Huwag ninyong iyakan, sa halip ay kagalakan

0
411

Ilang mga kaibigan mula sa Lokal na Pamahalaan ng San Pablo ang ‘nagkanda-iyak’ sa aking harapan dahil sa hindi ko pagpasok sa pamahalaan. Ikako’y bakit iiyakan gayong ako mismong may katawan ay lubos na kagalakan ang nararamdaman?

Anila’y ako raw ang nanguna sa pananawagan kay Vicente Belen Amante upang lumahok sa eleksyon at maging alkaldeng muli. Matagal na raw nasubok ang pagiging loyalista sa mga Amante at sa lokal na pamahalaan ng San Pablo. Matulungin at maaasahan daw lalo sa mga oras ng sobrang kagipitan. May kakayahan at katapatan daw kung sakaling mapapasok sa pamahalaan at marami pang pagpupuri upang ikataba ng aking puso.

Hindi kayang tumbasan ng pera’t ginto ang narinig na mga salita. Nakakaantig ng damdamin. Sino ako upang makatanggap ng ganitong paghanga mula sa kapwa San Pableño? Isang lokal na mamamahayag at wala naman sa plantilya ng pamahalaan subalit ang dapat matanggap na papuri ng mga taga pamahalaan ay sa akin binabanggit?

Hindi pwedeng ipagyabang ang kinusang pagpapakabayani para sa ikagagaling ng gobyerno. Hindi bawal ang maging volunteer lalo’t walang sariling kapakinabangang hinahangad. Nagkataong masugid na tagasuporta ng Administrasyong Amante na sa tuwing matatapos ang halalan ay nagkukusang lumayo sa tabi ng mga nanalong kandidato.

Napapaluha rin ang may-akda. Hindi dahil sa awa sa sarili man din ay dahil sa kagalakan. Minsan pang napatunayan sa sarili na mas masaya sa pribadong sektor kaysa mapapasok at magtrabaho sa pamahalaan.

Wika nga ni Matshona Dhliwayo, “you are compensated by what you take, but only truly rewarded by what you give.”

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.