Idineklara ng Palasyo ang Abril 21 na Eid’l Fitr nat’l holiday

0
281

Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahapon ang Abril 21 bilang isang regular holiday para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr, o ang huling araw ng Ramadan.

Nilagdaan ni Marcos ang Proclamation No. 201 matapos irekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na ideklara ang petsa bilang isang pambansang holiday.

“In order to bring the religious and cultural significance of the Eid’l Fitr to the fore of national consciousness, and to allow the entire Filipino nation to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in the observance and celebration of Eid’l Fitr, it is necessary to declare Friday, 21 April 2023, a regular holiday throughout the country,” ayon sa  proclamation.

Ang Eid’l Fitr, isa sa dalawang pinakamahalagang pagdiriwang ng Islam, ay ipinagdiriwang ng komunidad ng Muslim tatlong araw pagkatapos ng buwanang pag-aayuno sa Ramadan. Ang isa pang mahalagang pagdiriwang, ang Eid al-Adha ng The Feast of the Sacrifice.

Ang mga Muslim na Pilipino ay binubuo ng humigit-kumulang anim na porsyento ng populasyon.

Upang parangalan ang Islamic heritage ng bansa, itinatag ng gobyerno noong 2002 ang Eid’l Fitr bilang regular holiday sa bisa ng Republic Act 9177 at Presidential Proclamation 1083.

Ang holiday ay tinutukoy sa pamamagitan ng paggamit ng lunar-based na Islamic calendar sa pamamagitan ng pagkita ng crescent moon sa Islamic month ng Shawwal.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.