Ibinaba ng Philvocs ang Taal sa Alert Level 2

0
340

Ibinaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) noong Sabado ang alert status ng Taal Volcano mula Level 3 (magmatic unrest) sa Level 2 (decreased unrest) dahil sa pagbaba ng aktibidad ng bulkan. 

“Walang naitalang aktibidad ng seismic na may kaugnayan sa mga bagong magmatic intrusions mula sa mas malalim na pinagmumulan ng magma ng Taal mula nang magsimula ang kaguluhan noong nakaraang taon,” ayon sa advisory.

Sa isang advisory, sinabi ng Phivolcs na 86 na small-magnitude at imperceptible volcanic earthquakes ang naitala mula nang pumutok ang bulkan noong Marso 26.

Karamihan sa mga naitalang lindol ay nabuo ng volcanic degassing mula sa mababaw na magma at hydrothermal region sa ilalim ng Taal Volcano Island (TVI) edifice.

Ang volcanic earthquakes ay sanhi ng paggalaw o pagsabog ng magma mula sa bulkan, kumpara sa tectonic na lindol na dulot ng fault movements. Ang phreatomagmatic eruption, sa kabilang banda, ay sanhi ng interaksyon ng magma at tubig.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo