Tuesday, April 28, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 790

Senate Bill No. 2395 laban sa digital thieves, inaasahang ipapasa sa Kongreso

Sa layuning hadlangan ang mga cyber criminal gamit ang pinakabagong mga gadget sa paghahanap ng mga bagong paraan para magnakaw ng pera sa pamamagitan ng pag-access sa mga detalye ng bangko gamit ang mga mobile phone, sinabi ni Senador Win Gatchalian na ihahabol niya ang pagsasama ng digital subscriber identity module (SIM) sa panukalang SIM Card Registration Act. 

“We have to keep up with the latest trends in technology and one of which is the emergence of eSIM, a digital SIM card that works the same way as a traditional or physical SIM card,” ayon kay Gatchalian, co-author of Senate Bill No. 2395. Mabilis mag-upgrade ang mga mobile devices at habang nagiging mas moderno ang mga ganitong instrumento ng mga scammers, nagiging mas malikhain din sila sa pagsasagawa ng mga modus nila. Kaya dapat isaalang-alang nating maisama ito sa panukalang batas na pagpaparehistro ng SIM cards,” ayon sa kanya.

Ang eSIM o naka-embed na module ng pagkakakilanlan ng subscriber ay isang digital SIM na direktang naka-embed sa isang device gaya ng mga smartphone, tablet at laptop at maaaring ikonekta ng user sa anumang operator o network provider.

Ang eSIM ay hindi pa kasama sa bersyon ng Senado ng panukalang SIM card registration bill dahil saklaw lamang ng panukala ang tradisyonal na SIM card o ang chip na pisikal na naka-install o tinanggal sa loob ng mga mobile phone. “Napakabilis magbago ng technology. We can include the eSIM for registration para walang kawala ang mga kawatan na nanloloko ng mga kababayan natin. Whether it’s physical or electronic SIM, dapat i-register,” ayon sa senador.

Umaasa ang senador na maipapasa ng Senado ang bersyon nito sa ikatlong pagbasa sa susunod na taon at mapagkasunduan ito sa bersyon ng kamara bago matapos ang kasalukuyang 18th Congress para maipatupad ito sa susunod na taon. 

Campaign manager ng kilalang pulitiko sa Batangas, patay sa baril

0

Tuy, Batangas. Binaril at napatay ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang isang diumano ay campaign manager ng kilalang pulitiko bandang 10:00, kagabi sa Brgy. Acle, bayang ito.

Ang biktima na kinilala ng mga tauhan ng Tuy Police Station na si Nomer Alipustahin, 52 anyos ay pinuntahan ng mga suspek sa kanyang bahay kung saan siya ay pinagbabaril, ayon sa report. 

Ayon sa mga nakakita, diumano ay bumaba ang dalawang lalaking lulan ng isang motorsiklo sa tapat ng bahay ni Alipustahin at pinasok ang biktima. Matapos anila ang sunod sunod na putok ng baril ay nakita nilang lumabas sa bahay ng biktima ang dalawang lalaki at tumakas sakay sa motorsiklo.

Nakuha ng mga pulis sa lugar ng krimen ang 14 na basyo ng balang kalibre 45 at 9mm.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pagpatay.

Bakunahan Bayanihan Part 2, isasagawa sa San Pablo City sa Disyembre 15 hanggang 17

0

San Pablo City, Laguna.  Isasagawa sa lungsod na ito ang ikalawang yugto ng programang Bakunahan Bayanihan sa Disyembre 15 hanggang 16 sa walong vaccination sites dito.

Ipinapayo ni San Pablo City Health Officer Dr. James Lee Ho sa mga San Pablo City residenst at non-residents na adults at teens na nais kumuha ng first dose na gawin ang mga sumusunod na hakbang bago pumunta sa vaccination site.

For San Pablo City Residents and Non-Residents

Step 1: Data Registration

Teens and Adults:  Kailangan ay may Google account upang matanggap ang instant confirmation na makikita sa inbox o spam folder.

Online: https://tinyurl.com/sanpablo1stdose or Barangay Registration

Step 2: Requirements

TEENS

  • Google Form Receipt Email / Barangay Registration Certification
  • Proof of guardianship (Birth Certificate- Photocopy / pagpapatunay mula sa Barangay kung hindi magulang ang kasama sa araw ng Bakunahan)
  • **Kung may comorbidity, medical certificate
  • ID ng magulang / guardian at bata

ADULTS

  • Google Form Receipt Email / Barangay Registration Certification
  • Kahit anong valid ID o Barangay Clearance
  • *Medical certificate kung may comorbidity

Step 3: Vaccination

Pumunta sa itinakdang oras at lugar ng vaccination site o sa barangay na dala ang lahat ng requirements.

3.6-M doses ng biniling Moderna at AstraZeneca vaccines, dumating sa PH kagabi

0

Tinanggap ng Pilipinas noong Biyernes ang kabuuang bilang na 3,646,600 dosis ng mga bakunang Astrazeneca at Moderna na binili ng pambansang pamahalaan at mga pribadong sektor, kagabi, Disyembre 10, 2021.

Sa mga pinakabagong shipment na ito, 698,600 na AstraZeneca doses ang nakuha ng pribadong sektor. Samantalang sa 2,948,000 na dosis ng mga bakunang Moderna na dumating – ang pinakamalaking delivery ng Moderna, Inc. sa Amerika. Ang 2,102,000 doses dito ay binili ng gobyerno at ang 846,000 doses naman ay binili ng pribadong sektor.

Kasama ang nabanggit na delivery, umabot na sa 155,071,570 ang kabuuang bilang ng COVID-19 doses na natanggap ng Pilipinas mula noong Pebrero

“The US government really supports the Department of Health and the Philippine government in the fight against COVID-19 in accelerating the vaccinations of the target population. We’re here to further support the Philippine government in the health needs of the Filipino people,” ayon kay Yolanda Oliveros, USAID deputy health director sa isang panayam noong dumating ang mga bakuna.

Ayon naman kay Jannette Jakosalem, Zuellig Pharma market managing director, 16 million na Moderna vaccine doses na ang nabibili ng pamahalaan at mga pribadong sektor.

Kaugnay nito, sinabi ni National Task Force against COVID-19 special adviser Dr. Teodoro Herbosa na ang pinakabagong mga paghahatid ng bakuna ay gagamitin para sa kampanya ng pagbabakuna ng ‘Bayanihan Bakunahan’ na nakatakda mula Disyembre 15 hanggang 17 na naglalayong ma- inoculate ang 7 milyong Pilipino.

Mga tricycle drivers, minasahe ng IM Pilipinas ni Isko Moreno

0

Sta. Cruz, Laguna.  Nagsagawa ng proyektong “Libreng Masahe sa Driver na Swabe” si Manila Mayor Isko Moreno para sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association  kahapon sa bayang ito.

Ayon sa Secretary General ng I’m Pilipinas Movement 2022 na si Elmer Argaño, bahagi ito ng community service ng IM Pilipinas, grupong sumusuporta sa presidential bid ni Moreno.

Kasabay nito ay nakipag dayalogo sa programang ISKOwentuhan si Moreno sa mga miyembro ng Tatlong Gulong. Nagpahayag ng mga hinaing ang mga miyembro nito partikular sa pag aalis ng mga terminal sa nabanggit na bayan.

Kabilang din sa mga community service ng IM Pilipinas ang Kalinga na nakatutok sa pangangalaga sa kalusugan ng senior citizens at ISKOlayan na nakatuon naman sa kapakanan ng mga bata.

Nagbigay din ang grupo ni Moreno ng libreng pagsasanay sa ilalim ng Free Livelihood project nito.

Senior citizen, inaresto dahil sa hindi pagsusuot ng mask

0

San Fernando, Romblon.  Inaresto ang isang lalaking senior citizen dito sa kasong hindi pagsusuot ng face mask habang naglilinis ng kanyang motorsiklo sa tapat ng kanyang bahay.

Si Rolando Eso, 60 anyos ay sinita ng mga pulis sa hindi pagsusuot ng face mask ngunit nakipagtalo ito at nagwala, batay sa video na nasa ibaba.

Ayon sa salaysay ng senior citizen, diumano ay tinanong niya sa mga pulis kung bakit siya aarestuhin ngunit sa halip na sumagot at agad siyang singunggaban at hinila patungo sa police patrol vehicle.

 “Natural na magpumiglas ang asawa ko dahil nabigla ito sa pag aresto at wala itong alam na nagawa nitong kasalanan”, ayon sa asawa ng ni Eso. Idinagdag pa ng pamilya na “sa Metro Manila at iba pang lugar sa Pilipinas ay maraming hindi nagsusuot ng face mask pero hindi naman hinuhuli ng mga awtoridad.”

Nakatakdang magsumbong sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang pamilya ni Eso sa reklamong abuse of authority at maltreatment na ginawa ng mga pulis. 

Kaugnay nito, ipinaliwanag  ni Police Maj. Francis Rey Manito, hepe ng pulisya ng Romblon na napilitan ang mga pulis na dakipin si Eso dahil sa pagwawala nito.Sinabi din niyang kakasuhan ito ng disobedience to a person in authority at direct assault dahil sa pagpipilit nitong makawala sa mga pulis.

Samantala, nanatiling mahigpit na nag uutos ng Department of Health ang pagsusuot ng facemask sa mga pampublikong lugar bilang bahagi ng minimum public health standards(MPHS).

Nagdaos ang DAR ng harvest festival sa Cavite demo farm

Naic, Cavite. Nagsagawa ng harvest festival ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa lalawigan ng Cavite sa 6,000 sq.m. vegetable demo farm sa Joselito Tibayan’s Farm sa Palangue 2-3 sa bayang ito.

Sinabi ni DAR-Cavite Provincial Agrarian Reform Program Officer II James Arthur T. Dubongco na sa ang demo farm ng mga gulay ay katuwang ang DAR provincial office sa Cavite, pamahalaang munisipyo ng Naic, Department of Agriculture (DA), East-West Seed Philippines, at Palangue Agrarian Reform Cooperative (PARC).

Ipinaliwanag niya na ang demo farm ay nagpapakita ng iba’t ibang gulay at nagsilbing larangan ng pag-aaral para sa dalawampu’t walong (28) magsasakang miyembro ng tatlong DAR assisted agrarian reform beneficiary organizations (ARBOs) na nakalista sa ilalim ng DAR’s Farm Business School (FBS), kung saan ay ipinakilala ang teknolohiya sa pagsasaka.

“Your established demo farm is undeniably the fruit of your hard work, coordination, and unity. We want to congratulate all of you on the successful implementation of the project. So you can see, there is money in farming and vegetable production,” ayon kay Dubongco.

Nagpasalamat din si Tibayan sa DAR, DA, Department of Trade and Industry (DTI), local government unit (LGU) ng Naic, East-West Seed, at iba pang katuwang na ahensya sa kanilang walang sawang suporta sa nabanggit na samahan. “We are deeply touched by your determination to uplift the status of our lives by simply providing us the different support services,” ayon sa kanya. 

Sinabi ni Tibayan na naniniwala siya na limang taon mula ngayon, magbabago ang buhay ng mga magsasaka at magiging positibo ang kanilang buhay.“Farming is one type of a business that should be studied well on how it can be developed by the farmers,” ayon sa kanya.

Naniniwala din siya na limang taon mula ngayon, magbabago ang buhay ng mga magsasaka at magiging positibo ang kanilang buhay.“Farming is one type of a business that should be studied well on how it can be developed by the farmers.

Ang demo farm ay nagpapakita ng iba’t ibang gulay at nagsilbing larangan ng pag-aaral para sa dalawampu’t walong magsasakang miyembro ng tatlong DAR assisted agrarian reform beneficiary organizations (ARBOs) na nakalista sa ilalim ng DAR’s Farm Business School (FBS), kung saan ay ipinakilala ang teknolohiya sa pagsasaka, ayon pa rin sa kanya.

“Your established demo farm is undeniably the fruit of your hard work, coordination, and unity. We want to congratulate all of you on the successful implementation of the project. So you can see, there is money in farming and vegetable production,” ayon kay Dubongco.

Garlic farming sa Bulalacao muling palalakasin

0

Bulalacao, Oriental Mindoro. Inaasahang muling lalakas ang produksyon ng bawang dito matapos mamahagi ang Department of Agriculture (DA) MiMaRoPa-High Value Crops Development Program (HVCDP) ng dalawang tonelada ng pananim na bawang sa Brgy. Cabugao, bayang ito.

Tinanggap ng mga pinuno at miyembro ng Cayambang Farmers Association (CFA) ang mga pananim at nabigyan ng tig 25 kilos ang bawat kasapi nito.

Ang distribusyon ng mga pananim ay pinangunahan ni HVCDP Provincial Coordinator Arjay Burgos, Agriculturist II at Technical Staff Gerald Alapar, Agriculturist I, ang distribusyon at ang Municipal Agriculture Office ng Bulalacao sa pamamagitan nina Municipal HVCDP Coordinator Maycil Cabagay at Indigenous People Coordinator Ike Inggo.

“Malaking tulong ang mga libreng pananim na ito mula sa Department of Agriculture. Ilang taon na po kaming nakatatanggap ng biyaya tulad ng mga pananim na bawang, sibuyas at iba pang biyaya gaya nitong onion hanger.  Kaya kami po ay nagpapasalamat sa tuloy-tuloy na biyaya ng gobyerno sa [mga] ganitong tulong,” ayon kay Elvira Bernardo, kasapi ng CFA.

“Umaasa tayo na sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga libreng pananim na bawang ay mahihikayat natin ang mga magsasaka sa malawakang pagtatanim ng bawang,” ayon kay Cabagay.

Ipinangako niya na kikilos sila para magkaroon ng mas malaking market ng bawang sa layuning maibalik at mapalakas ang garlic farming sa Bulalacao.

Ang CFA ay binubuo ng mga residente ng Sitio Cambayang, Brgy. Cabugao.  Ang nabanggit na barangay ay isa sa apat (4) na barangay sa Bulalacao na nagtatanim ng bawang kasama ng Brgy. Cambunang, Maujao at Nasucob.

Bakunahan, dadalin na sa palengke ng San Pablo City bukas

0

San Pablo City, Laguna.  Magbubukas ng temporary vaccination site sa second floor ng San Pablo City Shopping mall bukas, Disyembre 11,2021 mula 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Ang proyektong Bakunahan sa Palengke ay naglalayong mabigyan ng first dose ang mga manininda at mga tauhan na hindi makaalis sa kanilang mga tindahan para pumunta sa mga vaccination sites, ayon sa paliwanag ni City Health Officer Dr. James Lee Ho.

Upang makabilang sa Bakunahan sa Palengke, magrehistro sa link na ito:

TINYURL.COM/SANPABLO1STDOSE

Kunan ng larawan o screenshot ang proof of registration at ipakita sa site. Hindi na kailangan ang email confirmation.

Illegal miners, inaresto sa Taal Volcano Protected Area

0

Talisay, Batangas. Inaresto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng Environmental Law Enforcement and Protection Service (ELEPS) kamakailan ang isa pang grupo ng mga suspek sa isang anti-illegal quarrying operation sa Taal Volcano Protected Area kamakailan.

Sinabi ni DENR Secretary Roy A. Cimatu na ang mga minerong patuloy na gumagawa ng mga ipinagbabawal na aktibidad ay nangangahulugan na “nananatili silang hindi natatakot sa environmental laws at sa mga kaukulang mga parusa sa paglabag dito.

“These illegal quarrying operations cannot be stopped if we remain complacent with enforcement operations. This is the reason why the DENR has bolstered training for our enforcement personnel, and more reasons why the legislative arm of the government should expedite the Environmental Protection and Enforcement Bureau (EPEB) Bill,” ayon kay Cimatu.

Labing limang iligal na minero ang nahuli sa operasyon ng DENR at kasalukuyang nahaharap sa mga kaso ng paglabag sa Republic Act (RA) 11038 o ang Expanded National Integrated Protected Area Systems (E-NIPAS) Act of 2018, RA 7942 o ang Philippine Mining Act of 1995, Presidential Decree 705 o The Revised Forestry Reform Code of the Philippines, at RA 9275 o ang Clean Water Act.

Nakumpiska sa mga dinakip ang tatlong backhoe, dalawang screener na ginamit upang tukuyin at paghiwalayin ang buhangin at graba, at isang trak na may kargang 127 board feet ng round logs at 122.83 board feet ng tabla.

Natuklasan din ng mga operatiba ng ELEPS na ang lugar ay ginamit bilang isang “firing range” na may mga asul na bariles na puno ng graba at buhangin na nagsisilbing “target papers.” May nakita ring mga bullet slug sa lugar.

Tiniyak ni DENR Undersecretary for Enforcement Benito Antonio De Leon na “gagawin ng ELEPS team ang kanilang makakaya upang maikulong ang mga nagkasala pagkatapos ng operasyong ito.”