Huwag gamitin ang pulpito sa pulitika, paalala ng CBCP sa kaparian

0
893

Pinaalalahanan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kahapon, partikular na ang mga pari na ang pulpito ay dapat gamitin upang ipahayag ang salita ng Diyos at hindi para sa pulitika.

“But of course, when you announce the good news, it has implications about political life. We cannot separate faith and our societal life. But don’t use the pulpit for campaigning, as other bishops have said that has a point,” ayon kay CBCP president Bishop Pablo Virgilio David sa isang pastoral letter, kaugnay ng 36th anniversary ng Edsa People Power Revolution.

Sinabi ni David na may iba pang lugar upang ipahayag ng kaparian ang kanilang suporta sa ilang kandidato.

“We have to be more respectful. Because there are so many venues. There are many venues for expressing one’s political opinion but in the pulpit the foremost is the word of God and what is the implication of upholding truth, justice, and peace,” ayon sa kanya.

Gayunman, sinabi ni David na iginagalang niya ang posisyon ng mga pari at madre dahil sila rin ay mga mamamayan ng bansa na ang mga karapatan ay ginagarantiyahan ng Konstitusyon.

“Well, I said that we are citizens of this country. We also have a civic duty. We will just presuppose that the other priests led to that, meaning they have reached a decision in conscience, and that is to be respected,” dagdag pa niya.

Nang tanungin tungkol sa paghihiwalay ng simbahan at estado, sinabi niya na ang pangunahing kahulugan nito ay “nakadirekta sa estado”.

“The State has no business putting up a religion or favoring one religion against another. Well on the other hand you can only say the Church has no business putting up a State,” ayon sa obispo.

Idinagdag ni David na bilang mga mamamayan, dapat sila ay aktibong makisangkot sa pulitikal na buhay ng lipunan.

Nagpahayag din siya ng pagkadismaya sa “lantad at banayad na pagbaluktot, manipulasyon, pagtatakip, panunupil at pang-aabuso sa katotohanan” habang nalalapit na ang halalan.

“Let us examine ourselves. Perhaps we, too, sow the virus of lies, which spreads wildly, numbs our consciences,” ayon kay David.

Hinimok ng CBCP ang mga Katoliko, lalo na ang mga kabataan na suriing mabuti ang mga nangyayari sa paghahangad ng isang tunay at makatarungang lipunan sa pamamagitan ng pakikipag-usap at pag-unawa.

“We all seek the common good. And, in the light of the Gospel of Jesus, let us follow the path of truth, goodness, justice and peace – not the path of violence, vengeance, or evil,” ang kanyang pagtatapos.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.