Monday, April 27, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 766

Sarhento ng Army, nakitang patay sa loob ng kampo

0

Tanay, Rizal. Patuloy ang pagsasagawa ng  imbestigasyon sa pagkamatay ni Sgt. Ryan France, 26 anyos na nakitang patay na sa loob ng Camp Capinpin, bayang ito.

Si France ay nakita ng isang nagngangalang Pvt. Rayzil Acedes na nakalugmok sa lupa na patay na at may malalalim na sugat sa ulo noong Enero 16, 2022, bandang 7:00 ng umaga, ayon sa reprt na ipinadala ng Tanay PNP sa Police Regional Office 4A.

Ang biktima ay tubong La Esperanza Mulawin, Sta. Cruz, Oriental Mindoro. Naka destino siya sa nabanggit na kampo ng Philippine Army bilang Training Model Officer ng Infantry Orientation Course Class 2021. Huli siyang nakita na nangangasiwa sa neophute class partikular sa kaso ng harassment ng mga estudyante sa Alpha Company.

Php 350K na halaga ng shabu nakumpiska: 2 suspek arestado

San Pedro City, Laguna. Nahuli ang dalawang suspek sa anti-illegal drugs at nakumpiska ng mga pulis ang dala nilang Php 350.00 na halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operations na isinagawa sa lungsod na ito.

Ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay CALABARZON Regional Director PBGEN Eliseo DC Cruz, dinakip kahapon ng mga elemento ng San Pedro City Police Station sa pamumuno ni officer-in-charge PLTCOL Socrates S. Jaca ang dalawang anti-illegal drug suspek na kinilalang sina Gilbert Gabatin alyas Bert, delivery rider at residente ng Brgy. Maharlika, San Pedro City Laguna kasama si Mary Grace Lorona na residente ng Brgy Poblacion Muntinlupa City. 

Nakuha sa mga suspek ang 10 sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 50 gramo at nagkakahalaga ng Php 350,000 bukod sa Php 1,500 na buy-bust money.

Ang mga nadakip ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng San Pedro Police Station at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Ipapadala naman sa Crime Lab ang ebidensya na nakuha sa kanila upang isailalim sa forensic examinations.

Kaugnay nito, pinuri ni PCOL Campo ang mga tauhan ng San Pedro CPS sa kanilang matagumpay na operasyon sa pakikipaglaban ng pamahalaan sa illegal drugs at kriminalidad. 

“The intensified Anti-Illegal Drugs Operation of Laguna PNP produced extra triumph with the support of the community. We will endure to stretch our effort to win our war against Illegal drugs,” ayon sa mensahe ni PCOL Campo.

DOLE cash aid para sa workers na apektado ng Alert Level 3, may panuntunan na

Inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang guidelines para sa pagkakaloob ng cash aid para sa mga manggagawang apektado ng pagpapatupad ng Alert Level 3 sa maraming lugar, sa pamamagitan ng Covid-19 Adjustment Measures Program (CAMP).

Sa ilalim ng kautusan, tanging ang mga manggagawa sa pribadong sektor sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 pataas ang sakop ng one-time cash assistance na PHP5,000.

Sa Department Order No. 232 na nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III noong Huwebes, hindi kasama sa programa ang mga empleyado ng gobyerno, mga manggagawa sa sektor ng turismo na nakakakuha na ng tulong mula sa CAMP ng DOLE.

“These guidelines specify the objectives and coverage, program assistance and corresponding requirements, and the procedures concerning the delivery of financial support as means of social protection and welfare for affected workers in the formal sector,” ayon sa DOLE.

Ang CAMP ay isang safety net program na nagbibigay ng isang beses na tulong pinansyal sa mga apektadong manggagawa sa formal sector apektado ng pandemyang Covid-19 at ng mahigpit na pagpapatupad ng quarantine policy sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sinabi ng DOLE na sakop ng cash assistance ang mga empleyado mula sa mga pribadong establisyimento na nagpatupad ng permanent closure, retrenchment, o temporary closure bilang mitigating measures dahil sa Covid-19 pandemic at deklarasyon ng Alert Level 3 o mas mataas pa mula Enero 2022 pataas.

“Affected workers, workers in private establishments whose employment face or suffer interruption due to the Covid-19 pandemic are categorized as; Displaced workers – workers whose employment is permanently terminated by reason of retrenchment or permanent closure of establishment (PC); and Suspended workers – workers whose employment is temporarily suspended by reason of the temporary closure or suspension of operations of the employer’s business establishment (TC),” batay sa order.

Upang maakuha ng cash aid, ang employer o ang mangagawa ay maaaring magsumite ng application online sa link na ito:

https://reports.dole.gov.ph/

Para sa mga apektadong establisyimento, kailangan nilang magsumite ng online na ulat ng TC o PC sa pamamagitan ng DOLE Establishment Reporting System (ERS) na sumasaklaw sa buwan ng Enero 2022 pataas kung ang aplikante ay nasa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 3 o mas mataas, pinakabagong payroll o alinman sa mga sumusunod mga alternatibong dokumento na nakasaad sa DOLE Labor Advisory No. 12-A, Series of 2020 na sumasaklaw sa Nobyembre o Disyembre 2021, o Enero 2022 pataas: Proof of payment of wages via logbook o ledger; Employment contract; Cash voucher o petty cash voucher; Authority to debit account na ipinadala ng employer sa bangko para sa sweldo ng mga empleyado; SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG Alphalist o list of remittances; o List of employees na may 13th month pay.

Para sa mga apektadong manggagawa/indibidwal, kailangan nilang magsumite ng alinman sa mga sumusunod na kinakailangan sa dokumentaryo: Malinaw na larawan ng kanyang sarili na may hawak na government issued ID; at Duly notarized na patunay ng kawalan ng trabaho (i.e. Certificate of Employment, Notice of Termination, Notarized Affidavit of Termination Employment, o Notice of Temporary Lay-Off) na may nakasaad na petsa.

Ang mga aplikasyon ay susuriin ng DOLE regional office sa loob ng three working days mula sa pagtanggap nito.

Tatlong suspek na rapist na MWP, nasakote ng Laguna PNP

Sta. Cruz, Laguna.  Nadakip ang tatlong Most Wanted Person (MWP) na rank 2, 8 at 9 sa listahan ng top ten MWP sa Calabarzon sa magkakahiwalay ng operasyon, ayon sa report ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay CALABARZON Regional Director PBGEN Eliseo DC Cruz.

Inaresto sa isang joint manhunt ng mga tauhan ng Calamba Police Station sa pamumuno ni PLTCOL Arnel L. Pagulayan ang rank 2 MWP na si Jose Castillo alyas Kuya Puti, 42 anyos at residente ng Barangay Makiling in Calamba City.

Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng  Family Court, Branch 8 sa Calamba City sa kasong 4 counts ng statutory rape laban sa isang 12 anyos na batang babae.

Sa Calauan, Laguna, nadakio sa kanyang bahay sa Brgy. Mabacan ang rank 8 MWP na si Ronnie Gimenez, 20 anyos.  Sa pangunguna ni Calauan Acting chief of police Jollymar R. Seloterio katulong ang RIU-4A Laguna Provincial Intelligence Team (PIT), ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng Regional Trial Court, Branch 8, Family Court sa Calamba City hinggil sa kasong statutory rape.

Samantala, inaresto sa Sitio 3, Bagumbayan sa Sta. Cruz, Laguna ang rank 9 MWP na si Cedrick Cambel alyas Cedric Errol Cambel, 37 anyos at ang live-in partner nito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Jaime P. Blancaflor ng Regional Trial Court, Branch 26sa kasong rape. Ang suspek ay nadakip sa isang operasyon na pinamunuan ni Sta. Cruz Municipal Police Station Officer in charge PLTCOL Paterno Domondon, Jr.

Ang mga suspek ay pansamantalang nakapiit sa mga nakakasakop na police unit habang inaabisuhan ang mga korte kung saan ay nakasampa ang mga kaso laban sa kanila.

“We are continuously in pursuit of the people who inflict abuse or violence against women and children. And we are not alone in this goal, kaakibat natin ang mga LGU at komunidad,” ayon sa mensahe ni ni PCOL Campo.

4 na sabungero, nawala matapos mag sabong sa Laguna

0

Sta. Cruz, Laguna. Apat na magkakasamang sabungero ang nawala matapos magsabong sa Sta. Cruz Arena sa bayang ito noong Enero 13, 2022.

Ang mga missing persons ay kinilalang sina Ferdinand Dizon, Mark Paul Fernandine, Manny Magbanua at Melbert John Santos, pawang mga residente ng Tanay, Rizal.

Ayon sa asawa ni Dizon, nakita niya sa livestream na nagbutaw pa ng dalawang manok ang kanyang mister noong Enero 13 ngunit hindi na ito ang nagbutaw sa tatlo pang manok na dala nito.

Si Fernandine ay tagabitbit ng manok at si Santos ay driver ng van na inarkila ng grupo.

Noong Enero 14 ay nakita sa CCTV footage na lumalabas sa sabungan ang van na sinakyan ng apat ngunit hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay hindi pa sila nakakauwi sa kani kanilang pamilya. 

Hinala ng pulisya na posibleng pantitiyope o match fixing ang motibo ng pagkawala ng apat na magsasabong.

‘Yon ang iniimbestigahan natin, kasi may sabi-sabi na ‘yong manok [ay] may damage na, pinutulan ng ugat, parang game-fixing din,” ayon kay Santa Cruz Police Station Chief Lt. Col. Paterno Domondon sa panayam sa kanya sa telebisyon.

Nakapagtala ang PH ng 31K bagong impeksyon, 26K ang nakarekober

0

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 31,173 bagong Covid-19 infections at 26,298 bagong recoveries kahapon, Enero 20, 2022.

Ang mga active case ay tumaas sa 275,364 habang ang kabuuang recoveries ay tumalon sa 2,995,961, o 90.1 porsyento ng 3,324,478 na impeksyon na naitala mula noong nagsimula ang pandemya noong Marso 2020.

Ang mga bagong kaso ng Huwebes ay mas mataas kaysa sa 22,958 noong Miyerkules.

Sa mga aktibong kaso, 262,168 ang mild, 2,979 ang moderate, 8,424 ang asymptomatic, 1,488 ang malala, at 305 ang kritikal.

“Sa 31,173 na naiulat na kaso ngayon, 29,708 (95 porsyento) ang naganap sa loob ng nakalipas na 14 na araw, Ene. 7, 2021 hanggang Ene. 20, 2022,” ayon sa DOH.

Ang mga rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na may 8,883 o 30 porsyento ng mga bagong impeksyon; Region 4-A (Calabarzon), 6,471 o 22 porsyento; at Central Luzon, 2,783 o 9 porsyento.

‘Resbakuna sa Botika’ pinag iisipang isagawa sa labas ng NCR

0

Sisimulan ang pilot test sa “Resbakuna sa Botika” sa araw na ito, Enero 20, ayon kay Presidential Adviser for Covid-19 Response Vivencio Dizon. Layunin ng gobyerno na palawakin ang inisyatiba sa pagbabakuna sa labas ng Metro Manila, ayon sa kanya.

Sa Laging Handa public briefing noong Miyerkules, sinabi ni Dizon na hangad ng gobyerno mag pilot test ng Covid-19 vaccination sa mga botika sa loob ng isang linggo bago palawakin ang pagsisikap na ito sa ibang bahagi ng bansa.

Tinukoy niya ang mga pangunahing botika sa Metro Manila na lalahok sa “Resbakuna sa Botika” na kinabibilangan ng The Generics Pharmacy, Generika Drugstore, Healthway Clinic, Mercury Drug, Watsons, QualiMed, at Southstar Drug.

 “Bukas, apat na botika ang magbubukas sa Metro Manila at sa Biyernes, tatlo, kasama ang dalawang klinika. At sa mga susunod na linggo, palalawakin natin iyon. Ang layunin ay mailapit natin ang ating pagbabakuna sa ating mga kababayan para mas mabilis tayong mabakunahan at mas marami ang mabakunahan,” ayon sa kanya.

Nilinaw ni Dizon na booster shots lang ang ibibigay ng mga botika sa “Resbakuna sa Botika”.

Ang mga pharmacist ng mga drugstore ang magbibigay ng mga booster shot, dagdag pa niya.

Sinabi ni Dizon na papayagan din ang mga walk-in vaccinee na makakuha ng booster shots, ngunit kailangang sumailalim muna sila sa onsite registration.

“Libre po ito; walang bayad ito, kagaya na rin ng mga bakunahan natin sa mga LGU natin kaya wala pong problema ang ating mga kababayan dito at mas mapapadali pa sana sa kanila,” ayon sa kanya.

Nauna dito, sinabi ni NTF chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., na ang Resbakun Sa Botika ay gagawin sa iba pang lungsod sa labas ng NCR at sa iba pang rehiyon “batay sa readiness and safety inspections sa layuning mailapit sa publiko ang pagbibigay ng booster dose.”

Tutugunan din nito ang kakulangan ng mga vaccinators dahil tinatarget ng gobyerno ang hindi bababa sa 90 milyon na fully vaccinated sa kalagitnaan ng taon, dagdag niya.

‘RESBAKUNA SA BOTIKA’. Nagbigay ng kanyang mensahe si Trade Secretary Ramon Lopez sa paglulunsad ng “Resbakuna sa Botika” sa Southstar Drug branch sa Bayan-Bayanan Ave. sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City kanina (Enero 20, 2022). Ang bagong inisyatiba sa bakuna ay naglalayong ilapit sa publiko ang pagbibigay ng booster dose. (Screenshot mula s

Live-in partner na nangholdap sa Seven Eleven, timbog sa San Pablo City

0

San Pablo City, Laguna. Huli ang mag live-in partner na nangholdap sa isang convenience store sa San Pablo City, ayon sa report ni San Pablo City Police Chief PLTCOL Gary C. Alegre kay Laguna Provincial Police Office Director PCOL Rogarth B. Campo kahapon.

Ang mga suspek ay kinilala ni PCOL Campo na sina Kevin Ranther Cayabyab Medrano, 25 anyos, isang online moderator kasama ang kanyang kinakasama na si April Joy Arevalo Abaquita, 23 anyos, pawang residente ng Barangay VI-E, San Pablo City sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa report, bandang 8:30 kagabi ay pumasok ang mga suspek sa Seven Eleven convenience store sa Brgy. del Remedio sa San Pablo City at itinali ng lace na kulay pink ang dalawang tauhan nito sa back room at binantaan na huwag manlalaban kung ayaw nilang masaktan. 

Kinuha ng suspek na si Medrano sa manager na kinilalang si Marissa Tolentino Capilit ang benta sa kaha na nagkakahalaga ng Php 99,940.00.

Bago makalabas ang mga suspek ay nakalas ang pagkakatali sa isang tauhan na kinilalang si Judy Ann Tigbao na agad humingi ng saklolo sa mga bystander kung kaya nakulong sa loob ng tindahan ang dalawang suspek hanggang sa dumating ang mga barangay tanod ng Brgy. del Remedio.

Agad silang dinakip at dinala sa San Pablo City Police Office kung saan sila ay kasalukuyang nakakulong at nakatakdang humarap sa kasong robbery hold-up.

Nabawi ng mga pulis ang perang ninakaw ni Medrano na halagang ninety-nine thousand nine hundred forty pesos.

“Bilang prime onlookers sa kani-kanilang lugar, malaki ang tiwala at pasasalamat ko sa suporta ng ating mga barangay enforcers sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating lugar,” ayon sa mensahe ni PCOL Campo.

Covid Peak sa San Pablo City posible sa mga darating na ilang Linggo

0

Sa nakalipas na tatlong tatlong linggo (Disyembre 30  hanggang Enero 19, 2022), 864 ang naiulat na confirmed covid cases sa official health bulletin ng San Pablo City. Nakarekober anga 433 covid patients at dalawa ang hindi nakaligtas sa karamdaman kaya 429 ang natitirang active cases.  Ang 389 nito ay nasa loob ng lungsod at naka-isolate at ang 30 ay nasa labas ng San Pablo.

Matatandaan na naging Covid Free ang San Pablo bago makapagtala ng bagong mga kaso noong nakaraang December 30, 2021.  Naibalitang 2 ‘Annex Cases’ ang pinagmulan ng hawahan at 9 close contacts agad ang nag positibo sa virus matapos  mai-swab test. 

Disyembre 30 hanggang Enero 5 ay 87 ang naiulat na naging kaso ng Covid. Sa sumunod na linggo (Enero 6 – Enero 12) ay halos apat na beses ang pagdaming nagaap sapagkat biglang 328 ang naitala sa health Bulletin. Dahil sa paghihinalang nakapasok na ng Omicron Variant sa lungsod ay inasahang higit pang dadami ang magiging hawahan. Subalit mula Enero 13 hanggang kagabi January 19 ay 449 ang naireport na mga bagong kaso ng Covid. Kung tutuusin ay wala pang 50% ang naging pagtaas mula sa 328 cases noong sinundang linggo.

Kahit nade-delay ang pag uulat dahil sa paghihintay sa resulta ng mga lab test, pag aasikaso ng contact tracing at verification dagdag pa ang pagkakasakit ng ilang tauhan ng City Health Office ay naging kapansin-pansin ang maliit na naging ‘growth rate’ sa ikatlong linggo.  Senyales ba ito narating na ang peak ng surge at malapit nang bumaba ang daily and weekly attack rate ng San Pablo?

Sa nangyaring surge ng Alpha, Beta at Delta Variants noong 2021, ayon sa  datos ng San Pablo City Health Office, 1,227 ang naging covid cases noong buwan ng August. Limampu’t tatlo sa mga ito ang nasawi. Halos nadoble ng sumunod na buwan ng September dahil ng aging 2,162 ang nag positibo at 88 covid patients ang hindi nakaligtas sa sakit.

Labindalawang araw pa ang palilipasin bago marating ang katapusan ng buwan ng Enero 2022. Kung mananatili ang kasalukuyang mababang growth rate, ito ang dapat nating antabayanan upang malaman kung malapit ng marating ang ganap na pagbaba ng mga kaso ng covid sa lungsod.

Babaing negosyante, inambus sa Rizal

0

CAMP VICENTE LIM, Laguna.  Binaril at napatay ang isang babaing negosyante sa Rodriguez, Rizal noong Martes, ayon sa report ni Rodriguez Police Station Chief Lt. Col. Marcelino Pipo, Jr. sa Police Regional Office Calabarzon.

Ang biktima ay kinilalang si Camille Camacho, 31 anyos ay sakay sa kanyang pulang Toyota Hilux papunta sa Brgy. Balite noong siya ay barilin sa kahabaang ng M. H. del Pilar Street, habang papunta sa Brgy. Balite, bandang 7:30 ng umaga, batay sa report ni Lt. Col. Pipo.

Hinihinala ng mga imbestigador na ang motibo sa pagpatay ay kompetensya sa negosyo. Ang  biktima ay may online selling at money lending.

“Mayroon na kaming person of interest. Kami ay nangangalap pa ng ebidensya at tumitingin sa ilang closed-circuit television camera malapit sa pinangyarihan ng krimen upang matulungan kaming makilala ang salarin na tumakas ng naglalakad patungo sa town proper,” ayon kay Pipo.