Humihingi ng panalangin si Pope Francis para kay Benedict XVI

0
385

Sa pagtatapos ng General Audience, humiling si Pope Francis ng “mga espesyal na panalangin” para kay Benedict XVI “na may malubhang karamdaman.”

Kinumpirma ng direktor ng Holy See Press Office na nagkaroon ng paglala sa kanyang kondisyon sa kalusugan ngunit sinabing nananatiling stable ang sitwasyon.

Sa pagtatapos ng General Audience noong Miyerkules, inanyayahan ni Pope Francis ang mga mananampalataya na mag alay ng “espesyal na panalangin” para sa kanyang 95 taong gulang na hinalinhan, si Pope Emeritus Benedict XVI.

“I would like to ask you all for a special prayer for Pope Emeritus Benedict, who in silence is supporting the Church. Remember him – he is very ill – asking the Lord to console him, and sustain him in this witness of love for the Church, until the end,” ayon sa Santo Papa.

Dala ng katandaan

Sa pagsagot sa mga tanong sa kanya ng mga mamamahayag, kinumpirma ng Direktor ng Holy See Press Office na si Matteo Bruni na, “Nitong mga nakaraang oras ay nagkaroon ng paglala ng kanyang kalusugan dahil sa katandaan.”

Idinagdag niya na ang sitwasyon “sa sandaling ito ay nananatiling kontrolado,” at ang Pope Emeritus ay patuloy na sinusubaybayan ng mga doktor.

Sinabi rin ni Bruni na pagkatapos ng General Audience sa Paul VI Hall, pumunta si Pope Francis sa Mater Ecclesiae monastery sa Vatican kung saan nakatira si Benedict XVI.

“We join him in prayer for the Pope Emeritus,” ayon kay Bruni.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.