Ibinasura ng Sandiganbayan ang ill-gotten wealth case vs Marcos Sr., asawa at iba pa

0
266

Matapos ang mahigit dalawang dekada, ibinasura ng Sandiganbayan ang ill gotten wealth case laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. gayon din ang malalapit nitong kaibigan.

Inalis na rin ng Sandiganbayan 5th Division ang sequestration order sa Lianga Bay Logging Co. at Yulo King Ranch, dalawang property na sinasabing pag-aari ni Marcos Sr. at kanyang mga kaalyado.

Sa resolusyon ng anti-graft court, ibinasura ang kaso laban kina Marcos, Rafael Sison, Peter Sabido, Luis Yulo, Nicolas Dehesa, at Don Ferry dahil sa kahinaan ng ebidensya na magpapakita ng mga plano at stratehiya ng mga nabanggit upang itago ang mga diumano ay ill-gotten wealth.

maaalala na inihain ang kaso taon 1987 laban sa mga defendants at sa mga kumpanyang Lianga Bay Logging Co., Philippine Integrated Meat Corporation, YKR Corporation at PIMECO Marketing Corporation.

Ayon sa rekord ng korte, itinanggi ni Yulo, isa sa akusado, ang alegasyon na nagkamal sila ng hindi maipaliwanag na yaman sa pamamagitan ng pakikipag sabwatan.

Batay sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang sinasabing hindi maipaliwanag na yaman ng pamilya Marcos ay tinatayang nasa pagitan ng US$5 billion hanggang US$10 billion na pinaniniwalaang nakatago sa mga bangko sa labas ng bansa.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.