Bacoor City, Cavite. Mahigit 1,400 pamilya ang tatanggap ng maagang pamasko ngayong taon kasunod ng seremonyal na turnover ng bagong proyekto ng pabahay ng pamahalaan kahapon sa lungsod na ito.
Pinangunahan ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo Del Rosario ang ceremonial turnover ng Ciudad de Strike Phase I, ang pinakabagong proyekto ng Social Housing Finance Corporation sa Barangay Molino 1, Bacoor City.
May kabuuang 1,440 units ang itatayo sa ilalim ng scheme, bahagi ng Community Mortgage Program ng SHFC, at makikinabang ang mga pamilyang nakatira sa mga danger zone sa buong Bacoor City.
Sa kanyang mensahe, binati ni Secretary Del Rosario ang mga benepisyaryo ng proyekto, sinabing maswerte silang nabigyan ng mga housing unit na tiyak na maipagmamalaki nila.
“Masasabi po natin para po sa inyo ang pinakamaganda at pinakamahalagang Christmas gift na maibibigay ng Bacoor City LGU. Na magkaroon kayo ng isang housing settlement na masasabi nating disente, affordable at sustainable. Ito po ang proyekto na subsidized housing na pinapairal ng national government with direct coordination with the LGU with a subsidized rate. Pinababa po namin nang husto ang interest rate dahil yan po ang utos ng ating mahal na Pangulo to ensure na tulungan ang ating mga kababayan 81% of Filipinos to have their own dream house,” ayon kay Del Rosario.
Binanggit din ni Del Rosario ang mga prinsipyo ng pabahay ng DHSUD na ang pabahay ay karapatan ng bawat pamilyang Pilipino, responsibilidad ng Departamento na bigyang kakayahan ang mga mahihirap na magkaroon ng access sa disente at abot-kayang pabahay, gayundin ang pagtiyak na walang sub-standard na proyektong pabahay na itatayo. sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Dumalo rin sa okasyon sina SHFC President Arnolfo Ricardo Cabling, Cavite 2nd Representative Strike Revilla, Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla, iba pang lokal na opisyal at mga tatanggap ng housing units.
Nagpahayag ng pasasalamat sina Rep. Revilla at Mayor Mercado-Revilla sa administrasyong Duterte sa pamamagitan ng DHSUD, gayundin sa SHFC sa pagsasakatuparan ng proyekto.
Lucena City, Quezon. Tinambangan at pinagbabaril ang isang kabo ng small town lotto (STL) sa Barangay Marketview, lungsod na ito.
Ang biktima ay kinilala ng Lucena PNP na si Abelma Paguio, 42 anyos, may asawa at residente ng Baranggay Barra sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa paunang imbestigasyon ni Lucena Chief PNP Reynaldo Reyes, si Paguio ay naglalakad bandang 8:30 ng gabi ng siya ay harangin ng dalawang lalaking sakay sa motorsiklo at pagbabarilin ng backride nito.
Si Paguio, ayon sa ilang naninirahan sa pinangyarihan ng krimen, ay matagal ng kubrador ng jueteng at diumano ay malawak ang sakop ng pangungubra nito.
Naitakbo pa ng ilang bystander si Paguio sa St. Claire Hospital subalit idineklara itong dead on arrival.
Ngayong year 2021, maraming bagong lingo ang kabataan na nababasa ko sa social media at ako ay napapanganga. Kung hindi tayo updated, gaya namin ni Myna, na malapit ng maging senior ay talagang mapapaisip kayo sa mga bagong salitang ito. Ilang halimbawa nito ang “Maritess” o mare, anong ang latest, “sakalam” o malakas, “awit” o aww sakit, “lodi” o idol, “petmalu” o malupit. Ah eh, at maraming iba pa.
Ganun pa man, ang mga kabataan ay marami ring salita na kailangang habulin sa ating mga plantitas at plantitos at magsasaka. Isang halimbawa nito ang halamang mani manian. Madalas akalain ng mga kabataan na ito ‘yong halamang mani na naglalaman ng peanut pods na nilalaga o inaabodo.
Ano nga ba ang halamang mani manian o golden glory, Arachis pintoi o Pinto Peanut? Ang scientific name nitong Arachis pintoi ay ipinangalan sa Brazilian botanist na si Geraldo Pinto. Mukhang mani ngunit hindi mani.
Ang halamang ito ay paboritong pagkain ng mga alaga nating hayop sa bukid gaya ng rabbit, manok, pabo, baboy, baka, kalabaw, kabayo, kambing, tilapia, hito at iba pang forage animals gaya ng chicken, turkey, pig, cow, hoarse, goat, tilapia at catfish. Mataas ang nitrogen fixing rate ng halamang ito. Ang high quality forage na mani manian ay may protein content na naglalaro sa pagitan ng 17% at 20%, at dry matter digestibility na nasa pagitan ng 67% at 71%.
Ang bulaklak nito ay edible at pwedeng gamitin na color ingredient sa mga soup at salad.
Isa sa mga bagong paborito ng mga landscape artist itong Arachis pintoi para sa mga home garden at landscape institutions, theme park, botanical garden, golf course, tabing daan, resort, pathway, at marami pa. Ayon kasi sa mga pag-aaral, pinabubuti ng Arachis ang kundisyon at fertility ng lupa. Mabilis itong kumalat kaya madaling natatakpan ang lupa at nakakatulong ito ng malaki sa pagkontrol ng soil erosion.
Mainam itong itanim sa mga dahilig na lugar sapagkat nakakatulong upang huwag gumuho ang lupa. Maganda din itong gamitin na ground cover sa landscape. Dahil mga tatlo o apat na linggo matapos itong sumibol ay namumulaklak na at buong taon na namumulaklak. Ideal na background ang mani manian field para sa mga prenuptial, anniversary at birthday pictorial.
Ang mga halaman ay kasama natin na nilikha ng Diyos. Ang mga ito ay may mahalagang ginagampanan sa biodiversity at sa ecosystem ng ating mundo. Mahalaga na maging mapanaliksik tayo at magdagdag ng kaalaman bilang pagpapahalaga sa inang kalikasan.
Sabi nga sa Genesis 9:3, bawa’t gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo.
Just a few days from now and the entire christendom shall be celebrating the birth of Christ – the true reason for the season. But if you will notice, the celebration of his birth is very much commercialized nowadays not only here in the Philippines but in some other parts of the world. Instead of giving emphasis to why He came to this earth, commercial establishments see and use it as a perfect time to sell all sorts of novelty items ranging from clothes, shoes, bags, jewelries and other stuffs like lanterns, curtains, bedding and many more with colorful designs that will attract buyers.
Not only that. Even hotels, restaurants, fast food chains and resorts are busy advertising innovation so they can entice visitors. Some are giving away freebies to customers depending on the chosen accommodation. Nowhere in the malls will one find the portrait of Christ as depicted to us by the church, instead we will see the picture of Santa Clause and his reindeers, the star of Bethlehem and all sizes and colors of Christmas trees wrapped with flamboyant lights.
Christmas season is very good for business because everybody, save the poorest of the poor, are spending money to buy new things. I see nothing wrong celebrating the birth of Christ with revelries, songs and extravagant foods because it boosts the economy though it shows a great divide between the rich and the poor. The pompous celebration of the rich during Christmas is totally opposed to the coming of the Lord in a manger wrapped in swaddling clothes.
I am not saying that we should wear rags and eat unpleasant bread. What I would like to impart is we should live a modest life and learn to share our blessings to the less fortunate because for me that is the true spirit of Christianity. Frowning upon the poor while living lavishly in comfort is atrocious and presumably a disgrace to humanity if not an abomination to the Lord.
I appreciate those who voluntarily set up pantries during the height of this pandemic to feed those who were trapped in their homes due to the lockdown imposed by the government and who subsequently lost their jobs. They showed the world that “giving and sharing is not seasonal” as contemplated by the people running St. Martin De Porres Kids Home at Brgy. Concepcion in San Pablo City. They are living exemplars of Christians whose works are worthy of emulation because they gladly share their time and skills to make the lives of abandoned and orphaned kids productive and useful every day of the year.
Because God is love, I guess love is the key to everything good and beautiful. As wisely stated in the old Filipino Christmas carol, “Ang pag-ibig pag s’yang naghari, araw-araw ay magiging pasko lagi.”
The Game Awards was founded by Geoff Keighley who is a prominent figure in the world of gaming as he brings together both game developers, celebrities, and as well as gamers to honor the games that have provided excellent stories, gameplay, and design.
This year, it was held last December 9, 2021, and it proved to be one of their stronger showings. You can definitely tell the improvement from last year. Last year’s awards was a slog and felt like it was biased towards one game. It didn’t feel like a celebration of gaming but more of a celebration of just one game. But for this year we got games that surprisingly won the category they are in and also games that deserved to win.
For example, I did not expect Metroid Dread to win the Best Action Adventure game award as it had fierce competition. I feel that it was really deserving of the award because it really brought that action and adventure genre in full display. Another surprise was that Guardians of the Galaxy won “Best Narrative” and that game also had fierce competition. This one actually surprised me as competitors like Psychonauts 2 had a better story to tell but based on what was mentioned, it was the performance of the actors in Guardians of the Galaxy that drove the narrative of the game. I have to agree that their performance was top notch. If I were to choose which one should have won the “Best Narrative” though, it would be Psychonauts 2 as it tackled a more adult story line but in a light hearted way.
The true surprise for me was the Game of the Year award winner. The 2021 Game of the Year Award went to “It Takes Two”. This was a game that I have not tried out, but would like to since it won the award. Looking into it through various media, they completely agree with the choice as the game expertly blended story, game design and creativity into a neat package that made it feel like a very unique and creative experience that every game should play. I bought the game the next day after the show and I also had one of my friends buy the game so we can play it and actually experience why the game won Game of the Year.
But among the other nominees: Deathloop, Ratchet & Clank: Rift Apart, Resident Evil: VIllage, Psychonauts 2 and Metroid Dread, I personally would have picked Psychonauts 2 as the Game of the Year. This game provided a perfect blend of creativity, story telling, game design and fun. Also, it was a game that I have wanted to happen since I was a kid. I guess nostalgia was also a factor into why I chose it as my Game of the Year.
The Game Awards is also not just about celebrating game achievements. It is also a place to announce new game titles that are coming in the future and also anything gaming related were featured in the show. Here are some of the highlights from the Game Awards:
1. Alan Wake 2 was announced and will be releasing in 2023. Now this has been a game that is a long time coming and I am pretty excited about it as this is Remedy’s first ever survival horror game. Remedy has been on a role with their games and I am excited to see their take on the survival horror genre. The first Alan Wake game was already creepy but Alan Wake 2 feels like it is taking it a step beyond creepy.
2. Cuphead: Delicious Last Course having a concrete release date of June 30,2022. Cuphead is one of those special indie games that got a really large following due to its unique graphical style. For those not familiar with Cuphead, it is a run and gun game that has a graphical style similar to the 1930’s cartoons. Each of the graphical frames were hand drawn exactly like how they did it back in the 1930s which is pretty cool and sounds quite extreme considering it is going to be used for a game. Cuphead: Delicious Last Course was announced years back and was originally going to release in 2020 but we haven’t heard back about it since then but through the Game Awards, we finally got a concrete release date.
3. Sonic Frontier for Holiday 2022. Now this game, I hope turns out really well as Sonic games quality had been mediocre, but this one sounds like they want to take their time with it and hope they can get it right as Sonic Frontier is the very first Open World game that Sonic will be in. I like the idea of an open world Sonic game. The mechanics of Sonic the hedgehog games will work pretty well in an Open World game once they determine what aspects to focus on. Not much is known about the game except for little bits of rumors and hearsay on the Internet that may or may not be true. The most famous rumor is that there was a focus group that got a chance to play the game and what they mentioned lines up with what was shown in the traile. The worrying part though is that they mentioned the game wasn’t exactly good. This is disappointing to hear but then again it is a rumor.
4. A Wonder Woman game being made by Monolith, the team behind the Lord of the Rings: Shadow of Mordor/War games. This one excites me a bit as I actually enjoy the Shadow of Mordor games. They bring something really creative and fun into the open world type of games. They are mostly known for creating the Nemesis system. The Nemesis system is this gameplay mechanic where if you kill specific enemies, they can come back and remember what you did to them. This can range from cowering in fear from your presence or they can be filled with spite and want to get revenge on you for whatever you did to them. It’s a pretty complex system but one that works pretty well. Now seeing that implemented into a Wonder Woman game will be very interesting and I would like to see what they can do with Wonder Woman’s move set as well.
5. Sonic the Hedgehog 2 movie gets a trailer with a premiere date of April 8,2022. This is a movie sequel that shouldn’t have happened. The first Sonic the Hedgehog movie was a miracle as it involved the studio, Paramount pictures actually listened to feedback and completely rehauled the design of Sonic from scratch. This is unheard of and is actually pretty cool of them to do that too. Instead of the abomination we were supposed to get from the first movie, we got a radically different design that closely resembles the actual character they are adapting. That movie did so well that I am glad it got a sequel and is proof that listening to feedback does help improve the final product.
Now for Sonic the Hedgehog 2 movie, the trailer was actually pretty good. It involved several aspects of the Sonic games now like the Master Emerald being shown off, Dr. Robotnik’s robot minions look like something from the games, Jim Carrey’s Dr. Robotnik closely resembles the mad doctor from the games and the introduction of Tails and Knuckles into the movie. From what I can see, the plot is loosely based off the Sonic & Knuckles game which is considered to be one of the best Sonic games of all time. I look forward to watching this movie when it releases.
It is worth noting that Nintendo did not announce anything this year. They usually have at least one announcement, but it looks like they decided to skip this year. One suggestion I would like to see them do is that when they announce the Best Music Award, that they invite the actual orchestra that played the music to perform during the show.
This year’s Best Music Award winner NieR: Replicant. This game had a stellar soundtrack and deserved to be heard by all the viewers and attendees of the award. It is a shame that people didn’t get to see them perform.
The Game Award did end on a very bright and funny note with Josef Fares accepting the award for “It Takes Two’s” Game of the Year award. Josef Fares is also known as the “F*** the Oscars” guy meme and has a very unique way of explaining things he is working on. It is always a highlight of the Game Awards to see him on stage. But so glad this time it was for him to accept an award.
The Game Awards 2021 has officially crowned its Game of the Year (GOTY), with It Takes Two beating out the likes of Metroid Dread to score the top prize. Photo credits: ScreenRant
Kasisimula pa lamang ng Mass Vaccination Program ay nagdeklara na sina San Pablo City Mayor Amben Amante, City Administrator Vicente Amante at City Health Officer James Lee Ho na ang Pasko 2021 ay magiging masaya sapagkat magiging matagumpay ang programang ito.
Marso 15, 2021 ang petsa ng unang araw ng pagbabakuna ng lokal na pamahalaan. Ang naging recipients ng programa ay A1 priorities o healthcare workers mula sacpampubliko at pribadong sektor.
Aaminin ko na ako man ay nag alinlangan kung maisasakatuparan nga ba ang sinabi ng tatlong opisyales ng San Pablo?
Noon ay wala pang katiyakan ang supply ng covid-19 vaccines na kailangang maiturok sa 70% populasyon ng lungsod upang maabot ang herd immunity. Kahit may inilaan na pondo na pambili ng vaccines ay hindi pala pwedeng makabili dahil kontrolado ito ng World Health Organization at mga national government. Bukod pa dito ang katotohanang napakaliit ng ating annual budget at hindi naman ganon karami ang tauhan ng City Health Office. Sa isip ko ay para yatang suntok sa buwan ang pangarap na ito.
Ngunit lahat ng pag aalinlangan ko ay napawi. Dahil sa husay ng paghahanda at pakikipag ugnayan sa national government ay umanod ang sapat na supply upang agad mabakunahan ang A1, A2 at A3 priorities. Nakiisa ang lahat ng pribado at publikong pagamutang sa lungsod, ang mayoryang mamamayan at kalaunan pati religious sectors ay nakilahok na rin.
Nalampasan ang ibang mauunlad na lungsod sa Laguna kung bakunahan ang pag uusapan. Dahil nasanay agad ang vaccination teams ay nagtatag ng ordinary at ultra-low freezers upang gamiting cold storage ng vaccines. Dito tayo unang nakaungos sapagkat mas maraming natatanggap na vaccine supplies kung may kumpletong cold storage at kung may sapat na kahandaan ang isang local government unit.
Napakarami kung babanggitin lahat ang kapuri puring nagawa ng lokal na pamahalaan ng San Pablo City. Dahil dito ay makararanas ng tunay na Maligayang Pasko 2021 ang kanyang mamamayan. Ang tanging kong masasabi ay salamat, salamat, salamat po!
Kung walang magpapa-bully, walang mambu-bully, ayon sa konseptong napalawig mula sa kaisipan ni Jose Rizal. Ang mga Kastila, mga Amerikano, at mga Hapon ay may kasaysayan ng makalumang pambu-bully o pagmamaltrato at pagmamalabis laban sa mga Pilipino sa paraang mapanakop. Ngunit sa makabagong panahon, hindi alintana na mapanakop na rin ang mga galaw ng Tsina sa Pilipinas at iba pang bansa.
Walang press freedom sa Tsina, sapat para mapaniwala ang mga Tsino na inaapi sila ng iba. Sila ngayon ang numero unong agresibo sa mapansakop na aktibidad. Binabalasubas na nila ang teritoryo ng Pilipinas sa pagpapalawak nila ng kapangyarihang pang ekonomiya at pang militar sa West Philippine Sea. Sakop daw ito ng South China Sea, isang lantarang pambabastos sa UNCLOS at sa desisyon ng tribunal nito na pumabor naman sa Pilipinas. Dagdag pa sa problema ang kawalan o hindi malinaw na independent foreign policy dahil sumobra sa pakikipagkaibigan sa Tsina si Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa Saligang Batas, ang Estado ay dapat mag obserba ng amity (tamang timpla ng pakikipagkaibigan) sa lahat ng bansa. Kung bakit sobrang paborable ang administrasyon niya sa Tsina ay walang nakakaalam. Paano na ang ugnayan sa ibang bansa?
Hindi naman pakikinggan ng gobyerno ni Xi Jinping ang malayang mamamayan ng Pilipinas kundi yung counterpart niya lang na lider. Ganoon din ang gagawin at ginagawa ng Chinese fishers at ng Haijing. Sa kasawiang palad, nalalahat o generalized na mapang sakop ang Mainland China at mga tao nito. Nanganganak naman ng samo’t sari ngunit lehitimong usapin sa kagutuman, agrikultura, at mismong soberanya ng Pilipinas ang agresibong pamamalakad ni Xi. Kung may barumbadong tugon man kamakailan si Pangulong Duterte, huli na ang lahat dahil malinaw ang defeatism o talunan na mentalidad ng Pangulo sa pakikisalamuha kay Xi. Patuloy na lalabanan sa mga pahina ng dyaryo at sa pag-ere ng opinyon sa TV, radyo, at social media ang Tsina, ngunit hindi basta-basta maisasalba ng malayang Pilipino ang soberanya ng bansa kung talo na agad sa palakad ng nagpapaapi at nagpapalokong administrasyong Duterte.
Kilala mang masisipag at masasayahin sa mundo, ang mga Pilipino’y nasa bingit ng alanganin sa dusa sa ekonomiya. Palala ng palala ang datos sa kagutuman at kawalan ng maayos na hanap-buhay ang mga tao. Naungusan ng mga karatig-bansa ang Pilipinas sa pagnenegosyo, pagpapaunlad, at reporma sa pamamalakad ng pamahalaan, dahilan upang umutang nang umutang ang bansa mairaos lang ang mga programa sa ekonomiya at pagpapaunlad. Pinakahuling ebidensya ng pagiging kulelat ay kitang kita sa government’s COVID-19 response (o kawalan nito). Huling nakatanggap ng bakuna, huling nagsara ng border, huling huli sa siyensya at medisina. Pati ang pananalapi sa pampublikong kalusugan, pinadapa ng tila walang kasanayan na mga tao sa DOH at IATF. Ang mga pag-ere sa gabi at hatinggabi ni Presidente Duterte ay tinututulan ng communication scholars at bandang huli, napakaliit ng kontribusyon ng mga briefing niya kumpara sa kalituhan sa implementasyon na dulot ng kanyang kawalan ng mataas na pamantayan sa komunikasyon sa madlang humaharap sa napakalalang kagutuman, pagkakasakit, at pagkamatay.
Bunsod ng 911 attacks, pinaigting ng Estados Unidos ang kampanya laban sa terorismo. Nagsunuran dito ang iba’t ibang mga bansa, kabilang ang Pilipinas. Naging madali sa mga mamamayan ang maunawaan ang kahalagahan ng anti-terror activities ng militar at pulisya. Naramdaman din ng security guards ng mga pribadong institusyon ang kooperasyon ng mga tao sa pangangapkap at limitadong paghahalughog ng kanilang pribadong gamit bago papasukin. Ngunit dumating ang panahon ng complacency at maraming bala ang nasayang, dugong dumanak, at pamilyang nasira. Upang hindi maulit ang mga ito, minarapat ng Kongreso ang pagpapasa ng Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020 at dalawampung taon matapos ang pinakamalalang pag-atake ng Al-Qaeda, ang ATA ay inaasahang magpapatahan sa mga terorista at mga kahanay na organisasyon na maghasik ng lagim. May problemang legal: May dalawang probisyon ang ATA na labag sa Saligang Batas sa bagong deklarasyon ng Korte Suprema nito lamang Disyembre 2021. Kung tutuusin, dahil sa masigasig na press, may ideya na ang Kongreso na problemado ang ATA noong panukalang batas pa lamang ito. Palibhasa, namumuo ang awtoritaryanismo na populistang punong ehekutibo sa Malakanyang, pinilit pa rin ang ATA at nilagdaan niya rin noong nakaraang taon. Ito’y isa sa polisiyang maituturing na hindi napag-aralan nang husto at sa hindi inaasahang pagkakataon, ang delay sa pagpapatahimik sa terorismo sa loob ng dalawampung taon ay lalo pang na-delay. Madaling sabihing may police power naman ang Estado, ngunit hindi sapat ang mga pinanghahawakan mandato ng ibang ibang ahensya ng pamahalaan sapagkat, si Pangulong Duterte na mismo ang nagsabi noong 2016, nawalan na ng mataas na pagtitiwala ang mga tao sa pamahalaan. Mistulan nga siyang bayani kung gayon sa kanyang pananalita, ngunit hindi rin ito nakita ng taumbayan sa gawa. Ang pinaigting na kampanya ng pamahalaan kontra-droga ay di naglaon idineklara rin ng Pangulong hindi matagumpay noong 2020 at nauulit pa ang mga kahanay na pronouncement ng bigong “tagapagligtas” ng mga botante ng 2016 sa taong ito. Mabuti na lamang daw na sa mga pangako ng dating matagal na alkalde ng Davao City, “marami namang natupad.”
Matapos ang makasaysayang rebolusyon sa EDSA noong 1986, naipagmalaki na naman ng bansa sa buong mundo ang mapayapang paraan ng pakikipaglaban sa inaakala nitong tama nang panigan ito ng UNCLOS sa pag-angkin sa West Philippine Sea at talunin sa desisyon ang malaki at makapangyarihang bansa – Tsina pa rin bago maluklok na Pangulo si Mayor Duterte. Naging mahinang mahina naman ang brand of leadership ng chief architect ng foreign policy at hindi lang iyon, talagang mas gusto daw niyang makipag transaksyon sa Tsina at unti-unting ayawan, huwag papormahin, at huwag pansinin ang Amerika sa kabila ng napakagandang relasyon nito sa Pilipinas sa mahabang panahon. Ang Pilipinas ngayon, sa katauhan ng Pangulo, ay merong hindi magandang pagtingin sa pandaigdigang komunidad dahil mismong prosecutor sa International Criminal Court ang nakakita ng dahilan para siyasatin ang madugong giyera sa droga ng pamahalaan na yumurak sa karapatang pantao ng libo-libong mamamayan nito. Nagma Manifesto ang extrajudicial killings (EJK) sa problema ng hindi sapat na police power. Pinalawig man ng mga batas, nagpaka barumbado man ang Commander in Chief, bigo ang Pilipinas sa Declaration of Principles and State Policies nitong magbigay ng full employment, papataas na pamantayan ng pamumuhay, at pinahusay na kalidad ng buhay; sa maikling salitang konstitusyunal, bigo itong “palayain sa kahirapan ang mga mamamayan.”
Sumisimbolo naman ng pag-asa ang Nobel Peace Prize ni Maria Ressa, kauna-unahan sa Pilipinas, pag-asang darami pa ang world-class na talento at mapagkakatiwalaang tagapagtaguyod ng katotohanan basta’t mabigyan lamang ng pagkakataon sa kanyang mga karapatan at kalayaan. Mahirap pag-usapan ang kahirapan, kapayapaan, at paglaban sa karahasan, kung hindi malaya (na may responsibilidad at akawntabilidad) ang mga mamamayan lalo na ang mga mamamahayag. Alam ito ng mga lider ng iba’t ibang paniniwala. Nais ng Diyos na makilala Siya bilang Diyos ng Katarungan at Pagbabalik-loob. Gumagamit Siya ng mga indibidwal at institusyon upang ang mga walang boses ay mapakinggan, ang mga naaapi ay madepensahan, ang mga naghihikahos ay maiahon, ang mga apektado ng kaguluhan ay maging mapayapa sa Kanya at para sa Kanya. Bagamat pinag-uutos Niya ang pagsunod at kooperasyon sa pamamalakad ng mga hari, pangulo, prime minister at sinumpaang governing authority, nais din Niyang Siya ang sundin sa oras na may mali sa kanilang pamamalakad. Ilang rehimen na ng mga pangulo at ilang indibidwal na ang sumobra sa paghahari-harian na mismong Diyos ang nagbigay-daan sa kanilang pagguho at huwag nang maalipusta ang kanilang mga nasasakupan.
Kaya napakahalaga ng karunungan at ang pagpapalalim nito. Sagot ito sa isa na namang makabagong paraang mapanakop o hegemonic Western knowledge. Sila lamang daw sa dakong kanluran ang magagaling at matatalino batay sa bilang ng mga scholarly journals at sa bilang ng mga manunulat. Taliwas ito sa tunay na diwa ng pagkakapantay-pantay. Hindi na nga mapaiksi ang puwang ng mayayaman sa mahihirap, ganoon pa rin ba sa mahihirap na mga bansa at sa maliliit na salapi kontra dolyar ng Amerika at euro sa mga bansa sa Europa? Kung idaragdag diyan ang “karunungan” nila, iyo’y maituturing na mapanakop. Hindi nabibigyan ng pagkakataon ang ibang lengguwahe, nababalewala ang kultura at karunungan ng mga katutubo o indigenous people, natatabunan ang natural na ganda ng kanilang lahi at ang mga kinakatawan ng kanilang lahi. Katuwang ang Philippine International Studies Organization ng mga mulat na indibidwal at institusyon sa pagpapamulat sa mundo na ang lahat ng sulok, hindi lang West, ay may angking dunong ngunit kapos sa pagkakataon. Ang pagwawakas ng dominasyon sa mapanakop na karunungan ng mga nasa kanluran ay isa sa pinakabagong adbokasiyang akademik. Bagamat malayo pa, mismong ang akademik ay may mga pag aalinlangan na kayang gawin ito sa malalaking bansa at malalaking pangalan ng mga pamantasan at iskolar, may pag-asa pang maisulong ang pagwawakas nito nang sa gayon, kikinang ang local knowledge, maririnig, at madarama ng mga tao sa aplikasyon ng dunong nila mismo.
Juan Luna, Spolarium. Wikimedia Commons, the free media repository.
Iniulat ng Department of Health (DOH), University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) ang dalawang imported na kaso ng Omicron (B. 1.1.529) na Variant of interest na nakita mula sa 48 na mga sample na na-sequence kahapon, Disyembre 14, 2021.
Bukod sa dalawang kaso ng Omicron na ito, mayroong 33 na positibo para ng Delta variant (B.1.617.2) habang 13 ang walang lineage na itinalaga. Ang pinakahuling sequencing run ay binubuo ng mga sample mula sa 21 Returning Overseas Filipinos (ROFs), isang dayuhan, at 26 na lokal na kaso mula sa mga lugar na may mga cluster ng kaso.
Mga kaso ng Omicron variant:
Ang dalawang kaso ng variant ng Omicron ay mga incoming travellers at kasalukuyang nasa isolation facility na pinamamahalaan ng Bureau of Quarantine (BOQ).
Ang isa ay isang Returning Overseas Filipino (ROF) na dumating mula sa Japan noong Disyembre 1, 2021 sakay ng Philippine Airlines flight number PR 0427. Ang sample ay nakolekta noong Disyembre 5, 2021. Ang kanyang positibong resulta ay inilabas noong Disyembre 7 at na-admit sa isang isolation facility sa parehong petsa. Siya ay kasalukuyang asymptomatic ngunit may mga sintomas ng sipon at ubo pagdating.
Ang isa pang kaso ay isang Nigerian national na dumating mula sa Nigeria noong Nobyembre 30, 2021 sakay ng Oman Air na may flight number na WY 843. Isang sample ang nakolekta noong Disyembre 6, 2021 at ang resulta ay inilabas noong Disyembre 7, 2021. Pagkatapos ay ipinasok siya sa isang isolation facility sa parehong petsa. Ang kanyang kasalukuyang katayuan ay asymptomatic din.
Tinutukoy ng DOH ang posibleng malapit na pakikipag-ugnayan sa mga kapwa pasahero sa mga flight ng dalawang kaso na ito.
Bineberipika ng DOH ang mga resulta ng pagsusuri at katayuan sa kalusugan ng lahat ng mga pasahero ng mga flight na ito upang matukoy kung may iba pang kumpirmadong kaso o mga pasahero na naging symptomatic pagkarating. Ang mga manlalakbay na dumating sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga flight na ito ay maaaring tumawag sa DOH COVID-19 Hotlines sa (02) 8942 6843 o 1555, o sa kani-kanilang LGUs para iulat ang kanilang status.
Sa pagtuklas ng mga imported na kaso ng variant ng Omicron, hinihimok ng DOH ang lahat na sumunod sa minimum public standards at maayos na magsuot ng face mask, madalas maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o alkohol, obserbahan ang physical distancing, tiyakin ang maayos na bentilasyon, at iwasan ang siksikan. mga lugar. Bukod dito, ngayong holiday season, dapat iwasan ng publiko ang pagdaraos ng mass gatherings para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Hinihimok din ng DOH ang mga hindi pa nabakunahan na magpabakuna sa panahon ng National Vaccination Days upang makatanggap ng karagdagang proteksyon na ibinibigay ng mga bakuna laban sa COVID-19.
Nakipagsanib-pwersa ang Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang infrastructure arm ng Metro Pacific Investment Corporation (MPIC), sa Cignal TV, TV5, at iba pang MVP Group of Companies sa pagpapasigla ng taunang “Tuloy Pa Rin Ang Pasko” Movement sa misyon nitong palaganapin ang pagmamahal at saya sa kapwa Pilipino ngayong kapaskuhan sa kabila ng mga umiiral na hamon ng buhay.
Ang mga tsuper ng pambansang simbolo na Jeepney ay isa sa mga pinaka matinding naapektuhan ng mga pinsalang dala ng kasalukuyang pandemya. Hanggang ngayon, marami pa rin ang walang kabuhayan. Ngayong taon, pinili ng MPT South ang mga miyembro ng Paliparan-Baclaran Jeepney Operators and Drivers Association (PABODA), na tumatawid sa Dasmarinas, Cavite hanggang Paranaque, Metro Manila sa pamamagitan ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), bilang mga benepisyaryo ng mga aktibidad na ito ng CSR, ayon sa report.
Namahagi ng 50 Noche Buena packs ang MPT South sa PABODA jeepney drivers at operators noong Biyernes, Disyembre 10, sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng mga nabanggit na kompanya. Ang bawat pakete ay naglalaman ng mga staple ng Noche Buena tulad ng spaghetti pack, keso, at fruit cocktail, pati na rin ang mga de lata.
“Noche Buena has been a symbol of hope and joy of the Filipino family during Christmas eve. With these small Christmas packages, we hope that the families of PABODA members get to enjoy the festive holiday season and imbibe the spirit of togetherness despite being affected by the year-long pandemic,” ayon kay Arlette V. Capistrano, MPT South Spokesperson and AVP for Communication and Stakeholder Management.
Noong nakaraang taon, nagsagawa ang MPT South ng ‘Drayberks’ road safety program, isang social advocacy para isulong ang road safety sa mga expressway sa mga driver at operator ng PABODA para ipakita ang suporta ng mga kumpanya sa pagpapatuloy ng operasyon ng Jeepney.
Ang kilusang Tuloy Pa Rin Ang Pasko, na pumukaw ng diwa ng Bayanihan, ay naglalayong maabot ang mga komunidad na apektado ng pandemya at iba pang kalamidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng Noche Buena goods at iba pang mahahalagang bagay para sa isang masayang Pasko. Ito ay pinasimulan ng MVP group of companies at foundations sa pamumuno ng chairman nitong si G. Manuel V. Pangilinan.
Ang MPTC ang pinakamalaking tagabuo at operator ng tollway sa Pilipinas. Bukod sa CAVITEX, may hawak din ang MPTC ng concession rights para sa CAVITEX C5 Link, Cavite-Laguna Expressway (CALAX), North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark Tarlac Expressway (SCTEX), NLEX Connector Road, at Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.
Majayjay, Laguna. Kinilala ng Philippine Red Cross (PRC) at ginawaran ng Heroes of the Pandemic Award si incumbent Vice Mayor Ariel A. Argañosa dahil sa katangi tanging pagsuporta sa lahat ng programa ng PRC.
“Maraming Salamat po sa parangal na ito. Sa ngalan po ng bumubuo ng Red Cross Majayjay Branch, akin po ang karangalan bilang inyong Municipal Chairman na tanggapin ang parangal na ito para sa mga taong nasa likod ng bawat programa ng RC Majayjay Municipal Branch. Sa lahat ng Officers, volunteers, donors at sponsors, samahan nyo pa rin po kami sa tuloy-tuloy na programa ng Red Cross Majayjay upang marami pa tayong matulungan,” ayon sa mensahe ni Argañosa.
Ang nabanggit na vice mayor ay aktibo sa paghahatid ng tulong sa mamamayan ng Majayjay sa pamamagitan ng masusing pagpapatupad sa mga programa ng PRC sa panahon ng pandemya.
We use cookies on our website to give you the most relevant experience by remembering your preferences and repeat visits. By clicking “Accept All”, you consent to the use of ALL the cookies. However, you may visit "Cookie Settings" to provide a controlled consent.
This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. These cookies ensure basic functionalities and security features of the website, anonymously.
Cookie
Duration
Description
cookielawinfo-checkbox-analytics
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Analytics".
cookielawinfo-checkbox-functional
11 months
The cookie is set by GDPR cookie consent to record the user consent for the cookies in the category "Functional".
cookielawinfo-checkbox-necessary
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookies is used to store the user consent for the cookies in the category "Necessary".
cookielawinfo-checkbox-others
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Other.
cookielawinfo-checkbox-performance
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Performance".
viewed_cookie_policy
11 months
The cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin and is used to store whether or not user has consented to the use of cookies. It does not store any personal data.
Functional cookies help to perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collect feedbacks, and other third-party features.
Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.
Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.
Advertisement cookies are used to provide visitors with relevant ads and marketing campaigns. These cookies track visitors across websites and collect information to provide customized ads.