Housewife itinuturong utak sa pananambang at pagpatay sa lady financer sa Batangas

0
145

STO. TOMAS CITY, Batangas. Itinuturong mastermind ang isang ginang sa pananambang at pagpatay kay Jennifer Amante, isang lending financier at real estate broker at sa kanyang kasamang Arlene Mansanilla sa Barangay San Roque, sa lungosd na ito sa Batangas noong nakaraang linggo.

Ayon kay Police Col. Rodel Ban-O, hepe ng Sto. Tomas City Police Station, batay sa masusing pagsisiyasat, lumalabas na ang bumaril kay Jennifer Amante at ikinasugat ng kanyang alalay na si Arlene Mansanilya ay isang hitman na inupahan ng nasabing suspek na utak ng krimen.

Batay sa mga salaysay ni Ban-o, ang mastermind ay suspek na mastermind ay nagkunwari na isang mayamang businesswoman para makautang ng mala­king halaga ng pera kay Amante. May utang siya sa biktima ng mahigit sa P1 million.”

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, isang linggo bago ang insidente, napag alamang sinisingil ni Amante ang nasabing babaeng person of interest sa pagkakautang nito na isang milyon piso na matagal nang hindi nababayaran.

Maalala na magkasama sina Amante at Manzanilla ng sabayan sila at pagbabarilin riding in tandem criminals noong nakaraang linggo habang sakay ds kanilang van sa Sto. Tomas, Batangas.

Ayon sa update ni Ban-o na nagsasagawa na ng manhunt operation ang ­binuong tracker team upang madakip ang utak ng krimen at ang dalawang gunmen matapos mapag alaman ng mga awtoridad na may nakabinbin silang warrant of arrest na inisyu ng Tanauan court dahil sa kasong estafa.

“Matapos ang limang araw na backtracking investigation at pagrebisa sa maraming video footages ng close-circuit television (CCTV) came­ra na nakakabit may ilang metro ang layo bago nangyari ang krimen, ang helmet at motorsiklo na ginamit ng mga gunmen ay tumugma sa mga gunman na sangkot din sa shooting incident sa Tanauan City, Batangas,” pahayag ni Ban-o.

Ang tracker team ng Batangas PNP ay kasalukuyang nagsasagawa na ng manhunt operation upang mahuli ang mga suspek.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.