‘Hot coco lumber” nasamsam sa Quezon; 3 suspek dinakip

0
173

Tayabas City, Quezon. Naharang ng pulisya noong Miyerkules ang isang trak na puno ng kahoy niyog na iligal na pinutol na nagkakahalaga ng P150,000 at naaresto ang tatlong tao sa lungsod na ito sa Quezon province.

Iniulat ng Quezon Provincial Police Office na noong Huwebes, Hulyo 21 ay na nag-flag down ng mga anti-illegal logging operatives ang  isang ten wheeler truck na minamaneho ni isang nagngangalang Jerry Grielbo sa Brgy. Calumpang.

Nakita ng mga awtoridad sa sasakyan ang kargang ang mga kahoy ng niyog na iligal na pinutol na may sukat na 13,000 board feet (30.67 cubic meters).

Sinabi ng pulisya na nabigo ang driver at ang kanyang dalawang katulong na sina Graciano Gonzaga at Rico Alauri, na makapagbigay ng Philippine Coconut Authority (PCA) permit para sa mga kargamento kung kaya kinumpiska nila ang mga tabla at ang trak.

Nakakulong ang mga suspek at nakatakdang humarap sa kaso ng paglabag sa Republic Act 10593 o ang Coconut Preservation Act of 1995, kung saan ay ipinagbabawal ang pagputol ng mga puno ng niyog maliban kung pinahihintulutan ng lokal na tanggapan ng PCA.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.