House: Dapat sagutin din ng PhilHealth ang dialysis meds ng mga may diabetes

0
925

MAYNILA. Inatasan ni House Speaker Martin Romualdez ang PhilHealth na pag-aralan kung maaari nilang sagutin na rin ang mga gamot na ginagamit sa pagpapa-dialysis ng mga pasyenteng may diabetes.

Ayon kay House Deputy Majority Floor Leader Erwin Tulfo, ito ang nais ng mga mambabatas sa Kongreso upang mabawasan o tuluyang malibre ang mga gamot ng mga may acute diabetes sa bansa.

“4.5 milyong Pilipino ang may diabetes at halos kalahati nito ang nagpapa-dialysis ng isa hanggang tatlong beses isang linggo,” ani Cong. Tulfo. Dagdag pa niya, “umaabot kasi ng P900 hanggang P1,500 ang injection pagkatapos ng dialysis session ng isang pasyente.”

Sinabi ni Tulfo na may instruction si Speaker Romualdez na pag-aralan agad ng PhilHealth kung papaano malibre o sagutin na lang nila ang gamot, totally. Maraming mga dialysis patients daw kasi ang lumapit na kay Romualdez para hilingin na gawing libre ang gamot o makakuha man lang ng discount.

“Sabi ni Speaker sa kanila naiintindihan niya ang bigat ng gastusin sa halos araw-araw ng pagpapa-dialysis,” ayon kay Tulfo. “The house leadership want to unload o bawasan itong pasanin sa pagpapa-dialysis,” dagdag pa ng mambabatas.

Sa ngayon, sinasagot na ng PhilHealth ang pagpapadialysis ng mga miyembro nito pero hindi pa kasama ang mga gamot na kailangan pagkatapos ng session.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo