Trece Martires City, Cavite. Binaril at napatay ang isang deputy city prosecutor sa tapat ng kanyang bahay sa Elysian Field Subdivision, Brgy. Cabuco, lungsod na ito bandang 7:30 ng umaga kahapon.
Ang napatay ay kinilala ni Cavite PNP Director Arnold Abad na si Deputy Prosecutor Edilberto Mendoza.
Batay sa paunang pagsisiyasat, nakatayo ang piskal sa tapat ng kanyang bahay ng barilin sa ulo ng hindi nakilalang lalaki.
Ayon sa mga nakasaksi, ang suspek ay kampanteng naglakad palayo matapos barilin ang biktima.
Hinihinala ng pulisya na usapin sa lupa ang motibo ng pagpatay.
Kaugnay nito, inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigations na magsagawa ng manhunt at alamin kung sino ang nasa likod ng krimen.
“Ang kalunos-lunos na pagkamatay ni ACP Mendoza ay malinaw na nagpapakita ng panganib sa buhay na kinakaharap ng ating mga tagausig sa pagganap ng kanilang mga tungkulin,” ayon kay Guevarra.
San Pablo City, Laguna. Nananawagan si Dr. James Lee Ho, city health officer ng lungsod sa mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak na nasa edad 12 hanggang 17.
“Ang pagpapabakuna sa inyong anak ay ang pinakamahusay na paraan upang protektahan sila laban sa COVID-19. Marami sa mga clusters at paglaganap ng COVID-19 na kinasasangkutan ng mga kabataan ay matutunton sa mga extra curricular activities tulad ng sports, social gatherings at pamamsyal kagaya nitong nagdaang kapaskuhan,” ayon kay Dr. Lee Ho.
“Importanteng mabakunahan ang mga bata dahil kapag sinipon, inubo ang mga magulang na uuwi sa kanilang mga anak na wala pang bakuna ay nanganganib ang mga bata,” dagdag pa ng city health officer.
Noong Agosto 12, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 87,663 aktibong kaso ng COVID-19, kaya naging 1,700,363 ang kabuuang bilang ng mga kaso sa Pilipinas mula noong nakaraang taon. Ang mga nahawaang bata na 10 taon hanggang 19 taong gulang ay 7% o 116,035, ayon sa datos na ito.
Batay sa mga datos, ang mga kabataan ay maaaring magkasakit ng malubha kung sila ay mahahawa. May posibilidad na mangailangan sila ng pangangalaga sa hospital at maaari pang mamatay mula sa “Multi-System Inflammatory Syndrome in Children.” (MIS-C). Ito ay isang kondisyon kung saan ang iba’t ibang bahagi ng katawan ay maaaring mamaga, kabilang ang puso, mga baga, mga bato, utak, balat, mga mata o bahaging panloob (organ) ng gastrointestinal. Dagdag pa rito, ang ilang mga bata na nahawahan ay may mga pangmatagalang komplikasyon sa kalusugan o ang long COVID na nagsasanhi ng matagalang pagkaramdam ng pagod, pananakit ng ulo at hirap sa pagpopokus na maaaring abutin ng mga linggo o mga buwan.
“Sana po ay maging responsable ang bawat isa sa pangangalaga sa sarili, sa kanyang pamilya at sa kanyang kapwa. Mag ingat po ang lahat. Lagi po tayong mag mask, mag alokohol ng mga kamay at umiwas sa mataong lugar,” ayon kay Dr. Lee Ho.
Sa bukod na report, napag alaman na dalawang batang may Covid-19 ang kasalukuyang naka-confine sa isang ospital sa lungsod na ito.
Si San Pablo City Mayor Amben Amante at Dr. James Lee Ho sa isang pagpupulong ukol sa mga paghahanda sa ibayong papapalakas ng mga programa ng San Pablo City laban sa Covid-19.
Samantala, isasagawa sa Enero 3, 2022; 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa San Pablo Convention Center ang booster dose vaccination program para sa mga residente ng San Pablo City, Calauan, Victoria, Kikw, Nagcarlan and Alaminoa
1. Huwag kumuha ng appointment kung hindi kasama sa covered dates ang inyong 2nd dose o primary dose. Siguruhing nakalipas na ang 3 buwan mula noong kayo ay naturukan ng second dose (PFizer, Sinovac, Astrazeneca, Moderna, Gamaleya Sputnik) at 2 buwan (Janssen) bago magpa booster dose. Hindi mababakunahan kung wala pang tatlong buwan kahit may appointment slip kayo.
2. Ang tatanggapin lamang sa schedule na ito ay mga residente ng 3rd District ng Laguna. Hindi tatanggapin ang mga hindi naninirahan sa mga nasabing distrito. Magdala ng VALID ID na magpapatunay ng inyong residence.
3. Gumamit ng active na email address upang matanggap ang appointment confirmation.
4. Magpa appointment ng minsan lamang. Kung nais magpA reschedule o magkansela, buksan ang confirmation email at i-click ang mga link sa ibabang bahagi.
Nagsara ang taong 2021 na ang bansa ay may kabuuang 2,843,979 na confirmed case ng Covid-19 matapos maitala ang 2,961 new infections noong Bisperas ng Bagong Taon.
Ang nangungunang rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 1,981 o 68 porsiyento, Calabarzon na may 431 o 15 porsiyento, at Region 3 na may 179 o 6% ng mga bagong kaso sa bansa, ayon sa report ng Department of Health (DOH).
Ang mga bagong kaso noong Biyernes ay nagpakita ng 82.4 porsyento ng pagdami mula noong Huwebes na 1,623, ito ay nagtaas sa bilang ng active cases sa 14,233.
Sa mga aktibong kaso, 8,365 ang banayad, 628 ang asymptomatic, 342 ang kritikal, 1,701 ang malala, at 3,197 ang katamtaman.
“Of the 2,961 reported cases today, 2,927 or 99 percent occurred within the recent 14 days – December 18 to 31, 2021,” ayon sa DOH.
Sa Covid-19 bulletin, naitala rin ang DOH ng 481 na bagong recoveries na nagtulak sa kabuuang bilang ng recoveries sa 2,778,242.
Sta. Maria, Laguna. Inaresto ng PNP Laguna Intelligence group ang isang bagitong pulis na gumahasa sa isang 14 anyos na dalagita noong Biyernes ng gabi sa bayang ito.
Kinilala ni Laguna PNP provincial director P/Col. Rogarth Bulalacao Campo ang suspect na si John Mari Lontoc, 26, binata at nakatalaga sa Sta Maria police station.
Si Lontoc ay kinilala at itinuro ng kanyang biktimang 14 anyos at tiniyak na ito ang gumahasa kanya.
Ayon sa salaysay ng biktima. Nakainuman ng kanyang ama si Lontoc at nakitulog ito sa kanil. Madaling araw noong Biyernes ay pumasok ang suspek na pulis sa kwarto ng biktima at nagbanta na papatayin siya kapag sumigaw o nanlaban.
Pagkatapos isagawa ang panghahalay ay mabilis na umalis ang pulis at naiwan nito ang kanyang bag at baril.
Agad na nagsumbong ang dalagita sa kanyang ina na agad nagtungo sa himpilan ng pulisya at nagsampa ng reklamo laban kay Lontoc.
Agad namang iniutos ni PNP Chief Dionardo Carlos, chief na Laguna PNP ang pagdakip sa suspek na pulis.
Dahil sa pagdami ng mga kaso ng Covid-19 sa gitna ng kapaskuhan, pinapanatili ng COVID-19 task force ng Pilipinas ang buong bansa sa Alert Level 2 status mula Enero 1 hanggang 15, 2022.
“The Inter-Agency Task Force (IATF) on Wednesday, December 29, 2021, approved the recommendation to maintain all provinces, highly urbanized cities, and independent component cities under Alert Level 2 from January 1, 2022 until January 15, 2022,” ayon kay Acting Presidential Spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang press statement.
Noong Miyerkules, iniulat ng Department of Health (DOH) ang 889 na active cases ng Covid-19, na nagtulak sa buong bansa sa tally na mahigit 2.8 milyon.
Ang bilang na ito ang pinakamataas na bilang ng daily attack rate na naitala ng bansa mula noong Nob. 27.
Tumaas din ang positivity rate sa 4.5 percent, na pinakamataas din simula noong Nob. 13.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pa rin malinaw kung ang surge ay dahil lamang sa holiday activities o dahil sa Omicron variant.
Kaugnay nito, sinabi ni Nograles na naglabas din ang IATF ng updated na risk classification ng mga bansa, teritoryo, at hurisdiksyon simula Enero 1 hanggang 15.
Ang mga destinasyon sa ilalim ng “red list” o may high risk ng Covid-19 infection ay ang Eswatini, Lesotho, Malawi, Mozambique, Namibia, at Spain.
Nasa “green list” naman o low risk of Covid-19 infection ang Bangladesh, Benin, Bhutan, British Virgin Islands, China (Mainland), Cote d’ Ivoire (Ivory Coast), Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands (Malvinas), Fiji, The Gambia, Guinea, Hong Kong (Chinese Special Administrative Region), Indonesia, Kuwait, Kyrgyzstan, Liberia, Montserrat, Oman, Pakistan, Paraguay, Rwanda, Saba (Special Municipality of the Kingdom of the Netherlands), Saint Barthelemy, Sao Tome and Principe, Senegal, Sierra Leone, Sint Eustatius, Taiwan, Timor-Leste (East Timor), Togo, Uganda at United Arab Emirates.
Ang lahat ng iba pang bansa/teritoryo/ hurisdiksyon na hindi binanggit sa itaas ay nasa ilalim ng “yellow list” o ang mga nasa katamtamang panganib ng impeksyon sa Covid-19.
Sa rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs, inaprubahan din ng IATF ang pagtanggap/pagkilala para sa mga layunin ng arrival quarantine protocols gayundin para sa interzonal/intrazonal movement ang national Covid-19 vaccination certificate ng Armenia, Belgium, Canada, France, Germany, Kuwait, New Zealand, Sri Lanka, Thailand, United States of America, at Oman.
Karagdagan pa ito sa iba pang mga bansa/teritoryo/ hurisdiksyon na ang mga proof of vaccination ay inaprubahan na ng IATF para sa pagkilala sa Pilipinas, at nang walang pagkiling sa iba pang mga proof of vaccination na inaprubahan ng IATF para sa lahat ng inbound travellers.
Ang Bureau of Quarantine, ang Department of Transportation-One Stop Shop at ang Bureau of Immigration ay inaatasan na kilalanin lamang ang mga proof of vaccination na naaprubahan ng IATF.
Masarap sa pakiramdam ang magbigay ng regalo sa ating mga mahal sa buhay. Ang best gift na binigay ko sa aking asawa na alam kong forever ay ang aking apelyido. Ang totoo, may kahirapan ang pag iisip ng kung ano nga ba ang magandang pang regalo na alam natin pakikinabangan ng pang matagalan ng ating reregaluhan.
Bilang isang magsasaka, punong kahoy at pagtatanim pa din ng mga ito ang para sa akin ay pinakamagandang regalo.
Kung may lupa din lamang tayong nabili o minana sa ating mga magulang huwag nating hayaan na ito’y nakatiwangwang. Taniman natin ito ng mga namumungang punong kahoy. Ito ang isa sa magandang regalo natin sa ating sarili at sa ating pamilya.
Year 2006 nagsimula na akong magtanim ng RX3 Rambutan variety. Sa aking bukid, hanggang ngayon ay patuloy pa rin ako sa pagtatanim ng mga puno na pwedeng pakinabangan ang bunga Maraming varieties ang Rambutan pero ang RX3 variety ay isa sa the best. Kaya naman pinadadami ko ang punla nito sa pamamagitan ng grafting sa aming nursery.
Kung may balak kayong magtanim ng rambutan, inirerekomenda ko ang RX3 variety. Ito ng pinakamagandang variety, ayon sa aking mga karanasan bilang farmer at rambutan grower.
Ano nga bang katangian meron ang RX3 na wala ang iba. Ang RX3 ay may tatlong katangian na pinagsama sama sa isang puno. Ito ay kombinasyon ng Bulala o Karayo ng Bicol (maasim at maliliit), RR ng thailand, at sa Ponderosa Ferreras.
May kaibahan ito sa ibang variety ng Rambutan. Ang dahon nito ay medyo rounded, hindi nabubulok ang tampok at hindi tumatabang kahit tumagal ng ilang araw. Namumunga na ang mga ito sa loob lamang ng 3 taon. Sa ika walong taon, ang mga ito ay hitik na hitik na sa bunga.
Ngayon ay naghaharvest na kami. Huwag lamang sana tayong tatamaan ng malakas na bagyo dito sa Laguna.
Masarap namnamin ang mga bungang pinagpagalan ng ating katawan at mga kamay. Regalong hindi basta basta nauubos.
Word of the Week:
The one who plants and the one who waters work together with the same purpose. And both will be rewarded for their own hard work. – 1 Corinthians 3:8
Sariaya, Quezon. Pinagbabaril ng dalawang hindi pa nakikilalang kalalakihan ang isang 65 anyos na bantog na furniture maker habang nagtatrabaho ito sa loob ng isang furniture shop sa bayang ito, bandang 12:30 ng tanghali kahapon.
Ang biktima ay kinilala na si Isagani Argosino, residente ng Sitio Birhenan Barangay Manggalang 1 sa nabanggit na bayan.
Ayon sa paunang pagsisiyasat ng Quezon Police Provincial Office, tumigil sa tapat ng furniture shop ang isang motorsiklo sakay ang dalawang suspek, pumasok ang mga ito at nagpanggap na tumitingin ng mga muwebles ng biglang pagbabarilin ng mga ito si Argosino.
Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay. Narekober din sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng bala na hindi pa natutukoy na kalibre.
Kasabay ng panawagan sa mga hindi pa nagpapa bakuna ng Covid-19 ay hinihikayat ko rin na magpaturok na ng third dose o booster shot ang lahat ng indibidwal na fully vaccinated na.
Kung tatlong buwan na ang nakalipas mula nang matanggap ninyo ang ang inyong second dose ay pwede na kayong magparehistro at magtungo sa vaccination site upang maturukan ng booster dose.
Kung Janssen vaccine ng Johnson & Johnson ang primary doses ninyo, ng dalawang buwan lang pagkatapos ng second dose ay maaari nang magpa booster shot.
Dapat nating gawin ito habang wala pa ang pinapangambahang Omicron variant sa ating pamayanan. Importante ito upang magkaroon ng karagdagang proteksyon. May panlaban tayo sakaling makapasok ang bagong Covid-19 variant of concern na Omicron.
Ano mang oras ay maaaring muling tumaas ang bilang ng mga kasong Covid. Inaasahan ito ng Department of Health pagkatapos ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. May kalayaan ng gumalaw ang mga tao sa labas ng kanilang tahanan bukod pa sa pagiging kampante ng ilan. Dahil dito, tila imposibleng walang madadapuan ng virus lalo na at nasa tabi-tabi pa rin ang Alpha, Beta at Delta Covid-19 variants.
Samantalahin natin ang maraming supply ng Covid vaccines. Tangkilikin natin at suportahan ang mga pagsisikap ng ating pamahalaan na mabigyan ng proteksyon ang bawat mamamayan. Ang buong makakaya ay ibinibigay ng ating mga lokal na opisyal upang mailigtas tayo sa pagkakasakit na dulot ng Covid-19. Kitang kita ang mga paghihirap at pagsasakripisyo nila. Ang tanging gagawin na lamang natin ay magtataas ng manggas para maturukan.
Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng karagdagang P1B sa mga local government units (LGUs) sa Region IV-B (P84.38 milyon), Region VI (P248.35 milyon), Region VII (P202.66 milyon), Region VIII (P115.43 milyon), Region X (P84.37 milyon) at Region XIII (264.81 milyon) upang tulungan sila sa pagtugon sa mga pinsalang dulot ng Bagyong Odette.
Ang mga alokasyon para sa kani-kanilang mga rehiyon ay kinalkula batay sa bilang ng mga apektadong kabahayan at sa tamang halaga ng pinsalang idinulot ng Bagyong Odette sa mga imprastraktura at sektor ng agrikultura sa mga nabanggit na rehiyon, batay sa iniulat kamakailan ng Department of Social Welfare and Development:
*In million pesos. *Numbers may not add-up due to rounding off.
Ang kabuuang pangangailagan sa pondo ay ibinawas din mula sa FY 2021 Contingent Fund at ida-download ng Bureau of Treasury sa kanya kanyang awtorisadong government servicing banks ng mga benepisaryong LGU.
Sa pangkalahatan, ang Departamento ay nakapaglabas na ng P2B para tulungan ang mga LGU na nahihirapang maglalabas ng Local Budget Circular na magbibigay ng mga guidelines sa pagpapalabas at paggamit ng financial assistance.
HAGUPIT NG BAGYO. Nasa larawan ang ilan sa mga nasirang bahay sa Sipalay City, isa sa pinakamatinding tinamaan ng Bagyong Odette sa Negros Occidental noong Disyembre 17, 2021. Naitala ng southern city ang pinakamataas na bilang ng mga nasawi sa lalawigang ito na umabot 18 batay sa mga report hanggang Huwebes (Disyembre. 23, 2021). Photo Credits: Sipalay City LGU
Naglaan ng karagdagang Php 950M o $19M ang United States of America ng tulog para sa mga komunidad na naapektuhan ng bagyong si Odette sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID). Dahil dito, umabot na sa Php 1B o $20.2M ang kabuuang suportang naibibigay ng US para sa mga bitima ng nabanggit na bagyo.
Sa tulong na ito, ang USAID ay magbibigay ng tulong sa pagkain; sanitation at hygiene programs at shelter assistance upang matugunan ang agarang pangangailangan na muling makapag tayo ng bahay ang mga biktima.
“The United States is pleased to announce an additional and significant assistance of P950 million, which brings our total amount of aid for Typhoon Odette to over P1 billion. We stand steadfast with our long standing friend, partner, and ally in helping support communities devastated by the typhoon. This additional assistance will help deliver food and hygiene supplies, and provide life-saving support to those most in need,” ayon kay U.S. Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires (CDA) ad interim Heather Variava.
Ang bagong pondong ito ay dagdag sa P50M ($1 milyon) na inireport noong unang bahagi ng linggong ito upang suportahan ang mga pagsisikap sa emergency logistics at matiyak na maihahatid ang tulong sa mga nasa malalayo at mahirap puntahang lugar.
Mula sa pondong ito ay bubuo din sa P10M ($200,000) na kaagad na ibinigay ng USAID pagkatapos ng bagyo para sa mga supply ng pagkain, tubig, at hygiene supplies upang maibalik ang mga serbisyo ng water supply at sanitation facilities sa mga apektadong lugar.
Nakatakdang bisitahin ni CDA Variava ang mga komunidad na naapektuhan ng Bagyong Odette at tingnan ang mga isinasagawang aktibidad ng pagtulong ng U.S.
Ayon sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 508,785 na bahay ang winasak ni Odette sa Visayas, Mindanao at ilang isla sa MIMAROPA. Mahigit na 52,000 na pamilya ang nawalan ng bahay bago mag Pasko.
We use cookies on our website to give you the most relevant experience by remembering your preferences and repeat visits. By clicking “Accept All”, you consent to the use of ALL the cookies. However, you may visit "Cookie Settings" to provide a controlled consent.
This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. These cookies ensure basic functionalities and security features of the website, anonymously.
Cookie
Duration
Description
cookielawinfo-checkbox-analytics
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Analytics".
cookielawinfo-checkbox-functional
11 months
The cookie is set by GDPR cookie consent to record the user consent for the cookies in the category "Functional".
cookielawinfo-checkbox-necessary
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookies is used to store the user consent for the cookies in the category "Necessary".
cookielawinfo-checkbox-others
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Other.
cookielawinfo-checkbox-performance
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Performance".
viewed_cookie_policy
11 months
The cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin and is used to store whether or not user has consented to the use of cookies. It does not store any personal data.
Functional cookies help to perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collect feedbacks, and other third-party features.
Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.
Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.
Advertisement cookies are used to provide visitors with relevant ads and marketing campaigns. These cookies track visitors across websites and collect information to provide customized ads.