” so, it is my opinion that our leader(s) must establish a society conducive to the moral, physical, social and spiritual development of a child.
Honestly, it is so frustrating to hear politicians promising the moon and the stars to the voters but obviously neglecting the welfare of the children. They seem too busy impressing the public and the media with their life’s accomplishments and educational background but giving too little or no attention at all to the needs of the children. Lucky are those who were born and raised in the urban communities with available hospitals, schools, internet cafes, amusement parks and recreational facilities. Life may be hard for the poor children in urban areas but harder for the indigenous people who live in the mountains or isolated barangays.
During the aforesaid debate, one of the natives, a young girl from Mindanao I think, asked the senatorial aspirants what concrete step they can take to preserve their ancestral domain and how they can get the kind of education accorded to other kids. The answer to the question progressed into a heated argument between Atty. Luke Espiritu and Atty. Larry. Gadon was softly criticized by panelist Dr. Cardona as “being juvenile”.
If we want a better Philippines, let us begin at home by teaching our children the moral values they need. Teach them the biblical lesson about the correct way they should go so that when they grow up, they will not depart from it. I am also quoting here two lines from a song. “Show them all the beauty they possess inside, give them a sense of pride” so they will be inspired to strive hard to be a better person.
Taytay, Rizal. Nasakote ang tatlong suspek na pusher sa bayang ito sa isang drug buy-bust operations sa ilalim ng programang ‘Pabili Nga Po.’
Ang mga suspek na kinilalang sina Asgar Bongcarawan, 27 anyos na vendor; Ryan Acralea, 41 anyos na taga Olongapo at Noel Casiber alyas Bonbon, 47 anyos na taga Leyte ay nadakip sa isinagawang operasyon ng Rizal Police Investigations Unit sa pamumuno ni PLT Daniel M. Solano at sa pangangasiwa ni PMAJ Joel J. Custodio.
Nakumpiska sa kanila ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Ph 272,000 sa harap ng barangay chairman ng lugar.
Ayon sa mga pulis, isang sumbong ang kanilang natanggap hinggil sa isang alyas Asgar na diumano ay aktibong sangkot sa talamak na bentahan ng droga sa kahabaan ng Glenwood Subdivision, Brgy. Muzon, Taytay, Rizal kung saan ay isinagawa ang matagumpay na operasyon.
Ang mga suspek at mga ebidensya laban sa kanila ay dinala sa Rizal Provincial Forensic Unit, Hilltop, Taytay, Rizal upang sumailalim sa eksaminasyon, ayon sa report ni Rizal Police Provincial Director, Police Colonel Dominic L. Baccay reported kay Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Antonio C Yarra.
We use cookies on our website to give you the most relevant experience by remembering your preferences and repeat visits. By clicking “Accept All”, you consent to the use of ALL the cookies. However, you may visit "Cookie Settings" to provide a controlled consent.
This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. These cookies ensure basic functionalities and security features of the website, anonymously.
Cookie
Duration
Description
cookielawinfo-checkbox-analytics
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Analytics".
cookielawinfo-checkbox-functional
11 months
The cookie is set by GDPR cookie consent to record the user consent for the cookies in the category "Functional".
cookielawinfo-checkbox-necessary
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookies is used to store the user consent for the cookies in the category "Necessary".
cookielawinfo-checkbox-others
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Other.
cookielawinfo-checkbox-performance
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Performance".
viewed_cookie_policy
11 months
The cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin and is used to store whether or not user has consented to the use of cookies. It does not store any personal data.
Functional cookies help to perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collect feedbacks, and other third-party features.
Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.
Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.
Advertisement cookies are used to provide visitors with relevant ads and marketing campaigns. These cookies track visitors across websites and collect information to provide customized ads.