House bill nagbigay ng kapangyarihan kay PBBM na pigilin ang PhilHealth premium hike

0
242

Limang lider ng House of Representatives ang naghain ng kagyat na panukalang batas na nagbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na suspindihin ang pagtaas ng mga premium ng mga “direct contributors” ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), kabilang ang mga empleyado.

Sa paghahain ng House Bill (HB) No. 6772, sinabi ng mga may-akda na halos hindi na nakabangon ang bansa mula sa mga pagkalugi at paghihirap na dulot ng pandemya ng Covid-19, dahil maraming negosyo ang hindi pa muling nagbubukas, at maraming tao ang nananatiling walang trabaho.

Sinabi ni Speaker Martin Romualdez, isa sa mga may-akda, na ang pag suspinde sa adjustment ay mag-aalis ng dagdag na pasanin sa pananalapi sa milyun-milyong manggagawa sa gobyerno at pribadong sektor, mga propesyonal, self-employed at iba pang mga contributor ng PhilHealth na patuloy pa ring naaapektuhan ng pandemya.

Sinabi niya na ang mga daily wage earners at maraming empleyado, na binubuo ng mayorya ng mga miyembro ng PhilHealth, ay makakatipid ng hindi bababa sa PHP50 sa isang buwan o PHP600 sa isang taon mula sa kanilang pagbabayad sa health insurance premium kung masususpinde ang adjustment.

“Those earning more will naturally save more,” ayon sa kanya.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11223, o mas kilala bilang “Universal Health Care Act”, ang mga kontribusyon ay tataas ngayong taon mula 4 porsyento hanggang 4.5 porsyento, o mula sa pinakamababang buwanang premium na PHP400 hanggang PHP450.

Ang rate ay tataas pa sa 5 porsyento simula sa 2025.

Ang RA 11223, na pinagtibay noong 2018, ay hinahangad na amyendahan ng panukalang batas.

Ang iba pang may-akda ng panukalang batas ay sina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Senior Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander Marcos, at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre.

Sa kanilang iminungkahing pag-amyenda, na inihain noong nakaraang Enero 13, ay nagsasaad na: “The President of the Philippines may, upon recommendation of the PhilHealth board, suspend and adjust the period of implementation of the scheduled increase of premium rates during national emergencies or calamities, or when public interest so requires.”

Ito ay magiging isang bagong talata sa ilalim ng Seksyon 10 ng batas.

Sa paghahain ng amendatory bill, binanggit ng mga may-akda ang layunin ng Universal Health Care Act mismo, na “siguraduhin na ang lahat ng Pilipino ay garantisadong may pantay na pag-access sa de kalidad at abot-kayang mga produkto at serbisyo sa pangangalaga ng pangkalusugan at protektado laban sa panganib sa pananalapi.”

“The intent of the law is clear and cannot be overemphasized. Filipinos need and deserve a comprehensive set of health services that are cost effective, high quality and responsive to the requirements of all citizens. While PhilHealth only aims to fulfill and remain faithful to its mandate, imposing a higher premium on Filipinos in these current conditions where most of them are grappling with the pandemic will definitely enforce a new round of financial burden to its members,” ayon sa kanila.

Sinuportahan ni Marcos ang mga panawagan na ipagpaliban ang pagtaas ng PhilHealth premium ngayong taon, ayon pa rin sa kanila.

Nabanggit nila sa utos ng Pangulo, na naglabas ng memorandum si Executive Secretary Lucas Bersamin na sinuspinde ang adjustment at income ceiling para sa taong ito.

“Suspending the imposition of the new PhilHealth premium rates will provide a much-needed relief during national emergencies or calamities and will assure Filipinos that the government is sensitive to their sentiments in this difficult time,” ayon sa mga may akda ng panukala.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo