House rental settlement nauwi sa pamamaril

0
257

TANAUAN CITY, Batangas. Nauwi sa krimen ang inaasahan sanang pag aayos sa isyu ng inuupahang bahay matapos na mabaril at mapatay ng anak ng caretaker ng bahay ang kanilang tenant habang sugatan ang nadamay na kapitbahay sa Brgy.Bagumbayan, lungsod na ito nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ang napatay na umuupa ng bahay na si Lester Patega, 40 anyos na idineklarang dead-on-arrival sa Laurel Memorial District Hospital dahil sa tama ng bala sa ulo.

Ginagamot naman sa nasabing ospital ang kapitbahay ng biktima na si Jaymar Dayan, matapos tamaan ng ligaw na bala.

Tinutugis na ng mga pulis ang tumakas na suspek na si Alfred Landicho, alias “Pido,” anak ng katiwala ng bahay lulan ng motorsiklo patungo sa Brgy. Tinurik, Tanauan City matapos ang ginawang pamamaril.

Nauna sa insidente, nagkaroon ng hearing sa barangay sina Patega at ang ama ni Landicho sa barangay hall kaugnay sa reklamo sa pagbabayad sa inuupahang bahay ng una at nagtapos ito sa “settlement” o pag-aayos at pagkakasundo.

Gayunman, biglang dumating at sumugod ang suspek na walang alam ang nagapgkasunduan sa hearing sa barangay, at may bitbit ng baril saka pinagbabaril ang nasabing tenant sa ulo.

Tinamaan ng ligaw na bala ang isang kapitbahay sa naganap na pamamaril.

Patuloy na tinutugis ang tumakas na suspek habang nagsasagawa ng patuloy na imbestigasyon ang Police Regional Office (PRO) Calabarzon sa utos ni Police General Carlito M. Gaces, direktor ng nabaanggit na PRO.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.