Hunyo 28, idiniklarang regular holiday ni PBBM bilang pagdiriwang ng Eid’l Adha

0
149

Sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 258 na nilagdaan noong Hunyo 13, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Hunyo 28 bilang isang regular na pambansang holiday ngayong taon, bilang pagdiriwang ng Eid’l Adha.

Ayon sa nasabing proklamasyon na isinapubliko ng Malacañang, ang pagdedeklara ng holiday ay batay sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos, na sumusunod sa 1444 Hijrah Islamic Lunar Calendar.

Ang Eid’l Adha, na kilala rin bilang “Feast of Sacrifice,” ay isa sa pinakamahalagang kapistahan na ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo. Ito ay nagpapahayag ng pagkilala at pag-alala sa pagsunod ni Ibrahim (o Abraham) sa utos ng Diyos na ialay ang kanyang anak bilang tanda ng kanyang pananampalataya.

Sa pagdeklara ng Hunyo 28 bilang regular na holiday, binibigyan ni Pangulong Marcos ng pagkakataon ang mga Pilipino, lalo na ang mga kapatid nating Muslim, na ipagdiwang ng malaya ang mahalagang okasyon na ito. Ito ay magbibigay-daan sa mga pamilya na magsama-sama at magbahagi ng mga panalangin, salu-salo, at pagpapahalaga sa kahalagahan ng pag-aalay at sakripisyo.

Sa mga darating na araw, inaasahang maging mapayapa at makabuluhan ang pagdiriwang ng Eid’l Adha sa buong bansa.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo