IATF: Mananatili sa Alert Level 3 ang Laguna, Lucena, Batangas, Rizal, Cavite

0
198

Mananatili sa Alert Level 3 hanggang Enero 31 ang Rizal, Batangas, Cavite, Laguna at Lucena City sa Region 4-A (Calabarzon).

Nasa Alert Level 3 din ang Marinduque at Romblon sa Region 4-B (Mimaropa); Camarines Norte, Camarines Sur, Naga City at Sorsogon sa Region 5 (Bicol), Baguio City, Ifugao at Mountain Province sa Cordillera Administrative Region (CAR); Dagupan City at Ilocos Sur sa Region 1 (Ilocos); Santiago City at Cagayan sa Region 2 (Cagayan Valley); Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Olongapo City, Pampanga at Zambales in Region 3 (Central Luzon) ayon sa IATF Resolution 157-A.

Ang bagong desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay ipinahayag ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang briefing ng Palasyo kagabi.

Ang mga wala pang 18 taong gulang, at ang mga kabilang sa vulnerable populasyon ay papayagang makakuha ng mga essential goods and services, o upang magtrabaho sa mga pinapahintulutang industriya at opisina alinsunod sa mga umiiral na labor laws. Ang outdoor exercise ay pinapayaan para sa lahat ng edad anuman ang mga komorbididad o katayuan ng pagbabakuna.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.