HV target arestado, Php 68K na halaga ng shabu nakumpiska

0
298

Sta. Cruz, Laguna.  Arestado sa bayang ito ang isang high value target at nakuha sa kanya ang Php 68K na halaga ng shabu.

Nadakip si Eugene Bactad, isang provincial jail guard at residente ng Sitio 5, Brgy. Bagumbayan, Sta Cruz, Laguna sa buy-bust operation Sta Cruz Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni Police Lt. Colonel Paterno L. Domondon Jr. katulong ang PDEA Laguna, sa aktong nagbebenta ng iligal na droga sa pulis na nagsilbing poseur buyer.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong (3) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na pinaghihinalaang shabu na may street value na mahigit Php 68, 000.00.

Ang pag-aresto ay isinagawa matapos nakatanggap ng impormasyon mula sa isang confidential informant at na-validate ng Drug Enforcement Unit ng Sta Cruz MPS operatives hinggil sa ilegal na aktibidad at pagbebenta ng Methamphetamine Hydrochloride o “shabu” ng suspek, ayon sa report ni Domondon kay Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office kay Police Brigadier General Antonio C Yarra.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Sta Cruz MPS ang naarestong suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Ang mga nakuhang ebidensya ay isusumite sa Laguna Provincial Forensic Unit para sa forensic examination.

“Hindi tayo titigil sa pagpuksa sa anumang uri ng krimen sa ating lalawigan, lalo na para bantayan at sugpuin ang mga banta sa seguridad at kaayusan ng komunidad ng Laguna,” ayon kay Yarra.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.