Humakot ng 45 medalya sa Kenya Martial Arts Competition ang mga atletang Pilipino

0
266

Mombasa, Kenya. Nakakuha ng 19 na gold, 10 silver at pitong bronze ang delegasyon ng Pilipinas na naglagay sa bansa second spot sa kabuuang award tally sa 9th Mombasa Open Tong-Il Moo-Do (TIMD) International Martial Arts Championship na ginanap mula 11 hanggang hanggang Disyembre 22, 2021 na ginanap sa nabanggit na bansa.

Nanguna sa listahan ay si Ms. Jinnefer Berfulfo na nag-uwi ng anim na gintong medalya matapos dominahin ang lahat ng anim na kategorya – ang Gichoom, Individual Sparring Finweight, Individual Bon, Team Bon Women, Team Mixed Bon, at ang Team Special Technique ang kanyang sinalihan.

Nanalo rin si Ms. Princess Minmi Ilustrisimo ng ginto sa Individual Special Techniques at nakakuha ng bronze medals sa women’s Sparring Flyweight at sa Individual Bong. Bahagi rin siya ng nanalong grupo sa Team Form Women, Team Special Techniques, at Team Mixed Form.

Ang iba pang Pilipinong atleta na nakakuha ng medalya mula sa indibidwal at grupong kategorya ay sina G. Mharjude Delos Santos, na may dalawang ginto at tatlong pilak; G. Cyrus Tumanda (3 gold, 3 silver); G. Reymark Bais (3 gold, 2 silver, 1 bronze); Ms. Jocelyn Pablo (2 gold, 2 silver); G. Aldrige Urianza (1 gold, 2 silver, 1 bronze); G. Vincent Laguerta (1 gold, 4 na silver, 1bronze); G. Jayson Purificacion (2 gold, 3 silver); G. Rhenel Desuyo (2 gold, 1 silver, 1 bronze); G. Rhenel Desuyo (1 gold, 1 silver, 1 bronze); at Ms. Marissa Arbolario na may isang gintong medalya mula sa Gichoom event.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo