Natukoy ang dalawang bagong kaso ng Omicron variant sa Australia sa dalawang pasahero na bumaba sa Sydney galing sa South Africa, ayon sa mga health officials ng South Wales kanina.
Unang natuklasan ang Omicron sa South Africa at kasunod nito ay nakapagtala ng mga kaso sa Netherlands, Denmark, Belgium, Botswana, Germany, Hong Kong, Israel, Italy at United Kingdom.
Ang bagong “variant of concern” ay natuklasan noong Biyernes ng World Health Organization, at nagdulot ng pag-aalala na maaaring matalo nito ang mga bakuna at pahabain pa ang halos dalawang taong pandemya ng COVID.
Ang Omicron ay potensyal na mas nakakahawa kaysa sa mga naunang variant, ngunit hindi pa alam ng mga eksperto kung magdudulot ito ng higit o hindi gaanong malubhang COVID-19.
Ipinagbabawal na ng mga bansa ang paglalakbay sa South Africa. Ang Israel ay nagsara na sa para lahat ng turista at muling gagamitin dito ang counterterrorism phone-tracking technology upang mapigilan ang pagkalat ng bagong variant.
Samantala, ang mga vaccine makers ay kasalukuyang nagsisikap na maghanda laban sa bagong variant sa pamamagitan ng pagsubok ng mas mataas na dosis ng mga booster shot, pagdidisenyo ng mga bagong booster na handa sa strain mutations, at pagbuo ng mga booster laban sa sa omicron variant.
San Pablo City. Laguna. Inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kahapon sa lungsod na ito ang kanyang “Food Production Strategic Plan” na ayon sa kanya ay gagabay sa kanya sa pagpapalakas ng food security ng bansa sa ilalim ng kanyang pagkapangulo.
“Dahil ang seguridad sa pagkain ay napakahalaga at hindi tayo gumagawa ng sapat na pagkain para sa pinaka pangunahing pangangailangan ng mga tao. Dapat, simula 2022, magkaroon na tayo ng Food Production Strategic Plan na magiging gabay para sa budget ng lahat ng departamento at iba pang ahensya na direktang sangkot sa produksyon ng pagkain,” ayon kay Moreno sa pakikipag pulong nya sa mga magsasaka at magniniyog na ginanap sa isang niyugan sa Brgy. San Antonio sa nabanggit na lungsod.
“Kasi ngayon, kada isang taon, pabago bago ang suporta sa agrikultura. Kailangan may food production plan. Kailangan may direksyon ang pantustos ng pamahalaan. At ito ang pagkukunan ng 5-year medium term spending bilang suporta sa food production. Hindi na pwede yung panaka-nakang mga interventions, tulad nangyari sa hog industry. Hindi naagapan ang pagpasok ng African Swine Fever; nalugmok ang mga magba-baboy, lalo na yung mga backyard hog raisers. Resulta nito, tumaas ng todo-todo ang presyo ng karne ng baboy. Tapos importasyon na naman ang madaliang solusyon,” ayon sa kandidato sa pagka pangulo ng Aksyon Demokratiko.
Kasama ni Moreno sa ginanap na “Listening Tour” ang grupo ng Partido Demokratiko sa nabanggit na lungsod na sina Najie Gapangada at Pamboy Lopez, kandidatong mayor at vice mayor at mga kandidatong konsehal nito na sina Mark Alimagno, Julius Bragais, Amben Cabasa, Bernie De Mesa, Larry Dizon, Michael Exconde at Doods Tan.
Kasama naman ni Moreno ang kanyang running mate na si Dr. Willie Ong at mga kandidatong senador na sina Dr Carl Balita, Samira Gutoc at Jopet Sison.
Magtutulungan ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Department of Agrarian Reform (DAR) upang magbigay ng malawakang tulong sa pagpapaunlad ng merkado at produkto sa mga agrarian reform communities (ARCs) (ARCs) at agrarian reform beneficiaries organizations (ARBO) sa MIMAROPA.
Nakipagpulong si DTI MIMAROPA Regional Director at DTI-Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) Program Manager Joel B. Valera sa bagong hinirang na DAR Chief na si Bernie Cruz upang pag-usapan ang mga plano para sa mga grupong agraryo sa bansa. Isa sa mga highlight ng pulong ay ang paigtingin ang roll-out ng Common Service Facilities (CSF), ang probisyon ng farm production, at post-harvest machinery at equipment sa mga agrarian beneficiaries. Ang CSF ay naglalayong i-level up ang produksyon at pataasin ang produktibidad para sa pag-unlad ng ekonomiya sa mga rural na lugar. Bukod dito, ang pinaigting na pakikipagtulungan sa pagitan ng DTI-CARP at DAR ay magbibigay din ng tulong sa marketing na tutulong sa mga benepisyaryo na sumunod sa mga regulasyon ayon sa batas, pagbuo ng produkto, promosyon sa merkado sa pamamagitan ng mga trade fair, market linkages, at capacity development.
“Kailangan tulungan ang mga agrarian reform communities and beneficiaries’ organizations, at small landowners para magkaroon sila ng continuous livelihood opportunities. The development of the country’s agricultural sector plays a big role sa poverty reduction and inclusive growth.” ayon kay Valera sa isang panayam noong Nobyembre 25, 2021.
Iisa ang pananaw ng DTI-CARP at DAR sa pagpapaunlad ng entrepreneurship sa buong bansa na magmumula sa kanayunan at mga magsasaka-benepisyaryo at may-ari ng lupa sa ilalim ng dalawang ahensya.
Mga taga 1st, 2nd at 4th District ng Laguna, lalawigan ng Quezon, Batangas at iba pang lalawigan, bayan at lungsod, mag rehistro upang makapagpabakuna sa San Pablo City vaccinations sites.
“Ang pagprotekta sa ating kalusugan sa pamamagitan ng pagbabakuna ay magdaragdag sa ating kumpiyansa na makalabas at makita ang ating mga mahal sa buhay ngayong Pasko, gayundin ang pagtiyak ng ligtas na pagbalik sa trabaho. Kaya’t hinihikayat namin ang lahat, lalo na ang aming lolo at lola, at ang aming mga mahal sa buhay na may mga kondisyong medikal na hindi pa nababakunahan, na samantalahin ang National Vaccination Days at magpabakuna na,” ayon kay San Pablo City Health Officer Dr. James Lee Ho.
Kaugnay nito, nananawagan ang Department of Health (DOH) sa lahat ng Pilipino na buhayin ang tradisyon ng bayanihan at makiisa sa “Bayanihan Bakunahan: Ligtas. Lakas, Buong Pinas,” ng isasagawang National Vaccination Days sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, 2021.
Ang idineklarang National Vaccination Days ay isang malawakang vaccination drive na may layuning mabigyan ng bakuna ang lahat ng Pilipino upang sila ay mabigyan ng ligtas at maligayang Pasko 2021.
Ayon sa mga report sa US, mahigit na 93% ng mga namatay sa COVID-19 ay kabilang sa mga hindi nabakunahan. Sa Pilipinas, 85% ng mga admission dahil sa COVID-19 ay hindi pa ganap na nabakunahan, ayon sa mga report ng mga ospital sa DOH Data Collect mula Marso 1 hanggang Nobyembre 14. Bukod dito, 93.4% ng namatay at nagkaroon ng malubhang pagkakasakit ay nangyari sa mga wala pang bakuna, ayon sa report na nakalap ng DOH.
Nananawagan din si Dr. Lee Ho sa publiko na suportahan ang National Vaccination Days sa pamamagitan ng paghikayat sa mga kaibigan at pamilya na hindi pa nabakunahan na magparehistro para sa kanilang first dose.
Bagama’t pinapayagan ang walk-in lalo na para sa mga senior citizen at mga may comorbidities na taga San Pablo, hinihikayat ang pagpapa rehistro sa link na ito: Teens and Adults:
Ang mga magpapabakuna ng first dose na taga San Pablo City ay may pagkakataong manalo ng Yamaha Motorcycle, 43 inch flat screen TV at maraming iba pang papremyo sa vaccinaton grand raffle daw na “Doble Panalo Ka! Protektado na May Special Prize Ka Pa.”
Para naman sa mga taga 1st, 2nd at 4th District ng Laguna, lalawigan ng Quezon, Batangas at iba pang lalawigan, bayan at lungsod, mag rehistro dito:
Nilagdaan Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), isa sa mga subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang infrastructure arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) at Department of Interior and Local Government – CALABARZON (DILG IV-A) para sa pagsasagawa ng road safety education campaign at tourism promotion activities para sa rehiyon.
Sa bisa ng MOU, magtutulungan ang DILG IV-A at MPT South sa pagbibigay ng dagdag na kaalaman tungkol sa local governance at social development sa pamamagitan ng Local Governance Resource Center (LGRC) facility. Ito ay isang dynamic, interactive at virtual program na nagsisilbing sentro ng kaalaman sa pagbabahagi sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon ng iba’t ibang impormasyon. Makakatulong ito sa pagpapaunlad ng kanilang mga kapasidad sa pagpapatakbo ng kani-kanilang mga bayan at siyudad.
Katuwang ang DILG IV-A, inaasahan ng MPT South na mapapaigting nito ang pagsasakatuparan ng iba’t ibang social advocacy projects nito gaya ng ‘Drayberks’ at ‘Bayani Ka’ na pawang mga road safety programs na naghihikayat at nagtuturo sa iba’t ibang motorista at komunidad ng mga alituntunin sa expressway at sa mga pamamaraan upang maituring na road safety advocates.
Layunin ng “Draybers” road safety seminar na maiwasan ang pagkakaroon ng mga road accidents sa mga mga toll roads ng MPT South: Manila-Cavite Expressway (CAVITEX); CAVITEX C5 Link; at Cavite-Laguna Expressway (CALAX). Habang ang Bayani Ka naman o Bayani ng Kalsada, ay nagnanais na magbigay ng karagdagang kaalaman hinggil sa batas na Limited Access Facility Act (R.A. 2000).
Kasama rin sa mga nakalatag na proyekto ng MPT South at ng DILG IV-A ang pagsusulong ng turismo sa CALABARZON sa pamamagitan ng paggawa ng mga multimedia materials upang maipagmalaki ang iba’t ibang mga pagkain, lokasyon at tanawin sa rehiyon gamit ang Biyaheng South social media accounts at iba pang programa ng DILG IV-A.
Nakita kagabi sa South Africa ang isang bagong Covid variant na tinawag ng World Health Organization (WHO) na Omicron variant. Ayon sa paunang report, ito ay mabilis na lumilipat sa mga kontinente at pinangangambahan ang maraming spike mutation nito. Dahil sa takot ay nag uunahan ngayon ang mga bansa sa pagsususpindi ng air travel.
Ang Omicron (B.1.1.529): SARS-CoV-2 Variant ay may dalang mataas na bilang ng mutation sa spike protein na may malaking kinalaman sa pagpasok ng virus sa cells ng katawan, ayon sa report ng Bloomberg.
Pinag aaralan pa ng mga eksperto kung ang bagong variant na ito ay mas mabilis makahawa at kung mas nakakamatay ito kaysa sa Delta variant.
“ There was an “unusual constellation of mutations And that it was “very different” from the other variants that have circulated. This variant did surprise us, it has a big jump on evolution [and] many more mutations that we expected,” ayon kay Prof Túlio de Oliveira, director ng Centre for Epidemic Response and Innovation in South Africa.
Ayon naman sa paunang ebidensya na nakalap ng (WHO), mas mataas ang panganib na magkaroon ng reinfection dahil sa nabanggit na variant kumpara sa ibang variant of concern.
Samantala, sinabi naman ni US infectious disease chief Dr Anthony Fauci na bagaman at ang bagong variant of concern ay nagbabadya ng panganib, malaki ang posibilidad na ang bakuna ay makakatulong upang makaiwas sa malalang pagkakasakit at pagkamatay. “Until it’s properly tested, we don’t know whether or not it evades the antibodies that protect you against the virus”, ayon kay Dr Fauci.
Nakita ang mga kaso ng Omicron variant sa Botswana, South Africa. Israel, Hong Kong at Belgium. Kaugnay nito, maraming bansa ang nagsuspindi na ng pagpasok ng biyahe ng mga eroplano mula sa mga nabanggit na bansa kasama ang Pilipinas.
Binabantayan ng Department of Health ang bagong coronavirus variant na B 1.1.529 na may mga kaso na sa South Africa, ayon kay acting Presidential spokesperson and Cabinet Secretary Karlo Nograles kahapon. Kaugnay nito, sinuspindi na ang pagpasok ng mga byahe ng eroplano mula sa South Africa, Botswana at iba pang bansa na may kaso na ng bagong variant hanggang Disyembre 15.
Ang B 1.1.529 variant ay naiiba, mayroon itong hindi karaniwang constellation ng mutation kagaya ng sampu ang receptors nito samantalang ang Delta variant ay dalawa lang, ayon kay Tulio de Oliveira, the director of South Africa’s Center for Epidemic Response and Innovation.
“It is spreading very fast and we expect to see pressure in the health system in the next few days and weeks,” ayon kay Tullo.
San Pablo City, Laguna. Bobolahin sa Vaccination Grand Raffle Draw sa lungsod na ito ang first prize na Yamaha Motorcycle para sa mga magpapabakuna ng first dose sa National Vaccination Days sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, 2021.
Ang “Doble Panalo Ka! Protektado Ka na May Special Prize Ka” raffle draw na hatid ni San Pablo City Mayor Amben S. Amante at ng pamahalaang lokal ng San Pablo ay naglalayong makahikayat ng maraming first time vaccinees na magpabakuna na sa darating na National Vaccination Days.
Maaaring manalo ang mga magpapabakuna ng first dose ng mga sumusunod na premyo: Grand Prize na 1unit Yamaha Motorcycle, major prize na Samsung 43 inch TV (3 winners) at minor prizes na cellphone (2 winners),10 kilo rice pack (30 winners), oven toaster (2 winners) at turbo broiler (2 winners).
Abangan na lamang ang iba pang detalye at mechanics ng raffle draw, ayon sa abiso ng San Pablo City Information Office.
Simula na ng pagbibigay ng Covid-19 booster shot sa bansa. Abala na ang Department of Health at ang mga lokal na health offices sa kampanya na magpa booster shot ang lahat.
Parang itong pamaskong laruan na pop fidget toy. Lahat ay gustong magkaroon. Sa dami ng gustong mag access sa online registration ay nagkaka technical difficulties ang online portal. Nagkukumahog ang mayorya ng populasyon sa pagpaparehistro. Lahat ay gustong mauna.
Pagkatapos nito, malalaos na parang Hello Kitty ang booster shot. Lalangawin na naman ang mga vaccination sites. Maiiwan na naman ang 36% na ayaw magpabakuna. Ayon sa survey na ginawa ng SWS ngayong Nobyembre 2021, 64% lang ng Pilipino ang gustong magpabakuna.
Kasunod nito ay makikiusap ang mga health at public officials.”Parang awa nyo na po, magpa booster shot na kayo.” Pero tila walang uri ng pakiusap ang makakatinag sa kanila. Kahit may raffle prize na cash at bigas, ayaw pa rin ng iba.
Hanggang ngayon ay isa isa pang hinahabol ng mga health workers ang mga ayaw magpabakuna. Bukod pa dito ang mga misteryosong hindi na kumuha ng second shot.
Malapit na ang Pasko. Magiging abala tayo sa pagbili ng mga regalo at pagdalo sa mga Christmas party. Panahon din ito upang magbalik-tanaw tayo sa nakaraan. Noong panahon na nakikipaglaban tayo sa Covid-19 habang umaatake ito ng walang awa. Alalahanin natin ang mga kaanak, kaibigan, kapitbahay at kaopisina na namatay ng nag iisa sa mga ospital at quarantine facilities. Huwag nating kalimutan kung paano pinabagsak ng malupit na pandemya ang global economy na nagresulta sa pinakamalubhang recession mula noong World War ll.
Kaya ilagay natin ang booster shot sa holiday wish list natin. Libre ito – pamaskong regalo para sa lahat.
Bumaba na ng 28% ang bilang ng new Covid-19 cases sa buong bansa nitong mga nakaraang linggo, ayon sa report ng Department of Health (DOH).
“Our epidemic curve shows that the current average of daily cases have further decreased by 550 cases this week. We have the daily average reported cases in the country at 1,436,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang online media forum.
Bumaba ng 28% ang bilang ng new cases kaysa sa naitalang 1,986 na kaso noong Nobyembre 8 hanggang 14.
Kabilang sa top five regions ng pinakamaraming bagong kaso ang National Capital Region (NCR) with 429 cases; Region 3, 351 cases; Region 4-A (Calabarzon), 351; Region 2, 211; at Region 12, 175.
Nasa top five naman sa mga lalawigan na pinakamaraming new cases ang Isabela, 161; South Cotabato, 149; Bulacan, 120; Laguna, 193; at Quezon City, 91.
“Nationally we are at a low risk case classification with a negative two week growth rate at – 49 percent and moderate risk average daily attack rate at 1.55 cases for every 100,000 individuals,” ayon kay Vergeire.
We use cookies on our website to give you the most relevant experience by remembering your preferences and repeat visits. By clicking “Accept All”, you consent to the use of ALL the cookies. However, you may visit "Cookie Settings" to provide a controlled consent.
This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. These cookies ensure basic functionalities and security features of the website, anonymously.
Cookie
Duration
Description
cookielawinfo-checkbox-analytics
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Analytics".
cookielawinfo-checkbox-functional
11 months
The cookie is set by GDPR cookie consent to record the user consent for the cookies in the category "Functional".
cookielawinfo-checkbox-necessary
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookies is used to store the user consent for the cookies in the category "Necessary".
cookielawinfo-checkbox-others
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Other.
cookielawinfo-checkbox-performance
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Performance".
viewed_cookie_policy
11 months
The cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin and is used to store whether or not user has consented to the use of cookies. It does not store any personal data.
Functional cookies help to perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collect feedbacks, and other third-party features.
Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.
Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.
Advertisement cookies are used to provide visitors with relevant ads and marketing campaigns. These cookies track visitors across websites and collect information to provide customized ads.